Celix POV "Hoy! Kanina ka pa nakatanga dyan. Kumain kana para makatulog kana at maaga pa ang call time natin" ang sita sa akin ni Peachy "Nanay na ba kita Peachy" ang asar kong sabi sakanya "Wow nemen! Mukha na ba akong nanay kay ganda ganda ko at sariwa pa sa isdang bagong huli!" Nakakatawa talaga tong si Peachy. Nakakawala ng stress at pagod. Blessed ako na naging kaibigan pero turing ko na sakanya ay kapatid. "Oh Em G! Celix dada ako ng dada dito napakalalim ng iniisip mo! Don't tell me di ka makarecover kanina?" ang maarteng sabi nito. Ayoko man aminin talaga na stuck pa ako sa nangyari kanina. Di ko akalain na magagawa ko yun sa harap ng maraming tao at sa harap ng camera. "Ok lang ba yung acting ko kanina?" ang alalang tanong ko kay Peachy "Tinatanong pa ba yan. Ang gali

