Herald POV "Can we try again" Bigla nalang lumabas ang mga salitang yan sa bibig ko habang kausap ko si Celix. Alam ko naman na alam niya ang ibig kong sabihin doon. Habang hinihintay ko ang sagot niya ay nakakunot noo lang siya nakatingin sa akin. Siguro tinatanong niya sa sarili niya kung trip lang ba yun o totoo ang sinabi ko. Gusto ko gawin ulit ang nanyari sa amin. Siguro nadala din ako sa eksena namin. Nabitin..... "H-hi M-mr Celix and Mr. H-Herald puwede p-po bang pa-picture" Napatingin nalang kaming dalawa ni Celix sa babaeng nasa harapan ng table namin. Student yata siya dahil naka uniform pa siya. At may hawak na cellphone. "Sure" ang sabi ko dito. "Oh my! Guys pumayag na sila tara!" ang biglang sabi ng babae sa likod niya. Ang dami pala niyang kasama. Pati

