Prologue
"Inay aalis na ho ako."
Paalam ni Ella sa kanyang inang abala sa pananahi.
Bumaling ang ginang sa anak at sinuri ang suot nitong uniporme. Tumingin ang babae sa orasan na nakasabit sa dinding ng maliit na sala.
"Alas syete palang ng umaga. Bakit parang ang aga mo naman yatang umalis ngayon, hindi ba't alas nuwebe pa ang pasok mo?" Nag tatakang tanong ng ina.
"Kasi po inay kikitain ko ngayon si Girly. Kailangan ko po kasing kunin sa kanya ang mga paninda ko." Sagot ni Ella.
"Paninda?"
"Opo inay. Alam mo na, nag bebenta ako ng pabango at beauty products sa school. Siya nga pala, si ate Ecca? Nasaan po siya?"
"Ayon, alas sais palang ay umalis na. Ngayon araw daw ang final interview niya sa kompanya ni-aplayan niya kahapon."
"Ganon po ba," Dumapo ang mga mata ni Ella sa tinatahi ng kanyang ina.
"Nay, hindi ba't sinabi na namin sa'yo ni ate Ecca na tumigil kana sa pananahi. May sakit na ho kayo, mag pahinga na lamang kayo dito sa bahay. Alam niyo naman na bawal kayo mapagod, ang kulit mo naman inay."
"Hay naku hayaan niyo nga ako, ito lang naman ang kinalilibangan ko. Naboboring kasi ako dito anak, hindi naman pwedeng tumunganga ako dito mag hapon. At isa pa makakadagdag din ito para sa gastusin at pang gamot ko."
"Ang kulit mo talaga inay. Sige na po aalis na ako may ulam na akong niluto riyan at pinag saing narin kita. Tumawag ka sa akin kapag may problema." Humalik si Ella sa pisnge ng ina at mahigpit itong niyakap.
"I love you po inay..." Malambing na wika ni Ella.
"Sus... Nag lambing pa ang anak ko. Parehong-pareho talaga kayo ng ate mo. Mahal na mahal din kita Ella, kayo ng ate mo."
"O siya sige na umalis kana baka mahuli ka pa sa pupuntahan mo." Anang ng ginang.
"Sige po inay." Palabas na ng pinto si Ella ng mag salita ang kanyang ina.
"Behave okay, bawal makipag-away. Nakarating sa akin na nakipag sabunutan ka raw sa university noong nakaraang araw. Sinuntok mo pa raw sa mukha yung isang babae kaya nabungi yung ngipin."
Tumaas ang isang kilay ni Ella na humarap sa ina. "Inay, Kilala mo naman ako diba. Ayokong na- aargabyado, hindi sa'kin uso ang salitang mahina at pabebe. Basta nasa tama ako ay ipag lalaban ko, at saka dapat lang sa kanila ang mabugbog ano. Tsk! Ang yayaman nila pero hindi sila marunong mag bayad ng utang. Anong akala nila sa perang pinang puhunan ko sa mga paninda ko, pinulot ko lang sa kalsada. Aba'y hindi pwede iyon, pinag hirapan ko kaya ang perang pinang puhunan ko tapos hind sila mag babayad naku wala ng libre sa panahon ngayon." Mahabang litaniya ni Ella.
Napakamot nalang ng batok si Anghella. "Pinaalalahanan lang kita anak, dami mo ng sinabi."
Sa dalawang mag kapatid si Ella talaga ang pinaka mataray, maldita din ito. Hindi sa kanya uso ang salitang magpatalo, lalo na kung ang pinag lalaban niya ay tama. Ngunit kahit ganun ang ugali ni Ella ay mabait at mapag mahal na anak ito at kapatid. Mahal na mahal niya ang kanyang ina. Kaya nga suma-sideline siya sa pag bebenta ng mga beauty products, upang pandagdag pangbili ng gamot ng kanyang ina para narin makatulong siya sa kanyang ate Ecca.
"Hi Ella, magandang umaga my baby." Bati ng isang tambay sa tindahan ni aling bebang mismo sa harapan ni Ella ito nag salita. Kaya napangiwi si Ella sa amoy ng hininga ng lalaki.
"Anong maganda sa umaga? Kung iyang amoy ng hininga mo ay kasing baho ng kanal. Damn it! Bakit kaya hindi mo imumog yang alak na dala-dala mo, baka sakaling mawala ang amoy ng bunganga mo. Kaya hindi ka umaasenso kasi puro ka lak-lak!" Anas nito sa pagmumukha ng lalaki.
Totoo naman kasi, kaya hindi umaasenso ang mga lalaki rito sa lugar nila ay puro nalang alak ang nasa harapan ng mga ito. Umagang-umaga alak ang nagiging kape ng mga ito.
"Ang sungit mo talga Ella. Pero dibale yan ang gusto ko sa babae iyong masungit. Nakaka-challenge lalo akong ginaganahan, kaya crush na crush kita. Pwede ba kita ligawan Ella?"
Inirapan ni Ella ang lalaki. "Really huh? Balak mo akong ligawan. Ni hindi ka nga marunong maligo at mag toothbrush. Lakas ng loob mong sabihin sa akin yan. Hoy! Mas gugustuhin ko pa mapangasawa ang basurero kaysa sa'yo na lasengero. Buti pa ang basurero may silbi at may pangarap sa buhay unlike you, na walang ginawa kundi punuin ng alak ang sikmura. Wala ka pang silbi, palamunin ka pa ng nanay mong pipilay-pilay. Alam mo kung nag trabaho ka sana, siguro naipagamot mo si aling Rosa." Mataray na saad ni Ella.
"Ang sakit mo naman mag salita Ella, below the belt na yan. May pangarap din naman ako." Anang ng lalaki.
"Ano naman ang pangarap mo aber?"
"Pangarap ko, ikaw, ikaw lang naman ang pangarap ko at gusto kong makasama habang buhay." Ngumisi ang lalaki.
"Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong sampalin kita ng belt sa pag mumukha mo!"
Tinabig ni Ella ang lalaki at nilagpasan ito. "Ang aga-aga inaasar mo na naman si Ella, Jackson." Sambit ni Jayson.
Matamis na ngumiti si Ella kay Jayson.
"Hi kuya Jayson, good morning. Pwedeng pakitingin-tingin si nanay sa bahay?"
"Walang problema Ella, binilin narin naman siya sa akin ng ate Ecca mo. Huwag kayong mag alala ako ang bahala kay aling Anghella. Basta para sainyo ni Ecca, malakas kayo sa akin." Wika ng lalaki.
"Salamat kuya Jayson ha, the best ka talaga. Tawagan mo nalang ako kapag nagka problema."
Umalis na si Ella habang nag lalakad siya sa makipot na daan ng iskinita ay nakasabay niya si Carissa ang nag iisang anak na babae ni aling bebang.
Bali-balita na si Carissa ay anak ni aling bebang sa ibang lalaki at halatang foreigner ang ama nito base narin sa hitsura ng mukha ng babae.
Maganda si Carissa, yun nga lang ay parang kulang ito sa ligo.
Sa labasan habang nag aantay ng masasakyan si Ella. Nasa kaliwang bahagi niya si Carissa naka uniporme rin ito.
Humalukipkip si Ella at ni head to foot si Carissa. "Cari," tawag ni Ella sa dalagita. Si Carissa ay nasa first year college na.
"Huh?" Nakatungangang saad ng babae sa harapan ni Ella.
"Yung totoo, hind ba sa'yo uso ang mag suklay at mag pulbos manlang? Alam mo maganda ka, as in sobrang ganda mo, pero natatabunan lang ng mga libag mo sa katawan. Naligo ka ba ngayon?" Walang pakundangan na wika ni Ella.
Napangiwi si Cari sa pagiging prangka ni Ella.
"Ah, e' pasensya na Ella kasi, naputulan kami ng tubig, isang linggo na. At wala din akong sariling suklay, nawawala kasi, hindi ko alam kung saan nailagay ni kuya Joven." Nahihiyang sambit ng babae.
"What the heck! So you mean isang linggo kana walang ligo-ligo? Gosh,, may puso n***o doon sa tapat ng bahay nila kuya Jayson."
"Nangangati kasi ang balat ko sa tubig mula sa poso n***o. Allergic kasi ako sa tubig doon." Mahinhin na sabi ni Cari.
Mahinang humalakhak si Ella sa narinig. "Sa kapal ng libag mo sa katawan talagang nangati pa ang balat mo. Wow ha, ang sosyal naman ng bacteria mo sa katawan." Natatawang usal ni Ella.
Sumimangot ng husto si Cari at napayuko na lamang sa kahihiyan.
Nakita naman ito ni Ella kaya tumigil siya sa pagtawa at medyo nakaramdam ng kaunting kosensya.
Mula sa bitbit niyang kulay pink na eco-bag, kung saan nakalagay ang ibang mga paninda niya, ay may kinuha siya mula sa loob nito.
May natitira pa siyang isang hairbrush doon may compact pressed powder din siyang kinuha at isang maliit na bottle ng perfume. Tira ito sa mga paninda niya kahapon.
"Cari!" Tawag niya sa dalaga. Bumaling ito sa kanya. Inabot niya sa babae ang hairbrush at iba pa niyang hawak.
"Ano yan Ella?" Maang na tanong ng babae.
"Seriously? Sa isang linggo na hindi mo pag ligo. Nabulag ka na ba?" Medyong mataray na sambit ni Ella.
"W-wala akong perang pang bayad para diyan." Usal ng babae
"Bakit sinabi ko bang bayaran mo. Sa'yo na ito libre, bigay ko na sa'yo."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga.
"Talaga! Pero nakakahiya naman sa'yo Ella."
"Kukunin mo ba ang binibigay ko sa'yo o isasampal ko sa mukha mo itong hawak ko!" Tumaas ang isang kilay ni Ella. Agad naman kinuha ni Cari ang mga bagay na inaabot ni Ella.
Hinawakan ni Ella ang ibang hibla ng buhok ni Cari.
"Mag suklay ka ha, nakakatakot ang buhok mo parang steel brush, ang tigas." Saktong may dumaan na isang tricycle sumakay na roon si Ella.
"Thank you Ella!" Pahabol ni Cari, simpleng ngiti lang ang ibinigay ni Ellan para sa babae.
"Pasensya kana baks, kulang kasi ang pera ko para sa down payment. Yung iba kasing may utang sa akin hindi pa nag babayad ang mga hinayupak." Turan ni Ella.
"Ano ka ba bakla, ayos lang parang hindi tayo mag kaibigan. Bayaran mo nalang ako kapag may pera ka na." Sagot naman ng bakla.
"Yey! Thank you Girly Ang bait-bait mo talaga the best, best friend ever! Kaya love na love kita."
"Ahmmn.. Nang bola ka pa sige na, kita nalang tayo bukas. May pupuntahan pa kasi ako, alam mo na kailangan ko mag doble kayod. Mamayang alas tres ng hapon meron akong me-make-up-an na sikat na artista."
"Wow talaga! Naks bigatin na ang kaibigan ko, make-up artist na."
"Dito na lang po ako manong, ito po ang bayad ko."
Patawid na si Ella sa pedestrian lane patungo sa kabilang kalsada ng biglang sumulpot ang isang itim na sasakyan.
Peeeeeeeep!!
Malakas na bosina ng sasakyan. Agad napalingon si Ella sa paparating na kotse. Dahil sa gulat ay nabitawan ni Ella ang lahat ng dala niya. Bumagsak ang eccobag na nag lalaman ng mga perfume lipstick at face powder.
Bakas sa mukha ni Ella ang pag kabalisa. "s**t katapusan ko na ba?" Wika niya sa isipan, napapikit na lamang siya. Huli na rin naman para iwasan ang sasakyan.
Sigawan ng mga tao ang umalingaw-ngaw sa buong paligid. Ilang Segundo nakapikit si Ella pero walang sasakyan ang tumama sa kanya. Teka patay na ba siya? Baka hindi niya lang ramdam yung pag talsik niya baka on the spot ay patay agad siya.
Kinapa niya ang katawan niya at dahan-dahan ng mulat ng mga mata.
Nang mapag tantong buhay pa siya ay nanginig ang dalawang tuhod niya bigla siyang bumagsak sa kalsada.
Dahil sa pag katulala ay hindi niya napansin na may lalaking lumapit sa kanya.
"Hey! Miss are you okay?" Baritonong boses ng lalaki.
"Miss?" Muling tanong ng lalaki.
Napakurap-kurap si Ella at napatitig sa mukha ng lalaki na ngayon naka luhod sa harapan niya at inaalalayan siya makatayo.
Nang medyo umayos ang pakiramdam ni Ella ay sinuri niya ang mukha ng lalaki. Ngayon niya lang napansin na hindi ito pure na pilipino. Base narin sa kulay asul na mga mata nito. Para itong asul na karagatan napaka ganda ng uri ng mga mata nito. Ang matangos na ilong nito at mapupulang labi.
Winagayway ng lalaki ang isang kamay niya sa harapan ni Ella.
"I know I'm handsome, you don't have to look at me like that. You're obviously enjoying the view?" May yabang sa boses ng lalaki.
Nagising si Ella sa pag papantasya sa gwapong mukha ng kaharap dahil sa kahambugan nito.
"Ang yabang!" Usal ni Ella at napatingin sa dala niyang eco bag. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nabasag ang ibang perfume roon.
"Holy moly s**t!" Bulalas ni Ella at lumuhod sa semento at isa-isang pinulot ang nag kalat na mga paninda niya. Okay naman yung mga lipstick, at pressed powder pero yung mga perfume na bagong kuha lamang niya kay Girly ay nabasag lahat.
Masamang tinitigan ni Ella ang lalaking nakangisi habang pinag mamasdan siya.
Bumaling siya sa magarang kotseng nasa harapan niya. Tumayo siya at malakas itong sinuntok ang unahan ng sasakyan.
"Hey! why did you hit my car?" Ursa ng lalaki.
"Ah,, sa'yo ang kotseng ito. Pwes ito para sa'yo." Malakas ding sinuntok ni Ella ang ilong ng lalaki. Sa lakas ng pag kakasuntok ni Ella ay dumugo ang ilong ng lalaki.
"Arhg! Damn it! Why did you punch my fvking nose!" Daing ng lalaki.
"I'm gonna kill you witch!" Nang gagalaiting sabi ng lalaki.
"Hoy amerikanong hilaw!" Dinuro ni Ella ang lalaki halos tumingala siya dahil sa tangkad ng lalaki. Sa 5'5 na height ni Ella ay hindi pa siya umabot o lumagpas manlang sa balikat ng lalaki. Sobrang tangkad naman kasi ng lalaking kaharap niya. Siguro ay nasa 6'3 ang taas ng hottie guy na ito.
"Alam mo ba kung magkano ang lahat ng pabangong nabasag. One thousand kada isang bottle yan, ngayon sampung piraso ang nabasag kaya ten thousand rin ang babayaran ko, abunado pa ako dahil diyan sa katangahan mo! Damn you! Bakit kasi hindi ka tumutingin sa pag mamaneho mo. Anong akala mo sa kalsadang ito karerahan ng mga sasakyan!" Bulyaw ni Ella.
Sa halip na sumagot ang lalaki ay napatitig lang ito sa mukha ni Ella. "Hoy! Sumagot ka huwag mo akong titigan diyan."
Umismid ang labi ng lalaki at masamang tiningnan si Ella.
"Wait, why are you blaming me for your stupidity? Ikaw yung tatanga-tanga riyan. Kung tumitingin ka sana sa tinatawiran mo hindi mangyayari ito."
Lalong nainis si Ella dahil sa sinabi ng lalaki, umiinit ang ulo niya at siya pa talaga ang lumalabas na may kasalanan ngayon?
"Huh... So, are you saying I'm stupid and this it's my fault why this is happening?" Pinanlakihan ni Ella ng mata ang lalaki.
"Yes, you are exactly right." Usal ng lalaki.
"Gago ka ba, pedestrian lane ito, siguro marunong ka naman mag basa. Tawiran ito ng mga estudyante. So dapat kaming pang mga tatawid ang mag a-adjust para sa'nyo ganun? Aba matindi!"
"Oo dapat lang, nag mamaneho kami at kayo nag lalakad lang, kaya dapat kayo mag adjust. Next time kasi lingon-lingon din at bawal tatanga-tanga"
Bumagting ang pandinig ni Ella. Ilang beses na ba siya sinabihan na tatanga-tanga "Fvck you!" Muli sanang suntukin ni Ella ang mukha ng lalaki pero agad nahawakan ng lalaki ang braso niya upang pigilan siya. Bahagyang yumuko ang lalaki at bumulong.
"That's too much, darling." Bulong ng lalaki sa tainga niya.
Nag tayuan lahat ng balahibo ni Ella dahil sa init ng hininga ng lalaki.
"Don't touch me!" Tinapik ni Ella ang kamay ng lalaki na nakahawak sa braso niya.
Parang maluluha si Ella ng bumaling siya sa mga paninda niya. Paano niya babayaran ang lahat ng ito kay Girly. Oo mag best friend sila pero ayaw niya naman abusuhin ang pagiging mag kaibigan nila nakakahiya. Kulang pa nga siya sa down payment na ibinigay niya kaninang umaga.
Inayos ni Ella ang eco bag na may lamang mga make-up kit at iba pa.
"Paano ko ito babayaran lahat." Naluluhan wika ni Ella.
Sinabit niya sa kaliwang balikat niya ang eco bag. At tumalikod na sa lalaki pero biglang nag salita ang lalaki.
"Paano itong nayupi sa unahan ng kotse ko?" Tukoy ng lalaki sa unahan ng kotse niya kung saan sinuntok ni Ella. "Alam mo bang isang milyon ang pag papaayos ng kotse na ito." Muling turan ng lalaki.
"Wala akong pakialam sa kotse mo. Mayaman ka naman, kaya mo ng ipaayos yan, barya lang sa'yo ang one milyon." E, ako ilang buwan ko pang pag iipunan ang ten thousand."
Tuluyan ng umalis si Ella at pumasok sa loob ng gate ng Anderson University. Hindi alam ni Ella habang nag lalakad siya ay malayang pinag mamasdan ng lalaki ang kabuuan ng likod niya patungo sa makinis na legs at binti ng babae.
Si Ella ay hindi gaano ka puti ang balat, hindi katulad ng kayang ate Ecca na ubod ng puti. Siya ay kayumangi ang balat katamtaman ang kulay ng balat niya. Siguro ay namana niya sa kan'ya ama ang kulay ng balat niya. Pero kahit hindi siya ganoon kaputi ay makinis si Ella at maganda. Malakas ang dating niya sa mga lalaki. Sa katunayan nga ay crush siya ng karamihan na estudyante na lalaki sa loob ng unibirsidad.