Chapter 17

4750 Words
'Summer after high school when we first met We make out in your Mustang to Radiohead And on my 18th birthday we got matching tattoos Used to steal your parents' liquor and climb to the roof Talk about our future like we had a clue Never planned that one day, I'd be losing you' Habang nag mamaneho si Finyx si Ella ay panay ang kanta. Patay ang aircon ng loob ng kotse dahil naka bukas ang mag kabilang bintana ng sasakyan. 'In another life I would be your girl We keep all our promises Be us against the world In another life I would make you stay So I don't have to say You were the one that got away The one that got away' Lyrics na kinakanta ni Ella, habang mga mata nito ay nakatuon kay Finyx. Si Finyx ay tahimik at nakininig lang sa magandang tinig ni Ella. "You have a beautiful voice, Darling." Turan ni Finyx kay Ella. Nahinto sa pagkanta si Ella at na pahawak sa kanyang ulo dahil muli siyang nakaramdam ng pag kahilo. "Hey, what's wrong? are you okay?" Nag aalalang tanong ni Finyx nang balingan si Ella. Inihinto ni Finyx sa gilid ng kalsada ang kotse. Hinawakan ni Finyx ang braso ni Ella. "Darling?" "Nahihilo ako para akong maduduwal, tapos sobrang sakit ng ulo ko. I think that man put something in the drink he gave me earlier." Usal ni Ella. "I--i can't breathe!" Nahihirapan na wika ni Ella at napasapo sa kanyang dibdib. "Oh,, damn it! F--ck that man!" Mura ni Finyx at ini-start ang engine ng kotse. "Take a breath darling, I'll take you to the hospital." Natataranta si Finyx pero pinanatili niyang kalmado ang sarili. Mabilis ang patakbo ni Finyx ng kotse halos liparin nila ang kalsada. Pag dating nila sa b****a ng Montenegro hospital ay agad bumaba si Finyx at umikot ito patungo sa passenger seat at binuhat si Ella. Nang makapasok sila sa lobby ng hospital ay agad silang sinalubong ng nurse at isang doctor. "Finyx, What happened to her?" Tanong ng lalaking doctor. "She can't breathe, please do everything for her." Tarantang saad ni Finyx. "Don't worry Finyx we will do everything." Wika ng doctor na lalaki. Dumeretso sila sa isang silid at doon pinahiga sa hospital bed si Ella. Wala ng malay ang dalaga namumutla ang labi nito. Pinulsuhan ng doctor si Ella pero napakunot ang noo nito ng wala siyang maramdaman ng kahit anong pintig sa ugat nito. Kinuha ng doctor ang stethoscope at pinakinggan ang pintig ng puso ni Ella pero wala talaga. "Oh s**t! She has no pulse. Her heart also stopped beating. This is not good." Wika ng doctor. Agad nito ni-CPR si Ella. "What the f--ck! Seth What is happening to her?!" Frustrated na sigaw ni Finyx. "Her heart stopped beating." Sagot ng doctor at nag patuloy sa pag CPR kay Ella. "F--ck!" Sigaw ni Finyx at malakas na sinuntok ang dingding ng silid. "When something bad happens to Ella. God forgive me because i'm going to kill someone again. I will kill that bastard!" Mariing sambit ni Finyx nanginginig ang buong katawan ni Finyx sa galit. "Doc, stable na ulit ang pulso niya." Anang ng nurse na babae. Nakahinga ng maluwag ang doctor at binalingan ang pinsan nitong kanina pa sinusuntok ang pader. "Finyx enough, she's stable now." Wika ni Seth. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Finyx ng marinig ang sinabi ng pinsan nito. He turned to his cousin and smiled. "Oh, thank God. Thanks Seth." "No problem cous. Pero kailangan namin siyang kuhanan ng dugo for her blood testing. Para malaman natin kung ano ang dahilan kung bakit nahirapan siyang huminga." Saad ni Seth. Tumango lang si Finyx pagkatapos nag lakad papalapit sa hospital bed. "Have you called her family? They also need to know what happened to this beautiful woman." Turan muli ni Seth. Oo nga pala kailangan niyang tawagan ang ate ni Ella baka nag aalala narin ito sa nakababatang kapatid. "Wait, who's she?" Seth asked. Pinsan ni Finyx si Seth pero hindi pa nito nakikilala si Ella. Noong birthday kasi ng lolo nila ay hindi ito nakapunta dahil abala ito sa hospital. Kaya hindi nito kilala si Ella. "She looks a few years younger than you." Usisa ng tsismosong pinsan at ngumisi. Huling-huli ni Finyx ang kaka-ibang titig ni Seth kay Ella. Babaero itong pinsan niya maloko ito pagdating sa mga babae. "Yeah, she is 18. And please stop smiling like a dog. She's my girlfriend." Saad ni Finyx at masamang tinitigan si Seth na mukhang natipuhan pa yata si Ella. "What? Girlfriend mo ang batang yan? What the f--ck! Pumatol ka sa mas bata sa'yo?" Hindi makapaniwalang saad ni Seth. "Do you have a problem my age? She is not a kid anymore." Ani ni Finyx. Malakas na humalakhak si Seth sa loob ng silid. "Sayang naman sana pala ni-mouth to mouth resuscitation ko siya nakatikim sana ako ng fresh tuna." Tumatawang sambit ni Seth. "E, nguso ng baril ko ayaw mo ba e-mouth to mouth resuscitation? Baka gusto mo din tikman." Nakatutok ngayon sa nguso ni Seth ang dulo ng baril ni Finyx. "Teka huwag mong itutok baka bumutok, ito naman nag bibiro lang. Buti naman at naka move on kana kay Aimee. Akala ko ikamamatay mo na ang kabaliwan mo sa babaeng iyon." Sumimangot si Finyx sa harapan ng pinsan dahil sa tinuran nito. "Pero cous seryoso ang ganda ng girlfriend mo ang tangos ng ilong. Kapag na sawa ka na sa kanya ibigay mo sa'kin ha. Share your blessing." Biro pa ni Seth. "Ulul! Pera lang ang kaya ko ibigay sa'yo. Pero ang babaeng yan, sa akin lang yan. She is my treasure." Malakas na pinokpok ni Finyx si Seth sa ulo nito gamit ang baril. "Wow! ha, kailan ka pa naging karaoke, ang kornik mo." Saad ni Seth at bahagyang humalakhak. "Doktor Kingston. Tapos ko na pong lagyan ng dextrose at kuhanan ng dugo ang pasyente." Bigkas ng nurse na babae. "Thank you Alexa. Sige cous alis muna ako." Paalam nito kay Finyx. "You must better to leave. Baka masakal pa kita." Tinulak-tulak ni Finyx si Seth palabas ng pinto. "Oh come on cous respect me, I'm a doctor in this hospital. Sumbong kita sa may ari nito." Reklamo ni kay Finyx. "I own this hospital moron." Wika ni Finyx at sinipa ng mahina si Seth sa pwetan nito. "Sige na nga aalis na ako ang harsh mo sa akin. Wala kang utang na labas. After i saved your girlfriend's life." Panunumbat ni Seth kay Finyx bago nag martsa paalis. "I need to call her sister but how?" Anang ni Finyx sa kanyang isipan. Wala kasi siyang numero ni Angelecca ang bag ni Ella ay naiwan sa kanyang kotse. "Si Girly." Bigkas niya at agad tinawagan si Girly. [ Fafa Finyx, napatawag ka? ] Bakas sa boses ni Girly na kakagaling lang nito sa pagtulog. "Sorry to bother you Girly, but i want to ask a favor." [ Oo naman basta ikaw Fafa. Ano ba yun? ] "Si Ella nahirapan huminga kanina, kaya dinala ko siya ngayon sa hospital. Hanggang ngayon wala parin siyang malay. But don't wo--" [ Ano!? Jusme anong ginawa mo sa kaibigan ko Fafa Finyx! Sa oras na may mangyaring masama sa bff ko bubugbugin talaga kita!] Sigaw ni Girly sa kabilang linya. "Can you please calm down. She's okay now." [ Nasaang ospital ba kayo ngayon? At para mapuntahan ko kayo. ] "We are here in my hospital. Montenegro Hospital. But before you come here. Can you call her sister and let her know what happened to Ella." [ Sige, sige. ] Itinext ni Finyx ang room number kung nasaan ngayon si Ella. Umupo si Finyx sa isang silya sa tabi ng hospital bed. Hinawakan niya ang kanang kamai ni Ella at marahang pinatakan ng halik ang likod ng palad ng dalaga. "Damn it Darling. I don't know what I will do if something happens to you." 30 minutes passed dumating si Girly kasama na nito ang nakatatandang kapatid ni Ella. Bahagyang kumunot ang noo ni Finyx ng makita ang isang may edad na lalaki. Pamilyar sa kanya 'to. Ito yung ginoo na dumalaw sa burol ng ina ni Ella. "What happened to my daughter?" Wika ng lalaki. Mabilis ito nag lakad papalapit sa hospital bed. "Oh god, my baby girl." Hinaplos ng lalaki ang buhok ng anak. "What happened to her iho?" Tanong ni Mr David White kay Finyx. "S--, uhm-," Hindi makapa ni Finyx kung ano ang sasabihin. "Aaaaaaaah!" Sigaw ni Ella at napabalikwas sa kama. "Darling?" Agad dinaluhan ni Finyx si Ella pero sinampal lang siya ni Ella sa pisngi. "Ang sweet talaga ng babaeng ito, ang hilig manampal mapanakit masyado." Umiiling-iling na wika ni Girly. "Ella, bakit mo naman sinampal si Finyx. Tsaka kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba anong nangyari sa'yo? Sobrang pinag alala mo ako Ella, lalo na si papa." Malumanay na saad ni Angelecca at sabay niyakap ng mahigpit si Ella. "Darn!" Panaginip lang pala." Bulong ni Ella. "Ella?" Muling tawag sa kanya ni Angelecca. "Ah, sorry ate kung pinag alala kita-." Pinutol ni Ella ang sasabihin at tumingin sa kanilang ama. "Pasensya na po papa. Lalo na sa mga sinabi ko sa'yo kanina. Alam kong nasaktan kita sa mga sinabi ko, hindi ko ho, sinasadya. Nadala lang ako sa bugso ng damdamin, muli ko kasi naalala si nanay." Tumulo ang luha ni Ella. Tumayo si Finyx mula sa pagkaka-upo sa silya at nag paalam na lalabas daw muna ito. Upang bigyan narin ng privacy ang mag-aama at para makapag-usap ng maayos ang tatlo. "Halika Girly doon muna tayo sa labas." Hinila ni Finyx si Girly palabas ng silid. Himas-himas ni Finyx ang kanyang panga parang pakiramdam niya ay lumihis ito. "Bakit ba ang lakas ng babaeng iyon, sakit manampal." Dumating si Seth dala ang result ng blood laboratory test na ginawa nila kay Ella. "Oh, bakit namumula ang pisngi mo? May nanapok ba sayo?" Medyo natatawang turan ni Seth. "Shut up Seth." "Teka bakit ka ba naririto sa labas?" Muling tanong ni Seth. "Hi Fafa! I'm Girly." Pakilala ni Girly at nag papa-cute pa. "Sino naman ang baklang kapre na yan?" Turo ni Seth kay Girly. "Ay, gagi pasmado bunga-nga nito jumbagin ko kaya ito nakaka-hurt ng pilings." Turan ni Girly. "Is that the blood test result?" "Oh this, yes." Inabot ni Seth kay Finyx ang papel. "I have a question. Did she take drugs?" "Ano akala mo sa bestfriend ko adik? Baliw lang yun pero hindi yon nag aadik." Sabat ni Girly. Nakamamatay na tingin ang pinukol ni Finyx kay Seth. "Ow, i'm sorry cous, I'm just asking. Lumabas kasi sa result n'ya na may na-inom siyang gamot, or some ecstasy drugs. This is also the reason why her heart stopped beating. Buti na lang at nadala mo siya agad dito at kinaya ng katawan ni Ella." "Hay naku fafa Finyx, i'm sure one hundred kilos na karne. Nilagyan ng drugs ng lalaking iyon ang inumin na ibinigay n'ya kay Ella." Bigkas ni Girly. "That jerk!" mariing sambit ni Finyx. Biglang bumukas ang pinto ng silid kaya lahat sila ay napalingon sa babaeng nakatayo roon. Maamong mukha ni Angelecca ang bumungad sa kanila sa likod ng babae nakatayo ang ama nito. "Gusto ka raw kausapin ni Ella." Wika ni Angelecca. Tumango si Finyx at pumasok sa loob sumunod narin si Girly. Natulala na si Seth para itong nakakita ng anghel na bumaba mula sa kalangitan. "Wow! Handa na akong mamatay kung ganito kaganda ang mga anghel sa kalangitan. Take me now my Angel." Usal pa ni Seth. Napayuko nalang si Ecca dahil sa mga sinabi ni Seth. Bukas pa ng tanghali ang labas ni Ella sa hospital. Hindi narin pinaalam pa ni Ella sa ate at papa niya ang tunay na nangyari sa kanya. Naisip n'ya ay baka mag alala pa ang mga ito ng husto. Kinausap ni Ella si Finyx, Girly, at Seth na huwag sasabihin sa kanyang ate ang nangyari sa kanya. Hindi sana sang-ayon si Finyx sa gusto ni Ella pero naki-usap ang babae. Nag paalam muna si Angelecca at David na uuwi dahil aayusin pa ni Angelecca ang kanilang mga gamit ni Ella. Napakag kasunduan ng mag-aama na mag sama-sama sa isang bahay at doon sa mansion ng kanilang ama. "Paano ma-una muna kami iho, salamat sa pag-aalaga at pag-sama mo sa aking anak." Nakangiting wika ng lalaki. "Walang anuman ho." Tugon ni Finyx. Simpleng ngiti ang binigay ni Angelecca kay Finyx bago sumunod sa ama. "Bye ma'am Ecca, ingat kayo." Kaway ni Girly. "Thanks Girly." Nakangiting sambit ni Angelecca. "Grabe! Ang ganda niya talaga!" Bulalas ni Seth na para bang na nanaginip pa ng gising. Napailing nalang si Finyx at nilapitan si Ella sa kama. Naka-upo si Ella sa hospital bed at matamis na ngumiti kay Finyx. Na-upo si Finyx sa gilid ng kama sa tabi ni Ella. "Nagugutom ka ba? do you want something to eat?" Malambing na tanong ni Finyx kay Ella. Wala ng dextrose na naka kabit kay Ella. Ngumisi si Ella at sabay kagat ng labi niya. "Gusto kong kainin, hmmn... pwede bang ikaw na lang ang kainin ko." Saad ni Ella at hinalikan si Finyx sa labi nito. Sumimangot ng husto si Seth dahil sa kalandian ng dalawa. "Naughty girl." Anang ni Finyx sa kalagitnaan ng kanilang halikan ni Ella. "Hoy! Tama na yan sumasama ang sikmura ko." Litaniya ni Seth. "Inggit ka fafa Seth i'm here naman e, you can kiss me. Do whatever you want with me, I will give myself completely to you." Malanding sabi ni Girly at nilihis pataas ang suot niyang t-shirt. "Yack! Asa ka, mamatay kang digang." Sabi ni Seth kay Girly. "Masakit ba yung nasampal ko sa'yo kanina? Sorry, akala ko kasi totoo na yung panaginip ko." "Bakit, ano ba ang napanaginipan mo?" "Nahuli raw kita na nakikipag s*x kay Aimee! Hoy lalaki, puputulin ko talaga iyang pinag yayabang mong alaga, kapag ginawa mo sa'kin yun! Subukan mo lang nalokohin ako sasamain talaga sa akin ang dalawang dragon balls mo!" "Relax darling it's just a dream okay. Saka bakit ko naman gagawin sa'yo yun, takot ko lang na mawala ka sa'kin. Mahal na mahal kita. Alam mo naman yun diba. Sa'yo palang dead na dead na ako. Naghuhubad ka palang sa harapan ko mababaliw na ako, halos ma-ulul na nga ako sa'yo pagdating sa kama, tapos ipag papalit pa kita. I love you Ella!" Turan ni Finyx. Hindi mapigilan ni Ella ang mapangiti ano ba, kinikilig siya e,. "Dapat lang no, na sa'kin ka lang mabaliw. Dahil kapag tumikim ka pa sa iba hindi mo na matitikman ang pinakamasarap na peanut butter sa buong mundo." Anas ni Ella. "Tang-na ganiyan ba talaga sila mag-usap? Hindi halata sa mukha ni Ella na ganiyan siya mag salita." Hindi makapaniwalang sambit ni Seth. "Naku fafa Seth kapag nakasama mo ng isang araw iyang si Ella. Siguradong lalabasan ka ng wala sa oras dahil sa kabastusan na lumalabas sa bibig niyan." Ani ni Girly. ~~~ Kinabukasan, alas syete ng umaga na-discharge si Ella. Nasa parking lot sila ngayon ni Finyx. Sa loob ng kotse ay nag haharutan ang dalawa, sa backseat ay naroon si Girly. Kanina pa siya naiirita sa dalawa paano ba naman panay ang tukaan ng dalawang ito. "Alam n'yo umay na kayong dalawa buti at hindi nag kakabuhol-buhol ang mga dila n'yo. Kanina pa kayo nag to-torrid kiss d'yan, kairita inggit ako e," Nag dadabog na turan ni Girly. Bumaling si Ella sa kaibigan at nginisian ito. "Huwag ka ng ma-inggit riyan kapag marami na akong pera aarkilahan kita ng lalaki, sampung piraso. Tingnan natin kung hindi tumirik iyang mga mata mo sa sarap." Humalakhak ng malakas si Ella. "Ay...! Gusto ko yan." Excited na turan ni Girly. Sa Garden Hills Subdivision dumeretso sila Ella kung saan sila titira ng kanyang ate Ecca. "Taray.. yayamanin ang mga taong nakatira dito." Wika ni Girly ng makapasok sila sa loob ng subdivision. "Señorita ka na girl, hindi mo na kailangan mag paka-subsob sa pag aartista para lang mag kapera. Ang yaman ng papa n'yo." Dagdag pa ni Girly. "Mas gusto ko parin sariling pera ko ang gagastusin ko sa mga luho ko. Saka wala akong plano mag trabaho sa kompanya ni papa. Nariyan naman si ate Ecca para mag managed ng kompanya. Ako tutuparin ko ang pangarap ko." Wika ni Ella. Huminto ang kotse ni Finyx sa harapan ng isang kulay itim na gate. Ilang segundo lang bumukas ang gate dalawang guard ang nag bukas nito. Napanganga si Ella ng makapasok sila mismo sa loob ng malaking gate. Hindi lang simpleng bahay ito kundi mansion itong matatawag. Ang lawak ng pavilion, sa malaki at malakawak na garahe ay nakahelira ang iba't-ibang uri ng mamahaling sasakyan. Nakaramdam ng lungkot si Ella sa kanyang puso naalala na naman niya ang kanyang ina. Siguro kung nabubuhay pa ito ngayon at kumpleto na sila. Siguro isa na silang buo at masayang pamilya ngayon. "Sayang." Mahinang bigkas ni Ella. Narinig naman ito ni Finyx kaya napalingon sa kanya ang lalaki hinawakan siya nito sa isang kamay. "Hey, don't be sad. Even though she is not here , I know she is happy now for you and your sister." Saad ni Finyx. Nang nasa garahe na sila ay na-unang bumaba si Girly. Sumunod naman si Finyx at Ella. Sa pinto ng malaking mansion nag hihintay ang kanilang ama na si David katabi si Angelecca. Matamis na ngumiti si Ella at patakbong nagtungo sa harapan ng ama at niyakap ito ng mahigpit. Masaya si Ella dahil may isa pa siyang magulang maswerte siya dahil may tatay pa siyang makakasama. "Maraming salamat po papa, kahit wala na si nanay ay naririto ka para sa'min ni ate Ecca." Nag tubig ang mga mata ni Ella hindi niya mapigilan na hindi ma-iyak ngayon. Sobrang saya n'ya dahil kahit paano ay nakilala niya ang kanilang ama. "Sorry po sa mga sinabi ko sa'yo kahapon." "Huwag mo ng isipin iyon anak. Ang importante ay mag kasama na tayong tatlo. Mahal na mahal ko kayo ng ate mo. Hanggang ngayon mahal na mahal ko parin ang nanay n'yo, hindi siya nawala sa puso ko kahit nag kalayo kaming dalawa." Pati si David ay naiyak na. Naging emotional narin si Angelecca. "Nakaka-iyak naman ang tagpong ito." Saad ni Girly at hinilig ang ulo sa balikat ni Finyx. Tanghali na umuwi si Finyx dahil tinulungan pa nito si Ella gumawa ng thesis. Dalawang buwan na lang at ga-graduate na si Ella sa kolihiyo. "Grabe, girl napaka suwerte mo talaga kay Fafa Finyx. Iba, iba ang pag mamahal niya sa'yo napaka supportive boyfriend. Ikaw na." Aniya ni Girly. Naririto sila ngayon sa kwarto nakahiga si Ella sa kama habang ang ulo nito ay naka-unan sa mga hita ni Girly. Sinusuklaysuklay naman ni Girly ang mahabang kulay ash brown na buhok ni Ella. "Alam mo baks, mahal na mahal ko talaga si Finyx." Turan ni Ella. "Alam ko, hindi ka naman mag kaka-ganiyan kung hindi mo siya mahal. Halata sa mga ngiti mo at nakikita ko sa mga mata mo kung gaano mo siya kamahal. Hmmn, warning lang inday hinay-hinay. Baka sa sobrang pagmamahal mo kay Finyx e, iyan pa ang mag dulot ng sakit sa'yo." "Ang kill joy mo. Hindi ako sasaktan ni Finyx at alam kong hindi niya ako kayang lokohin. Mahal na mahal n'ya ako, ramdam ko yun." "Paano kung, ikaw mismo ang makapanakit sa kanya?" Hindi agad naka-sagot si Ella sa sinabi ni Girly. Kahit siya ay napa-isip paano nga kung masaktan niya si Finyx? Pero imposible mahal niya ang lalaki at wala siyang duda sa kanyang nararamdaman. "Hindi mangyayari yun. Sa anong dahilan naman para saktan ko siya." Nag kibit balikat si Girly. "Marami. Hindi natin alam girl kung kailan susubukin ng tadhana ang pagmamahalan n'yong dalawa ni Finyx. Marami ang tukso sa paligid. Tingnan mo ang nangyari kay ate Ecca mo. Hindi ba't sabi mo nag mamahalan ang ate mo at ang dati nitong nobyo pero nag kahiwalay parin ang dalawa. Ang isang ralasyon hindi titibay kung hindi muna masisira. Katulad ng isang matayog na building. Kung gusto mo maging matibay ito ay kailangan mo muna itong sirain at muling itatag upang maging matibay at matatag." Napa-irap si Ella at umupo sa kama. "Alam mo Gary, ang dami mong knows. Hindi ko alam kung saan mo pinag kukuha iyang mga sinasabi mo. Bakit pa kailangan sirain ang isang matayog na gusali kung sa una palang ay matibay na ang pagkakagawa nito. Anong silbi ng isang matibay na relasyon kung hindi naman aalagaan ng maayos. Sa relasyon hindi mo kailangan maging matibay. Tiwala ang kailangan sa isang relasyon. Kung wala kang tiwala sa mismong gusaling ginawa mo, masisira talaga ito. Trust, ang nag papatibay sa isang relasyon Girly. Tandaan mo yan." Natamimi si Girly sa nai-sagot ni Ella. "Yung mga sinabi mo hindi iyan mangyayari sa aming dalawa ni Finyx!" Matigas na sabi ni Ella. "I hope so. Dahil ayaw kong makikita kitang umiiyak ng dahil sa lalaki. At isa pa ang chaka mo kaya umiyak." "Gaga! Ang ganda ko kaya umiyak. Hindi ako matatanggap sa pag aartista kung hindi ako maganda umiyak." Turan ni Ella. "Sira, natanggap ka dahil magaling ka umarte at umiyak. Hindi dahil maganda ka umiyak. Baliw 'to." "Hmmnp! Pareho lang yun." ~~~~• Isang buwan ang nakakalipas naging abala si Ella sa school at career nito. Isang buwan na rin na hindi sila nag kikita ni Finyx. Naging abala na din kasi ang lalaki sa negosyo nito. Pero kahit ganun ay nag patuloy ang kanilang kumunikasyon sa text at tawag. Ang huling kita ni Ella at Finyx ay no'ong araw na hinatid siya ng lalaki sa bahay ng kanyang ama. After that ay hindi na sila nagkita. Ngayon araw ay kakagaling lang ni Ella sa 'Tones Record' nag pirma siya roon ng four years contract. At bukas ng gabi ay may concert siya kaya kapos siya sa oras upang puntahan si Finyx. Miss na miss niya na ang nobyo gusto niya na itong mayakap at mahalikan. Kasama niya si Girly at mamang Rosa at ang bagong manager ni Ella na si Mr. Orion Zargosa. Bata pa ito at gwapo marami nga ang nag kakagusto sa lalaki pero sadyang suplado ito kahit si Ella ay hindi nakaligtas sa pagiging masungit nito. "Ella can we talk?" Boses ni Orion. "Sige." Tipid na wika ni Ella. Dumeretso si Orion sa opisina nito sumunod naman si Ella. Umupo si Orion sa swivel chair kaharap ng glass office table desk nito. Si Ella ay nanatiling nakatayo. "You can sit." Seryosong utos nito kay Ella sabay turo sa silyang nasa harapan ng glass office desk. Umupo si Ella sa silya bakit parang Nanginginig ang tuhod niya kapag nakakaharap nya ang lalaking ito. Masyado kasi itong seryoso sa buhay ni ngumiti ay hindi nito magawa. "Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ni Ella at umiwas ng tingin. "Tsk! Bakit ba ganiyan siya makatitig." Bulong ni Ella. Masyado kasing intimidating tumitig itong si Orion nakaka-ilang. "I heard that you are very unprofessional in your work. That's why you always argue with your former manager." Seryosong wika ni Orion na deretso lang nakatitig sa mga mata ni Ella. Ito yata ang hindi kaya gawin ni Ella ang makipag eye to eye kay Orion. Alam mo yung titig na pati kaluluwa mo ay mahihiya. "I'm a graduating student so I'm busy too. Didn't mamang Rosa tell you?" "So what, if you are a graduating student. Should we adjust for you? You entered this world, so give it time. This is your dream right?" Masungit na turan ni Orion. Hindi napigilan ni Ella ang mag taas ng kilay. Ito ang pinaka ayaw niya sa lahat yung arogante at hambog. "Yes this is my dream but--" "No but, if you can't do it. You can quit!" Matigas na sabi ni Orion. Nag tagis ang bagang ni Ella at dinuro si Orion. "Sobra ka ha, sino ka para diktahan ako sa gagawin ko?" Anas ni Ella. "I am your manager so you will follow everything i want." Pakikipag- argumento ni Orion kay Ella. "Naku! Kung hindi lang talaga kita manager sasakalin kita!" Mahinang usal ni Ella. "Are you saying something?" Iritang tanong ni Orion. "Nothing!" Sabay irap ni Ella kay Orion. "Iniirapan mo ba ako Ella?!" Mahinahon ngunit may diin sa salita nito. Doon napatitig si Ella kay Orion bakit parang tinig na ni Finyx ang kanyang narinig. Miss na miss niya na talaga si Finyx. "Kung wala ka ng sasabihin maari na po ba akong umuwi? May concert ako bukas kaya kailangan ko mag beauty rest." "You can leave now. Wait, tomorrow at one o'clock in the afternoon we have a meeting with mamang Rosa and direct Larson. Please don't be late. Ella." "Yeah, yeah i know. Don't worry manager gusto mo kahit madaling araw palang nandoon na ako." Biro ni Ella. Sumimangot ng husto si Orion. "Joke manager. Ngiti-ngiti rin minsan gwapo ka pa naman." Nag peace sign si Ella bago lumabas ng pinto. Sa labas nag hihintay si Girly dala ang mga gamit niya. "Uuwi ka ba ngayon sa mansion niyo?" Tanong ni Girly. "No, dun muna siguro ako sa condo. Kailangan ko ng katahimikan, alam mo na kapag umuwi ako sa bahay baka kulitin na naman ako ni papa para mag movie marathon kami. Duh, ayoko mag mukhang ngarag sa concert ko bukas ng gabi." "Gusto mo bang samahan kita sa condo mo?" "No need baks, umuwi ka muna sainyo at kunin lahat ng damit mo at bukas dalhin mo sa mansion. Starting tomorrow doon ka na matutulog." Sabay na bumaba sa lobby si Ella at Girly. Sinalubong naman agad si Ella ng personal driver n'ya. "Good evening ma'am Ella sa mansion po ba ang deretso natin?" Tanong ng driver. "Hindi kuya Lito. Sa condo mo ako ihatid then pakihatid narin po si Girly." Sobrang pagod ang katawan ni Ella. Simula kaninang umaga hangang tanghali ay nag shooting sila ng first series niya na ipapalabas sa television sa susunod na buwan. Pagkatapos ay nag photo shoot pa siya kasama ang ka-love team niya. Kapag pagod at tinatamad si Ella umuwi sa mansion ay sa condo siya natutulog lalo na kung abutan siya ng gabi. Sadyang binili ito sa kanya ng kanyang ama kung sakaling ma-alangan siya at gabihin. Kung uuwi pa kasi siya ngayon 30 minutes pa ang byahe nila. "Bye baks!" Kaway ni Ella kay Girly ng makababa na siya ng sasakyan. "Kuya Lito, dumeretso ka nalang sa mansion pagkatapos mong ihatid si Girly. Tatawagan ko nalang si papa at ate Ecca. Ipapaalam ko sa kanila na dito ako matutulog. Ingat kayo." "Magandang gabi iha." Bati ng may edad na guard. "Magandang gabi din po manong." Tugon niya rito at mabilis nag lakad sa malawak na lobby patungo sa elevator. "Miss Ella m-" Hindi na narinig ni Ella ang gustong sabihin ng isa sa mga receptionist na babae dahil pumasok na siya agad sa elevator. Pagkadating niya sa 18th floor kung saan ang palapag ng unit niya ay mabilis din ang kanyang hakbang. Nag type lang siya ng code sa keypad door ay awtomatiko itong bumukas. Madilim ang loob ng unit lalo na sa leaving room. Sa may kitchen lang ang tanging may ilaw. Binagsak ni Ella ang lahat ng gamit na dala niya sa mahabang sofa. Dumeretso si Ella sa kanyang kwarto at hinubad ang lahat ang saplot sa katawan. Binuksan ni Ella ang lampshade na malapit sa kama niya. Pumasok na siya sa Cr at tinapat sa shower. Medyo warm ang tubig na lumalabas sa shower dahil may heater ito. "Uhmmn... Ang sarap ng tubig." Ungol ni Ella. Ang disenyo ng Cr ni Ella ay gawa lahat sa salamin. Pati dingding at pinto nito. Kaya naman kung sino ang taong nasa labas ay makikita niya mula sa loob. Nakapikit si Ella at ninanam-nam ang tubig na bumabagsak sa katawan niya ng biglang may pumulupot na bisig sa kanyang baywang. "Holy s**t!" Sigaw ni Ella dahil sa gulat. Humarap si Ella sa taong may gawa nun. Magagalit sana siya pero nang makita niya ang mukha ng taong iyon ay bigla siyang nanabik. "Finyx!" Hey, darling i missed you!" At biglang siniil ng mainit at mapusok na halik ni Finyx sa labi si Ella. Masuyo naman itong ginantihan ni Ella. ~~~~~~ The lyrics not mine. Song title: The one that got away by Katty Perry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD