EPISODE 7 MALL LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “KAILANGAN nating mag-shopping, Lara! Diba, Ambrose?” nakangiting sabi ni Steven at tinanong niya rin ang anak ko. “Yes, Papa Steven!” masayang sagot ni Ambrose at tumalon-talon pa siya. Napailing ako at tinignan ko si Danica upang humingi nang tulong sa kanya. Ngumuso naman siya at kinausap ang kanyang asawa. “Love, hindi mo naman kailangan na isama pa si Ambrose. Dito na lang siya kasama ko sa bahay,” malumanay na sabi ni Danica kay Steven habang nakaupo sa couch at hinahaplos ang kanyang malaking tiyan. Napanguso naman si Steven at hindi siya makapagsalita. “Mama Danica! Gusto ko pong sumama sa Mall!” naiiyak na sabi ni Ambrose at lumapit sa kanyang Mama Danica at hinawakan ang kamay nito. Napatingin naman sa akin si Danica na paran

