Nianna’s POV "Nianna, oh, kumain ka nang marami para malusog ang bab—baby ng bulate!" Muntik nang mailuwa ni Mara ang sikreto ko. Mabuti na lang at mabilis siyang humalakhak nang malakas para magmukhang nagbibiro lang siya. Napailing na lang si Stella sa kaniya. "Ibang klase naman 'yang kaibigan mo, Nianna. Akala ko kung ano na, akala ko may baby na sa tiyan mo. Baby bulate pala, hahah!" hirit pa ni Stella na nakikisabay sa tawa. "Kinabahan ako roon, ah," sabat naman ni Kevin bago muling kumagat sa hawak niyang paa ng manok. Habang sila ay nagtatawanan, ako naman ay kinabahan nang husto. Ramdam ko ang lamig ng mga kamay ko sa takot na mabisto. "Bakit ka naman kakabahan, Kevin? Ikaw ba ang ama?" biglang tanong ni Stella. Sa sobrang gulat ko sa tanong niya ay bigla akong nabulunan. Na

