CHAPTER 1 - THE AFTER EFFECT

1528 Words
  "Bakit ang tagal mo?" nakasimangot na salubong sa'kin ni Floyd, as usual hinintay na naman niya ako sa labas ng classroom para sabay daw kaming maglunch.   "Itanong mo dun sa Physics teacher namin." sagot ko naman sabay irap.       Oo, kahit gangster siya hindi ako natatakot. Sino ba siya para katakutan ko?       "Bakit hindi ikaw, ikaw ang nakaisip.. psh!" tugon naman niya at nagsimula ng maglakad.       Grrrr!! Ano bang gulo itong pinasok ko? Dahil lang sa love letter na 'yun, one week na akong pinaparusahan. Ang hirap naman kasing ispelingin ng lalaking ito.     "Oh? Ano pang tinatanga-tanga mo dyan, hurry up!" sigaw nito na tila bubuga na ng apoy.     Obviously, hindi siya ang ideal boyfriend ko. Kasi naman e. Padabog na lang akong sumunod sa kanya.     "Order ka na." utos nito sa'kin matapos maupo na tila hari sa RESERVED spot namin.     Oo, RESERVED. Walang nangangahas umupo doon, dahil alam nilang doon nauupo ang lalaking ito. Gangster nga di ba? Kaya halos lahat takot sa kanya, ako lang ata ang HINDI.   Napasimangot na lang ako at marahas na inilapag ang mga gamit ko sa table at nagmartsa na para pumila. Ganyan siya ka-GENTLEMAN, ako ang umo-order at nagbabayad ng pagkain namin, kaya siguro nawiwili siyang hintayin ako at sumabay sa'kin maglunch. Ang SAMA talaga!   Hindi naman ako naghintay at pumila ng matagal, dahil nga alam nilang GIRLFRIEND ako ng GANGSTER, ayan at nagi-give way sila para mauna na ako.     "Ito na po mahal na hari." sarcastic kong saad sa kanya at inilapag ang spaghetti niya.   Oo, lunch niya yan. Wala naman siyang ibang kinakain kundi 'yan, parang bata lang.     "K." tugon naman nito at sinimulan ng kainin 'yung pagkain niya habang patuloy pa rin sa paglalaro ng PSP niya.   Isa pa 'yan sa kinaadikan niya, halos hindi na niya binibitawan 'yung mahal niyang PSP. Wag niyong isipin na marami na akong alam about him, isa lang talaga akong magaling na observant.     "Where's your food?" tanong nito pero hindi man lang tumitingin sa'kin. Bastusan lang.   "Hindi ako gutom.." wika ko naman at nagsimula ng buklatin 'yung Economics book ko, may long quiz mamaya at hindi ako nakapagreview kagabi.   "K." tipid na tugon naman nito at patuloy lang sa paglalaro at pagkain niya.       Ang totoo niyan nagugutom naman talaga ako. Pero nananaig ang kagustuhan kong magreview na lang, kaya naman itinuon ko na lang ang atensyon ko sa binabasa ko.     Economics is the social science that analyzes the production, distribution, andconsumption of goods and services. The term economics comes from the Ancient Greekοἰκονομία (oikonomia, "management of a household, administration") from οἶκος (oikos, "house") + νόμος (nomos, "custom" or "law"), hence "rules of the house(hold)". Political economy was the earlier name for the subject, but economists in the late 19th century suggested "economics" as a shorter term for "economic science" that also avoided a narrow political-interest connotation and as similar in form to "mathematics", "ethics", and so forth.   A focus of the subject is how economic agents Behave or interact and how economieswork. Consistent with this, a primary textbook distinction is between microeconomics and macroeconomics. Microeconomics examines the Behavior of basic elements in the economy, including individual agents (such as households and firms or as buyers and sellers) and markets, and their interactions. Macroeconomics analyzes the entire economy and issues affecting it, including unemployment, inflation, economic growth, and monetary and fiscal policy.   Other broad distinctions include those between positive economics (describing "what is") and normative economics (advocating "what ought to be"); between economic theory andapplied economics; between rational and Behavioral economics; and between mainstream economics (more "orthodox" and dealing with the "rationality-individualism-equilibrium nexus") and heterodox economics (more "radical" and dealing with the "institutions-history-social structure nexus")     "Here."     Huh? Inaabutan niya ako ng isang Lemon square at isang Chuckie. Tiningnan ko naman siya na parang nagtataka. Tapos na pala siyang kumain, hindi ko man lang namalayan.       "Utang 'yan." poker face niyang saad. "Una na ako."       At ayon, iniwan niya akong halos lutang pa. Kahit 1%, may kabaitan din pala siyang itinatago. Kahit ang kapal niya para sabihing utang ito.. aba, isang linggo ko na kaya siyang inililibre ng lunch, mabuti na nga lang at hindi siya sumasabay tuwing break time, kung hindi, mamumulubi na ako.       Para talaga siyang Math problems, napakakomplikado.       Kinain ko na lang 'yung ibinigay niya, sayang din ito noh, mahirap din naman mag-aral kapag walang laman ang tyan. Pero saan naman kaya pupunta 'yun, may 45 minutes pa bago magtime. Teka? Wala na dapat akong pakialam dun, bahala siya sa buhay niya!     "K-krisha.."     Napatingala naman ako sa tumawag sa'kin.     "Abby." nakangiti kong wika. "Upo ka." Hindi naman siya umupo, halatang nag-aalinlangan. "Ano ka ba Beh, okay lang umupo dyan. Akong bahala sa’yo."     Bumuntong-hininga naman siya bago umupo sa tabi ko.     "Beh, sorry talaga hindi ko naman alam na bigla na lang yuyuko at mag-aayos ng sintas si Arvic, kaya ayon tuloy nag-overtake si Floyd at siya tuloy 'yung naabutan mo ng letter." nakanguso niyang paliwanag.     Halos isang linggo ko rin siyang hindi pinansin, kasi naman, naaalala ko pa rin ang epic fail na pagtatapat ko. Alam ko naman na wala siyang kasalanan. Siguro, naghahanap lang din ako ng ibang masisisi bukod sa sarili ko.     Hinawakan ko 'yung kamay niya. "Sorry din Beh, alam ko naman na wala ka talagang kasalanan. Sorry talaga, dinamay pa kita sa katangahan ko."   "Waah Beh, bati na tayo?"   Tumango naman ako at ngumiti, agad niya naman akong niyakap.   "Waah Beh! Thank you, grabe namiss kita! Hindi ko kayang hindi mo ako pinapansin sa classroom. Ang hirap kaya. Seatmate pa tayo, gusto ko mang manghingi ng papel, hindi ko magawa kasi alam kong galit ka."   Natawa na lang ako sa sinabi niya at niyakap na lang din siya.     "Namiss din kita Beh, namiss ko ang kaingayan mo."   "Naman Beh, 'yun lang namiss mo sa'kin?" saad niya at kumalas sa pagkakayakap ko para inumin 'yung Chuckie ko.   "Namiss ko rin katakawan mo."       Tiningnan niya naman ako ng masama, pero hindi pa rin niya tinantanan 'yung Chuckie hanggang sa maubos.     "Kumusta naman buhay may boyfriend?" nakangiti niyang tanong sa'kin.       Napasimangot naman ako.       "Hay naku Beh, wag ka ng choosy, kung tutuusin mas gwapo naman si Floyd kesa kay Arvic---"   "Pero mas matalino si Arvic." putol ko sa sinasabi niya.   "Paano mo nasabi Beh, dahil nasa first section si Arvic at nasa last section naman si Floyd?"       Tumango naman ako. Tama naman di ba, by Academic Ranking naman 'yung basehan ng mga sections, kaya given na 'yun.     "Beh? Kailan ka pa naging judgemental? Hindi mo ba alam na ayon sa mga tsismoso't tsismosa dyan sa tabi-tabi, matalino talaga si Floyd. Tamad lang talaga kaya nasa lower section."       Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.       "Hindi ako judgemental, I'm just stating a fact."       Umiling naman siya.       "Maniwala ka Beh, matalino talaga 'yang boyfriend mo, baka nga mas matalino pa sa'ti.."       Hindi na lang ako nagreact, ayoko rin namang maging judgemental. Nag-eenglish din kasi 'yung gangster na 'yun, tama pa grammar.. baka nga ako pa 'yung ma-nosebleed sa kanya.     "At sa panahon ngayon Beh, mas ma-appeal pa 'yung mga bad boy kesa sa mga good boy."   "Pero si Arvic lang talaga 'yung gusto ko."   "Pero si Floyd na 'yung boyfriend mo."   "At alam mo namang isa lang 'yung pagkakamali."   "Malay mo naman Beh, kayo talaga para sa isa't isa."   "Kami ni Arvic ang para sa isa't isa."   "Beh, go with the flow ka na lang."   "Hindi ko kaya, wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Naiinis nga ako, kung hindi siya biglang sumulpot sa eksena, sana masaya na kami ni Arvic."   "Hindi ka rin naman nakakasiguro kung magiging kayo ni Arvic kung sakaling siya 'yung nabigyan mo ng letter."       Natigilan naman ako dun. May point siya. Kung sakaling sa kanya ko nga naiabot 'yung letter, magiging kami nga ba?       "Pasalamat ka na rin at tinanggap ni Floyd kung hindi, for sure ang dami mo ng bashers. Baka nga wala ka na rin ngayon sa school na ito dahil sa mga mararanasang mong pambu-bully."     Tama, kahit naman kasi bad boy sa paningin niya si Floyd, hindi rin naman niya maipagkakaila na madaming nagkakagusto dito. Halos mamatay nga siya sa titig ng mga babaeng nadadaanan nila kapag kasama niya ito. Gwapo rin kasi ito, matangkad kaya malakas ang dating. Kahit may piercings ito, hindi 'yun nakabawas sa kakisigang taglay niya. Nakadagdag pa nga.     Pinuri ko ba siya?!       Since nangako naman siyang pakokopyahin ako sa Economics, nagkwentuhan na lang kaming dalawa ni Abby hanggang sa magbell na at kinailangan na naming bumalik sa classroom.       "Beh, #6?" pasimpleng bulong ni Abby sa'kin.       Ipinakita ko naman sa kanya 'yung papel ko, ngingiti-ngiti naman siyang kumopya. Akala ko ba ako 'yung mangongopya, 'yun pala kabaligtaran. Kung hindi ko lang ito bestfriend, sinipa ko na ito palabas ng earth!   Napatingin naman ako sa pwesto ni Arvic, oo classmate namin siya, at hindi ko inaasahang nakatingin din pala siya sa'kin. Napayuko na lang ako, pero si Mr. Heart, nagwawala na naman.     *dugudug.. dugudug*   *dugudug.. dugudug*   *dugudug.. dugudug*       Siya lang talaga ang nakakapagpatibok ng puso ko. Hay Arvic, kung alam mo lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD