Nianna’s POV Nang makaupo na kami sa sofa, tinitigan ni Mara ang pregnancy test na hawak ko. "Nianna, picturan mo nga itong PT at i-send mo kay Boss," utos ni Mara na biglang nagpatindig ng balahibo ko. "Teka... nakakahiya!" mabilis kong sambit habang pilit na itinago ang mukha ko sa unan. "Anong nakakahiya? Hindi nga siya nahiya nung ginalaw ka niya!" sagot naman niya, na tila ba walang preno ang bibig. "Kasi nga... akala niya girlfriend niya ako noon!" katwiran ko naman sa kaniya, pilit siyang ipinagtatanggol kahit paano. "Kahit na! Basta picturan mo 'yan," sambit niya. Pero bago pa ako makasagot, bigla niyang hinablot ang phone ko na nasa lamesa. Mabilis niyang itinapat ang camera sa PT at kumuha ng litrato. "Hala, Mara! Akin na nga 'yan!" Nag-agawan kami sa cellphone habang pi

