Chapter 4

3706 Words
Nang makabalik sa VIP room ang dalawa si Ella ay nanatiling tahimik sa tabi ng lalaki. Habang si Finyx minsan ay nakikipag usap sa mga kaibigan at nakikipag biruan sa mga ito. Tumunog ang cellphone ni Ella kaya kinuha niya ito sa purse n'ya. Tiningnan niya ang screen ng cellphone kung sino ang tumatawag. Si Girly pala ang matalik na kaibigan niya. "Ano naman kaya kailangan ng baklang ito at tumatawag." Sambit n'ya. Tumayo si Ella at bahagyan lumayo at nag tungo malapit sa glass door. "Hello! Baks nasaan ka? Nandito ako ngayon sa M-Club. Diba dito yung party ek-ek ni fafa Finyx!" Sigaw ng bading sa kabilang linya agad nailayo ni Ella sa tainga ang cellphone niya. "Ano ba bakla huwag kang nga sumigaw." Mariing wika ni Ella. "Nasaan ka ba at pupuntahan nalang kita." Tanong n'ya sa kaibigan. "Hintayin mo nalang ako sa first floor nandito pa kasi ako sa comfort room." "O sige bilisan mo ha, huwag kana lumandi riyan at baka mambuso ka na naman." Anang ni Ella sa kaibigan. "Oo na, nag hahanap pa nga ako ng mahaba at malaki rito. Maraming yummy dito, punta ka nalang kaya dito Ella mang manyak nalang tayo!" Tumitiling saad ni Girly. "Gaga huwag mo ako idamay d'yan sa kamanyakan mo. Bilisan mo na baba na ako sa first floor." Lumingon si Ella kay Finyx tumatawa ang lalaki habang nilalagok ang alak sa hawak nitong goblet. Lumapit siya sa lalaki at umuklo at bumulong sa tainga ni Finyx. "Baba lang ako pupuntahan ko lang si Girly." Paalam ni Ella. "No! Nandito pa si Aimee at ang boyfriend niya hindi ka pa pwedeng mag liwaliw." Bulong din ni Finyx. "Sige na mabilis lang naman babalik kaagad ako." Pamimilit ni Ella. Walang nagawa si Finyx kaya pumayag na lang ito. "Fine bumalik ka kaagad." Sambit ni Finyx. "Thank you darling." Medyo malakas na bigkas ni Ella upang iparinig kay Aimee. Dinampian ng halik ni Ella si Finyx sa pisngi at ngumisi. "Be a good boy ha, huwag lalandi alam mo naman kumakatay ako ng karibal." Biro ni Ella nag tawanan naman yung mga kaibigan na lalaki ni Finyx ganoon din yung ibang babae. Umalis na si Ella at bumaba sa first floor mas domoble ang tao ngayon kumpara kanina ng dumating sila ni Finyx. Marami na ang nag sasayawan sa dance floor na animo'y nakawala sa hawla. Maya-maya pa ay damating na si Girly. "Bakit ka nandito baks?" Tanong n'ya sa kaibigan naririto sila ngayon sa isang counter kaharap ang bartender na abala sa pag mi-mix ng alak para sa kanila. "Sinamahan ko kasi kanina si Miss Iya , may problema kaya ayon na painom ng kaunti." Paliwanag ni Girly. "Miss Iya? Yung sikat na model ba kamo?" "Oo alam mo bang kinuha n'ya akong PA. Kaya medyo busy ang bakla mo sa mga susunod na araw pero syempre, mag lalaan parin ako ng oras para sa pinaka magandang kaibigan ko." Ani Girly. "Wow! So dapat mag celebrate tayo kasi personal assistant kana ng isang sikat na modelo. Cheers!" Sigaw ni Ella at kinuha ang goblet at nakipag toss kay Girly. Mula naman sa second floor ng VIP room nakatanaw si Finyx kay Ella. Kitang kita kasi sa loob ng VIP na ito ang buong ibaba ng dance floor. Nakatayo si Finyx malapit sa dingding ng gawa sa makapal na salamin tumabi sa kanya ang kaibigan na si Race. "Pare saan mo nakilala ang babaeng yan alam mo ang ganda n'ya. Noong unang kita ko sa kanya akala ko isang modelo." Wika ng isang kaibigan ni Finyx. "Sa Anderson University siya nag aaral kung saan nag aaral din ang bunsong kapatid ko na si Khaki." Sagot ni Finyx. "Woah,, diba karamihan nag aaral sa university na iyon ay anak ng mga gangster. So paano mo naman siya nakilala?" "Isang beses hinatid ko sa Anderson si Khaki tapos yun nakilala ko siya." Sagot ni Finyx. "Alam mo Finyx bagay kayong dalawa alam mo yung,,, may spark kayo. Bakit kaya hindi mo nalang siya seryosohin hayaan mo na si Aimee." Anang ng kaibigan. Pasimpleng tumingin si Finyx kay Aimee na ngayo ay nakatingin din sa kanya bumaling muli siya sa kaibigan. "Mahal ko parin si Aimee." Walang ganang sagot ni Finyx. "Mahal mo parin yan? E, niloko ka na nga ng babaeng iyan. Tsaka mahal mo pa pala siya bakit may girlfriend kana." Inis na sabi ni Race. "Wala kaming relasyon ni Ella. Nag papanggap lang kami para pagselosin si Aimee. I want Amiee back to me. Alam mo naman na mahal na mahal ko siya, si Aimee lang ang minahal ko ng ganito. Kaya gagawin ko ang lahat para maagaw muli siya kay Alic. Ang hayop na iyan inagaw niya sa akin si Aimee!" Medyo galit na boses ni Finyx. Huminga ng malalim si Race bago mag salita. "What if isa sainyo ni Ella mainlove, anong gagawin mo?" "Malabo mangyari ang bagay na iyan. Siguro si Ella pwedeng mainlove sa akin pero ako? Imposible dahil si Aimee lang mahal ko." "Alam mo pare hindi ko alam kung ano ang nagustuhan mo diyan kay Aimee at baliw na baliw ka. Buong barkada noon ay ayaw na kay Aimee, alam mo naman na playgirl siya. Oo siguro mahinhin siya sa paningin mo at mukhang santa. Pero alam mong mahinhindutin siya, sorry pare for the term. Nag sasabi lang ako ng totoo." Wika ni Race. Masamang titig ni Finyx ang pinukol sa kaibigan. "Payo ko lang sa'yo pare kung mahal mo talaga si Aimee ipag laban mo siya lumaban ka ng patas. Huwag kang gagamit ng isang inosenteng babae para sa pang sariling intensyon mo. Ingat ka baka masaktan mo si Ella, tingin ko pa naman sa babaeng iyan ay matapang at palaban. Hindi ang katulad ni Ella ang mag papatalo lang. Careful pare kung kay Aimee nasaktan ka ng sobra. Baka si Ella ang tuluyang wumasak at dumurog sa'yo. Naku mahirap yan. If I'm with you, stop what you're doing before it's too late. Concern lang ako sa'yo pare at lalo na kay Ella." Mahabang litaniya ni Race at tinapik sa balikat si Finyx at muling bumalik sa table at nakipaghalubilo sa iba pang kaibigan nila. "Tsk! That will not happen." Wika ni Finyx sa isipan. Tumingin si Finyx kung nasaan si Ella at Girly napa kunot ang noo niya ng makita ang iilang lalaking nakapaligid kay Ella ang iba ay nag papa-cute. "Fin, can we talk?" Boses ni Aimee mula sa likuran niya. Bumaling siya sa babae dapat nga maging masaya siya dahil kinakausap siya ni Aimee pero ano itong nararamdaman niya? Bakit siya naiinis. Matamis na ngumiti si Aimee kay Finyx at mas lalo pa itong lumapit sa lalaki. Mag sasalita pa sana si Finyx ng halikan na siya ni Aimee sa labi matangkad na babae si Aimee domoble pa dahil naka high heels ito. "Oy! Diba si fafa Finyx yun tingnan mo may kahalikan siyang babae." Turo ni Girly sa second floor kung nasaan ang VIP room. Tumingin si Ella sa parteng iyon pero ngumisi lang siya. "Yung ex niya yan, hayaan mo nalang siyang lumandi ang mas maigi pa mag enjoy tayo. Hindi narin naman niya ako kailangan ngayon baka bukas ay mag kabilikan na sila ng ex niya." Anang ni Ella at kinuha ang isang bote ng vodka. "Hoy gagi hard drink yan baka malasing ka babaita." Pilit na inaagaw ni Girly ang alak na hawak ni Ella. "Ano ba hayaan mo nga ako. Halika punta tayo sa dance floor, let's enjoy this night." Hinatak ni Ella si Girly papunta sa gitna at nag sasayaw si Ella ng sexy dance kaya naman naagaw niya ang atensiyon ng mga kalalakihan sumasayaw rin roon. "Come on, come on, turn the radio on It's Friday night, and it won't be long Gotta do my hair, put my make-up on It's Friday night, and it won't be long." Umpisa ng liriko ng isang kanta lalo pang umindak si Ella. Nag sisigawan narin ang mga tao sa paligid si Girly ay walang nagawa o hindi man lang niya napigilan ang kaibigan. May isang lalaking nag lakas loob lumapit kay Ella gwapo ito at matipuno. Hinawakan niya sa baywang si Ella mula sa likuran at sumayaw rin ito. Habang samasayaw si Ella ay tinutungga nito ang alak nakakaramdam na ng pag kahilo si Ella. Medyo tipsy na ang babae kaya wala na itong pakialam sa paligid. Naramdam ni Ella ang kamay na nasa baywang niya kaya pumihit siya patalikod upang makita kung sino ang mapangahas na humawak sa kanya. "Oyyy... Hinahamon mo ako ah. Hawakan mo ito." Inabot ni Ella ang bote sa lalaki kinuha naman ito ng lalaki." Gumapang ang isang palad ni Ella sa dibdib ng lalaki pataas patungo sa leeg nito. Nag umpisa muling gumiling si Ella sa harapan ng lalaki. Taas, baba ang pag giling ni Ella. "Ay patay nalintikan na. Kaya hindi ka pwedeng malasing eh." Nag kakamot na ulo na sabi ni Girly habang pinag mamasdan ang pasaway na si Ella. Lalo pang nag sisigawan ang mga kalalakihan lalong umingay sa dance floor kahit malakas ang beat ng music ay nangingibabaw ang lakas ng sigawan ng mga kalalakihan. Tuwang-tuwa naman yung lalaking sinasayawan at ginigilinag ni Ella. Masayang nakikipag landiam si Finyx kay Aimee hindi narin niya nakita si Alic ang bagong boyfriend ni Aimee. Pero wala siyang pakialam sa kumag na iyon, ang importante ay masaya siya dahil kasama niya ngayon si Aimee at kayakap sa isang mahabang couch ng VIP room. Pumasok si Race sa VIP room at nag tungo kung nasaan si Finyx. Dumukwang siya at bumulong sa kaibigan. "Your fake girlfriend. Pinag pi-pyestahan na ng mga lalaki sa baba. At alam mo ba kung sino kasayaw niya? Walang iba kundi si Alic. And i think she's drunk. Mukhang nauungusan ka lagi ng lalaking iyon pagdating sa mga babae pare." Nakangising sabi ni Race. Tumiim ang bagang ni Finyx at napakuyom ang kamao niya. Agad tumayo si Finyx at mabilis nag lakad papalabas ng VIP room. "Hey Finyx where are you going!" Sigaw ni Aimee. Tumingin si Race kay Aimee at nginisian na nakakaloko ang babae. "Pupuntahan niya ang girlfriend niya. Ayon nililingkis ng bago mong boyfriend. Tsk, tsk! Mukhang nalalaos kana Aimee at parang mas gusto pa yata ni Alic at Finyx ang mas bata sa'yo. Kung sabagay." Hindi muna tinuloy ni Race ang sasabihin at pinatsadahan ng tingin si Aimee mula ulo hanggang paa. "Kung sabagay ano!? Ikaw namumuro ka na Race. Alam ko noon pa man na ayaw mo sa akin para kay Finyx." Inis na saad ni Aimee. Bahagyang humalakhak si Race. "Buti alam mo! You know, sana tuluyan kanang makalimutan ni Finyx. Tatapatin kita Aimee mas gusto ko pa si Ella para kay Finyx at gagawin ko ang lahat para mag katuluyan ang dalawa. Ang katulad mong babae ay hindi welcome sa grupo namin hinding- hindi kita matatanggap!" Duro ni Race kay Aimee at tumalikod na. "s**t!" Mura ng babae at inis na mag papadyak dahil sa pang gagalaiti nito. Bumaling siya sa ibang kaibigan nila Finyx nakatingin lang ang mga ito sa kanya. Dahil sa inis niya ay nag martsa siya palabas ng VIP. Susundan ni Aimee si Finyx. Pinag tutulak ni Finyx ang mga taong nag kukumpulan sa gitna kahit babae ay tinutulak niya na. Nang makarating siya sa gitna doon niya nakita si Ella at Alic masayang sumasayaw si Ella sa harapan ni Alic gumigiling pa ito. Dumapo ang mata ni Finyx sa mga kamay ni Alic na naroon sa baywang ni Ella. "Fvck this man!" Mariin niyang mura at masamang tinitigan ang lalaki. Napatingin sa dereksiyon niya si Alic kaya tumigil ito sa pagsayaw at dahan-dahang dumistanstya kay Ella. Mabilis na nag lakad si Finyx patungo sa likuran ni Ella hindi siya napansin ng babae dahil abala ito sa pagsayaw nakapikit pa ito. Ang lahat ng nag sisigawan na lalaki kanina ay unti-unting nawala ang ingay ng mga ito ng makita si Finyx. Lahat ng naririto ay kilala si Finyx Montenegro. Lahat ng taong nakakakilala kay Finyx ay takot sa kanya. Sino ba naman ang hindi matatakot sa isang Montenegro kilala nila si Finyx brutal ito pumatay kahit sa harapan ng maraming tao ay kaya nitong kumitil ng buhay. Nakatayo lang si Finyx sa likuran ni Ella at pinag mamasdan ang babae kung panano ito gumiling. Halatang lasing na ang babae pero na ba-balance pa nito ang bawat kilos. "Come on, come on, turn the radio on It's Saturday, and it won't be long Gotta paint my nails, put my high heels on It's Saturday, and it won't be long 'Til I hit the dance floor, hit the dance floor I got all I need No, I ain't got cash, I ain't got cash But I got you, baby Baby, I don't need dollar bills to have fun tonight (I love cheap thrills) Baby, I don't need dollar bills to have fun tonight (I love cheap thrills) I don't need no money As long as I can feel the beat I don't need no money As long as I keep dancing... Beat muli ng music, humarap si Ella kay Finyx at nag mulat ng mga mata. Nanlaki ang mata niya ng makita si Finyx sa harapan niya. Malamig na tingin ni Finyx ang sumalubong kay Ella walang reaksiyon ang mukha ng lalaki pero namumula ang mag kabilang tainga ng lalaki. Nang makabawi si Ella ay umusog siya at ngumisi sa lalaki. "Bakit ka nandito? Umalis ka nga sumasayaw pa ako. Doon kana sa ex mo, huwag mo ako istorbohin nasaan na ba yung kasayaw ko kanina." Hinanap ng mga mata ni Ella ang lalaking kasayawan lamang niya kanina. Dumilim ang awra ng mukha ni Finyx bakit ba bigla nalang siyang naiinis. "Enjoying the music huh? Why are you looking for him? Ako ang nasa harapan mo, kaya akong sayawan mo!" May diin sa salitang binitawan ni Finyx. "Galit? Don't tell me nag seselos ka? Hoy mister ipapaalala ko lang sa'yo nag papanggap lang tayo bawal kang ma-fall sa akin." Paalala ni Ella at tumawa. "O siya para mawala na iyang selos mo sa katawan sasayawan na Lang kita." Anang ni Ella at sinukbit ang dalawang braso sa batok ni Finyx nakatingala si Ella. "I'm not jealous okay." Giit ni Finyx. "Okay fine!" Sigaw ni Ella at kinagat ang pang ibang labi niya at nag umpisang gumiling ang baywang ni Ella. Napalunok ng laway si Finyx at parang nahihirapan huminga ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Tumalikod si Ella kay Finyx at mas lalong idinikit ni Ella ang sarili kay Finyx at gumiling pababa at pataas sa harapan ni Finyx. Nang tumama ang maumbok na pang upo ni Ella sa gitna ng pagitan ng mga hita ni Finyx. Parang may kung anong nabuhay roon nag iinit ang buong pakiramdam niya siguro dala narin ng alak. "s**t!" Mura ni Finyx at mariin napahawak sa baywang ni Ella. Nag patuloy sa pag kembot si Ella humarap muli siya kay Finyx at kinagat ang ibabang labi niya. Nakita ni Ella kung paano titigan ni Finyx ang labi niya kaya ngumisi siya. "Do you want to taste my lips my darling?" Malanding saad ni Ella. Sa sulok ng mga mata ni Ella ay nakita niya si Aimee na masamang nakatitig sa kanya. "Selos ka girl? Tingnan natin kung hindi ka mag lulumpasay sa selos." Anang ni Ella sa isipan. Hinila niya ang kwelyo ng black blazer ni Finyx at siniil ng halik ang labi ng lalaki. Noong una ay tutol si Finyx pero kalaunan ay ginantihan n'ya rin ng mainit na halik si Ella. "Ay... Ang harot!" Tumitili na sambit ni Girly. "See? Aimee, anong laban mo sa isang babaeng mas bata sa'yo." Pang aasar ni Race sa babae. "Shut up Race!" Sigaw ni Aimee at nag walkout. Lumalim ang pag hahalikan ng dalawa na animo'y wala silang pakialam sa mga taong nasa paligid nila. Tumigil lang si Finyx sa paghalik kay Ella ng makita ang nakangising kaibigan nitong si Race. "Damn!" Mura niya at bahagyang tinulak ni Finyx si Ella papalayo sa kanya. "Ano ba isa pa, gusto ko pa i-kiss mo pa ako." Ngumuso si Ella at parang batang nag mamaktol. Mukhang umepekto na ang alak sa sikmura ni Ella. "Enough Ella lasing kana." Anang ni Finyx. "Hindi pa ako lasing ano ba! Kiss mo pa ako dali na!" Muling lumapit si Ella kay Finyx at pinulupot ang dalawang braso sa baywang ni Finyx. "Stop woman! You make me- haist!" Hindi naituloy ni Finyx ang sasabihin ng mawalan na ng malay si Ella. Maagap niyang nasalo ang babae sa baywang nito. Binuhat niya si Ella at nag simula ng humakbang. "Naku fafa Finyx pag pasensyahan mo na si Ella makulit talaga yan kapag nalalasing. Inaawat ko siyang huwag uminom ng marami pero matigas ang ulo. Hard drink pa ang nadali nag lukarit." Wika ni Girly. Sa kotse ay nagising si Ella kumakanta pa ito. "Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy to you." Paulit-ulit lang na kumakanta si Ella ng happy birthday song. "Wooooo! Happy birthday Finyx!" Sigaw pa ni Ella. Panay iling ni Finyx habang nag mamaneho ng kotse. Sa rare mirror ng kotse ay pinag mamasdan niya si Ella habang maiingay na kumakanta. "Baks sagutin mo ito ha." Wika ni Ella sa kaibigan nito. Kasama ngayon nila si Girly. "Ano yun?" "A, b, c, d, e,- anong sunod?" Tanong niya kay Girly. "Sus kadali lang edi letter F." Wika naman ni Girly. "Tanga mali." Humalakhak ng malakas si Ella. "Ikaw Finyx anong susunod sa letter E?" "Same answer as Girly." Turan ni Finyx. "Tsk! Bobo f**k you!" Usal ni Ella. "What!" Inis na saad ni Finyx. Hindi na sumagot si Ella dahil nakatulog na muli ito. "Naku hindi siya pwedeng umuwi ng ganiyan. Baka katayin ako ni nanay Anghella kapag inuwi ko siya ng lasing. Ahmmn, fafa Finyx pwede bang sa bahay mo muna siya patulugin. Wala kasing space sa bahay ko ngayon dumating ang mga magulang at mga kapatid ko galing probinsya. Wala siyang matutulogan doon." Saad ni Girly. "Bakit sa akin?" "Kasi po ikaw naman ang nag dala sa kanya sa club na iyon at ikaw ang kasama so obligasyon mo siya. Please fafa Finyx." "Tsk! Fine." "Thank you fafa, sige diyan nalang ako sa gilid ng kalsada." Tumigil ang kotse sa tapat ng isang kulay brown na gate. "Teka, paano kung hanapin siya ng nanay niya?" Tanong ni Finyx kay Girly. "Tatawag nalang ako mamaya kay nanay Anghella. Sasabihin ko na sa bahay ko na siya pinatulog." Turan ni Girly at bumaba na ng kotse. Bumaling si Finyx kay Ella naka higa na ang babae sa upan ng kotse. Masarap na ang tulog nito napatingin sandali si Finyx sa hita ni Ella lumihis kasi ng kaunti ang dress ng babae. Umiiling na bumaling si Finyx sa harapan ng kalsada at nag umpisang mag maneho. Sa mansyon ng mga Montenegro dinala ni Finyx si Ella. Buhat-buhat ni Finyx si Ella papasok ng malaking mansyon buti nalang at may isa pang katulong na gising sa mga oras na ito. "Magandang gabi po sir Finyx." Bati ng babae kay Finyx. Tinanguan lang ito ni Finyx. Napatitig ang katulong sa mukha ni Ella at ngumiti. "Wow ang ganda naman niya." Wika ng babae. Umakyat na si Finyx sa malapad at mahabang hagdan ng mansyon. Patungo sa palabag kung nasaan ang kwarto niya. Pag kapasok niya sa kanyang silid ay marahan n'yang nilapag si Ella sa malapad at malambot niyang kama. Ilang sandali niyang pinag masdan ang magandang mukha ng babae. Napaka amo nito habang natutulog para itong isang anghel. Pero kabaliktaran naman kapag gising ito dahil ang baho ng mga salitang lumalabas sa bibig nito. Nag hubad ng black blazer si Finyx at sinunod nito at white v-neck t-shirt na suot niya. Nag tungo siya sa banyo at naligo matagal niyang binabad ang sarili sa malamig na tubig. "Hay ano ba yan ang init naman!" Reklamo ni Ella. Naupo siya sa kama at hinubad ang dress na suot niya padaskol niya itong hinagis sa sahig hindi na niya inabala ang sarili na imulat ang mga mata dahil hinahatak talaga siya ng antok. Nahiga muli siya kama at bumalik sa pag tulog. Lumabas is Finyx sa banyo gamit ang puting tuwalya ay pinapatuyo niya ang basang buhok. Nakasuot na siya ng itim na seweat pants natigil siya sa pag kuskos ng tuwalya sa kanyang ulo ng mapatingin sa kama. Laglag ang panga ni Finyx dahil sa pag-kakanganga. "Holy s**t!" Mura niya. Tanging pares ng pulang bra at panty ang suot ngayon ni Ella. Balingkinitan ang katawan ni Ella payat ito pero bawing-bawi naman sa pang-upo at dibdib nito. Ilang beses na papalunok si Finyx ng dumapo ang mga mata niya sa makinis at kayumanggi na balat ni Ella. Morena si Ella pero kahit ganun ay pantay ang kulay ng balat nito nakatagilid si Ella kaya malayang napag masdan ni Finyx ang buong likod ni Ella pababa sa makinis na hita at binti ng babae. Binuksan ni Finyx ang aircon at kinumutan niya si Ella para hindi ito lamigin. Pinulot niya ang dress na suot ni Ella kanina at pinatong sa isang single couch. Sa mahabang couch siya natulog mas maiging narito siya baka hindi niya mapigilan ang sarili at magahasa niya ng wala sa oras ang dalaga. Bandang alas-tres ng madaling araw nagising si Finyx nakaramdam siya ng sakit sa likod. Nangangalay ang batok niya kaya naisipan niyang lumipat sa kama niya at doon nahiga at mahimbing na natulog. Kinabukasan nakaramdam si Ella ng isang bagay na medyo mabigat na nakatanday sa tiyan niya. "Ano ba yan inay bakit yata bumigat ang braso mo." Reklamo ni Ella pero nanatili siyang nakapikit. Humarap siya sa taong nakayakap sa kanya. Bahagya niyang minulat ang mga mata n'ya at laking gulat ng makilala kung sino ang katabi niya. "F-Finyx?!" Nauutal niyang sabi at inaangat ang kumot na nakabalot sa sa buong katawan. Malakas siyang tumili ng makitang wala siyang suot na damit. "Waaaaaaaaah! Finyx anong ginawa mo sa akin!" Malakas na sampal ni Ella ang nakapag pagising sa masarap na tulog ni Finyx. ___ The lyrics of song not mine. Song title: Cheap) Thrills by Sia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD