Chapter 2

1633 Words
"SO, LET'S discuss about the business?” Halata ang pagmamadali sa kilos ng lalaki dahil panay ito tingin sa kanyang suot na relo. “I want you to find—” Ngunit hindi pa siya tapos magsalita nang biglang umentra ang kaharap. “Sino ba ang ipahahanap mo?” Panay ang tingin nito sa relong pambisig. Napataas nang sobra ang kanyang kilay sa inasal ng lalaking kaharap. Napaka-unprofessional! “Can you please let me finish first? Kung busy ka talaga, pwede naman akong humanap ng iba!” mataray na sagot niya rito. “No! I’m sorry. Sige, ituloy mo na.” Mukhang nahiya naman ito sa inasal kanina lang. “Tatlong taon na ang nakakaraan nang maaksidente ako, wala akong maalalang kahit ano, pati ang pangalan ko.” Sandali siyang nanahimik upang tingnan ang reaksyon ng kaharap. Nagbago ang reaksyon ng mukha nito, mukhang nagiging interesado na rin sa paksa. Naglabas pa ito ng maliit na notebook at ballpen. Ipinagpatuloy ni Angela ang pagkukwento. “I have a boyfriend named Brandon Tan. We are leaving together for three years now at magpapakasal na kami. Then isang araw narinig ko siyang may kausap sa cellphone niya at sinabing kahit kanino raw ay `wag ipapaalam na buhay ako at kasama siya. Dahil doon ay nagkaroon na ako ng doubt sa kanya kasi sinabi niya noon sa akin na wala akong kamag-anak na kahit sino at siya lang ang meron ako. Kung ganoon naman pala, bakit kailangan niyang ilihim ang tungkol sa akin, `di ba?” “May duda ka na pala, bakit pakakasalan mo pa?” balik na tanong naman ni George. “You didn’t get it. Wala akong kahit anong maalala, siya lang ang nasa tabi ko. He loves me, I know that. Gustuhin ko mang alamin ang tunay na pangyayari, wala akong mahingian ng tulong. Lagi siyang nakabantay at hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula. Wala akong maalala bukod sa naaksidente nga ako three years ago. At hindi ko alam kung saang lugar ko ba ibinangga ang sasakyan ko,” mahabang paliwanag niya. “Mukhang mahihirapan tayo sa case mo, pero I think may naisip na akong solusyon. Step by step tayo,” sagot naman nito. “Ano naman `yon?” interesadong tanong niya. “Aalamin muna natin kung may mga tao bang naghahanap sa `yo. Iche-check namin ang mga naging missing persons simula no’ng tatlong taon na `yon.” “Wait. I think magkakaroon tayo ng problema riyan,” sabat naman niya na ikinakunot ng noo ng kausap. “Ano naman magiging problema natin?” takang tanong ni George. “Hindi ako sure kung itong pangalan na gamit ko ngayon ay akin talaga, kasi nga wala akong maalala. Basta ang alam ko, sabi ni Brandon, ako raw si Angela,” malungkot na sagot niya rito. “Don’t worry, magagawan ng paraan ng agency namin `yan. We will help you,” pang-aalo nito sa kanya. Marahil ay nakita nitong magulo na ang kanyang isipan. “No’ng time na naaksidente ako, sa Makati Med. ako na-confine. A certain Dr. Alfredo Vargas ang tumitingin sa akin no’n at sa pagkakaalam ko ay kaibigan siya ni Brandon, baka makatulong.” Tumangu-tango si George at nagsimulang magsulat sa kanyang notebook na parang isinusulat ang mga mahahalagang impormasyon na kanyang sinasabi. “Anong buwan at taon `yon?” “I’m sorry but I can’t remember. Basta three years ago rin.” Nagsulat muli si George at napansin niya ang cellphone ng dalaga na umiilaw. “Excuse me, Miss Angela, your phone is ringing. Baka gusto mo munang sagutin?” Dala ng pag-iisip sa kanyang nakaraan, hindi na namalayan ni Angela na tumutunog na pala ang kanyang cellphone. “Thanks. Excuse me.” Nagpaalam siya sa kausap saka tumayo at sinagot ang tawag. Tumango lang si George at initusan ang sekretarya na kuhanin ang form na dapat ay sagutan ng kanyang bagong kliyente. “Yes, hon?” sagot ni Angela sa kabilang linya gamit ang mahinang boses. “Kailan ka uuwi?” pagalit na tanong ni Brandon sa kanya. “May inaasikaso lang ako. Don’t worry about me.” Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa kaba. Alam niyang kapag nalaman nito ang plano niya ay mariin na tututol ito sa kadahilanang hindi niya alam. “Wala kang tiwala sa akin, `no?” Ganoon pa rin ang tono ng boses nito. “Hindi totoo `yan!” Napalakas ang boses na sagot niya, kaya naman nahihiyang tumingin siya sa paligid at nakita niyang may isinusulat sa papel ang imbestigador na kanina lang ay kausap niya. “Then... why are you doing this?” “Because I have to.” Humina na naman ang kanyang tinig, ayaw niyang makipagtalo pa rito. “Go home tonight. Ipasusundo kita sa driver kung nasaan ka man. About your plan... I will help you, okay? Tayong dalawa ang hahanap ng sagot sa mga tanong mo, understand?” mahinahon na ito sa pagkakataong iyon. “Okay. I will text na lang `yung hotel name. Bye.” Tatapusin na sana niya ang pag-uusap nila nang magsalita itong muli. “I love you. Please, come back to me.” Lumambot ang puso niya sa mga narinig kaya naman sumagot din siya. “Thanks and I love you too.” Doon na naputol ang tawag. Matapos niyang magpadala ng mensahe sa kasintahan tungkol sa pangalan ng hotel ay bumalik na siya sa lamesa kung saan naghihintay ang kausap na imbestigador. “I’m sorry kung natagalan ako. Nasaan na nga ba tayo?” nahihiyang tanong niya. “Its okay. Fill-up-an mo lang `yan at pag-usapan natin ang ibang detalye kapag may progress o kaya may mas malinaw na tayong pag-uumpisahan.” Sinagutan niya lang ang form at nagpaalam na rin kay George. Gaya ng inaasahan, matapos niyang makipagkita sa opisina ng private investigator na si George Romasanta, ay dumiretso siya sa hotel na kanyang tinutuluyan at nag-ayos na agad dahil nag-text sa kanya ang kasintahang si Brandon na nandoon na ang driver nito at hinihintay siya. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan kasabay matapos mag-isip ng kanyang idadahilan kapag nagkaharap sila ng lalaking kanyang nakatakdang pakasalan. Lumabas na siya sa hotel room at pinuntahan ang driver na sumundo sa kanya. Habang nagmamaneho ang driver ay napaisip na lamang siya, paano siya makikipagkita kay George sa mga susunod na araw kung ngayon pa nga lang ay ganito na ang nangyayari? Bukod sa driver ay may dalawa pa itong bodyguards na pinasama upang sunduin siya. “Ma’am, mukhang malalim ang iniisip niyo, ah?” pagpuna sa kanya ng driver. “Ah. Iniisip ko lang kung galit ba si Brandon?” nag-aalangang tanong niya rito. “Hindi naman po, ma’am, sa katunayan nga ay nag-aalala ito sa inyo.” Kinakausap siya ng driver pero ang atensyon nito ay nasa pagmamaneho pa rin. “Mabuti naman po kung gano’n.” Saglit siyang natigilan, may pumasok na ideya sa kanyang isip. “Siya nga pala, Manong, ilang taon na kayong driver ng family nina Brandon?” “Mag-lalabing-anim na taon na ho, ma’am. Tiwala ang pamilya nila sa akin.” May pagmamalaki ang tinig nito. Napaisip siya. Marahil ay alam nito ang tungkol sa kinasangkutan niyang aksidente noon. “Ah. So alam niyo po ba `yung nangyari sa akin noon? `Yung sa car accident ko?” “Oo nama—” Naputol ang kung anong sasabihin ng driver nang makita niyang masama ang tingin na ipinukol dito ng bodyguard na katabi. “Manong?” muli niyang tanong, nagbabakasakaling maituloy nito ang sasabihin. “Ang alam ko lang po noon ay naaksidente kayo, iyon lang.” Napailing na lang siya nang mukhang wala na itong planong magsalita tungkol sa impormasyong nalalaman. Nang makarating sila sa bahay ni Brandon, na dati na nilang tinuluyan bago umalis at tumungong ibang bansa, mabilis na inilibot niya ang paningin. Wala pa ring ipinagbago ang itsura nito. “Nasaan si Brandon?” tanong niya sa kasambahay na sumalubong sa kanya. “Nasa taas ho, ma’am, kanina pa kayo hinihintay,” sagot naman nito. Matapos tanguan ang tagasilbi ay agad na siyang naglakad upang puntahan ito sa kanilang silid. Pagkabukas niya ng pintuan ng silid ay naabutan niya itong nakaupo at mukhang malalim ang iniisip. “Hon?” nag-aalangang tawag niya rito. Mataman lang siya nitong tiningnan bago umiling. “Sorry. Sana maintindihan mo `ko.” Lumapit siya rito at hinawakan ang balikat ng lalaki. “Ako ba naiintindihan mo?” sagot nito sa kanya ngunit hindi man lang nag-abalang tapunan siya ng tingin. “Oo naman. Kaso, hon, may mga bagay ako na gusto talagang malaman,” katwiran niya pa. “Talagang wala ka ngang tiwala sa akin! Iyon ang totoong nangyari. Nasasaktan na ako sa mga pagdududang ipinapakita mo.” Nakaramdam siya ng guilt sa mga tinuran nito. “Sorry,” paghingi niyang muli ng tawad. Hindi ito sumagot, pero isang yakap ang kanyang natanggap mula rito kasabay ng isang mainit na halik sa labi. “Wala kang dapat gawin kun’di ang magtiwala sa akin, dahil wala akong ibang ginusto kun’di ang kaligtasan mo. Mahal na mahal kita.” Matapos magsalita ay muli siya nitong hinalikan sa labi ngunit mas malalim na. Tinugon na lamang niya ang nais nitong mangyari. Naisip niyang wala namang masama dahil tatlong taon na silang nagsasama at nalalapit na ang kanilang kasal. Matapos ang maiinit na tagpo, magkayap lang sila sa kama habang si Brandon ay nilalaro ang kanyang buhok. “Matulog ka na,” sabi nito sa kanya sabay yakap nang mahigpit. “Sabay na tayo,” sagot niya habang nakapikit. Habang nilalamon ng antok ay narinig pa niya itong nagsalita. “Good night, Max. I love you so much.” Mahina ang pagkakasabi nito pero napakalakas sa kanyang pandinig kaya naman agad siyang napamulat ng mata at naguluhan. Who’s that Max?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD