Kabanata 55

1871 Words

Walang anu ano, hindi alintana ang nag aalab na damit ni Isagani ay bumwelo siya para makatakbo at sugurin si Landon. Nag iwan ng malaking butas sa sahig ang mga paa niya nang lumundag siya para lumaban. Handang handa na si Lando sa pagsugod niya na agad ring tumakbo pasugod sa kanyang kalaban. Kapwa tumama ang kani kanilang mga kamao sa pisngi ng bawat isa na sa lakas ay pareho silang napaurong muli na tanging mga kamay na idiniin sa sahig ang nagpabagal sa kanilang paglayo sa isa’t isa. Pag tigil pa lamang ni Isagani ay muli siyang lumundag para paulanan ng sipa si Landon na hindi inasahan ang bilis ng kanyang kalaban. Pakay ni Isagani na patamaan ang ulo ni Landon na siyang nakikita niyang kahinaan. Ngunit nabasa na ni Landon ang gagawin niya. Hinintay lamang ni Landon na sipang iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD