Abala na ang buong templo sa paghahanda sa kasal nina Eeya at Landon. Naroroon na ang pamilya ni Eeya at mga ilang kasamahang babaylan ni Landon. Nasa silid pa rin si Eeya na bagamat tinanggap ang alok na kasal ni Landon ay may kaunting kirot pa rin sa kanyang dibdib. Pinilit ni Eeya na ngumiti. “Magiging masaya ka, Eeya,” pagkumbinsi niya sa sarili. Nagdesisyon si Eeya na lumabas na sa kanyang silid upang magpatulong sa pag aayos para sa kanyang kasal nang mapansin niyang wala na ang kuting sa kahon na pansamantalang naging higaan nito. Nagmamadaling lumabas si Eeya sa templo upang hanapin ang kuting. “Nasaan ka na ba? Babalikan ka niya… Ano nga bang pangalan ng lalaking iyon? Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya,” bulong nito sa sarili. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay nasa

