3rd Person’s POV Pagkatapos magpaalam ni Nianna, lumabas siya na may matamis na ngiti sa mga labi at matinding kilig hanggang sa makarating siya sa kaniyang sariling unit. Sa kabila ng lahat, hindi niya pa rin talaga inaasahan na may mangyayari sa kanilang dalawa ng kaniyang boss nang gabing iyon. Habang si Carlo naman, ganoon din ang naramdaman sa mga sandaling iyon. Gusto niya pa sana na mag-stay si Nianna sa tabi niya buong magdamag, pero alam niyang kailangan niya muna talagang bumalik sa mansyon. Kinabukasan, masayang gumising si Nianna nang maaga at agad na naligo. Habang bumubuhos ang tubig, iniisip pa rin niya kung panaginip lang ba ang lahat ng nangyari sa kanila ni Carlo kagabi. Pagkatapos niyang maligo, pumunta agad siya sa kusina at nagluto ng masarap na almusal. Nagising n

