EPISODE 4 DECISION LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “LARA ANAK, alam mo namang wala na sa amin nakapangalan ang bahay, diba? Nakuha na lahat ng dati mong asawa ang lahat ng properties natin.” Napahilot ako sa aking ulo habang kausap ko si Mommy ngayon sa cellphone. Nang makauwi kami ni Ambrose galing trabaho ko ay agad kong tinawagan si Mom dahil hindi ako mapakali kung ano ang kanyang sadya sa akin, nang malaman kong ito pala ang kanyang sadya ay hindi ko mapigilan na ma-mroblema. “Mom, pwede naman kayong bumili ng bagong properties do’n sa Pinas kung gusto niyo talagang bumalik do’n. Pwede rin naman kayong magpatulong kay Isabelle, o hindi naman ay sa kanila ka na lang muna tumira,” sabi ko kay Mommy. Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga sa kabilang linya. “Anak, ang bahay namin

