Huling araw na ng klase ni Eeya bago ang isang linggong bakasyon para sa paghahanda ng kanilang bayan sa nalalapit niyong kapistahan. Hindi maitago ni Eeya ang tuwa sapagkat sa mga nakaraang araw ay lagi niyang nakakasama si Landon. Hindi man niya inaasahan pero totoong masaya ang dalaga sa bawat oras na kasama niya ang mapapangasawa na maging sa mga oras na hindi sila magkasama ay ramdam pa rin niya ang tuwa. Malambing at maalalahanin si Landon. Iba ito mag isip at laging inuuna ang gusto at kapakanan ng dalaga. Malayong malayo kay Isagani na pa minsan minsan na lamang sumasagi sa kanyang isipan. Aminado si Eeya na sa tuwing makakasama niya si Landon ay lalo itong humahanga sa kanya, hindi lamang sa aspeto ng pagiging magaling na babaylan nito ngunit sa pagiging mabuting tao niya. Mad

