Naging si Eeya sa napakagandang lugar. Berde ang damuhan sa malawak na kabundukan. Mag isa man siya ay payapa ang kanyang puso dala ng kapayapaan. Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa damuhang binudburan ng iba't ibang kulay na mga bulaklak. Pilit man niyang alalahanin ay hindi niya alam kung ano ang nangyari at kung nasaan siya. Tuwang tuwa si Eeya sa mga paru parong lumapit at sumayaw sa paligid niya. Ngunit sa kabila ng saya na nararamdaman ay tila ba may kulang. May hinahanap siya na hindi niya mawari. Hindi naglaon ay nakarinig siya ng boses na tinatawag sa pangalan niya. Hindi pamilyar sa kanya ang boses pero pagtataka niya ay bakit kilala siya nito. Pilit sinundan nang tingin ni Eeya ang boses pero hindi niya mapunto kung saan iyon nangagaling. Para iyong nagpapabalik balik sa pali

