Ibinulong ni Amil ang orasyon na tuluyang sisira sa ipinataw niyang selyo kay Isagani sa kabila ng kahilingan nitong panatilihin siyang selyado. Nang makita ni Landon iyon ay napakuyom na lamang siya ng mga palad na batid niyang orasyong iyon ay para muling palabasin ang isang selyadong elemento. Hindi nagkamali si Landon sa kanyang nakikita sapagkat nang tuluyang matapos ang orasyon ay lumabas ang tunay na katauhan ni Isagani. Napatakip na lamang sa bibig si Eeya nang muling makita si Isagani. Nagdalawang isip man siya sa lalaking wangis nito ay naintindihan na niya sa pagkakataong iyon ang nangyari. “Hindi ito ang hiling ko,” ani Isagani nang tignan si Amil. “Hiling kong manatili sa katawang mortal dahil kung wala akong kapangyarihang elemento ay mawawala ang bawat bakas ng pagiging e

