Kinabukasan, paglabas ko ng bahay, akala ko may sasalubong na naman sa'kin na..
lalaking nakarubber shoes..
nakapolo na hindi nakabutones, pero sa halip na plain white shirt ang nasa loob, colored shirt..
magulo ang buhok at may piercings..
lalaking maangas na nakasandal sa sasakyan niya habang naglalaro ng PSP..
pero WALA..
mukhang hindi ako susunduin ng gangster na 'yun..
Mula kasi nung pumayag siyang maging boyfriend ko sinusundo na niya ako at hinahatid sa classroom..
pero hindi kami sabay umuuwi..
Dumarating na lang ako sa bahay na wala na 'yung sasakyan niya na hindi naman namin ginagamit pagpasok, dahil sayang daw ang gasolina niya..
napakuripot talaga..
=____=
Naglakad na lang akong mag-isa, hindi naman gaanong kalayuan 'yung bahay namin sa school..
10 minutes walk lang at andon ka na..
Anong kayang nangyari sa gangster na 'yun at hindi ako sinundo?
Hala, bakit ba ako nag-aabalang isipin ang lalaking 'yun..
"Beh, morning.. " bati ni Abby pagpasok ko ng classroom..
"Morning din Beh .."
"Bakit wala si boyfie, hindi kayo sabay?" she asked.
"Hindi niya ako sinundo.."
"LQ?"
"LQ ka jan Beh!!"
"So bakit?"
"Hindi ko alam.."
"Baka nibreak ka na?!"
"Ha?! Ewan. bahala siya.." sagot ko at nagbuklat na lang ng notes.
"Ahm bakit nga kaya?" rinig niyang turan ni Abby.
Hindi na lang siya nagsalita, hindi rin naman niya alam ang sagot.
Wala din siyang number nito kaya hindi niya ito mate-text.. saka, bakit ko naman siya itetext di ba?
ay sige Krisha.. makipagtalo ka sa sarili mo..
Lunch na pero wala ring gangster na sumundo sa'kin sa classroom..
bakante din ang table na lagi naming kinakainan..
hindi kami dun naupo..
"Beh? Baka naman absent.." turan ni Abby, siya ang kasabay kong kumain ngayon.
"Siguro.."
"Text mo kaya.."
"Wala akong number niya.."
"Ha?! bakit?"
"Ano namang gagawin ko sa number niya di ba?"
"Beh naman, kahit 5% lang dapat nagpapaka-girlfriend ka rin dun sa tao.."
"I cant.."
"Yeah right.. kawawa naman si Floyd.." halos pabulong lang nitong sinabi ang huling salita pero narinig ko pa rin naman.
Napatingin naman ako sa kanya.. nakakahalata na ako ah, bakit nga ba palagi niyang pinagtatanggol ang lalaking 'yun?
"Do you like him Beh?" diretsang tanong ko.
Umiwas naman siya ng tingin.
"Ano bang klaseng tanong yan Beh, boyfriend mo 'yun tapos tatanungin mo ako ng ganiyan.."
Confirmed.
I hold her hands..
"Beh, ok lang 'yan.. alam mo naman kung sino talagang gusto ko di ba?"
Tumingin naman sya sa'kin..
"Crush lang naman Beh! Promise hindi ko siya aagawin sayo..#1 fan kaya ako ng love team nyo.." turan nito.
Natawa na lang ako at tinapos ang pagkain ko.
Nagdo-doddle ako ng pumasok si Mr. Yap, teacher namin sa research..
Ano kayang nakain nito at umattend ngayon?
Pagpapakopya lang kasi ang peg nito..
"Good afternoon class.. " bati niya.
Tumayo naman kami at sumagot, "Good afternoon din po!"
"Take your sit.." turan nito, "I'm just here to give you instructions about your project for this quarter.."
"Project sir?! aww...." reklamo ng lahat.
"Ang kapal ng mukhang magpagawa ng project 'day.. hindi nga siya pumapasok.." bulong ng isa kong kaklase sa katabi niya.
"Oo nga, dapat siya ang binibigyan natin ng project noh?" at humagikihik ito.
Napailing na lang ako at muling nakinig kay sir.
"By partner naman ito, so hindi masyadong mahirap.." wika nito.
Himala?
Nagtagalog si sir!!!
"I'm the one who will assigned the partnering.. kindly pass this photocopy.."
Baby thesis pala ang gagawin.. pero about animals?
Weird..
Sabagay, mahilig nga pala ito sa hayop..
More on documentation ito.. mabuti na lang at hindi na pala kailangan idefense..
"Soriano, Abegail Jane S. and Lazaro, Greg P."
"Waah Beh, si bakla ang partner ko!!" bulalas ni Abby.
"Narinig ko Beh.." binelatan ko nga siya.
Hindi naman talaga bakla si Greg, hindi lang talaga sila magkasundo kaya inaasar niyang bakla ito.. at tomboy naman ang tawag sa kanya ni Greg.
"Ang sama mo Beh! dapat tayo ang partner ihh.."
"Sabihin mo kay sir Beh.."
"ihhh ikaw na.."
"Martinez, Honey Krishalyn H. and Altamirano, John Arvic D."
O_____O
Ano daw?
"Martinez, Honey Krishalyn H. and Altamirano, John Arvic D."
"Martinez, Honey Krishalyn H. and Altamirano, John Arvic D."
"Martinez, Honey Krishalyn H. and Altamirano, John Arvic D."
"Wahh Beh, partner kayo!!!" tuwang-tuwang wika ni Abby habang hila-hila ang manggas ng uniform ko.
Mas excited pa sa'kin ang babaeng ito..
"Beh! baka masira uniform ko.."
"Sorry Beh ^__^v naexcite lang!!"
"Halata nga Beh!!"
"ihh kinikilig ka rin naman kaya.. ayaw mo lang ipahalata.." sabay sundot sa tagiliran ko.
"Beh! tigilan mo 'yan.. baka makita tayo ni sir.."
"ihhh oo na Beh, Behave na."
*dugudug.. dugudug*
*dugudug.. dugudug*
*dugudug.. dugudug*
Tumahimik nga si Abby.. pero puso ko naman ang nag-iingay..
After 4 years naming magkaklase, ngayon lang kami naging magkagroup at dalawa lang kaming magkagroup..
ibig sabihin..
Masosolo ko siya!
Ito na ba ang tamang panahon para ipagtapat sa kanya na siya talaga ang mahal ko, na siya talaga ang pinapangarap kong maging boyfriend?
"Uy Beh!"
"Huh?" wala sa sarili kong wika.
"Kinakausap ka ni Arvic.."
si Arvic?
Napatingin naman ako sa taong nakatayo sa harap ko..
*dugudug.. dugudug*
*dugudug.. dugudug*
*dugudug.. dugudug*
sheet!!!
"Ahm.. ako na ang bumunot.. " wika ni Arvic
"Bumunot?" kunot-noo kong turan.
"Beh, saang planeta ka ba naglakbay? Pinabunot tayo ni sir kung anong animals 'yung ioobserve natin.." Abby explained. "sa kasamaang-palad kabayo 'yung nabunot ni bakla!!" nakasimangot na turan nito.
"Aso 'yung sa'tin.." singit ni Arvic.
Tumango naman ako, wala akong maisip na sabihin..
>_____*dugudug.. dugudug*
*dugudug.. dugudug*
*dugudug.. dugudug*
>/////_____<
Pero..
grabe..
PARTNER ko si Arvic!!!
hindi pa rin ako makaget-over..
malay mo..
madevelop na siya sa'kin kapag lagi kaming magkasama..
Sana nga!