Nianna’s POV Habang nakalapat ang labi niya sa akin, naramdaman ko ang marahang paggalaw ng mga ito. Ramdam na ramdam ko ang bawat mainit niyang paghinga na humahaplos sa mukha ko, hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang dila na dahan-dahang pumasok sa aking bibig. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila nawalan ng kontrol ang sarili kong katawan at kusa ring nag-respond ang dila ko sa mga halik niya. Gulong-gulo ang puso ko. Kung tutuusin, ito ang unang beses na mararanasan kong mahalikan nang ganito. Noong gabing may nangyari sa amin sa maling unit, wala ako sa sarili ko at sobrang lasing ako noon kaya wala akong maalala. Pero ngayon, dilat ang mga mata ko, gising ang buong sistema ko, at ramdam ko ang bawat init at tamis ng bawat paggalaw ng labi ni Boss Carlo. Bawat dampi ng dila ni

