Chapter 3

4576 Words
Pabalibag na tinulak ni Finyx si Ella sa upuan ng kotse. "Ano ba! Balak mo ba akong balian ng braso!" Singhal ni Ella kay Finyx. Hinimashimas ni Ella ang braso n'ya kung saan mariin na hinawakan ito ni Finyx kanina. Napahilot naman ng sintido ang lalaki at masamang tinitigan ang babae kulang nalang ay lapain niya ito. "s**t! Hindi ko alam na pasasakitin mo lang ang ulo ko, ang kulit mo! Ganiyan ka ba talaga kumilos daig mo pa ang lalaki. Gawain mo ba talaga makipag basag ulo!" Sigaw ni Finyx. Buti na lang ay nasa loob na sila ng sasakyan at wala ng ibang nakaririnig sa sigawan nilang dalawa maliban sa ibang mga bodyguards ni Finyx at Cari. "Hoy lalaki! Huwag mo akong sinisigawan!" Bulyaw ni Ella sa pag mumukha ni Finyx. Nabigla naman si Ella ng ilapit ng husto ni Finyx ang mukha nito sa kanya. Para siyang maduduling dahil sa pag kakalapit ng lalaki. Ilang beses napalunok si Ella dahil sa kaka-ibang titig ng lalaki sa kanya. "At bakit hindi kita sisigawan, hmmn? Sapalagay mo ba masisindak mo ako sa pagiging siga mo. Paano kung hindi ako dumating sa lugar na iyon. Baka napahamak kana, ang lakas ng loob mo na makipag away na mag isa." Turan ni Finyx at napatitig sa labi ni Ella. May maliit na sugat si Ella sa gilid ng labi niya. Medyo dumudugo ito kaya kinuha ni Finyx ang panyo n'ya sa bulsa ng pants niya. Dahan-dahan nilapat ni Finyx ang panyo sa sugat ni Ella. Lumamlam ang mata ni Finyx at marahan pinunasan ang dugo mula sa sugat. "Next time kung makikipag away ka sabihan mo ako, at ako ang bahala sa mga taong may atraso sa'yo. I'm here to protect you Ella." Maaligasgas na wika ni Finyx. Bahagyang napaawang ang bibig ng babae dahil sa narinig bakit sinasabi ito sakanya ng lalaki. Concern ba ito? Pero bakit ito mag aalala sa isang tulad niyang basagolera. Siguro ay pinag titripan lang s'ya nito. Tinulak ni Ella sa dibdib si Finyx upang bahagyang lumayo ito sa kanya. "Wag mo akong isipin at isa pa hindi ko kailangan ng concern mula sa ibang tao lalo na mula sa'yo. Kaya kong ipag tanggol ang sarili ko ng wala ka. I don't need your help!" Inagaw ni Ella ang panyong hawak ni Finyx at siya na ang nag punas ng dugo sa gilid ng labi niya. "Alam mo mayabang ka talagang babae ka. Napaka hambog mo akala mo siguro ay kaya mo ang lahat. Tingnan mo nga nangyari sa labi mo. At isa pa huwag mong iisipin na nag aalala ako sa'yo. Nakalimutan mo na yata na birthday ko ngayon at may pupuntahan tayo. Hindi pwedeng may pasa iyang mukha mo. Ayaw ko mapahiya sa harapan ni Aimie mamaya." Mahabang litaniya ni Finyx. Inirapan nalang ni Ella si Finyx at tumingin kay Cari. "Hoy Cari ayos ka lang ba?" Tanong ni Ella sa babae. "Oo Ella p-pasensya kana ha, dahil sa akin napaaway ka pa at muntik ng mapahamak. Pumutok tuloy yung labi mo." Nakayukong sabi ni Cari. "Sus wala iyon, at huwag mo iisipin itong sugat ko sa labi ilang araw lang wala na ito. Walang-wala itong sugat ko sa hirap at sakit na nararamdaman ko para kay inay." Usal ni Ella at pag katapos ay hindi nag salita. Palihim na humahanga si Finyx kay Ella. Sa totoo lang ito ang pinaka gusto niya sa isang babae yung matapang at palaban. Yun nga lang ay parang sumobra itong si Ella masyado itong matapang hindi na ito nag iisip kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya. Nahuli ni Ella na nakatitig sa kanya si Finyx kaya naman tinaasan n'ya ito ng kilay. "Hoy! Bawal kang mainlove sa'kin do you understand? Mamaya ibibigay ko sa'yo ang kontrata." Anang ni Ella. Napangisi si Finyx dahil sa sinabi ni Ella. Siya? Maiinlove sa isang estudyante at basagolera? mukhang malabo. Si Aimie lang ang nag papatibok ng puso n'ya. "But, she is attractive damn! Paano ko pipigilan ang sarili ko na huwag matukso sa babaeng ito. Bawat kilos n'ya ay nakakaaakit na." Turan ni Finyx sa isipan. "Kontrata?" "Oo kontrata, ano bingi lang? Ulit-ulit? Gumawa ako ng isang kasunduan. Nakasaad doon ang mga bagay na bawal mong gawin sa'kin." Anang ni Ella. "May ganun?" Bubulong-bulong na wika ni Finyx. Nang medyo malapit na sila sa labasan ng iskinita ay nag lagay ng concealer cream si Ella doon sa sugat sa gilid ng labi niya. Ayaw niyang makita siya ng kanyang ina at ate Ecca n'ya na may putok sa labi, hindi n'ya gustong makadagdag pa sa iisipin ng nakakatandang kapatid. Napailing nalang si Finyx habang pinag mamasdan si Ella. Nag susuklay ang babae ng buhok at inayos ang bahagyang nagusot na school uniform nito. Nang tumigil ang sasakyan ay nag mamadaling kinuha ni Ella ang bag n'ya at iba pa niyang dala. Palabas na sana siya ng van ng hawakan ni Finyx ang braso ni Ella at n'ya hinila ang babae papalapit sa kanya. Mabilis na lumapat ang labi ni Finyx saktong dumampi ito kung nasaan ang sugat ni Ella. Muntikan ng mahalikan siya ng lalaki sa labi. Dahil sa pagkabigla ni Ella ay hindi siya nakapag react agad. Nilapit ni Finyx ang labi niya sa tainga ni Ella at bumulong. "See you later my darling." Bulong ni Finyx. "Ella halikana sabay na tayo papasok." Hinila na ni Cari si Ella dahil parang naistatwa na yata si Ella sa kinatatayuan nito. Tulalang bumaba si Ella sa van. "s**t! Nahalikan ako ng kumag na iyon!" Hindi makapaniwalang wika ni Ella. "Damn it! Muntikan niya na akong mahalikan sa labi. Lagot siya sa akin mamaya." Sambit ni Ella at nag umpisa ng mag lakad. "Nay aalis po ako mamaya, baka madaling araw na ako maka-uwi." Paalam ni Ella sa ina. Kakatapos lang nila mag hapunan at ngayon ay nasa kwarto silang dalawa. Ang ate Ecca niya at nag papahinga na sa kabilang silid. Bumaling si Anghella sa anak. "At saan ka naman pupunta? Gabi na anak delikado sa labas. Sino ang kasama mo?" "S-si Girly po inay may inalok kasi siyang raket sa'kin." Sagot n'ya sa ina. "Anong klaseng raket iyan?" Usisa ni Anghella sa anak. "Mag bibinta po kami ng laman inay." Biro nito sa ina. "Ella!" Saway sa kanya ng ina. "Joke lang po inay. Kinuha po kasi ako ng isang kompanya bilang model sa isang prudokto nila." "Anong produkto?" Muling tanong ng kanyang ina. Napakamot ng ulo si Ella dahil sa pagiging mausisa ng ina. "Tabo at timba inay." Napangiwi si Ella dahil sa sariling sinabi. Sa ganda niyang ito ay hindi niya pinangarap na maging model lang ng tabo at timba. "Tabo at timba? Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo Ella pinag loloko mo yata ako." "Eh,, inay naman masyado kang matanong para kang pulis. Huwag kang mag alala sa akin inay si Girly kasama ko. At isa pa may kotse kaming sasakyan." "O siya, kahit hindi naman ako pumayag siguradong pag pipilitan mo iyang gusto mo wala naman akong magagawa. Matigas pa sa bato yang ulo mo, hindi karin mag papapigil sa akin. Basta anak mag iingat ka kung saan ka man nag pupunta. Ingatan mo ang sarili mo." "Inay parang hindi mo ako kilala sila ang dapat ang mag iingat sa akin." Wika ni Ella at kumindat sa ina. Matapos maligo ni Ella ay sinuot niya ang dress na bigay ni Finyx. "Wow! Ang ganda pala ng damit na ito. Nakakaloka nag mukha akong artista sa hollywood." Pinag masdan ni Ella ang sarili simula kasi ng ibigay ng lalaki ang dress na ito kanina ngayon n'ya lang ito nakita. Isang champagne gold satin silk slip midi dress ang suot ni Ella backless ito sa likuran kaya naman lantad ang buong likod niya. Nag tungo si Ella sa harapan ng electric fan at doon tinapat ang basang-basa niyang buhok. "Haist! Hirap talaga pag isang dukha electric fan ang nagiging hair blower." Usal ni Ella. Nang medyo matuyo ang buhok niya ay sinuklay niya ito. "Ang sexy naman ng anak ko at napaka ganda." Anang ni Anghella. Naka-upo ito sa kama habang iniinom ang gatas na itinimpla ni Ella para sa kanya. "Saan pa ba mag mamana inay kundi sa iyo. Syempre ang ganda ng nanay ko." Nakangiting wika ni Ella. "Sus nangbola ka pa." "Totoo po iyon inay, isa lang siguro ang hindi ko namana sa'yo yung maputing balat mo. Ang unfair nga eh, si ate Ecca ang ganda na ubod pa ng puti." Saad ni Ella. "Huwag mong ihahambing ang sarili mo sa ate mo. Kayong dalawa ay may kanya-kanyang aking kagandahan. Kahit kayumangi ang balat mo ay makinis at maganda ka Ella. Matangkad ka pa nga kumpara sa ate Ecca mo." Turan ng kanyang ina. "Sinasabi mo lang iyan para hindi ako mag tampo. Siguro pinag lihi mo ako sa kapeng barako." Bahagyang sumimangot si Ella. "Mag ka-iba man kayo ng kulay ng ate mo pareho Naman kayong maganda anak. May anak ba akong hindi maganda?" "Syempre po wala." Anang ni Ella at nag patuloy sa pag aayos sa sarili. Simple lang ang ayos ni Ella itinali niya ang buhok na pa-bun updo may kaunting hibla siyang iniwan para may design. May make-up siya pero light lang para sa kanya mas maganda parin ang natural beauty. Hindi tuloy maiwasan na maalala niya ang sinabi ni Finyx sa kanya kaninang umaga na hindi niya kailangan mag lagay ng lipstick dahil maganda na daw siya. Uminit ang mag kabilang pisingi ni Ella. Lalo pang uminit ang buong pakiramdam ni Ella ng sumagi sa isipan ang pag lapat ng labi ni Finys sa gilid ng labi niya. "Anak ayos ka lang? Namumula ang buong mukha mo." Wika ng kanyang ina. "Ah opo inay." Tumatawang saad ni Ella. Kinuha ni Ella sa paper bag ang isang kahon na nag lalaman ng gold metallic heels stiletto. Namangha si Ella mukhang mamahalin ang stiletto na ito dahil narin sa tatak. "Infairness ha, may taste ang lalaking iyon galing pumili." Anang niya at sinuri ang stiletto na hawak niya. Totoo ang sinabi ni Ella magaling pumili si Finyx pag dating sa dress at sandals. Ang lalaki mismo ang bumili nito kanina. Sinuot niya na ito agad nakaramdam siya ng saya dahil sa tanang buhay n'ya ngayon lang siya naka-suot ng mamahaling sandal. "Anak sigurado ka bang tabo at timba ang emo-model mo? Sa ayos mo kasi para kang rarampa sa isang fashion show." Sambit ng ina. "Inay naman kailangan maganda ako no, hindi porket tabo at timba ang emo-model ko e, mag mumukha akong pulubi. Naku hindi ako papayag." Humalakhak si Ella at muling tumingin sa salamin at sinuri ang sarili. Lumapit si Ella sa ina at tumabi rito. "Inay picture po tayo." Kinuha ni Ella ang cellphone niya at nag picture nga silang dalawa. "Ang ganda-ganda talaga ng nanay ko." Wika ni Ella at pilit na ngumiti. Pinipigilan niyang huwag maiyak sa harapan ng kanyang mahal na ina. Habang lumilipas kasi ang araw ay mas lalo pang nangangayat ang kanyang ina. May taning na ang buhay ng kanilang ina kahit anong oras at minuto ay pwede itong mawala. Ilnag beses niyang tinatanong sa sarili n'ya kakayanin kaya n'ya kapag dumating ang araw na iiwan na sila ng kanilang ina. "Bakit malungkot ka anak? Dapat ay masaya at naka-ngiti ka. Sige ka masisira ang beauty mo." Biro ng ina kay Ella. Mahigpit na niyakap ni Ella ang ina at mariin siyang napapikit. "Inay mahal na mahal po kita lagi mong tatandaan yan ha. Mahal na mahal ka namin ni ate Ecca." Nakagat ni Ella ang ibabang labi niya pilit niyang pinipigilan na huwag pumiyok at gumaralgal ang boses niya. "Mahal na mahal din kita anak. Mahal na mahal ko kayo ng ate mo." Hinalikan ni Ella sa pisngi ang ina bago tumayo. "Aalis na po ako inay. Huwag mo na akong hintayin dala ko ang susi ng pinto. Matulog at mag pahinga nalang kayo." Tipid siyang ngumiti sa ina bago tumalikod. "Mag iingat ka anak." "Salamat po inay." Saktong pag labas ni Ella sa kwarto ay tumunog ang cellphone n'ya. Dahil alam niya na ang pangalan ng lalaki ay ni-save n'ya na ang numero ni Finyx. "Palabas na ako mag hintay ka riyan." Bungad ni Ella sa tawag. "Tsk!" Yun lang ang narinig ni Ella mula sa kabilang linya. Pansin ni Ella na parang ayaw ng lalaking nag hihintay ito ng matagal siguro ay hindi ito sanay na mag hintay ng matagal mabilis ito mainip. Pag labas ni Ella sa pinto ay ni-lock niya ito. Nilagay niya sa gold clutch purse ang susi at umalis na. Papalapit na siya sa tindahan ni aling bebang marami ang tambay na kalalakihan roon. Ang iba nag ke-kwentuhan yung iba naman at nag iinuman kasama na roon si Jayson at Jackson. Nang mapatapat siya sa tindahan ni aling bebang ay may sumipol na isang lalaki. Hindi nalang ito pinansin ni Ella dahil Kilala niya ito kung sino walang iba kundi si Jackson. "Napaka ganda mo naman Ella saan ang punta mo? Gabi na may susundo ba sa'yo?" Si Jayson ang nag tatanong kay Ella. "Hi kuya Jayson, oo may susundo sa'kin. Siya nga pala kuya Jayson patingintingin nalang kay nanay at ate Ecca." "Oo ba Ella. Mag iingat ka sa pupuntahan mo." Anang ng lalaki. Si Jayson ay para na itong nakakatandang kapatid nila Angelecca at Ella. Tinuturing na nila itong kuya. Maasahan ito sa lahat ng bagay at bukod doon ay mapag kakatiwalaan. "Salamat kuya Jayson. Sige aalis na ako." Paalam ni Ella. "Ganda mo Ella hatid na kita sa labasan." Alok ni Jackson. "Huwag na, baka kasi lumpo kana makabalik rito." Masungit na sabi ni Ella at tumalikod na. Binaybay ni Ella ang makipot na iskinita palabas ng kalsada muntik pa siyang matapilok dahil naka-apak siya ng bato. Pag labas ni Ella sa maliit na gate ng iskinita kulay dilaw na ilaw mula sa poste ang nag sisilbing liwanag sa kalsada. Natuon ang atensyon niya sa lalaking naka suot ng black blazer, sa pang ilalim nito ay white v-neck t-shirt. Naka tupi ang mangas ng blazer ng lalaki hangang siko habang naka tack-in ang v-neck t-shirt nito sa itim na maong pants ng lalaki na pinarisan naman ng black and white nike shoes. Biglang nangatog ang mag kabilang tuhod ni Ella dahil sa kaka-ibang titig ng lalaki. Hindi maiwasan mapahanga si Finyx sa taglay nag ganda ng babae dagdagan pa ang malakas na karisma ng babae. Hindi siya mag tataka kung maraming lalaki ang nahuhumaling sa babae dahil ubod ng ganda nito. Pinatsadahan ng lalaki ang kabuuan ng babae. Hindi lang ito maganda sexy din ito lalo na ngayon sa suot nitong dress bagay na bagay sa babae. Matagal nag katitigan ang dalawa bago unang umiwas si Ella. Masyado na siyang nalulunod dahil sa mga tingin ni Finyx na ngayo'y pati tuhod niya nangangatog na hindi niya alam kung bakit. Nilingalinga ni Ella ang ulo niya pansin niya na walang kasama na bodyguards si Finyx. Napatingin siya sa kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada. Isang white porsche ang naka-park roon. Napaisip bigla si Ella gaano ba kayaman ang Finyx Montenegro na ito?. Muling tumingin si Ella kay Finyx ganoon parin nanatiling nakatitig ito kay Ella. "Tara na baka mahuli na tayo sa sariling party mo." Nilagpasan ni Ella si Finyx. Napapikit si Ella ng masamyo n'ya ang mamahaling pabango ng lalaki. "Yawa sarap yakapin ng isang ito ang bango. Nyemas!" Wika ni Ella sa isipan. Hahawak niya na sana ang hawakan ng pinto ng kotse ng maunahan siya ni Finyx. Pinag buksan siya ng lalaki ng pinto ng kotse. "Wow ha, gentleman mo ngayon. Anong klaseng tubol ang nakain mo at may pag bukas pinto ka nalalaman." Litaniya ni Ella. "Alam mo ang ganda mo pero yang bibig mo ang barubal." Wika naman ni Finyx Tahimik lang sa bayahe ang dalawa si Ella ay nakatanaw lang sa bintana at pinapanood ang matataas na gusali na bawat nadadaanan nila. May nakita siyang isang malaking billboard ng isang babae sa pag kakaalam niya ay isang sikat na model ito. Noon pa man ay pangarap na ni Ella ang mag artista at mag model. Lingid sa kaalaman ng babae ay panakanakang siyang tinatapunan ng tingin ni Finyx. Pag karating nila sa isang sikat at mamahaling night club sa entrance palang ay sinalubong na sila ng isang security bouncer ng club. "Good evening sir." Bati ng lalaki kay Finyx pero ang mga mata nito ay kay Ella naka tuon. Napansin naman ito ni Finyx kaya masama niyang tinitigan ang bouncer. "Where are they?" Seryosong tanong ni Finyx sa bouncer. "Naroon po sila sa second floor." Sagot ng bouncer. Nag umpisa ng mag lakad si Finyx si Ella ay nahuhuli dahil sa pag kamangha sa loob ng club na ito. Ang ganda tingnan ng iba't-ibang kulay ng neon lights. Medyo marami ang tao ngayon sa bawat nadadaanan nilang pwesto na may mahahabang couch ay puno ng lalaki at babae roon. May nakita pa siyang sa isang table na nag hahalikan. "Ano ba yan ang kadiri nila, ewww! Dito talaga?" Usal ni Ella. Sa malawak na stage sa unahan may limang babaeng sumasayaw roon pawang mga nakasuot nalang ng bikini. Yung dalawang babae ay nag po-pole dancing. Habang nag lalakad si Ella ay hindi niya napansin na may kasalubong siyang isang lalaki kaya naman na bangga siya ng tuluyan sa malapad na dibdib ng lalaki. Muntikan pa siyang mawalan ng balanse buti nalang ay maagap siyang nahawakan ng lalaki sa baywang niya. Napatingala si Ella doon sa lalaking masaharapan niya na ngayon ay hawak sa baywang niya. "Are you okay miss? I'm sorry hindi kita napansin." Baritonong wika ng isang lalaki. Matangkad ito na halos mag kasing taas lang yata ito ni Finyx. Mag sasalita sana si Ella ng may kamay na mahigpit na humawak sa kaliwang braso. Nilingon niya ang may gawa nito, si Finyx pala nag tatagis ang bagang nito at matalim na tiningnan ang lalaki na kulan nalang ay patayin ni Finyx sa mga titig nito. "Don't fvcking touch my girl!" Bagaman kalmado ang boses ni Finyx ay halata sa boses nito ang pag babanta. Hinila na ni Finyx si Ella patungo sa hagdan na gawa sa purong makapal na crystal case, sa bawat loob ng stairs cases ay may blue neon lights kaya napaka ganda nitong tingnan. Nang makarating sila second floor ay mas lalong namangha si Ella sa nakita kaunti lang ang tao rito kumpara sa baba na maraming tao at puno ng tao sa dance floor. Siguro ay VIP lang ang pwedeng naririto sa second floor. May malawak na stage rin dito at may tatlong nag po-pole dancing na pawang mga naka bikini rin katulad ng mga babaeng naroon sa first floor. Nag tungo sila ni Finyx sa isang VIP room pag kapasok nila roon ay sampung kalalakihan ang naroon may mga babae rin. Sa mga postora ng mga babae at lalaki ay halatang may nasasabi sa buhay. Lahat ng taong naroon sa loob ay napatingin sa kanila ni Finyx mostly ang mga lalaki ay kay Ella nakatingin. "Hey bro buti naman at dumating kana. Kanina pa kami nag hihintay sa'yo ikaw ang may birthday pero huli ka pa." Wika ng lalaki at ngumisi bago tumingin kay Ella. "Oo nga pala si Aimee nandito kasama ang bagong boyfriend niya." Mahinang wika ng lalaki kay Finyx halos ibulong nalang ito ng lalaki. Iginaya sila ng lalaki patungo sa mahabang table kung saan naroon ang mga nakahelerang mahabang couch. Puno ng mamahaling inuming alak ang table wooden may masasarap na pagkain din doon. Nang tuluyang makalapit sila Ella pansin niya na nag tataasan ang mga kilay ng mga babaeng naroon. Syempre hindi siya nag patalo kaya tinaasan niya rin ang mga ito ng kilay. Lihim napangisi si Finyx ng makita ang pag tataray ni Ella. "Hi guys sorry natagalan kaming bumalik hinanap ko pa kasi itong si Alic." Boses ng isang babae. Bumaling si Ella sa kanilang likuran isang mistisang babae ang nakatayo roon. Napaka sexy nito sa suot nitong dress na kulang nalang ay kumawala ang malaking hinaharap nito. Pero napakunot ang noo niya ng makilala n'ya ang kasama nito. Ito yung lalaking naka bangga niya kanina sa first floor. Ngayon alam niya na kaya pala ang sama ng tingin ni Finyx dito kanina dahil ito yung bago ng ex niya. Nahuli ni Ella na nakatitig sa kanya yung Alic kaya agad siyang nag iwas ng tingin. "s**t ang awkward nito ah." Sambit ni Ella narinig naman ni Finyx ang kanyang sinabi. Hinapit ni Finyx sa baywang si Ella at hinila papalapit sa kanya. Kulang nalang ay mag tayuan ang lahat ng balahibo ni Ella dahil sa pag kakadikit ng mga balat nila sa isa't-isa. Bahagyang tumungo si Finyx at pinatakan ng halik sa ulo si Ella sabay bulong. "It's time for us to pretend Ella." "Tsss.. paano ko naman uumpisahan? Wala naman akong alam pagdating sa relasyon. Pulos kalokohan lang naman ang alam ko. Hay bahala na nga si catwoman." Turan ni Ella. "Finyx baka naman gusto mong ipakilala sa amin ang magandang binibining kasama mo." Sabi ng isang lalaking may blonde ang buhok. Lahat ng lalaking naririto ay gwapo may ipag yayabang ang mga mukha. "This is Ella White, my girlfriend." Pakilala ni Finyx kay Ella sa mga kaibigan nito. "Teka totoo ba ang nakita ko? Parang nasaktan si Aimee ng marinig ang sinabi ni Finyx, halata sa reaksiyon ng mukha niya." Wika ni Ella sa isipan. "Hi guys nice to meet you all." Bati ni Ella sa mga tao rito. Naupo sa kaliwang bahagi si Ella at Finyx habang sa kaharap na couch nila naupo si Aimee at Alic. Bahagyang nakaramdam ng kaba si Ella ng muling mag dikit ang mga balat nila sa isa't-isa. "Ella umiinom ka ba?" Tanong ng lalaki na may dimple sa mag kabilang pisngi nito. "Ah, oo naman." Sagot ni Ella. "Ganun? Si Aimee kasi hindi umiinom ng alak." Sabat ng isang maarteng babae. Nakita niya ang pag ngisi ni Aimee. "Tsk! Mukhang may itinatagong kamalditahan ang babaeng ito." Mahinang bigkas ni Ella. "Iba naman kasi ako kay Aimee. Kaya huwag mo akong ihahambing sa kanya. Ako kasi hindi ko kayang iwan si Finyx unlike ng iba mabilis mag palit ng damit." Tinapunan ni Ella ng tingin si Aimee huli niya ang masamang pagtitig ng babae sa kanya. "Woah!" Sabay sabay na sambit ng mga kalalakihan. "Sabi na nga ba, umaalingasaw ang amoy ng malansang isda." Sa isip ni Ella. Ilang minuto pa ang lumipas ay nag lalambingan na si Alic at Aimee sa harapan nila Ella at Finyx. Nag hahalikan pa ang dalawa sa harapan nila parang hindi alintana ng dalawang ito na may mga kasama sila. Bumaling siya kay Finyx nakasimangot ito nakakunot ang noo. Mariing naka kuyom ang kamao nito habang nakatitig kay Aimee. Halatang nag seselos ito. Huminga ng malalim si Ella at palihim na siniko sa tagiliran si Finyx. "Huwag ka masyadong obvious boy, halatang pinapaselos ka rin n'ya wagas ka makatitig eh." Marahang wika ni Ella. Lalong kumulubot ang noo ni Finyx at kinuha ang crystal na basong may lamang alak at walang alin-langan na nilagok ito. Hindi tuloy alam ni Ella kung anong dapat gawin upang maibsan ang selos na nararamdaman ni Finyx. "s**t! Si catwoman nalang talaga ang bahala." Kinuha ni Ella ang isang goblet na may laman din na alak at ininom iyon. Kailangan niya ng pangpalakas na loob. Nakailang tagay si Ella ramdam niya ang mainit na paghagod ng alak sa lalamunan niya. Tumingin si Ella kay Alic at Aimee nag hahalikan parin. Bumaling siya kay Finyx na halos hindi na maipinta ang mukha nito. Ito lang ang paraan n'ya upang ma- gampanan ang trabaho niya kay Finyx. "Finyx!" Tawag n'ya sa lalaki. Lumingon naman ang lalaki sa kanya. Agad niyang hinawakan ang batok ng lalaki at kinabig papalit sa kanya. Nag lapat ang labi ng dalawa si Ella ang kumilos. Hindi siya marunong humalik pero baka sa paraang ito ay matuto siya. Tsaka nakakita narin naman siyang nag hahalikan na couple sa campus nila. Sa tv at movie. Dahan-dahan gumapang ang dalawang palad ni Finyx patungo sa baywang ni Ella. Noong una ay gulantang pa siya pero kinalauan ay sinabayan n'ya ang mainit na halik ni Ella. Halata sa babaeng hindi ito marunong humalik siguro ay ito ang unang beses na humalik ito. Napaka swerte naman n'ya kung ganoon at siya ang first kiss ng babae. "Wooooo! this is the best hottest kiss i've ever seen." Sigaw ng isang lalaki. Nag tagumpay nga si Ella sa kanyang ginawa dahil umuusok na ang ilong at tainga ni Aimee dahil sa selos nang gagalaiti ito sa inis. Nang maramdaman ni Ella ang agrisibong halik ni Finyx ay siya na mismo ang unang bumitaw, bahagya niya pa naitulak sa dibdib ang lalaki. Hindi n'ya lubos akalain na gagawin n'ya ang bagay na ito. Nag iinit ang buong mukha ni Ella at hindi makatingin ng deretso sa mga mata ni Finyx. "Pu-punta lang ako ng comfort room." Paalam ni Ella at mabilis na tumayo. Nag mamadali siyang lumabas ng glass door. Mula sa glass wall ng VIP room tanaw ni Finyx kung paano mag lakad si Ella. Ngayon niya lang napansin na para itong isang modelo kung mag lakad. Lahat ng nakakasalubong nitong mga lalaki ay napapalingon at napapatingin sa babae. "Sundan ko lang ang girlfriend ko." Paalam ni Finyx sa mga kaibigan at tumayo narin. Ngising tagumpay si Finyx ng makalabas sa glass door. Hindi niya makalimutan ang mukha ng ex girlfriend niya bakas sa mukha ng babae ang inis at selos nito. Ilang minutong nag hintay si Finyx sa labas ng comfort room ng mga babae pero wala pang Ella ang lumabas mula roon. "Fvck! Fvck !" Pinag hahampas ni Ella ang sink ng lababo ng comfort room. "Halik lang iyon Ella walang nawala sa iyo. It's just a kiss Ella!" Kastigo ni Ella sa kanyang sarili habang nakatitig sa salamin. "Pero kasi, hindi ko matanggap na. Nasiyahan ako sa halik ni Finyx, hindi lang nasiyahan parang,, nasarapan pa yata ako. Bullshit! Buwisit! Kasalanan mo ito Ella." Parang baliw si Ella na kinakausap ang sarili at nag papadyak pa. Nang may pumasok na isang babae ay natigil si Ella sa pag dadabog at nag ayos nalang ng sarili. Paano n'ya haharapin si Finyx ngayon pag katapos ng halikan kanina s**t nangangapal ang pisngi niya sa kahihiyan. Lumabas na lang siya ng comfort room na pasinhap pa siya ng makitang nasa labas si Finyx nakasandig ito sa dingding habang ang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa ng maong na pants nito. "Bakit naman siya nandito, gusto yata ng lalaking ito ipaalala sa akin ang kahihiyang ginawa ko kanina." Usal ni Ella. Nakayukong nilagpasan ni Ella si Finyx at hindi ito pinansin. "Thank you Ella." Anang ng lalaki. "Anong thank you, hindi yon libre may bayad yun, at dahil sa iyo napunta ang first kiss ko mag double pay ka sa akin." Yun nalang sinabi ni Ella para hindi masyadong awkward. Pinag masdan ni Finyx ang buong likuran ni Ella habang nag lalakad ang dalaga. Kahit anong gawin niya pinipigilan niya ang kanyang sarili na huwag tumingin kay Ella, pero talo siya. Lagi siyang natutuksong tumitig sa babae lalo na sa mapulang labi ni Ella. "Damn this girl she's so hot!" Usal ni Finyx habang nakatitig sa umbok na pang upo ni Ella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD