EPISODE 3 WHAT HAPPENED TO ADLER? DAMON ADLER’S POINT OF VIEW. “She has panic attacks again, Damon.” Napaigting ako sa aking panga at napasulyap kay Rebecca na natutulog ngayon sa kanyang kama. Chini-check siya ngayon ng kanyang private doctor at nurses. Hindi na naman nakontrol ni Rebecca ang kanyang sarili kanina at muntikan na naman niyang sinaktan ang kanyang sarili, buti na lang at naabutan siya ni Tita Devon at napigilan ito sa binabalak. Mabilis akong tinawagan ni Tita kaya mabilis akong napapunta rito sa bahay kung saan naka-stay si Rebecca. “Hindi mo siya pwedeng pabayaan na lang, Damon! Hindi ka ba naaawa sa kanya? Limang taon na simula nang magising siya sa seven years in coma, pero kahit nagising na siya ay naghirap pa rin si Rebecca. She’s your fiancé!” Hindi ko mapigil

