CHAPTER 3 - THE REVENGE OF THE FAN GIRLS!!

890 Words
Tatlong araw nang hindi nagpapakita ang gangster na si Floyd.. Sana nga hindi na siya magparamdam.. ihh kasi naman, dahil nga wala si gangster, si Arvic mylabs ang nakakasabay kong pumasok.. Lagi kasing saktong papasok na ako ng gate, saka naman din siya bababa mula sa kotse ng dad niya.. Idinadaan kasi siya ng dad niya sa school bago ito tumuloy sa trabaho nito.. Kaya ayon, sabay na kaming naglalakad papuntang classroom.. "Goodmorning!" nakangiting bati niya.. Goodmorning pa lang niya.. parang.. Iloveyou na.. Tapos, alam mo 'yung feeling na binabagalan ko talaga ang lakad para mas matagal ko siyang makausap at makasama.. Grabe, umaga pa lang, buo na ang araw ko.. "Bakit hindi ko nakikita si Floyd? Break na ba kayo?" tanong niya habang naglalakad kami.. O______o Hala? Bakit kailangang isingit ang lalaking 'yun sa moment na ito.. "H-hindi ko rin alam.." Nilingon niya naman ako ng nakakunot ang noo.. Bakit ang pogeee pa rin? "Boyfriend mo, hindi mo alam?" natatawa niyang saad. "Ganun talaga e hehe.." tugon ko naman. "Ano bang nagustuhan mo sa kanya?" he asked. "Ha?!" gulat na gulat na wika ko.. Bakit niya pa kailangang itanong 'yun? Hindi ba niya nahahalatang siya ang gusto ko? "Di ba ikaw 'yung nagconfess sa kanya? Nandon ako nung binigyan mo siya ng love letter.." "Ah-eh.. oo nga pala.." Sa'yo ko nga dapat ibibigay 'yun, kaya lang epal 'yang sintas ng sapatos mo kaya 'yan.. I just sighed. "Napansin ko lang parang hindi kayo magboyfriend.. hindi kasi kayo sweet, tapos para pa kayong aso at pusa kung magbangayan.." komento niya. "Paano mo naman nasabi? Tinitingnan mo kami?" napatakip naman ako sa bibig ko after kong sabihin ‘yun. Masyado atang assuming 'yung tanong ko! Bakit kasi ayaw paawat nitong bibig ko? Baka isipin nito masyado akong feeling.. "Ah kasi—ano--" balisa namang wika ni Arvic, "Andito na pala tayo, pasok ka na, may practice kami.." nagmamadaling saad nito sabay takbo. Aniyare? hay Arvic.. ang hirap mo ring intindihin.. kung gusto mo ako, sabihin mo lang.. ako pa manliligaw sa'yo.. "Hey!" bating sumira sa pagpapapantasya ko. Nilingon ko nga.. O_____O waaaah!!!! May limang babaeng pumalibot sa'kin, hinawakan ng dalawa ang magkabilang braso ko at kinaladkadkad ako.. Kidnapping ba itey?! "T-teka.. saan nyo ako dadalhin?" natataranta kong saad. Bakit kasi biglang nawala ang mga estudyante sa paligid? Masyado pa bang maaga? Hindi naman nila ako sinagot at mas binilisan pa ang pagkaladkad sa'kin.. 'yung mala-mangkukulam nilang kuko bumabaon na sa balat ko.. ang sakit.. T^T Padabog nila akong itinulak ng marating namin ang storage room, walang estudyanteng naliligaw sa kwartong ito.. Si kuya janitor lang ang madalas nagpupunta dito, pero mukhang wala siya ngayon.. Ano kayang mangyayari sa'kin? "S-sino ba kayo? A-anong kailangan nyo?" I asked. "well, well, well.. andito kami in Behalf of our prince.." turan nung kulot, siya ata ang lider.. siya nasa gitna ihh.. "Sinong ------" "Sng kapal lang ng mukha mo, matapos mong magconfess sa kanya ibang lalaki naman ang nilalandi mo!" sabat naman nung pango.. "wala akong -----" =____= Sige wag nyo akong patapusin.. "At sino ka para makipagbreak sa kanya?!" sigaw naman nung nakacontact lens.. Break? Nagbreak ba kami? Siya itong biglang nawala ah.. "Tsk, tsk.. maswerte ka na nga at pinatulan ka niya tapos ang kapal ng mukha mong ipagpalit siya sa iba? Anong akala mo, maganda ka?" saad naman nung nakapony tail.. Hinintay kong magsalita 'yung isa at mukhang hinihintay 'rin 'yun nung apat.. Nakatingin lang kami sa kanya pero, tumango lang siya.. =_____= "Wala kang sasabihin Jane?" tanong nung lider.. Umiling lan 'yung Jane. Napa-facepalm na lang 'yung apat.. "Sige, simulan na natin.." wika nung pango.. At sa isang iglap, hawak na nila ang buhok ko.. Ouch! T^T LIMA laban sa ISA. Medyo fair ha! Hindi naman ako makalaban, kasi may nakahawak sa mga braso ko.. Akala ko pa naman maganda na ang araw ko!! Sinabunutan lang nila ako hanggang magsawa sila, may isa pang sumampal sa'kin! At inalam ko kung sino 'yun, si pango! Itinayo nila ako at pinaharap dun sa lider na may hawak na baseball bat! Teka, wala 'yun kanina! "A-anong gagawin mo?" I asked kahit alam ko na kung ano.. "well, maglalaro lang naman tayo.." nakangiting sagot nung leader. "Hawakan nyong mabuti, kapag nakailag 'yan kayo ang tatamaan.." Naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak nung apat. T^T ang sakit! Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, habang parang slow motion nang itinaas nung leader 'yung bat para ipalo sa'kin!!! 5 4 3 2 1 PAK!!! "Oh my God!!" singhap nila kasabay ng tunog ng baseball bat na nabitiwan. Unti-unti ko namang iminulat ang mga mata ko.. LIKOD.. 'yan ang sumalubong sa'kin.. pamilyar na likod.. ang likod na lagi kong sinusundan kapag naglalakad kami.. ang likod niya.. "What are you doing?" kalmado niyang tanong sa lider. "Let her go.." utos naman siya sa apat na nakahawak pa rin sa'kin. Agad-agad naman akong binitiwan nung apat at nagmamadaling nagtago sa likod nung leader. "F-floyd kasi niloloko ka niya! Palagi niyang kasabay pumasok si Arvic!" sumbong ni pango dahil nanginginig sa takot 'yung lider. "It’s none of your business" cool niyang sagot. "Don’t you dare touch her again or else---" malamig na babala nito ngunit bago pa niya matapos ay nagsitakbuhan na ang limang babae. Napabuntong-hininga naman ito at unti-unting humarap sa'kin.. O____________O GOD!!!! Duguan siya!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD