EPISODE 44 STORAGE ROOM LARA LAUREEN’S POINT OF VIEW. HINDI ako makapaniwala na pinayagan na akong pumasok sa trabaho ni Adler. Sabi niya ay safe naman daw na pumunta ako sa trabaho at may kasama rin akong limang bodyguards sa pagpunta ko sa trabaho. Si Ambrose naman ay napagpasyahan na muna naming mag-online class at hindi na muna siya pinapasok sa campus nila para masiguro namin ang safety ng aming anak at hindi rin ako mapanatag kapag nasa skwelahan si Ambrose dahil baka may biglang dumukot sa kanya. Si Adler naman ay busy sa pakikipag-usap palagi kay Alec at hindi na nila ako sinasama ro’n, wala naman kasi akong maintindihan at ramdam ko na may tinatago talaga silang dalawa sa akin. Isang beses ay sumama rin si Naime kay Alec sa pagpunta sa bahay namin at nagchikahan lang kaming da

