Minabuti ni Isagani na iuwi si Eeya at pansamantalang kalimutan si Oune dahil batid nitong wala siyang magagawa sa elemento hanggat hawak nito ang kaluluwa ng dalaga. Inihiga niya ito sa kanyang silid at doon ay marahan na hinawakan ang kanyang pisngi. Wala pa ring malay ang dalaga at bagamat hindi nito marinig ang t***k ng kanyang puso ay mainit ang kanyang balat at humihinga ang kanyang kasintahan. Alam man ni Isagani na ganoon ang nangyayari sa isang mortal na nanakawan ng kaluluwa mula sa isang elemento ay hindi niya naisip na mangyayari iyon kay Eeya. “Bakit ka nagpatalo sa kutong lupa na `yon? Hindi ko marinig ang t***k ng puso mo.” Napailing si Isagani sa panghihinayang na wala siya sa tabi ng dalaga sa mga oras na sinugod siya ni Oune. “Eeya. Alam ko narito ka lang sa palagid. N

