CHAPTER 3: Elevator Disaster

1153 Words
Carlo's POV Pagkatapos kong humingi ng tawad sa kaniya sa hallway, hindi man lang siya kumibo sa akin. Diretso at mabilis siyang pumasok sa sarili niyang unit na katapat lang pala ng sa akin. Pumasok na rin ako sa unit ko na mabigat ang dibdib dahil sa matinding konsensya. Hindi ko talaga inaasahan na siya pala ang nakatalik ko kagabi. At ang mas hindi ko mapaniwalaan hanggang ngayon... ako ang nakakuha ng pagkabirhen niya. Napatitig ako sa kama ko. Doon sa puting saplot, kitang-kita pa rin ang mantsa ng dugo. Napakamot na lang ako ng ulo sa matinding stress at kalituhan habang nakatayo sa tabi ng higaan. Paano ba humantong sa ganito ang lahat? Naupo ako sa tabi ng saksakan habang hinihintay na mag-charge at mabuhay ang phone ko na tuluyang nadeadbat kagabi. Pagka-open na pagka-open ng screen, sunod-sunod na notification agad ang pumasok. Ang daming chat mula sa girlfriend kong si Sophia. Mabilis kong binuksan ang huling message niya. “Sorry babe, hindi na ako makakapunta riyan sa unit mo ngayun, kasi bukas na pala flight ko ng 7 AM.” 'Yun ang sabi ni Sophia sa chat. Nanlamig ako. Pagtingin ko sa orasan sa pader, 9:00am na ng umaga at malapit na 10am. Halos maiyak ako sa galit at panghihinayang. Tinuloy niya pa rin pala ang plano niyang pumunta sa Canada nang hindi man lang ako personal na nakakapagpaalam. Agad ko siyang tinawagan. Isang beses, dalawang beses, pabalik-balik—pero hindi ko na siya ma-contact. Naka-airplane mode na siguro ang phone niya dahil nasa ere na ang eroplano. "Damn it!" sa sobrang bagsak ng emosyon ko, napasuntok na lang ako sa pader ng kwarto ko. Nianna's POV Katatapos ko lang maligo, pero grabe talaga ang sakit ng katawan ko. Sabog na sabog na ang utak ko sa kakaisip. Bukod sa late na ako sa trabaho ngayon, hindi ko pa magawang maglakad ng maayos dahil sa hapdi at bigat sa ibaba ng katawan ko. Tumingin ako sa orasan. Sa ganitong oras, dapat ay nasa opisina na ako, pero heto ako, nakatapis lang ng tuwalya at halos maiyak sa bawat hakbang ko. Pilit kong isinuot ang maluwag na pantulog na damit. Naisip ko ang itsura ko kung papasok ako—paniguradong mahahalata ng mga katrabaho ko na may mali sa bawat kilos ko. Idagdag pa ang chikinini sa leeg ko na kahit anong makeup ay mahihirapan akong itago. Wala na akong choice. Humawak ako sa pader habang dahan-dahang naglakad pabalik sa kama. Masakit man sa loob ko na umabsent sa trabaho, pero kailangan kong tanggapin na hindi ko kaya ngayon. Humiga na lang ako nang dahan-dahan at binalot ang sarili ko ng kumot. Kailangan kong lumabas. Pero paano? Masakit pa rin ang balakang ko, pero gutom na gutom na talaga ako at hindi ko na matiis. Wala akong ibang choice kundi ang bumaba at bumili ng pagkain. Kaya ko 'to, pilit kong pagpapalakas ng loob sa sarili ko. Bago ako lumabas, nag-practice muna ako maglakad-lakad sa loob ng sala. Ang sakit talaga sa bawat hakbang, pero bahala na. Nagsuot lang ako ng simpleng hoodie para matakpan ang leeg ko, tsaka ako lumabas ng pinto. Pagkaapak ko sa hallway, nakayuko lang ako habang pilit na binibilisan ang lakad papasok sa elevator. Natatakot kasi ako na baka biglang lumabas ang lalaking 'yun sa tapat—sobrang nakakahiya talaga. Laking pasalamat ko nang makapasok ako sa elevator na walang tao. Pero bago pa man tuluyang sumara ang pinto, may biglang humabol at pumasok. Nakayuko lang ako kaya sapatos at plantsadong slacks lang ang nakita ko, pero grabe, naka-porma na pang-bilyonaryo ang atake ng awra niya. Nanatili lang akong nakayuko hanggang sa biglang gumalaw nang kakaiba at nag-stop ang elevator sa pagitan ng mga floor. Napaangat ako ng tingin sa takot, at saktong nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Doon ko na-confirm... ang kasama ko ngayon sa elevator ay walang iba kundi ang lalaking gumalaw sa akin kagabi. Naputol lang ang titigan namin nang biglang mag-patay-sindi ang ilaw sa loob, kasunod ng malakas na pag-uga. Lumilindol! "Ahhhhh!" napasigaw ako sa takot at tuluyang nataranta. Pero sa hindi ko inaasahan, bigla akong hinila ng lalaki at mahigpit na niyakap sa gitna ng dilim. Ramdam na ramdam ko ang proteksyon ng mga braso niya habang gulo-gulo ang isip ko. "Kalma ka lang," bulong ng lalaki sa akin, mababa at kalmado ang boses niya. Sa sandaling 'on, parang biglang tumigil ang t***k ng buong mundo. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang sarili kong dibdib na halos sumabog sa lakas ng kabog. Dug... dug... dug… Ilang sandali pa ang lumipas bago tuluyang bumalik ang ilaw at unti-unting huminto ang pag-uga ng lindol. Nang kumalma na ang paligid, marahan akong binitawan ng lalaki at agad siyang bumalik sa pwesto niya sa kabilang gilid. Halos hindi ako makahinga habang inaayos ang hoodie ko. Pero kahit tapos na ang lindol, nanatili pa ring nakasara ang pinto. Na-stuck na nga kami sa loob. Agad na kinuha ng lalaki ang phone niya at tinawagan ang guard ng condo. Dahil sobrang tahimik sa loob ng elevator, rinig na rinig ko ang sagot ng guard mula sa kabilang linya. Sabi nito, kailangan muna naming maghintay ng sandali dahil may pupunta na dito para i-rescue kami. Pagkababa niya ng phone, binalot muli kami ng ilang segundong nakabibinging katahimikan. Maya-maya pa, lumingon siya sa direksyon ko. "Okay ka lang ba?" tanong niya, bakas ang seryosong pag-aalala sa boses niya. Dahan-dahan lang akong tumango bilang sagot, habang ang mga kamay ko ay mahigpit na nakahawak sa laylayan ng suot ko. Tumingin siya nang diretso sa akin, tila may gustong sabihin, bago muling nagsalita. "Ako pala si Carlo," pakilala niya. Napakagat-labi ako. Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko nang maalala ko ang nangyari sa aming dalawa sa unit niya kaninang umaga. "Ako naman si Nianna," sagot ko sa mahinang boses, sabay iwas ng tingin. Hindi ko talaga kayang tumitig sa kaniya nang diretso dahil sa tindi ng hiya na bumabalot pa rin sa buong pagkatao ko. Ilang sandali pa ang lumipas at sa wakas, dumating na rin ang rescuer. Hay, salamat sa wakas! Gusto ko nang maiyak sa tuwa habang binubuksan nila ang pinto mula sa labas para mapakawalan kami sa masikip at nakakailang na elevator na 'yun. Pero dahil kailangan ko pa ring bumaba para bumili ng makakain, at mukhang may lakad din siya, pareho kaming naglakad patungo sa kabilang elevator na gumagana naman nang maayos. Sumakay ulit ako, at hindi ko inaasahan na sumakay din siya kasabay ko. Muli, kaming dalawa lang ang magkasama sa loob. Pero sa pagkakataong ito, wala nang gumalaw o nagsalita sa amin. Tahimik lang kaming nakatayo habang nakatitig sa pababang numero ng mga floor. Hanggang sa makarating kami sa pinakababa, walang kibuan at walang salitang namagitan sa aming dalawa. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator, agad akong humakbang palabas para talikuran siya at takasan ang sobrang awkward na sitwasyong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD