Habang hinihintay ng dalawa ang paggising ni Eeya ay inihanda ni Amil ang parte niya sa plano ng elementong kasama. HIndi man siya sigurado kung magtatagumpay ito ay batid niyang iyon lamang ang maaari niyang sandigan sa pagkakataong iyon. Inilagay ni Amil si Isagani sa maliit na papel na supot upang pagmukhain na pasalubong niya iyon sa kanya, Ilang oras pa ang lumipas at naiinip na si Amil sa paghihintay kay Eeya. Hindi pa niya nakikita ang pamangkin at labis na ang pag aalala nito sa kanyang kundisyon. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harapan ng altar upang pasukin na ang silid ng dalaga. Ngunit akma naman ang paglabas ni Eeya na nagising na mula sa mahabang pagkakatulog. “Tiyo Amil,” walang emosyon nitong sabi. Titig si Amil sa walang buhay na mga mata ng dalaga. Iyon pa lamang an

