Carlo's POV
Kararating ko lang sa opisina, pero halos wala akong masyadong nagawang trabaho buong mag hapun dahil 12pm lang naman ako nakarating dito. Paano ba naman, paulit-ulit kong tinatawagan si Sophia pero hindi ko talaga siya ma-contact. Kahit sa Messenger, hindi man lang siya nag-iiwan ng chat o paramdam kung nakalapag na ba siya sa Canada o kung ano. Walang kahit ano. Sa sobrang inis ko, naibato ko na lang ang ballpen ko sa table. Bwisit. Hindi ako makapag-focus.
Dahil sa tindi ng stress at init ng ulo ko, nagpasya akong umuwi ng maaga kaya naman nag paalam ako sa secretary ko na maaga akong uuwi
Pagkababa ko, dumeretso ako sa counter at umorder ng espresso. Habang naghihintay, nakatayo lang ako sa gilid at nakatitig sa phone ko, umaasang magri-ring ito o may magpa-pop up na notification mula kay Sophia. Pero wala talaga. Nagsisimula na namang mag-init ang ulo ko.
Eksaktong pagkaabot sa akin ng crew ng mainit na kape, lumingon ako para maghanap ng mauupuan. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Bogsh!
May biglang nabangga sa akin. Isang pamilyar na pigura na tila nagmamadali at nakayuko. Sa lakas ng impact, natapon ang hawak kong mainit na kape—diretso sa suot kong mamahaling white button-down shirt. Dumikit ang init ng kape sa dibdib ko, dahilan para mapamura ako sa isip ko.
"Ano ba naman—!" sigaw ko, handang-handa nang bulyawan kung sino man itong walang ingat na nakabangga sa akin. Dagdag sa stress ko ang tangang 'to!
"S-Sorry! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya..."
Natigilan ako. Agad na naputol ang susunod ko sanang sasabihin nang marinig ko ang boses na 'yun. Pag-angat ko ng tingin, nanlaki ang mga mata ko.
Si Nianna. Ang babaeng pumasok sa unit ko kagabi.
Bakás ang matinding taranta sa mukha niya. Nanginginig ang mga kamay niya habang pilit na humuhugot ng tissue sa dispenser para ipampunas sa basa kong damit. Pero nang mapansin niyang mas lalo lang kumakalat ang mantsa ng kape, bigla siyang napatigil. Tumitig siya sa akin, at nakita ko ang mabilis na pagka-pula ng mga mata niya. Unti-unting may namuong luha roon.
Handoon na naman 'yung itsura niya kaninang umaga—iyong iiyak na naman siya sa takot at kahihiyan. Sincere na sincere ang mukha niya sa paghingi ng tawad, na tila ba hiyang-hiya sa buong pagkatao niya dahil sa nagawa niya.
Dahil doon, parang lobong biglang nasingawan ang galit ko. Unti-unting humupa ang inis sa dibdib ko nang makita ko kung gaano siya ka-fragile sa harap ko.
"H-Huwag na. Ako na," mahinahong sabi ko, habang pinipigilan ko ang sarili kong masigawan siya.
Inagaw ko ang tissue sa kamay niya para ako na ang magpunas sa sarili ko. Pero sa pag-angat ng kamay ko, bahagyang nahawi ang hoodie na suot-suot niya. Doon ko napansin ang isang pamilyar na marka sa gilid ng maputi niyang leeg.
Isang matingkad na chikinini. Marka na alam kong ako ang gumawa kagabi.
Biglang bumalik ang matinding konsensya sa dibdib ko, at napalunok na lang ako habang nakatitig sa leeg niya.
Nianna's POV
Bakit ba laging nagtatagpo ang landas namin ng lalaking 'yun?! Ano ba ito, script sa K-drama?! Kung nag-boarding house lang sana ako at hindi bumili ng condo, baka nag-impake na ako ngayon at lumipat ng ibang matitirhan para lang takasan siya!
"Haaaaay..." Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakatayo sa loob ng elevator pabalik sa floor ko. May bitbit na nga akong pagkain, may bitbit pa akong matinding kahihiyan.
Pagtingin ko sa tapat ng pinto, nanlaki ang mga mata ko. Automatic na napaatras ang kanang paa ko. Tinitigan ko nang maigi, nang malapitan, at nang dulingan ang plaka sa pinto.
1-0-8. Okay, One Zero Eight. Inulit-ulit ko muna sa utak ko bago ko pinihit ang susi. "Mali na kung mali, huwag lang sa Unit 109! Lord, paki-guide naman ang paningin ko, baka multo na naman ni Carlo ang madatnan ko sa loob!" bulong ko sa sarili ko.
Nang masiguro kong unit ko nga ito, mabilis akong pumasok at ni-lock ang pinto na parang may humahabol na zombie sa labas. Napasandal ako sa pinto at dahan-dahang napa-slide pababa hanggang sa maupo ako sa sahig. Nauwi na naman ako sa pagiging tulala.
Pero in fairness, may mabuting naidulot naman ang araw na 'to. Mabuti na lang talaga at mabait ang supervisor ko at pumayag na mag-absent ako ngayon. Sabi ko na lang, sumasakit ang buong katawan ko (na 100% true naman talaga, salamat kay Unit 109).
Ang problema... paano na bukas?!
Tumayo ako at dumeretso sa salamin para tingnan ulit ang leeg ko. Napaigtad ako sa nakita ko. "Gosh, Nianna! Paano mo ididiskartehan 'tong chikinini na 'to bukas nang hindi nila nahahalata?!"
Kinausap ko ang sarili ko sa salamin habang nag-iisip ng mga nakatutuwang ideya. Ano kaya kung magsuot ako ng turtleneck? Kaso hello, nasa Pilipinas tayo, baka isipin nila nabaliw na ako sa init! O kaya mag-scarf ako? Baka naman tanungin nila kung anong fashion statement 'yun at sabihing feeling air hostess ako. O mas maganda kaya kung lagyan ko na lang ng dambuhalang band-aid tapos sabihin ko na lang na kinagat ako ng mutant na lamok? O kaya sabihin ko na lang na naumpog ang leeg ko sa... sa pinto? Sabagay, pinto naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng 'to!
"Argh! Nakakabaliw!" Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Mukhang magiging bff ko ang concealer at foundation ko bukas para lang maitago ang 'regalo' ng kapitbahay ko!
Habang abala ako sa pag-iisip kung anong idadahilan ko sa trabaho bukas, biglang may nag-doorbell.
Ding dong!
Napatigil ako sa pagsabunot sa buhok ko. Kinabahan ako bigla. Sino naman kaya 'to? Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at sumilip sa silipán. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang nakatayo sa labas.
Si Carlo!
Huminga muna ako nang malalim para ihanda ang sarili ko bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto. Pagkabukas ko, tumambad nga sa akin ang seryosong mukha niya habang may hawak na maliit na plastic bag mula sa botika.
Inabot niya sa akin 'yun. "Inumin mo 'to para mawala ang sakit ng katawan mo bukas," sabi niya sa mababang boses.
"Ah... s-salamat," nauutal kong sagot habang tinatanggap ang gamot.
Akala ko ay aalis na siya pagkatapos nun, pero nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko, bago nagpatuloy sa pagsasalita na parang wala lang sa kaniya ang sasabihin niya.
"Kaso... 'yung hapdi dyan sa ano mo, hindi pa 'yan basta-basta mawawala agad," seryoso at prangka niyang dagdag.
Oh my! Para akong sinilaban sa mukha sa tindi ng init na umakyat sa mga pisngi ko. Sa sobrang bigla at dambuhalang kahihiyan, hindi ko na nagawang sumagot pa. Awtomatiko akong napayuko na lang nang husto habang hawak ang plastic ng gamot, gustong-gusto ko nang magpalamon sa semento ng condo building na 'to sa sobrang tindi ng hiya!
"S-Sige... salamat ulit," halos pabulong kong sabi habang hindi pa rin makatingin nang diretso sa kaniya.
Kasabay nun, mabilis kong isinarado ang pinto. Clack. Pagkalock na pagkalock ko, napasandal na naman ako sa kahoy habang hawak ang plastic ng gamot na binili niya.
"Gosh, Carlo! Bakit kailangang maging ganoon kaprangka?!" reklamo ko sa sarili ko habang ramdam na ramdam ko pa rin ang pag-init at pagka-pula ng buong mukha ko. Kulang na lang ay umusok ako sa tindi ng shock. Pero kahit papaano... may kaunting kurot sa puso ko dahil naisipan niya pa rin akong ibili ng gamot.
Inilagay ko ang gamot sa mesa at napabuntong-hininga. Ngayong gabi, kailangan ko nang magpahinga nang mabuti. Dahil bukas, haharapin ko na ang totoong mundo sa opisina—dala ang makapal na concealer para sa leeg ko, at ang panalanging sana ay hindi ko na muna makasalamuha ang kapitbahay kong si Carlo.