Carlo's POV
Kinaumagahan, maaga akong pumasok sa kumpanya namin, ang Monteverde & Associates Realty Corporation. Pero bago pa man ako makaupo sa swivel chair ko, isang masamang balita agad ang sumalubong sa akin.
Tumawag ang ospital. Naaksidente ang personal secretary ko habang papasok sa trabaho. Ligtas naman siya pero nagtamo ng bali sa braso kaya kailangan niyang mag-leave ng ilang buwan para magpagaling.
Napasapo ako sa noo ko. "Damn it, hindi pwedeng walang secretary ngayon. Ang dami kong pipirmahang kontrata at mga meeting na dapat ayusin," bulong ko sa sarili ko habang stressed na stressed.
Dahil kailangan ko ng agarang kapalit, wala na akong oras para magpa-interview sa labas. Agad kong kinuha ang telepono sa lamesa ko at tinawagan ang HR Manager ng kumpanya.
"Sir Carlo, good morning po," bati ng manager sa kabilang linya.
"I need a temporary secretary right now. Naaksidente ang secretary ko," direktang sabi ko, walang paligoy-ligoy.
"Ah, ganoon po ba? Sige po, Sir. Magpapadala ako sa inyo ng mga resume ng mga qualified staff mula sa ibang departamento para makapili po kayo—"
"No need," putol ko sa sasabihin niya. "Wala na akong oras para magbasa ng mga resume at mamili. Kahit sino na lang ang pwede ninyong ipadala riyan, basta maasahan at marunong sa trabaho. Ipadala niyo na rito sa opisina ko ngayon din."
Naramdaman ko ang bahagyang pagkagulat ng manager, pero mabilis din itong sumunod. "S-Sige po, Boss. Masusunod po. May bakanteng staff po kami ngayon na galing sa marketing department. Maya-maya lang po, darating na diyan sa opisina mo ang bago mong secretary."
"Good. Make it fast," sabi ko bago ko ibinaba ang telepono.
Sana lang ay matino ang ipadala nila. Sumasakit na nga ang ulo ko kay Sophia na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-contact, huwag lang sanang palpak ang magiging sekretarya ko ngayon dahil baka tuluyan nang mag-init ang ulo ko rito sa opisina.
Nianna's POV
Halos liparin ko ang hallway ng opisina sa pagmamadali dahil limang minuto na lang, pormal na akong late. Pero mahirap palang magmadali kapag kalaban mo ang sarili mong katawan! Sa totoo lang, sumasakit pa rin talaga ang balakang ko, at jusko, ang sakit pa ring umihi!
Ganito pala talaga kapag nakuha ang virginity mo? bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang humahakbang na parang tuod. Naubos ang poise ko, promise! Pakiramdam ko, nag-init na naman ang mukha ko sa hiya kapag naalala ko ang katangahan ko noong unang gabi. Hindi ko man lang naisip ang p********e ko. Nakuha nang deretsahan dahil lang sa maling pinto!
Hays... Sana may magka-gusto at umibig pa sa akin sa hinaharap. Paano na lang kapag nalaman ng magiging boyfriend ko soon na... na buslot na ako?! Huhuhu! Napabuntong-hininga na lang ako sa kamalasan ko habang naglalakad papasok sa mismong building ng opisina.
Pagkarating ko pa lang sa opisina, hindi pa man ako nakakapagsimula sa trabaho ay bigla na akong hinarangan ng supervisor ko. Ipinatatawag daw ako agad-agad sa HR Manager!
Patay. Doon na yata tuluyang bumaba ang natitira kong dugo sa paa. Kinabahan ako nang husto, halos marinig ko na ang mabilis na kabog sa dibdib ko. Lagot na talaga. Baka galit si Ma'am dahil nag-absent ako kahapon! Baka ito na ang dulo ng career ko! Baka itong chikinini ko sa leeg ang maging sanhi ng pagkakatanggal ko sa trabaho!
Pikit-mata akong kumatok sa opisina ng HR. Pero pagkapasok ko... laking gulat ko nang makitang abot-tainga ang ganda ng ngiti ni Ma’am sa akin. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nabuhayan ang dugo ko, parang hindi naman ako sisisantehin.
"Hello po, Ma’am. Good morning po," bati ko sa kaniya, pilit ang ngiti para hindi halatang nanginginig ang tuhod ko.
"Good morning din, Nianna. Mabuti naman at okay ka na," nakangiting sabi niya.
"Opo, Ma'am, medyo okay-okay na po," sagot ko naman, habang pinipigilan kong hawakan ang balakang ko.
"Kaya kita pinapunta rito kasi ililipat kita sa 5th floor. Ikaw muna ang magiging temporary secretary ng CEO natin," kaswal na sabi niya.
"Ha?!" Literal na napanganga ako. Ako? Secretary ng CEO? Yung dambuhalang boss ng buong kumpanya na balita ko ay napakasungit at bilyonaryo? "P-Po? Ma'am, sigurado po kayo?"
Natawa si Ma'am sa naging reaksyon ko. "Don’t worry, Nianna. Mas malaki ang sahod mo roon kumpara sa kasalukuyan mong posisyon."
Nang marinig ko ang salitang 'mas malaki ang sahod', automatic na sumara ang nakanganga kong bibig at biglang gumaan ang pakiramdam ko. Nawala bigla ang kaba, napalitan ng dollar signs ang mga mata ko! Syempre, basta pera na ang pag-uusapan, go na go ako! Pandagdag din 'yun sa pambayad ng condo at pambili ng mas makapal na concealer!
"Ah, okay po, Ma'am! Kailan po ba ako magsisimula?" excited kong tanong habang nag-i-imagine na ng bonus.
"Ngayon na."
Glup. Awtomatiko akong napalunok ng sarili kong laway sa bilis ng bwelta ni Ma'am. Ngayon na agad?! As in right now?!
"Kaya maghanda ka na at umakyat ka na doon sa 5th floor. Inaasahan ka na ng CEO natin," dagdag pa niya habang may iniabot na temporary badge sa akin.
Habang naglalakad ako patungo sa elevator para umakyat sa 5th floor, bumalik na naman ang tindi ng kaba sa dibdib ko. Huminga muna ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Kaya mo 'to, Nianna. Isipin mo na lang ang dagdag sa sahod. Trabaho lang 'to, haharapin mo lang ang CEO. Kung alam ko lang kung sinong demonyo ang nakaupo sa 5th floor, sana talaga pinili ko na lang na masesante kaysa umakyat dito!
Pagdating ko sa 5th floor, ramdam ko ang lamig ng aircon pero pinagpapawisan pa rin ako sa tindi ng kaba. Hindi pa ako nakakahakbang nang malayo nang bigla akong salubungin ng isang staff.
"Ikaw ba ang pinadala rito para maging temporary secretary ng CEO?" tanong ng isang magandang babae sa akin.
Tumango na lang ako bilang sagot habang pilit na inaayos ang tayo ko.
"Halika, sumunod ka sa akin," sabi niya sabay lakad patungo sa isang dambuhalang double-door na kahoy. Pagkatapat namin doon, marahan niyang binuksan ang pinto. "Boss, nandito na po ang new secretary mo."
"Sige, papasukin mo," sagot ng isang pamilyar na boses mula sa loob.
Teka... parang narinig ko na ang boses na 'yun? Pagkapasok ko, mabilis ding lumabas ang magandang staff at dahan-dahang isinarado ang pinto sa likod ko. Naabutan ko ang CEO na nakaupo sa kaniyang mamahaling swivel chair habang seryosong-seryoso at busy sa phone niya.
Maya-maya pa, dahan-dahan niyang iniangat ang tingin niya sa akin. At sa sandaling magtagpo ang mga mata namin... Jusko, parang guguho ang buong mundo ko! Si Carlo pala ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko! Ang lalaking katapat lang ng unit ko, ang lalaking nakakuha ng virginity ko, at ang lalaking nag-doorbell kagabi para bigyan ako ng gamot sa hapdi ng katawan ko!
Doon na yata tuluyang huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Bigla akong kinabahan nang husto, pakiramdam ko ay maiihi ako sa salawal sa sobrang tindi ng shock.
"Ikaw?!" gulat na gulat na reaksyon niya habang nakatitig sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango na lang nang dahan-dahan habang namumutla ang mukha ko. Gusto ko nang lamunin ng carpet ng opisina niya ngayon din.
Mabilis namang rumesponde si Carlo at binawi ang gulat sa mukha niya. "Sige, maupo ka na sa desk mo. Diyan ang pwesto mo," sabi niya sabay turo sa isang magandang table na malapit lang mismo sa desk niya. Magkatapat lang kami ng pwesto sa loob ng malaking silid na 'yun!
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa desk ko. Habang pasimple ko siyang tinitingnan, grabe talaga ang aura niya ngayon. Parang hindi siya si Carlo na katapat ko ng unit na nakasandali sa hallway o prangka kung magsalita. Ang strict ng mukha niya ngayon, seryoso, at parang galit sa buong mundo!
Huhu, Lord, tulungan Mo po ako! Paano ko matitiis ang walong oras araw-araw na katapat ang lalaking 'to?!