EPISODE 43 BLAMED LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. “Oh my God! Muntik na talaga akong atakihin sa puso nang malaman kong na-aksidente ka, Hijo! Bakit kasi hindi ka nag-iingat sa pagda-drive mo? Alam mo naman na delikado na ang daan ngayon at may takot na rin tayo diyan sa car accident na ‘yan lalo na’t iyan ang nangyari kay Rebecca noon,” wika ni Tita Devon habang kaharap si Adler. Hindi ko mapigilan na mapaismid sa aking kinauupuan habang nakatingin lang kay Tita. Pinaparamadam niya talaga ngayon na ayaw niya talaga sa akin—na kailanman ay hindi niya ako nagustuhan para kay Adler. Hindi niya ako pinansin kanina nang makarating siya rito sa hospital room ni Adler at si Adler lang din ang kanyang kinausap at pinansin. Wala naman akong pakialam kung hindi niya ako pansinin, sawang-sawa na r

