Chapter 1

1822 Words
PAGDATING sa Ninoy Aquino International Airport ay dumiretso na sa departure area ang dalawang taong magkahawak-kamay at parehong masaya. “Hon, CR lang ako, ha?” biglang paalam ni Angela sa kasama. “If you want sasamahan kita,” mabilis na sagot naman ng nakangiting si Brandon. “Nope, I can manage!” At tumango na lamang ang lalaki. Nagmamadaling lumakad dala ang kanyang travelling bag si Angela at pumasok agad sa isang cubicle. Nakatayo lamang siya sa loob at nag-iisip kung itutuloy niya ang kanyang plano. Ilan pang sandali ay agad niyang binuksan ang bag at nagpalit ng damit, nagsuot ng wig, at inayos ang kanyang sarili. Sinigurado niyang maiiba ang kanyang itsura bago lumabas ng comfort room. “I’m sorry, Brandon, but I need to do this.” Napabuntong hininga na lang siya nang makitang naghihintay sa waiting area ang kasintahan. Nilagpasan niya ito at dumiretso palabas ng airport saka sumakay ng taxi. “Manong, sa Makati tayo, sa pinakamalapit na hotel doon,” mayamaya’y sabi niya sa driver. “Saang hotel, ma’am?” tanong naman ng nakangiting tsuper. “Kahit saang hotel ho!” Nang tuluyan ng umandar ang taxi na nasakyan ay saka niya lang naisandal ang likod sa upuan. Habang nasa kalagitnaan ng biyahe, naalala niya ang kanyang pinagdaanan tatlong taon na ang nakakaraan. Dahan-dahang iminulat ni Angela ang talukap ng kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng matinding p*******t ng katawan at matinding pagkauhaw. “W-Wate—ter, please?” nauutal na sabi niya sa nurse na ngayon ay abala sa pagtingin sa kanyang IV. “Wait! Wait!” natatarantang saad ng nurse at mukhang may pinindot na kung ano sa kanyang ulunan. Pumasok sa loob ng kanyang silid ang isang doktor at dalawa pang nurses. Masusing sinuri siya ng doctor. Inilawan pa nito ang kanyang mga mata at pati na rin ang pintig ng kanyang puso ay inorasan. “Stable na ang kanyang kalagayan, tawagin niyo si Mr.Tan para malaman niyang gising na ang fiancée niya,” utos ng doktor sa isang nurse. “Yes, dok.” Nagmamadaling tumalima naman ito. “Do—dok? Ano pong nangyari sa akin?” tanong niya sa nanginginig na boses. Nagtatakang tiningnan siya ng doctor bago ito sumagot. “Wait. You don’t remember what happen to you last month?” Nanghihinang umiling-iling lamang siya. “You had a car accident, nakainom ka,” pahayag ng doktor sa kanya. Dala ng pagkalito’y tumahimik lang siya at hindi sumagot, pero isang bagay ang kanyang napansin—nakabenda rin ang buong mukha niya. “And what happen to my face, doc?” naluluhang tanong niya ulit. “Nalaglag sa bangin ang minamaneho mong sasakyan. Sugatan ka at malaking parte ng mukha mo ang nasunog, so you need to undergo sa isang surgery na hanggang ngayon ay hindi pa naisasagawa,” paliwanag nito sa kanya. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, isang nurse ang pumasok sa kanyang kwarto at may sinabi sa doctor. Agad naming bumaling sa kanya ang doktor. “Aalis na muna ako, may kailangan lang akong gawin sa opisina tungkol sa isang pasyente. Darating na siguro mamaya si Mr. Tan.” Bumaling ang doktor sa isang nurse na nasa kwarto. “Nurse Jane, pwede na siyang kumain pero soft diet muna.” Marahang tinapik pa ng doktor ang balikat niya bago tuluyang lumabas. Silang dalawa ng nurse ang naiwan sa loob ng kanyang silid, tinulungan pa siya nitong makaupo bago inabutan ng tubig. "Thanks," pasasalamat niya sa nurse na ngayon ay umaalalay pa rin sa kanya, nanginginig kasi ang kanyang mga kamay at braso. “Wait, nakalimutan kong sabihin sa doktor na wala akong maalala na kahit ano pati ang pangalan ko!” Bakas ang pagkabigla sa mukha ng nurse at gano’n na lang din ang kanyang gulat sa kanyang mga tinuran. “Ma’am, ito na po ang pinakamalapit na hotel dito sa Makati.” Nang magsalita ang driver ay noon din bumalik sa reyalidad ang diwa ng babae. “Sige po, salamat.” Naglabas siya ng 500 pesos na buo mula sa kanyang wallet at iniabot iyon sa driver. “Keep the change po.” Naglalakad na siya sa hotel lobby upang mag-check-in nang biglang may isang lalaki ang nakabunggo sa kanya. Napasalampak tuloy siya sa sahig. “Ouch!” malakas na daing niya habang hawak ang nasaktang pang-upo. “Sorry! Hindi kita napansin, nagmamadali kasi ako.” Akmang aalalayan siya nito sa pagtayo ngunit marahas na tinabig niya ang kamay nitong nakalahad na. “How dare you?! Hindi ka marunong mag-ingat!” malakas na sigaw niya. Napalingon tuloy sa kanilang gawi ang ilang tao. Hinampas niya sa dibdib ang lalaking abala sa pagtingin sa mga taong nakikiusisa sa nagaganap na komusyon. Ngunit natigilan siya sa paghampas dito nang makita niya ang pamilyar nitong mukha. “Miss, hindi ko sinasadya, okay? Ito ang calling card ko, tumawag ka sa akin kung sakaling may masakit pa sa `yo. Sige, bye.” Matapos nitong ilagay sa kanyang palad ang calling card ay dali-dali itong umalis sa kanyang harapan. Naiwan siyang tulala at tiningnan na lang ang kapirasong papel na ngayon ay nasa kanyang palad. “GEORGE ROMASANTA.” Sandali siyang napaisip dahil sa nabasang pangalan. Pamilyar ito sa kanya. *** “Where the hell are you?” pambungad na tanong sa kanya ni Brandon nang sagutin niya ang pang-apat na tawag nito. “Hon, I’m sorry.” Kinagat na lamang niya ang pang-ibabang labi at umupo sa kama ng hotel na kanyang tinutuluyan. “Alam mo bang alalang-alala ako sa `yo?!” sigaw ng lalaki ngunit huminahon din ang boses makaraan ang ilang segundo. “Nasaan ka ba kasi?” Lalo siyang nakaramdam ng konsensiya. “May gusto lang naman akong malaman. I’m sorry.” Isinuklay niya ang mga daliri sa magulong buhok dala ng hiya at kaba na nararamdaman niya. “Ano naman `yon? Hindi ka ba naniniwala sa akin? Hanggang ngayon ba issue pa rin sa `yo ang mga bagay na hindi mo maalala?” Halata ang pagkairita sa boses nito. “I just want to know the truth.” Hindi na niya hinintay na makapagsalita ito, agad na niyang tinapos ang usapan. “Aggghhh!” Napasigaw siya dala ng inis dahil kahit ano’ng gawin niya ay wala siyang maalalang kahit ano tungkol sa kanyang nakaraan. Muling tumunog ang kanyang cellphone pero binalewala lang niya ang taong tumatawag. Mas pinili niya ang humiga na lang at matulog. Maraming lalaking naka-itim at may dalang mga baril ang papalapit sa dalawang babaeng nasa loob ng sasakyan. Nagmamadaling lumipat ng driver seat ang isa sa mga babae at dali-daling pinaandar ang kotse. Wala itong pakialam sa mga mabubunggo niya. Pinaulanan sila ng putok ng baril ng mga naka-itim na lalaki. Tumitili na ang babaeng nasa likod ng sasakyan at naka-wedding gown kaya naman lalo pang binilisan ng kasama nito ang pagmamaneho ngunit sa kasamaang palad ay tinamaan ng bala ang nagmamaneho. Nawalan ito ng kontrol sa manubela dahilan upang dumiretso ang sasakyan nila sa bangin at magpagulong-gulong. Nawalan ng malay ang isa sa kanila dahil sa nangyari pero pinilit ng isa na abutin ang kasama niya at itinulak ito palabas ng sasakyan. Nakita niyang gumulong ito pababa sa tubig. Pinilit niya ring lumabas ng sasakyan pero bigla itong sumabog nang malakas. Sa tindi ng pagsabog na naganap ay tumilapon siya palabas at bumagsak sa tubigan. Nang magising si Angela ay hapon na. Nagising siya dahil sa isang panaginip na napanaginipan din niya noong araw ng surgery ng kanyang mukha. Napaisip tuloy siya kung para saan ang panaginip na `yon. Pagkalam ng sikmura ang nagpaalis sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. Naalala niyang hindi pa siya kumakain mula nang dumating sila sa bansa. Nang tumayo siya sa pagkakahiga ay agad niyang tiningnan ang kanyang cellphone. 27 missed calls 8 Messages Lahat ng tawag at mensahe ay galing lamang sa iisang tao, kay Brandon, kaya naman wala siyang nagawa kun’di padalhan ito ng mensahe. I’m really sorry, hon. Don’t worry, uuwi ako. May gusto lang akong malaman. Matapos niyang ayusin ang kanyang sarili, lumabas siya ng kanyang silid upang humanap ng makakainan ngunit pasakay pa lamang siya ng elevator nang muling tumunog ang kanyang telepono. “Hello?” mahinang sagot niya sa tawag. “Hon, ano bang plano mo?” diretsong tanong sa kanya ng nasa kabilang linya. “Alam mong mahahanap at mahahanap din kita. I have my ways, you know me!” “Masama bang alamin ko kung sino talaga ako? Napakaraming tanong sa utak ko na hindi masagot-sagot!” Biglang nagpantig ang kanyang tenga sa narinig kaya naman napalakas ang kanyang boses. Bumukas ang elevator at agad siyang pumasok dito. “So what do you mean by that? Hindi ka ba naniniwala sa mga sinabi at ipinaliwanag ko sa `yo?” May halo ng pagtatampo ang boses nito. “Ayaw kong makipagtalo sa `yo, hon. Naniniwala ako sa `yo pero kailangan kong gawin `to!” Hindi na niya hinintay na makasagot ang nasa kabilang linya, pinatay na niya ang tawag, at itinago sa bag ang kanyang cellphone. Alam ng lahat ng taong nakapaligid sa kanila kung gaano siya kamahal ni Brandon. Sinasagot naman ng lalaki ang mga tanong niya tungkol sa sarili ngunit mayroong isang bahagi ng pagkatao niya ang kulang... iyon ay ang mga dati niyang alaala. No’ng mga panahong nasa ibang bansa pa sila ay lagi itong nakabantay sa kanya. Kung wala naman ito ay may mga bodyguards na siyang humahalili sa pagbabantay. Ngayon lamang siya nakalaya sa poder nito nang magpasya silang umuwi ng Pilipinas. Handa na sana siyang harapin ang araw-araw na buhay ng wala ang alaala kung hindi niya lang narinig ang sinabi ni Brandon sa kausap nito sa telepono noong minsang akala nito’y natutulog siya. Pagkalabas niya ng elevator ay agad niyang tiningnan ang calling card na iniabot sa kanya ng lalaking nakabungguan niya kanina sa hallway. “I need his help!” wala sa sariling nasabi niya. Idinial niya ang numero nito habang siya ay naglalakad, naka-apat na ring muna bago ito sumagot sa kanyang tawag. “Hello, who’s on the line?” Narinig niya ang baritonong boses sa kabilang linya. “Its me, `yung nabangga mo mo sa lobby ng hotel,” pagpapakilala niya. “Okay, so may problema ba? Nagkaroon ka ba ng injury kaya ka tumawag?” Hello?! Nabangga lang niya ako, injured agad? Humugot muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago magsalitang muli. “Nope. Nabasa ko kasi sa calling card na ibinigay mo sa akin na isa kang private investigator. And I need your help.” “Ah. Tungkol sa bagay na `yan, maganda siguro kung personal nating pag-usapan `yan. Pwede kang pumunta rito sa opisina. Nasa calling card `yung address.” At ibinaba na nito ang tawag. Bastos! Kumain muna siya dahil gutom na gutom na talaga siya. Matapos kumain ay agad siyang sumakay ng taxi at sinabi sa driver ang address ng opisina ni George Romasanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD