Chapter 1

3490 Words
Sa hallway habang nag lalakad si Ella patungo sa kanyang room. Bawat nakakasalubong niyang mga lalaki ay ngini-ngitian at binabati siya. "Hi Ella, ang ganda mo talaga." Wika ng isang lalaki. "I know that i am beautiful. Hindi mo na kailangan ipaalala." She replied with confidently. "Lakas mo talaga babe ko." Sabay akbay ng isang lalaki kay Ella. Agad tinapik ni Ella ang kamay ng lalaking naka tanday sa balikat niya. "Ano ba Felix Sandoval, badtrip ako kaya huwag mo na dagdagan." Mataray na wika ni Ella. "Ito naman ang suplada mo, na miss lang kita." "Namiss mo ako? Baka namiss mo kamo akong buwisitin." Anang ng dalaga sa kaharap. "Hmmn... pareho, nag almusal ka na ba? Sabay na tayong kumain ng lunch mamayang tanghalian ha. Libre ko, okay ba sa'yo?" "Oo ba, kapag libre ba e, tatanggi pa ako. Patay gutom kaya ako." Wika ni Ella. Humalakhak naman ang lalaki. Si Felix Sandoval ay nag iisang kaibigan ni Ella sa university na ito. Bukod sa lalaki ay wala na siyang ibang kaibigan dito. Sa taray at pagiging maldita ni Ella ay halos walang makipag kaibigan sa kanya. Ang ibang babae ay nahihiyang lumapit at makipag-usap kay Ella. Kadalasan ay nagiging kaaway ni Ella ang mga babae rito. "Ang cute mo talaga babe." Sabay kurot ni Felix sa pisngi ni Ella. Noon ay hindi naman close ang dalawa pero dahil sa kakulitan ni Felix ay naging malapit ang mga ito sa isa't-isa. Sabay naupo ang dalawa sa silyang mag katabi. "Hoy! Namumuro kana sa pangungurot mo sa pisngi ko. Masakit ha, sasapukin talaga kita." Inis na saad ni Ella. "O sige, hahalikan na lang kita, hindi na kita kukurutin." Agad nga na hinalikan ni Felix sa pisngi si Ella. Hindi naman agad nakapag react si Ella. Pero ilang sandali lang ay malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Felix. Napangiwi si Felix at dinaing ang maluntong na sampal na natanggap nito mula kay Ella. "What did i say to you you're not allowed to kiss and touch me, right?" Masamang tingin ang pinukol ni Ella sa lalaki. "Ito naman napaka damot halik lang naman sa pisngi. Pinag kakait mo pa, kaya hindi ka nag kaka-boyfriend ang sungit mo." "Tsee! Ang sabihin mo nananantsing ka lang." "Ms. White, Mr. Sandoval. Nag babangayan na naman ba kayo!" Natigil ang dalawa sa pag sasagutan ng marinig ang boses ng kanilang professor. Agad naman lumayo si Felix kay Ella at nag tungo sa sariling upuan katabi ng mga kaibigan niya. Kinahapunan alas singko ng hapon nasa labas na ng university si Ella. "Manong singkwenta pesos nga po na squid ball." Inabot ni Ella ang pera sa matandang tindiro. Itong kinasanayan ni Ella bago umuwi ang kumain ng paborito niyang street food. "Ang dami niyan Ella mauubos mo ba iyan. Naku, kapayat mong babae pero ang lakas mo kumain, hindi ka naman tumataba." Bahagyang tumawa ang matanda. "Si tatay Pedro talaga alam mo namang paborito ko ito. Kahit isang banyado squid ball kaya kong kainin." Turan ni Ella sabay subo sa bibig ng pagkain. Habang masayang kumakain si Ella ay hindi niya namamalayan na may matang nag mamasid sa kanya. "Boss, sino siya? Maganda at makinis." Wika ng isang lalaki. "I don't know what her name is. Kaya nga narito tayo para kunin siya." "Boss ki-kidnapin natin siya? Ito na ba ang bago nating negosyo?" Nag tatakang saad ng lalaki. "Tsk! Dami mong tanong kunin niyo nalang siya." Asik ng lalaki sa mga tauhan. "Sige boss." Dahan-dahan lumapit ang van sa kinape-pwestuhan ni Ella napansin naman ito ng dalaga kaya bahagya siyang umusog. Bumukas ang pinto ng front seat ng van at ganun din sa backseat. Palabas na sana ang mga lalaking naka all red suits, pero biglang dumating si Felix Sandoval. "Hey.... Babe kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala." Matamis na ngumiti ang lalaki kay Ella. "At bakit mo naman ako hinahanap?" Mataray na tanong niya sa lalaki. "You told me earlier that you needed money." Nakangising sabi ng lalaki. "So? Bakit bibigyan mo ba ako?" Dinukot ng lalaki mula sa school pants niya ang leather wallet nito at kumuha ng fifteen thousand doon. Inabot niya ito kay Ella. Nanlaki ang mga mata ni Ella sa perang nasa harapan niya. Oo kailangan niya ng pera at isa pa binibiro niya lang si Felix. Pero hindi niya lubos akalain na seseryosohin ng lalaki ang sinabi niya. "Please accept this money Ella, I know you need it now especially for your mother's medicine." Malumanay na saad ng lalaki. Umiling si Ella at malakas na pinalo sa braso si Felix. "Ano ka ba binibiro lang kita, masyado mo naman seneseryoso ang sinabi ko. Hindi ako tumatanggap ng pera Felix, lalo na galing sa ibang tao. Specially sa mga lalaki." "Pero kaibigan mo ako Ella at gusto kong tumulong sa'yo. And, i like you! Alam mo yan ikaw kasi lagi mo akong binabasted." "Mag kaibigan lang tayo Felix nilinaw ko na sa'yo ang bagay na iyon. Akala ko ba okay na sa'yo? Tsaka alam mong ayoko mag karoon ng commitments sa kahit kaninong lalaki. Marami akong problema at ayaw ko ng dagdagan ang mga iniisip ko. Hindi yan ang priority ko ngayon. I'm sorry Felix pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa'yo ngayon at hindi ko rin matatanggap ang pera mo." Tinalikuran ni Ella ang lalaki. "Sa ngayon? Ibig bang sabihin may pag-asa ako sa'yo? Kahit matagal Ella mag hihintay ako, kung kailan handa kanang magmahal." Bumaling si Ella kay Felix at tipid na ngumiti. Aaminin ni Ella na may puwang sa puso niya si Felix. Mabait ang lalaki at bukod doon ubod ito ng gwapo, galing ito sa mayamang angkan. Pero hindi talaga siya handang makipag relasyon sa lagay ng kanyang ina, mas uunahin niyang makatulong muna sa kanyang ate Ecca. At isa pa'y natatakot magmahal si Ella, dahil takot siyang masaktan at umiyak katulad ng ibang babae. "She needs money. Pera ang gagamitin ko para mapapayag ko siya." Saad ng lalaking nasa loob ng van. "Nay nandito na po ako!" Masiglang sigaw ni Ella sa sala ng kanilang bahay. Lumabas sa pinto ng kwarto ang kanyang ate Ecca at matimis itong ngumiti. "Ella naririto ka na pala nag meryenda kana ba?" Mahinahon na tanong nito. "Hi ate Ecca, oo ate nakipag meryenda na ako. Kamusta yung interview mo?" Mas lalong lumapad ang pag kakangiti ng ate niya. Mukhang natanggap ito dahil bakas sa mga mata nito ang saya. "Oo Ella natanggap ako at bukas na bukas papasok na ako sa trabaho ko. Sa wakas hindi na tayo mahihirapan mag hanap ng pera para sa pang maintenance ng gamot ni nanay." "Masaya ako para sa'yo ate. Nga pala anong trabaho mo? At anong pangalan ng kompanya?" "Natanggap ako bilang isang secretary sa Del Falco Holdings Company at yung mismong CEO ng kompanyang iyon ang magiging boss ko." "Wow! Really? Alam mo bang gwapo raw at hottie ang CEO ng kompanyang iyon." Nakangising sambit ni Ella sa kapatid. "E, ano naman ngayon kung gwapo at hottie ang may-ari ng kompanyang iyon. Trabaho ang pinunta ko doon Ella huwag mo ako titigan ng ganiyan." Saway sa kanya ng ate niya. "Paano kaya kung mag kagusto sa'yo ang hottie CEO na iyon. My gosh! Maganda ka ate Ecca hindi malabo na mabihag mo ang puso nun. Yieee... Nakita mo ba siya in person?" Nangingislap ang mga mata ni Ella habang nag hihintay ng sagot mula sa kapatid. "Hindi. Naku Ella tumigil ka nga sa pantasya mo. Hindi mangyayari ang bagay na yon." Aniya ni Ecca. "Ano ba yan hindi mo nakita yung CEO. Sayang naman." May pang hihinyang sa boses ni Ella. "Ella boss ko siya makikilala ko din siya bukas. Halikana nga mag luto na lang tayo ng hapunan." "Si nanay?" Tanong ni Ella. "Naroon sa kwarto n'yo nag papahinga." Kinaumagahan maaga muling nagising si Ella. Pero wala na ang kanyang ate maag rin daw ito umalis sabi ng kanilang ina. "Inay aalis na po ako huwag ka masyado mag pagod rito. May ulam at kanin narin po wag ka mag papagutom at yung gamot mo inomin mo." "Oo na po, inay." Sagot ng kanyang ina sa kanya. "Si nanay naman pinapaalala ko lang po sa'yo. Sige na po aalis na ako mag kikita pa kami ni Girly." "Sige anak mag iingat ka, umuwi ka ng maaga." Kinahapunan nang matapos ang klase ni Ella ay nag kita sila ni Girly sa park na malapit lang sa Anderson university. Kumakain ang dalawa ng paborito nilang street food habang nag uusap. "Ano! Bakit nabasag? My gosh baks one thousand ang halaga ng isang perfume. Paano natin yan babayaran. Hindi ko pa naman nabayaran ng cash iyon sa may-ari." Wika ni Girly ang baklang best friend ni Ella. "Sorry baks, gagawa ako ng paraan para mabayaran yung mga pabango. Kasalanan kasi ito ng buwisit na hambog na lalaking iyon." Inis na naupo si Ella sa isang bench. "Paano mo naman babayaran iyon, aber? Saan ka kukuha ng pera at sino naman yung lalaking tinutukoy mo." Tumabi si Girly kay Ella at pinag katitigan ang kaibigan. "Mag bebenta ako ng laman, para mag kapera." "Gaga!" Malakas na binatukan ni Girly si ulo si Ella. "Aray! Masakit bakla ha! Umayos ka sisipain ko yang dalawang santol mo!" Asik niya sa kaibigan. "Hmnp! Kasi naman hindi mo iniingatan yung mga pabango. Ngayon nadagdagan pa ang problema mo. Ella, ayos lang sana kung nabayaran ko iyon ng cash sa may-ari. Kahit hindi mo na ako bayaran okay lang kasi mag bff naman tayo." Anang ni Girly. "Baks sorry talaga ha, gagawa ako ng paraan." "Bakit kasi hindi mo siningil yung lalaking may kasalanan kung bakit nabasag yung mga pabango na iyon. Teka, anong hitsura ng lalaki, gwapo ba?" Nakangising turan ni Girly. Napangiwi si Ella at inalala ang mukha ng lalaki. Hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili na gwapo yung lalaki. Ang mapupulang labi nito at magandang uri ng mga mata. Nakagat niya tuloy ang pang ibabang labi. "Ay... Kumakagat labi. Hot guy ba?" "Hmmm.. oo tapos,, s**t bakla ang gwapo niya talaga. At ito pa ang tangkad niya, paniguradong may eight pack abs yun." Mariin napatili si Ella at inalog-alog ang balikat ng kaibigan." "Ano ba! Nahihilo na ako sa kaka-alog mo sa akin." Reklamo ng kaibigan. "Pero totoo? Gwapo nga?" Kinikilig narin ang bakla. "Oo nga at alam mo feeling ko daks din yon. Halata naman kasi may lahi. Ano ba yan nag iinit tuloy ang buong pakiramdam ko." Nag kunwaring nag papaypay ng kamay si Ella sa kanyang sarili. "Kung ganun naman pala eh, bakit hindi nalang sa kanya mo ibenta ang laman mo tapos pabayaran mo narin sa kanya yung mga nabasag na pabango." Sumimangot ng husto si Ella sa tinuran ni Girly. "Ayoko nga, jusko baka mabaldado ako. Hindi ko bet ang jumbo, imbis na sarap maramdaman ko baka sa kamatayan ako bumagsak." Natatawang wika ni Ella. "Oy, girl wala pa naman akong nababalitaan na may namatay sa laki. Mag baon ka nalang ng amoxicillin anti bacteria para hindi ka ma-UTI, then paracetamol para hindi ka lagnatin samahan mo narin ng alaxan Fr, para sa sakit sa katawan." Humahalakhak na sabi ni Girly. "Dami mong alam siguro ginawa mo na yan. Ikaw baks ah, kumikiringking ka." "Tsk! Kahit kumirinking ako, useless din kasi may lawit ako." Parehong tumawa ang dalawa. Natigil lang ang mga ito ng may lumapit na limang kalalakihan na pulos malalaki ang pangangatawan. Sabay silang bumaling sa mga lalaking nasa harapan nila. "Yes?" Nakataas na kilay na tanong ni Ella sa mga lalaki. "Kailangan mong sumama sa'min." Parehong hinawakan ng dalawang lalaki ang mag kabilang braso ni Ella at hinila patayo. Naalarma si Girly kaya napatayo ito. "Hoy! Saan niyo dadalhin ang kaibigan ko!' Sigaw ni Girly nag boses lalaki ito. Matangkad at medyo may katikasan din ang katawan ni Girly. Kaya nga minsan ay hindi ito napag kakamalang bakla dahil sa pustura ng katawan nito. "Bakit may reklamo ka!" Sigaw ng isang lalaki at abang susuntukin siya kaya napatili si Girly ng sobrang lakas. "Hayop laki-laki ng katawan mo berde karin naman pala." Tumatawang bigkas ng lalaki. "Dalhin n'yo rin itong higanteng baklang ito baka mag sumbong to sa mga police." Turo ng lalaki kay Girly. Sinakay nila ang dalawa sa van si Ella ay panay sigaw sa loob. "Mga putangina kayo! Saan n'yo kami dadalhin!" Bulyaw ni Ella. "Ang ganda-ganda mong babae pero pasmado iyang bibig mo." Ani ng isa lalaki. "Piringan silang dalawa." Utos ng kalbong lalaki sa mga kasamahan nito. Pumasok sa isang malaking gate ang van. "Ibaba n'yo na ang mga yan!" Sambit ng isang lalaki. "Mga walanghiya kayo kapag naka wala ako rito sasamain talaga kayo sa akin!" Nag sisigaw na wika ni Ella. "Jusko! Baks ayoko ko pang madido ng maaga." Bulong ni Girly kay Ella. "Ayoko rin mamatay ng virgin." Marahang sagot ni Ella. Mahinang nag hagikhikan ang dalawa. "Anong tinatawatawa niyo riyan!?" Tanong ng lalaki. "Ah, sir kung papatayin niyo ako, please gahasain n'yo muna ako. Gusto ko lang maranasan kung paano magahasa." Wika ni Girly. "Ang landi mo gurl." Sambit ni Ella. "Mamatay rin naman ako edi lalandi na ako sayang ang pagkakataon." "Pare narinig mo ba sabi ng higanting baklang ito, gahasain daw natin siya." Nag halakhakan ang mga lalaki. "Ano bang kasalanan ko sa'nyo? Pwede ba pauwin n'yo na kami. Nag iisa lang sa bahay ang nanay ko, pakiusap may sakit siya kailangan ko ng umuwi." Nag mamakaawa na si Ella, kung kanina ay ang tapang tapang niya at nagagawa niya pang tumawa. Ngayon nag aalala na siya para sa kanyang ina. Hindi nila alam kung nasaang lugar sila ngayon naka piring parin ang mga mata nila. "Huwag kang matakot miss beautiful kakausapin ka lang ng boss namin mamaya naririto na iyon. O ayan na pala siya." Boses ng lalaki "Bakit parang umiiyak yan? Sinaktan n'yo ba!?" Matigas na bigkas ng baritonong boses ng isang lalaking kakarating lang. Naupo sa isang single couch ang lalaki at sumenyas sa mga tauhan na tanggalan ng piring ang dalawa. Nang matanggal ang piring sa mga mata ni Ella ay ganoon nalang ang pag kagulat niya ng makilala ang lalaking nasa harapan niya ngayon. "I-ikaw?" "Hi Darling nice to seeing you again." Nakangising turan ni Finyx Montenegro. "Kilala mo siya? s**t bedsheet ang pogi!" Bulong ni Girly sa tainga ni Ella. Tumango lang si Ella at masamang tinitigan si Finyx. "Anong kailangan mo! Bakit mo kami kinidnap? Kung iniisip mo na anak mayaman ako nag kakamali ka. Isa lang akong sexy at magandang dukha, nanakatira sa Barangay 1 makiling, kikipot-kipot at luluwag-luwag. Walang pang payansa sa'yo ang gorgeous ate ko, isa lang kaming dukha na dumidildil ng asin pag sapit ng gabi. At hiling ko lang ha, ku--kung papatayin mo rin lang naman ako please, ayokong mamatay ng virgin." Napakunot ang noo ni Finyx dahil sa mga pinag sasabi ni Ella. Humagikhik ang mga tauhan ni Finyx, si girly naman ay nakatunganga lang habang nakatitig sa baliw nitong kaibigan. "Baliw ka talaga anong payansa, baka ransom." Mahinang usal ni Girly at marahang kinurot sa tagiliran si Ella. "Ahem!" Bahagyang tumikhim si Finyx bago muling titigan si Ella. "Miss Daniella White, hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa, kaya ka narito ngayon dahil gusto kong makipag kasundo sa'yo. I have something to offer you. And I know your mother is sick and you need money for her medicine." Tumaas ang isang kilay ni Ella paano ng lalaking ito nalaman na may sakit ang kanyang ina. "Paano mo nalaman ang bagay na iyan? O my gosh stalker ba kita? May gusto ka sa'kin ano?" "Ambisyosa ka din girl. Sabagay maganda ka may karapatan kang mag ambition." Mahinang sabat ni Girly. "Tsk! Manahimik ka bakla." Sabay siko ni Ella sa tiyan ni Girly. "Sorry, you're not my type of girl. And one more thing, I have a girlfriend." Parang sinampal si Ella ng sampung beses. Napahiya siya doon ah. Umismid ang labi ni Ella at umiwas ng tingin sa lalaki. "Sa palagay mo type kita? Don't worry you're not my type of guy either. We're same feelings!" Anang ni Ella. Ngumisi lamang ang lalaki at pinag katitigan ang mukha ng babae. "Damn this girl she is so attractive!" Wika ni Finyx sa kan'yang isipan. "Gusto ko ng umuwi mag didilim na mag isa lang ang nanay ko sa bahay. Maari na ba kaming umalis ng aking kaibigan?" Pinitik ni Ella ang daliri niya sa harapan ng mukha ni Finyx kaya napakurap-kurap ang lalaki. "No! Gusto ko munang pumayag ka sa gusto ko." Agad na bigkas ni Finyx. "Alam mo ang gulo mo rin ka-usap, hindi ko nga alam kung ano ang nais mo." "I want you!" Biglang lumabas sa bibig ng lalaki. Nag hugis O, ang bibig ni Girly at bumaling kay Ella. "You what? Akala ko ba may girlfriend kana." Iritang sabi ni Ella. "Yes i have but she broke up with me." Anas ng lalaki. "Awww... poor you, sa gwapo at yaman mo na iyan iniwan ka pa niya. Siguro maliit iyang sa'yo kaya nag hanap ng iba." May pang aasar sa boses ni Ella. Matalim siyang tiningnan ni Finyx. "Do you want me to try it on you?" Nakangising saad ng lalaki. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha ni Ella. Lalo siyang na mangha talagang napaka ganda ng babae, hindi siya nagkamali na ito ang piliin na mag panggap bilang girlfriend niya. Parang gustong batukan ni Ella ang kanyang sarili dahil sa sinabi. Mukhang palaban din ang lalaki at kaya siya nitong sabayan. "Pwede ba diretsuhin mo nalang ako, what do you want ba?" Tumayo na si Ella mula sa pag kaka-upo mula sa mahabang sofa at namewang sa harapan ni Finyx. Dahil maiksi ang palda ni Ella ay hindi sinasadyang napatitig si Finyx sa hindi ka putian na legs ni Ella pero sobrang kinis nito. "Mister! Huwag mong titigan yan wala kang karapatan." Sita ni Ella sa lalaki. "I want you to pretend to be my girlfriend. Help me, i want her back in my life. I love her very much." Nag susumamong boses ni Finyx. "At anong ang kapalit?" Tanong ni Ella. "I'll give you ten million. Tulungan mo lang akong bumalik siya sa akin." "Okay, kailangan mo ako para bumalik sa'yo ang girlfriend mo, ako naman kailangan kita dahil sa pera mo, sige mag gamitan tayong dalawa. Pumapayag na ako sa alok mo pero, dapat may down payment. Mahal kaya ang talent fee ko." Saad ni Ella at sabay lahad ng palad nito sa harapan ni Finyx. Nag tatakang tiningnan ito ng lalaki. "Kailangan ko ng pera ngayon, babayaran ko yung mga pabangong nabasag ng dahil sa'yo. Wala din akong pangbili ng ulam namin kaya bigyan mo ako." "Hanep sigurista ka din." Aniya ni Finyx. Tumayo si Finyx at kinuha ang wallet niyang nakasuksok sa bulsa ng maong na jeans niya. Kumuha si Finyx doon ng fifteen thousand at nilagay sa palad ni Ella. Napangisi si Ella at sabay tumingkayad at pinatakan ng mabilis na halik sa pisngi si Finyx. "Thanks Darling! See you tomorrow." Kinagat ni Ella ang pang ibabang labi niya bago tumalikod sa lalaki. "Let's go baks." Yaya niya sa kaibigan. Ilang beses napalunok si Finyx iba ang dating ng babae sa kanya. Hindi niya maipaliwanag, ngayon niya lang ito naramdaman. Ipinahatid ni Finyx sa kan'yang mga tauhan si Ella at Girly hanggang sa bahay ng mga ito. "Salamat kuya sa pag hatid!" Kumaway si Ella sa driver at sa mga tauhang nasa loob ng van. Habang papasok sa iskinita si Ella ay nakasabay niya si Carissa. Narinig niyang humihikbi ang babae kaya kinalabit niya ito. "Pssst! Anong problema mo bakit ka umiiyak? May nanakit ba sa'yo?" Tanong niya sa dalagita. Umiling lang si Carissa ni hindi nito magawang mag ang ng ulo. Nag taka naman si Ella kaya hinila niya si Carissa at pilit pinapanigala ang mukha ng babae. Nagulat si Ella ng makitang pulos pasa ang mukha ni Carissa at may mga kalmot din ito sa mukha at braso. "What the heck! Sino ang may gawa niyan sa iyo Cari?" Nag aalalang tanong niya sa babae. "Mga ka-klase ko binu-bully nila ako Ella." Parang batang nag susumbong si Cari. Parang tumaas ang dugo ni Ella sa narinig ang pinaka ayaw niya sa lahat ay yung may nabu-bully. "At hinahayaan mo naman, tsk! Kapag nakita nilang mahina ka aabusuhin ka nila Cari. Minsan kailangan mo maging maldita para maipagtanggol mo ang sarili mo Cari. Pero wag kang mag-alala ako ang bahala sa mga ng bubully sa'yo." Galit na galit naman si aling Bebang dahil sa sinapit ng niyang anak na babae. Habang nag luluto si Ella ng tinolang manok ay napa-isip siya ano nga ba ang pangalan ng lalaking iyon? Hindi niya manlang naitanong dibale bukas ay tatanongin niya ito. Nag patuloy nalang si Ella sa pagluluto mamaya ay tatawagan niya ang kanyang ate na huwag ng bumili ng ulam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD