Nag susuklay ng buhok si Ella nakaharap ito sa salamin na may ngiti sa labi at kumakanta-kanta pa ito.
Tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng tokador.
Kinuha n'ya ito at agad sinagot hindi na siya nag abalang tingnan kung sino ang tumatawag.
"Yes?" Sagot niya rito.
Malalim na buntong hininga ng isang lalaki ang narinig niya mula sa kabilang linya.
"Are you gonna take long? I've been waiting for you here in the car." Naiinip na saad ni Finyx.
Napakunot ang noo ni Ella sa narinig hindi niya masyado mabosesan ang lalaki.
"Hoy! Wala akong inaasahan na kahit sinong sundo ngayong araw. At isa pa ang pinaka ayaw ko sa lahat yung minamadali ako. Sino ka ba!?"
Mabilis na inilayo ni Finyx ang cellphone sa tainga parang nabasag yata ang air drum niya dahil sa malakas na pag sigaw ni Ella.
"Please don't shout i'm not deaf! hurry up young lady if you don't want me to come to your house. Hindi mo naman siguro gu-gustuhin malaman ng iyon ina na may nobyo kana."Nakangising wika ni Finyx.
"Ohh.. gosh!" Nag mamadaling kinuha ni Ella ang bag niya at eco bag kung nasaan ang mga paninda niya.
"Nay aalis na ho ako." Sabay halik sa pisngi ng kanyang ina.
"Mukhang nag mamadali ka yata?" Usisa ni Anghella sa anak.
"Ka-kasi po magkikita kami ni Girly ngayon Nay. Siya nga po pala yung gamot mo huwag mo kakaligtaan inomin. Sige na po aalis na ako." Nasa pinto na siya ng tawagin muli si ng ina.
"Ella may baon ka pa ba? Nag iwan ang ate Ecca mo ng pera para sa baon mo."
"Nay,, huwag n'yo na ako alalahanin may pera ho ako, sa'yo na iyan itago mo. Bye Inay I love you po!"
Halos mag kandatalisod si Ella sa pag lalakad may takong pa naman yung sapatos na suot niya.
"Ella nagmamadali ka yata?" Tanong ni Jayson.
"Oo kuya Jayson may pupuntahan pa kasi ako. Kuya Jayson ikaw na muna bahala kay nanay pakitingin-tingin na lang siya."
"Walang problema Ella."
"Sige kuya Jayson aalis na ako."
"s**t lang talaga hindi manlang Ako nakapag lagay ng lipstick sa labi kahit foundation sa mukha nakalimutan ko. Buwisit kasi lalaking iyon bakit ba may pasundo-sundo pa siyang nalalaman. Anong drama niya, kainis! Feeling ko ang haggard ng mukha ko." Mahinang wika ni Ella.
Nang makarating sa labasan si Ella at napatingin siya kaagad sa itim na kotse. Heavily tented glass ang salamin ng bawat bintana ng kotse kaya hindi niya makita ang tao sa loob.
Nag lakad siya papalapit sa pinto ng kotse. Bumukas ang backseat at nakita niya roon si Finyx Montenegro. Nakangisi ang lalaki habang titig na titig ito sa kanya.
"Good morning my darling." Bati sa kanya ng lalaki.
Inirapan n'ya ito at pumasok na sa loob ng kotse.
"Umagang-umaga naka-busangot na iyang mukha mo." Anang ng lalaki.
Inis na humarap si Ella sa lalaki at matalim itong tinitigan.
"Wala kang paki! Bakit ka ba nandito? At paano mo nga pala nalaman ang number ko?"
Umismid ang labi ni Finyx."Mahalaga pa ba iyon kung paano ko nalaman ang number mo. At pwede ba huwag kang sumisigaw, ang sakit sa tainga ng boses mo. Kaya mo naman siguro na mag salita na hindi sumisigaw yung mahinahon lang." Turan ni Finyx.
"E, kung ayaw ko may magagawa ka? Alam mo hindi mo naman kailangan sunduin ako dito may paa at may perang pamasahe ako, kaya kong mag punta sa university mag isa."
"Sapalagay mo ba gusto ko din sunduin ka dito. Ang baho-baho kaya ng lugar n'yo. Anong klaseng tirahan ito, tirahan ba ito ng mga daga. Oo nga pala mga dukha nga pala."
Nairita si Ella dahil sa tinuran ni Finyx. "Pasensya kan ha, kung dito kami sa mabahong lugar nakatira. Mahirap lang kasi kami, pero kahit ganoon ay kaya namin rumespeto sa kapwa. Hindi katulad mo napapaliguan nga ng mabangong pabango mabaho naman ang alingasaw ng pang uugali mo." Pinandidilatan ni Ella ng mata si Finyx habang sinasabi iyon.
"At nakikita mo itong magandang mukha ko. Dito mo lang sa mabahong lugar na ito makikita ang diyosang katulad ko." Dagdag pa ni Ella.
Umiwas na lang ng tingin si Finyx dahil sadyang hindi niya kayang pigilan ang sarili na huwag titigan ang mukha ni Ella. Kahit wala itong make-up ay napaka ganda nito. Kung tutuusin mas maganda pa ito kung wala masyadong make-up sa mukha.
Paandar na sana ang kotse ng pigilan ni Ella ang driver nakita kasi ni Ella si Carissa kalalabas lang nito sa gate ng iskinita galing sa looban.
"Pwede ba natin siyang isabay?" Turo ni Ella kay Carissa pero ang mga mata nito kay Finyx nakatingin.
Tumaas ang kanang kilay ni Finyx. "At bakit ko naman pasasakayin sa kotse ko ang babaeng iyan?"
"Dahil gusto ko, at wala kang magagawa." Binuksan ni Ella ang pintuan sa backseat at kinawayan si Carissa.
"Cari! Halikana sumabay kana sa'min." Tawag ni Ella sa babae.
Ngumiti si Cari at patakbong nag tungo sa pinto ng sasakyan. "Halika pasok ka huwag kang mahiya."
Sumimangot ng husto si Finyx at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Umusog si Ella ng kaunti malapit kay Finyx para maka upo si Cari.
Habang binabaybay nila ang kalsada si Ella ay nag lalagay ng face powder sa mukha.
Sa sulok ng mga mata ni Finyx ay pinapanood niya ang bawat kilos ni Ella. Nag lalagay ng lipstick si Ella sa kanyang labi ng agawin ni Finyx ang lipstick na hawak niya.
"What fvck! Ano bang problema mo! Alam mo papansin ka, ibalik mo nga sa akin yan." Pilit na inaagaw ni Ella ang lipstick n'ya mula sa kamay ni Finyx pero hindi ito binibigay ng lalaki.
"Hindi mo na kailangan mag lagay nito dahil maganda ka na." Wika ng lalaki.
Natigil si Ella sa pag-abot ng lipstick niya at napatitig lalaki.
"A--ano?" Salitang lumabas sa bibig ni Ella.
"I said you don't need to put make up or anything else on your face because you are already beautiful." Anang ng lalaki.
Nang makabawi sa pag katamimi si Ella ay ngumisi ito.
"Ows? Ang sabihin mo ayaw mo lang ako maglagay ng lipstick at make-up sa mukha dahil lalo akong gumaganda. Tell me may gusto ka sa akin no?"
"Yabang mo din. You are not my type of girl. Kahit anong mangyari hindi ako mag kaka-gusto sa'yo." Wika ni Finyx.
"Okay, sabi mo e."
"Maraming salamat Ella. Maraming salamat po sir sa pag hatid." Pag papasalamat ni Cari sa dalawa.
Hindi pinansin ni Finyx si Cari si Ella ay ngumiti lang kay Cari. "Oo nga pala Cari mamayang hapon pupuntahan kita dito kaya huwag ka muna aalis." Pahabol ni Ella bago umandar ang sasakyan.
Hinatid narin ni Finyx si Ella pababa na sana ang babae ng hawakan ni Finyx ang siko ni Ella.
Kunot noo na binalinangan ito ni Ella.
"What!?" Iritadong tanong ni Ella.
"I'll pick you up later, around eight o'clock in the evening." Sambit ng lalaki.
"At saan naman tayo pupunta?"
"Today is my birthday, may party na inihanda para sa'kin ang mga kaibigan ko at doon sa M-club gaganapin. Siguradong pupunta doon ang ex girlfriend ko kasama ang bagong boyfriend n'ya." Usal ng lalaki sabay abot ng isang malaking itim na paper bag kay Ella.
Ilang sigundo ito pinagmasdan ni Ella bago kunin. May paper bag pala dito hindi niya ito napansin kaninang pumasok siya.
"Iyan ang damit na isusuot mo mamaya. Sige na lumabas kana sa kotse ko dahil nag mamadali ako at may pupuntahan pa ako." Pag tataboy ng lalaki kay Ella.
Inirapan nalang ni Ella si Finyx bago lumabas ng sasakyan.
Sakto naman sumulpot sa harapan ni Ella si Felix.
"Ella!" Bigkas niya sa pangalan ng babae.
"Felix." Mahinang usal ni Ella.
"Sino yang nag hatid sa'yo?" Tanong ng lalaki sabay turo sa loob ng kotse.
Agad sinira ni Ella ang pinto ng sasakyan.
"Isang kaibigan lang, tara na pumasok na tayo sa loob." Yaya niya sa lalaki.
Pinatsadahan ni Felix ang buong sasakyan hindi pa kasi ito umaalis.
"Kaibigan? Akala ko ba ay si Girly at ako lang ang kaibigan mo? May iba ka pa palang kaibigan bukod sa'kin." May pag-uusisa sa tinig ng lalaki.
Napayoko si Ella medyo nakaramdam siya ng hiya kay Felix. Matagal ng nangliligaw sa kanya ang lalaki at lagi niya itong binabasted. Feeling tuloy n'ya ngayon ay pinag taksilan niya ang kaibigan. Syempre masasaktan ang damdamin nito lalo't na lalaki ang kasama niya baka anong isipin sakanya ni Felix.
"Ahmmn... Bagong kaibigan. Halikana pasok na tayo baka dumating na ang prof natin." Hinawakan ni Ella sa braso si Felix.
"Hindi ako naniniwala Ella, nag seselos ako." Nakasimangot na si Felix at masama ang pagkakatitig sa sa salamin ng binatana ng kotse.
"Ito naman ang OA mo, wag kang mag selos riyan wala kang karapatan hindi mo ako girlfriend." Sabay hampas ni Ella sa braso ni Felix.
"Tsk! Ilang beses mo na ako binasted Ella. Baka mamaya malaman ko may boyfriend kana."
"Hmnp! Ang arte mo ha, hindi ko yan boyfriend okay?"
"Kung hindi mo siya boyfriend halikan mo nga ako sa pisngi." Turo ni Felix sa pisngi n'ya.
Marahang tumungo si Felix sa harapan ni Ella. "Sige na i-kiss mo na ako kundi mag hapon kitang kukulitin." Pananakot nito sa babae.
Bumaling si Ella sa kotse na hanggang ngayon naririto pa. Bakit ba hindi pa ito umaalis?
"Bakit ba naririto parin ito? Sabi n'ya ay nag mamadali siya dahil may pupuntahan pa s'ya? Ano pa ba ang ginagawa ng kumag na ito." Wika ni Ella sa kanyang isipan.
"Haist! Sige na nga." Tumingkayad si Ella at mabilis na pinatakan ng halik sa pisngi si Felix.
Matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Felix at pasimleng tumingin sa bintana ng kotse at ngumisi.
"Let's go babe." Wika ni Felix sabay hawak sa baywang ni Ella. Kinuha din ng lalaki ang mga bitbit ni Ella pati ang bag ng babae ay siya na ang nag dala.
Halos magusot ang noo ni Finyx sa loob ng sasakyan habang pinag mamasdan si Ella at ang lalaki habang nag lalakad papasok ng campus.
Labis niyang kinaiinis ay yung pag halik ni Ella sa pisngi ng lalaki. At halatang may kayabangan ang lalaking iyon.
"Boss ang angas ng isang iyon. Nakita mo kung paano niya titigan ang salamin ng kotse. Sarap bogbogin, ano boss risbakan natin." Turan ng driver niya.
"Tsk! Hindi ako pumapatol sa mga isip bata." Inis nitong sabi.
"Pero magandang lalaki at halatang anak mayaman, siguro boyfriend iyon ni ma'am Ella wagas makakapit sa baywang ni ma'am. Kung sabagay ay bagay silang dalawa gwapo at maganda." Wika pa ng driver.
"Mag maneho kana diyan kung ayaw mong sipain kita palabas ng sasakyan. Napaka chesmoso mo!" Medyo napalakas ang boses ni Finyx kaya nasigawan niya na ang driver.
Bakit nga ba naiinis siya? Eh pakialam n'ya kung boyfriend iyon ni Ella. Pero hindi eh, may kasunduan sila ng babae. Hindi pwedeng may boyfriend ito dahil baka makasira pa ito sa pagpapangap nila ni Ella. Kailangan n'yang mabawi si Aimee sa bagong boyfriend nito at si Ella lang ang daan para mangyari iyon.
Kinahapunan nasa labas na ng campus si Ella kausap nito si Girly sa cellphone. Habang abala siya sa pakikipag-usap sa cellphone ay may tumigil na isang puting van sa harapan ni Ella.
Lumabas mula sa passenger seat ang isang tauhan ni Finyx. Binuksan ng lalaki ang backseat, bumaba mula sa loob n van si Finyx iba na ang suot nitong damit kumapara kaninang umaga, naka black suits ito at halatang kakagaling lang sa isang business meeting ang lalaki. Magulo pa ang medyo curly na buhok ng lalaki na ikindadag ng ka-gwapuhan nito.
Napatitig si Ella kay Finyx para itong isang diyos sa paningin niya. Napaka gwapo at napaka perpekto nito. Nang mapansin ng lalaki ang kaka-ibang titig nito ay agad nag iwas ng tingin si Ella. Ilang beses siyang napalunok, bakit na kakaramdam siya ng atraksyon para sa lalaki? Hindi pwede ito, hindi maaaring magka-gusto s'ya sa lalaking ito.
Iwinaksi ni Ella ang mga bagay na nag lalaro sa kanyang isipan.
"Ba--bakit ka nandito?" Tanong n'ya sa lalaki na hindi tumitingin.
"Sino yang kausap mo baks? Si fafa Finyx ba?" Boses ni Girly sa kabilang linya.
"Ah, oo sige baks tatawag nalang ulit ako mamaya." Nag paalam na si Ella sa kaibigan.
"Is not it obvious? of course picking up my girlfriend." Husky na boses na pag kakasabi ni Finyx.
Luminga-linga si Ella hinahanap ng kanyang mata si Felix baka kasi bigla nalang ito dumating.
Hindi pinansin ni Ella ang sinabi ni Ella at nag kunwaring may katext sa cellphone.
"Your boyfriend is coming." Wika ni Finyx.
"Sino ang tinutukoy niya? Si Felix ba?" Anang n'ya sa isipan at pumihit upang makita ang lalaking tinutukoy ni Finyx.
Si Felix nga ang parating at dala nito ang itim na paper bag na bigay kanina ni Finyx.
"Babe naiwan mo sa room natin." Sabay taas ni Felix sa paper bag at winagayway pa.
Nawala ang ngiti sa labi ni Felix ng makita ang mukha ni Finyx.
"What is his doing here?" Matabang na tanong ni Felix.
Napakamot ng noo si Ella mukhang mag kakaroon pa ng problema si Ella.
"I'm here because i'm picking up my girlfriend." Kalmadong saad ni Finyx.
"Your girlfriend? Bakit dito rin ba nag aaral ang girlfriend mo?" Si Felix ang nag tanong.
"Yes, and she is in front of me now. Let's go Darling?" Nakangising wika ni Finyx kay Ella.
Pinantirikan ng mata ni Ella si Finyx dahil sa inis.
"As far as I know, sir, she doesn't have a boyfriend. Kaya sa akin sasabay si Ella at hindi sa'yo!" Mahigpit na hinawakan ni Felix ang pulsuhan ni Ella.
Tumiim ang bagang ni Finyx at hinawakan din ang isang kamay ni Ella.
"No! Sa akin sasabay si Daniella!" Mariing sabi ni Finyx.
"Ako ang mag hahatid sa kanya!" Iritableng saad ni Felix at masamang tinitigan si Finyx bahagya niya rin hinila si Ella papalapit sa kanya.
Hindi naman nag patalo si Finyx at hinila rin si Ella. "Ako ang mag hahatid!"
Naubos na ang pasensya ni Ella at sabay binawi ang magkabilang kamay niya sa dalawang lalaki.
"Ano ba! Kaya ko umuwi mag isa!" Sigaw ni Ella sa dalawa. Kinuha ni Ella ang paper bag mula kay Felix.
"Bahala kayo mag p*****n riyan!" Muling saad ng babae at umalis na.
Mabilis na tumawid si Ella sa pedestrian patungo sa kabilang kalsada at pumara ng tricycle. Sumakay siya ng hindi nililingon ang dalawang lalaking nag kakainitan.
"Ano bang drama ng lalaking iyon at sinabi niya kay Felix na girlfriend n'ya ako. Ang kapal ng mukha! Lagot talaga siya sa'kin mamaya."
Tumuloy si Ella sa university na pinapasukan ni Cari saktong uwian narin ng mga estudyante. Nasa labas s'ya ng gate at hinihintay si Cari.
"Oy! Pare tingnan mo may dayuhang estudyante ang ganda!" Sambit ng isang lalaki.
Nag lakad ang lalaki palapit sa kanya plano nitong makipag kilala.
"Hi can i get to know you? I'm Kyle." Pakilala ng lalaki sabay ngumisi.
"So what? i'm not interested on you." Masungit na sabi ni Ella at tinalikuran ang lalaki.
"Woah!" Nag tawanan ang ibang mga kasama ng lalaki. "Ang sungit pare. Tinalikuran ka papayag ka ba na pahiyain at bastusin ng isang babae." Panunulsol dito ng isang lalaki.
Bahagyang lumapit ang lalaki at mariing hinawakan sa braso si Ella.
"Alam mo bang wala pang babae ang bumabastos at tumatanggi sa akin dito! Ang lakas naman ng loob mo na tanggihan ako, hindi mo ba ako kilala!" Mababakasan ng pagka-inis ang boses ng lalaki.
"I'm sorry i don't have time to get to know you so get out of my sight asshole! and let go of my arm!" Matalim na tingin ang pinukol n'ya para sa lalaki at malakas na tinapik ang kamay ng mapangahas na lalaki.
"Aba matapang ka ha." Anang ng lalaki at akma muling hahaklitin si Ella pero sinaway ng guard ang lalaki.
"Hoy! Hernandez ano na naman yan ng haharas ka na naman ng babae." Saad ng isang guard na medyo may edad na.
Bumulong sa tainga ng Kyle Hernandez ang kaibigan nito. Ngumisi ang lalaki at bumaling kay Ella. "Bye baby see you around."
Umalis na ang apat na grupo ng kalalakihan. Natanaw naman ni Ella sa malayo ang pigura ni Cari. Nakayoko ang babae habang nag lalakad.
Nang medyo malapit na ang babae ay napukunot ang noo ni Ella. Pansin niyang umiiyak ang babae at may bago na naman itong mga kalmot sa braso dahil dumudugo pa ito.
Hinintay niyang makalabas ang babae. "Cari anong nangyari sa'yo? Bakit may mga sugat ka na naman." May pag aalala sa boses ni Ella.
"Ah, ito ba. Naku wala ito Ella sanay na ako." Humihikbing turan ng babae.
"Nasaan ang mga gumawa niyan sa'yo?!"
"Naku Ella hayaan mo na marami sila hindi mo kakayanin."
"Nakalimutan mo na ba Cari sa Anderson University ako nag aaral. Lahat ng mga pumapasok roon ay gangster. Sanay na ako makipag basag ulo."
"At anong gagawin mo papasok ka sa loob at susugurin sila. Hindi mo sila kakayanin mga sampung peraso sila Ella. Baka pag tulungan ka lang nila."
"I don't care! At hindi ako natatakot sa kanila." Wika ni Ella at sabay hila sa kamay ni Cari. Dinala niya ang babae sa gilid ng isang pader. "Dito natin sila hihintayin at ituro mo sa akin kung sino ang mga malditang gumawa n'yan sa'yo."
Isang minuto ang lumipas may sampung kababaihan ang paparating.
"Ella sila yun, iyong babaeng nasa unahan s'ya yung leader." Anang ni Cari.
Tinali ni Ella ng pa-bun ang mahabang buhok niya. "Hoy kayo!" Agaw ni Ella sa atensyon ng mga babae.
Tumingin kay Ella ang isa sa mga babae tumaas ang kaliwang kilay nito.
"Anong problema mo?" Mataray na pagkakasabi ng babae.
"Bakit n'yo binu-bully si Cari wala kayong karapatan na saktan siya!" Sigaw ni Ella.
"Look girls nag hanap ng kakampi si Cari-cari." Sabay halak-hak ng babae.
"Ella halika kana umuwi nalang tayo baka mapahamak ka pa. Wag mo akong isipin okay lang ako sanay na ako sa pang bubully nila sa'kin." Pilit na hinihila ni Cari ang braso ni Ella.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako Cari tuturuan ko lang ng leksyon ang mga to." Mabilis pa sa alas kwarto nakalapit si Ella sa mga babae at malakas na sinapok sa mukha ang pinaka leader nito.
Natigalgal ang babae nanlalaki ang mga mata nito putok ang gilid ng labi ng babae.
"Wala kayong karapatan saktan at api-apihin si Cari!" Bulyaw ni Ella.
"Walanghiya ka! Bakit mo ako sinampal!" Sinabunutan ng babae si Ella kaya agad n'yang sinuntok sa sikmura ang babae. Napaupo ito sa sahig habang dinadaing ang masakit na tiyan nito.
"Fvck you witch!" Galit na sabi ng isang babae kay Ella at sinugod siya.
"Fvck you too b***h!" Usal ni Ella at sinampal ng pag kalakas-lakas yung babaeng sumugod sa kanya parang mawawalan ito ng ulirat dahil sa lakas ng sampal na natamo n'ya. Sinipa ni Ella sa tiyan ang isa pang babaeng nasa likuran niya kaya tumihaya ito sa kalsada.
"Loren tawagin mo si Kyle!" Sigaw na utos ng leader na babae sa isang kasamahan nito.
Walang nagawa ang siyam na babae kay Ella lahat sila ay nakahiga ngayon sa sahig ng kalsada.
Hindi napansin ni Ella na nakatayo na pala yung leader at malakas na hinila ang buhok niya natanggal ang pag kakapuyod ng buhok ni Ella kaya malayang nasabunutan nito si Ella.
Tumakbo si Cari at sinabunutan narin ang babae. "Bitawan mo si Ella impakta ka!" Wika ni Cari.
Nabitawan ng babae ang buhok ni Ella kaya mabilis na nakaganti si Ella pinag sasampal niya ang babae.
"Alam mo bang hindi ako mahilig manabunot. Pananapok at sampal lang ang kaya kong gawin sa mga impaktang katulad nyo!" Sasampalin sana ulit ni Ella ang babae ng may malakas na humaklit sa buhok niya mula sa likuran.
"Puta kang babae ka sino may sabing saktan mo ang girlfriend ko!" Pinaharap ng lalaki si Ella at malakas na sinamapal sa mukha si Ella.
Sa halip indahin ni Ella ang malakas na sampal ng lalaki ay ngumisi pa ito.
"Ow! Girlfriend mo pala ito. Sabagay bagay kayo isang mukhang garapata at isang ulol na aso!" Pang iinsulto ni Ella sa lalaki.
Lalong nandilim ang paningin ng lalaki ng makilala nito si Ella. "Ikaw pala yung babaeng mayabang sa labas ng gate kanina. Hawakan nyo ang babaeng ito." Utos ng Kyle sa dalawang kasama niyang lalaki.
Hinawakan nga sa mag kabilang braso si Ella.
"Babe gumanti kana." Wika ni Kyle sa girlfriend nito.
"Ngayon pupulbusin ko iyang mukha mo sa sampal!" Ngumisi ang babae at akmang sasampalin si Ella ng may biglang malaking palad ang sumalo sa kamay ng babae.
"Don't you dare b***h or else i'll send you to hell!" Katakot-takot na wika ni Finyx may pag babanta sa boses nito.
Nagulat si Ella dahil naririto ngayon si Finyx pero ang labis naikinagulat niya ay yung pag sampal ni Finyx sa mukha ng babae. Halos maiyak sa sakit ang babae dahil sa malakas na sampal na nakuha niya mula kay Finyx.
"No one can hurt my girl. Even you bastard!" Duro ni Finyx sa lalaki. Nanlilisik ang mga mata ni Finyx habang nakatitig kay Kyle.
"Wala ka rin karapatan saktan ang girlfriend ko!" Susugod sana si Kyle pero hindi pa man nakakalapit ang lalaki ay tumalsik na ito. Dugoan ang bunganga ng lalaki. Nag titili naman ang mga babaeng naroon dahil sa nasaksihan. Kahit si Ella ay gulantang ang bilis ng pangyayari hindi niya napansin ang pagsipa ni Finyx sa lalaki.
Susugod pa sana ang lima pang kalalakihan ng mag labas ng baril ang tatlong tauhan ni Finyx.
"Sige lumapit kayo kung ayaw niyong bumaon ang tingga ng baril na ito sa noo nyo!" Wika ni Pablo ang isa sa mga tauhan ni Finyx.
"Pa-pare kilala ko ang lalaking yan siya si Finyx Montenegro!" Bulalas ng isang kasamahan ni Kyle.
Namutla ang mga babae ganoon din ang mga lalaking naroroon sa lugar na iyon ng marinig ang pangalang Finyx Montenegro.
Binalingan ni Finyx si Ella at masama itong tinitigan.
"Halika ritong babae ka!" Mariing hinawakan ni Finyx ang braso ni Ella at kinaladkad patungo sa van.
"Kababaeng mong tao napaka basagolera mo!" Sigaw ni Finyx at tinulak si Ella papasok sa loob ng Van.
Si Cari naman ay pinulot ang paper bag at mga gamit ni Ella sa sahig.