Pupungas-pungas na napa-upo si Finyx sa kama habang hinihimas ang pulang-pulang pisngi at baba nito.
"What the s**t! Ano bang problema mo, bakit ka ba nanampal!" Bakas sa mukha ni Finyx ang labis na pag kainis. Bukod sa sobrang gulat ay naalipungantan siya.
"Talagang nag tatanong ka pa, walanghiya ka anong ginawa mo sa akin!" Halos lumitid ang mga ugat ni Ella sa leeg dahil sa ginawang pagsigaw n'ya.
Naguguluhan naman ang lalaki sa mga pinagsasabi ng babae.
"What are you talking about?" Inis na sambit ni Finyx at doon n'ya lang napagtanto na wala palang suot na damit si Ella. Tanging pulang strapless bra at panty lang ang suot nito.
Hindi sinasadyang dumapo ang paningin ni Finyx sa dibdib ng dalaga at matagal na napatitig doon.
Napangisi si Finyx. Baka iniisip ng babaeng ito na may nangyari sa kanila noong nakaraang gabi.
Lalong nanggalaiti sa inis si Ella ng mapansin kung saan nakatitig si Finyx.
Muli sanang sasampalin ni Ella si Finyx pero agad nasalo ni Finyx ang kamay ni Ella.
"That's too much Darling. Alam mo bang wala pang babae ang naglalakas loob na sampalin ako. Ikaw lang ang may kakayahang gawin sa'kin yan." Anang ni Finyx.
"Kung iniisip mo na may nangyari sa atin. Hanggang pantasya ka nalang dahil hindi mangyayari iyang iniisip mo." Wika ng lalaki at ngumisi.
Parang lalong na high blood si Ella sa pinapakitang kayabangan ng lalaki.
"Tsaka mahiya ka nga sa sinasabi mo, sa palagay mo pagnanasahan ko ang tulad mo. E, halos nga wala naman akong makapa diyan sa dibdib mo, nag ba-bra ka pa wala naman laman iyan. Tinalo mo pa ang isang tabla na sinuotan ng bra." At malakas na humalakhak ang lalaki nakahawak pa ito sa tiyan habang tumatawa.
"Ganon? Wala palang laman ah. Tingnan natin kung hindi tumirik yang mga mata mo." Saad ni Ella at mabilis na tinanggal ang suot niyang bra. Umusog siya papalapit sa lalaki at hinawakan ang likod ng ulo nito at walang ano-ano ay nginodngod n'ya ang mukha ng lalaki sa dalawang umbok ng dibdib niya.
Hindi agad nakapag react si Finyx para siyang naistatwa.
"Taste it darling, wala pang nakakatikim niyan ikaw palang kaya swerte mo." Ngising demonyo si Ella alam niyang nakaganti siya sa lalaki.
"Anong akala ng lalaking ito kakayanin niya ako? Tsk! Ako si Ella baliw pa ako sa mga baliw." Sambit ni Ella sa isipan.
"Ano masarap ba darling?" Malanding saad ni Ella. Agad pinulot ang bra at isnuot ito. Bumaba siya sa kama at kinuha ang dress na mabilis niya rin isnuot sa sarili.
Si Finyx naman ay naiwang tulala sa kama namumula ang buong mukha nito, leeg at pati mag kabilang tainga nito.
"Damn this girl!" Usal ni Finyx ng matauhan.
Agad tumayo si Finyx sa kama, habang si Ella ay abala sa pag su-suot ng stiletto sa kanyang paa.
Nakatalikod ang dalaga kaya hindi niya napansin ang papalapit na presensya ni Finyx.
Mula sa likuran ay niyakap ni Finyx sa baywang si Ella at binuhat pabalik sa kama. Walang humpay ang pagtitili ni Ella.
"Fvck you Finyx bitawan mo ako!" Tili ni Ella.
Pahagis na pinahiga ni Finyx si Ella sa kama at mabilis na dinaganan ang babae. Nanlaki ang mga mata ni Ella ng daganan siya ng lalaki.
"Gusto mo bang tutuhanin ko ang mga iniisip mo kanina? Wag mo akong susubukan Ella kaya kitang sabayan." Sambit ng lalaki at siniil ng halik si Ella.
Nanigas ang buong katawan ni Ella. Yung binti niya at tuhod at nag uumpisa ng mangatog. Marahan at banayad ang bawat halik ni Finyx na labis nag pakabog ng malakas sa puso ni Ella. Pakiramdam niya ay lalabas sa rib cage ang puso n'ya sa lakas ng kabog nito. Ang tiyan niya na hindi n'ya maipaliwanag dahil parang hinahalukay ito sa loob. Pakiramdam niya tuloy parang pati bituka, balunbalunan at atay niya'y nag wawala sa loob ng tiyan n'ya.
Pilit gustong kumawala ni Ella sa mga bisig ni Finyx pero bigo siya dahil ang dalawang kamay niya ay hawak ni Finyx plus mas malakas ang lalaki kumpara sa kanya.
"Hmmmnp!" Pag pupumiglas ni Ella ayaw n'yang tumagal sa mga labi niya ang malambot na labi ng lalaki baka hindi niya mapigilan ang sarili at tugunan ang mapanuksong mga halik ng lalaki.
"Bakit ganito, kakaiba ang mga halik n'ya. Kumpara sa unang halikan naming dalawa doon sa club. Bakit parang puno ng pagiingat at pag-suyo ang mga halik n'yang ito. Gusto ko na yatang maadik. Ella,,, s**t pigilan mo ang sarili mo! Hindi ka pwedeng matukso sa amerikanong hilaw na ito." Kastigo ni Ella sa kanyang sarili.
Hindi na napigilan ni Ella ang mapapikit ng kanyang mga mata. Masyado na siyang nalulunod sa halik ni Finyx. Ilang segundong naka pikit si Ella ng mapansin niyang parang wala ng taong nakadagan sa kanya.
Dahan-dahan siyang nag mulat ng mata tumampad sa kanya ang nakangising si Finyx naka halukipkip ito at nakatitig sa kanya.
"You can not beat me Ella." Wika ni Finyx.
"Talaga ba Finyx?" Malakas na sinipa ni Ella si Finyx sa pagitan ng hita nito.
Agad napaluhod ang lalaki sa sahig at ininda ang sakit ng kanyang pinakamamahal na dragon balls.
"Arggh! s**t! Fvck! P*tangina nabasag yata!" Saad ng lalaki habang nag mumura. Ikaw ba naman sipain sa precious eggs with takong. Tumayo si Ella sa harapan ni Finyx at namewang.
Masamang tingin ang pinukol ng lalaki sa dalaga parang gusto niya itong pigain ngayon.
"Hoy! Ang lakas ng loob mong halikan ako ng walang pahintulot mula sa akin. Wala kang karapatan halikan ako." Duro nito sa lalaki.
Namumula ang buong mukha ni Finyx dahil sa sakit pati puson niya yata ay sumasakit na.
"Kapag ako walang karapatan humalik sa'yo? Pero noong hinalikan mo ako sa club okay lang. Pambihira kakaiba ka talaga." Sabi ni Finyx at panay iling nito.
"Hinalikan kita dahil para kasing mamatay kana sa selos doon ka Aimee at Alic, nakinabang ka naman diba?" Pinanlakihan ng mata ni Ella si Finyx.
"Bakit nasarapan ka rin naman diba?" Balik tanong ni Finyx.
Natamimi si Ella napakurap-kurap siya at umalis nalang sa harapan ni Finyx.
"Where are you going?" Tanong ni Finyx kay Ella dahil patungo ng ang babae sa pinto.
"Obvious ba? Syempre lalabas dahil nagugutom na ako. Rest in peace nga pala sa dalawang dragon balls mo. Mukhang mababaog pa yata yan. You can't beat me Finyx, because in the end i'm still the winner." Nag flying kiss si Ella bago buksan ang pinto ng kuwarto.
Dahan-dahan tumayo si Finyx at iika-ikang nag lakad. "Matindi rin talaga ang babaeng iyon. Sa halip na mag pasalamat dahil pinatulog ko na siya sa kwarto kong ito. Sampal at tadyak lang ang inabot ko mula sa malditang babaeng yon." Usal ni Finyx at nag tungo sa pinto ng kanyang banyo.
Pababa sa mahabang hagdan si Ella hindi niya maiwasan mamangha sa laki ng mansion. Bawat malalaking vase na dadaanan niya ay hinawakan at hinahaplos niya ang mga ito.
"Ang taray... talagang mayaman pala ang Finyx na iyon. Kahit hagdan may nakalatag na red carpet tinalo pa nito ang malacañang." Anang niya.
Malapit na siya sa huling baitang ng hagdan bago siya tuluyan makababa ng may marinig siyang boses ng isang babae. Nag mumula ito sa malawak na sala ng mansion nakatalikod ang babae at may kausap na isang katulong.
"Where's Finyx? Umuwi ba siya dito kagabi?!" Mababakasan ng pag ka-irita sa boses ng isang ginang.
"Ah, madam Finna naririto po si sir Finyx ngayon. Umuwi po siya kagabi, m-may kasama nga po siyang babae." Sagot ng katulong.
"Ano kamo? Babae? At sinong babae si Aimee na naman, yung malanding babaeng hinahabol-habol n'ya." Sambit ng ginang.
"Naku hindi po madam. Maganda po siya, mas maganda pa po kay ma'am Aimee. At alam mo po madam mag kasama sila sa iisang kwarto natulog. Hindi katulad na kapag nandito si ma'am Aimee sa guest room iyon pinapatulog ni sir Finyx." Parang kinikilig na saad ng babaeng katulong.
"Sa kwarto ni Finyx natulog ang babaeng kasama niya kagabi? So Ibig sabihin hindi siya karespe-respetong babae dahil mag katabi silang natutulog ngayon ng anak ko. Sa pag kakaalam ko kasi malaking respeto ni Finyx kay Aimee kaya hindi sila nag tatabi matulog."
Masaya sana si Ella dahil sa narinig dahil siya ang kauna-unahang babaeng nakatulog sa kwarto ni Finyx pero para siyang nakakain ng asin dahil biglang umalat ang lalamunan n'ya, dahil sa narinig mula sa ina ni Finyx.
"Mukhang may attitude itong nanay ni Finyx. Tsk! Ano akala niya sa akin? Isang mababang uri ng babae?" Mahinang usal niya at umismid ang labi. Bumaba na siya sa hagdan at nag lakad patungo sa dalawang nag uusap.
"Ahem, excuse me po. Ako ba pinag uusapan niyo?!" Mataray na tanong ni Ella. Sabay napalingon ang ina ni Finyx at ang katulong.
Tumaas ang kilay ng ina ni Finyx at sinuri ng tingin ang kabuuhan ni Ella.
Hindi naman nag patalo si Ella tianaasan n'ya rin ito ng kilay. Marunong siyang rumespeto sa mga nakakatanda pero kung ganito ang kaharap niya. Ang ina ni Finyx na mukhang kontrabida ng taon ay hind siya papayag na insultuhin siya nito.
"Ikaw ba ang bago ng anak ko? At saang basurahan ka naman niya na pulot! Hindi ko alam na isang mabababang uri ng babae ang mga kinahuhumalingan ni Finyx." Litaniya ng ginang.
"Ouch! ha, ang sakit mo naman mag salita mother nasaktan ang puk* ko sa sinabi mo." Litaniya ni Ella.
Napanganga ng husto ang katulong dahil sa kabarubalan na sinabi ni Ella. Nanlaki ang mga mata ni Finna. "Oh my god!" Hindi mapigilan mapasigaw ng ina ni Finyx at mapatakip ng bibig nito.
"Luh,, ang ganda sana bastos lang ng bibig." Marahang bulong ng babaeng katulong.
"Pero totoo po ang sinabi mo mother na sa basurahan nga ako napulot ni Finyx. Isang gold na pinulot ng anak mo, gold na pinag aagawan ng lahat. At kung aalukin mo ako ng tseke na nag hahalaga ng one hundred million kapalit nag paglayo ko sa anak mo, ay malugod kong tatanggapin. Mukha kasi akong pera. Diba ganiyan naman ang tingin niyong mayayaman sa aming mahihirap. Wala kayong alam kundi maliitin at laitin kaming maliliit na tao. Akala niyo siguro kaya niyo na kaming bilihin ng mga salapi niyo. Pero ibahin mo ako dahil, hindi na bibili ng pera ang pagkatao ko. Hindi ko ipag papalit sa pera si Finyx mahal na mahal ko po ang anak niyo kaya pakiusap hayaan mo nalang kami maging masaya." Mahabang litaniya ni Ella.
"Ano, okay ba ang acting ko mother in-law? Pang best actress na ba?" Natatawang tanong ni Ella.
Napahilot ng sintido ang ginang at pinag katitigan si Ella para siyang biglang nai-stress sa dalaga. "Hay naku sumasakit ang ulo ko sa babaeng ito." Mahinang usal ng ginang.
"But don't worry mother, hindi mo kailangan mag luksa dahil wala po kaming relasyon ng anak mo kaya hindi agad kukulubot iyang pu--"
"Stop it iha!" Putol ng ginang sasabihin ni Ella.
Pinipigilan ni Ella na huwag matawa dahil sa reaksiyon ng mukha ng ina ni Finyx. Para itong nakakain ng mapait na ampalaya.
"But seriously mother wala pong nangyari sa'min ni Finyx. Lasing na lasing ako kagabi kaya dinala niya ako rito. Kaya ng magising ako kanina na walang suot na damit, nangati ang kamay ko ayun nasamapal ko si Finyx. At gusto ko rin sana humingi ng pasensya sa'yo dahil mukhang hindi kana mag kaka-apo."
"At bakit mo naman nasabi yan?"
"Kasi po sinipa ko yung dalawang dragon balls ng anak n'yo, kaya ayun pisat." Turan ni Ella.
"Ano! Sinaktan mo ang anak ko!" Sigaw ni Finna.
"Patunay lang po na hindi lahat ng babae ay mag kakandarapa at mag kaka-gusto kay Finyx. I'm not one of those girls." Sabi ni Ella.
Sa huling sinabi ni Ella ay narinig ito ni Finyx bakit parang nainsulto siya sa tinuran ng babae. Totoo nga ba? Na hindi kabilang si Ella sa mga babaeng mag kaka-gusto sa kanya.
"Ma!" Tawag ni Finyx sa ina.
"Oh my god Finyx are you okay? May masakit ba sa'yo?" Nag aalalang tanong ni Finna sa anak ng makalapit. Bumeso si Finyx sa ina at niyakap ito.
"I'm okay Ma, by the way she's Ella my-"
"Fake girlfriend." Si Ella na nag patuloy sa sasabihin ni Finyx.
"Finyx mag usap nga muna tayo." Anang ng Finna sa anak.
Tumingin si Finyx kay Ella na parang nag papaalam pa ito sa kanya.
"Naku hindi mo kailangan mag paalam sa'kin, sige mag usap na kayo ni mother in-law. Dahil ako kakain ng marami. Ahmn, may almusal ba kayo?" Tanong ni Ella sa katulong.
"Ah, meron po ma'am. Halika doon po tayo sa dining room." Turo ng katulong sa pinto kung saan papasok sa dining area.
Nanatiling nakatitig si Finyx kay Ella kung saan pumasok ang babae.
"Wala na siya iho. Sabihin mo nga sa akin Finyx wala ba talaga kayong relasyon ng Ella na iyon?"
"No Ma, narinig mo naman sinabi niya kanina fake girlfriend ko lang siya." Paliwanag ni Finyx.
"Sigurado ka? E, bakit pansin ko kakaiba ang mga titig mo kay Ella." Usisa ng ina nito.
"Ma, nag papanggap lang kami ni Ella okay, para pag selosin si Aimee at para bumalik sa akin."
"My goodness iho! Ano bang meron sa Aimee na iyon at hindi mo mabitawan. Hindi ka asong ulol na para mag habol sa isang walang kwentang babae. Ilang beses kana ba niloko ng babaeng yun. How many times na nahuli mo siyang may ibang kasamang lalaki. Ito lang masasabi ko sa'yo Finyx. Mas gugustuhin ko pa mag karoon ng isang baliw at luka-lukang manugang kaysa makasama sa iisang bubong ang Aimee na iyon." Napailing at napangisi si Finyx sa sinabi ng kanyang ina.
"Sige na aalis na ako. May kasalanan ka sa akin kagabi. Ipinagluto kita pero hindi ka nag punta. Mas pinili mo talagang makasama sa kaarawan mo ang mga kaibigan mo." May pag tatampo sa boses ng ina.
"Sorry Ma, kung hindi ko napag bigyan ang hiling mo. Babawi ako promise."
"Ahmnp! Nag tatampo parin ako. Pero kung gusto mo talaga bumawi sa akin. Sa sabado na ang kaarawan ng lolo mo mag punta ka at, isama mo si Ella. Siya nga pala nasaan ang bastardo mong kapatid." Ang tinutukoy ni Finna ay si Khaki ang anak sa labas ng kanyang asawa na si Frin Kaven Montenegro na ama ni Finyx.
"Ma, hindi bastardo si Khaki. Kapatid ko parin siya anak siya ni Dad mag kadugo kami."
"Fine, hindi ko lang kasi mapigilan na huwag mainis. Lalo na sa tuwing naalala ko ang panloloko ng daddy mo sa akin noon." Wika ng kanyang ina.
"O siya aalis na ako, isama mo si Ella sa sabado i want to see her there." Pahabol ng ginang bago tuluyan umalis.
Bago ihatid ni Finyx si Ella ay dumaan muna sila sa isang mall. Kasama nila ngayon ang limang bodyguards ni Finyx. Naka formal attire si Finyx ngayon halatang may meeting ito mamaya.
Nasa sampung paper bag na malalaki ang bitbit ng isang tauhan ni Finyx. Lahat ito ay nag lalaman ng mga mamahaling dress. Ang sampung piraso ng kahon na pinag lalagyan ng mga stiletto para kay Ella ay dala naman ni Pablo. Nag kakandahulog pa ito sa sahig ng mall, kaya naman panay ang tapon ng masamang tingin ni Finyx kay Pablo.
"Alam mo Finyx hindi mo naman kailangang bilihan ako ng maraming dress. Tsk! Nag sasayang ka lang ng pera mo dahil hindi ko naman maisusuot lahat yan." Ani ni Ella habang ngumunguya ng siomai.
Napatingin si Finyx kay Ella dahil kumakain na naman ito. Kanina lamang ng dumating sila dito sa mall ay kumakain na ito.
Nahuli siya ni Ella na nakatitig kaya tinaasan ito ng kilay ng dalaga.
"Bakit?" Mataray na tanong ni Ella.
"Nag tataka lang kasi ako kanina bago tayo umalis sa bahay kumakain ka. Pagdating natin dito kanina panay din ang kain mo. Ngayon kumakain ka na naman ulit. Wala ka bang kabusugan buti hindi ka nanaba." Wika ni Finyx.
"Wag ka ngang mangialam. Hindi ako natatakot tumaba dahil ipinanganak akong sexy and beauty." Puno ng kumpyansa sabi ni Ella.
"Tss! Yabang mo din pala." Usal ni Finyx.
"Nag sasabi lang ako ng totoo. Hindi man kami mayaman katulad mo Maganda naman ako. Bakit, hindi ka ba nagagandahan sa akin?" Nag beautiful eyes pa si Ella sa harapan ni Finyx.
Ilang sigundong nakatitig si Finyx sa mukha ni Ella. Pinitik ni Finyx ang noo ng dalaga saka nag umpisang mag lakad muli.
"Hindi. Kahit kailangan hindi ako magagandahan sa'yo." Anang ni Finyx.
"Hindi raw pero kung makatitig sa akin wagas." Turan ni Ella.
Sa kotse ay inaayos ni Ella ang mga ipinamili ni Finyx para sa kanya.
"What are you doing?" Tanong ni Finyx kay Ella.
"Bulag ka ba? Nakikita mo naman siguro ang ginagawa ko. Kailangan ko pag sama-samahin ang mga ito sa iisang lagayan. Hindi maaaring makita ng mga kapit bahay naming tsismosa na marami akong bitbit. Mahirap lang kami Finyx hindi ko kayang bumili ng mga ganito kamamahal na damit. Mamaya isipin pa nila kumabit na ako sa isang sugar daddy." Saad ni Ella.
Dahil malaki naman ang isang paper bag ay napag kasya ni Ella ang lahat ng dress at pati ang mga kahon ng sandals.
Huminto ang kotse sa tabi ng kalsada katapat ng iskinita. Pababa na sana si Ella ng maunang bumaba si Finyx sa kaliwang pinto ng kotse.
"Teka saan siya pupunta?" Nag tatakang sambit ni Ella. Agad narin siyang bumaba ng kotse dala ang isang malaking paper bag.
"Hoy Finyx saan ka pupunta?"
Sa halip sumagot ang lalaki ay inagaw n'ya mula sa kamay ni Ella ang dalang paper bag nito.
"Hoy Finyx!" Sigaw ni Ella.
"I want to meet your mother." Tibid na wika ni Finyx.
"Ha? Naku hindi pwede." Tumakbo si Ella at hinarangan ang dadaanan ni Finyx.
"Why not? Nakilala mo narin naman si mama. Gusto ko rin makilala ang nanay mo." Hinawi ni Finyx si Ella at mabilis nag lakad.
Walang nagawa si Ella kaya sumunod na lang siya kay Finyx.
Tanaw ni Ella ang maraming tambay sa tindahan ni aling bebang. Mariin siyang napapikit alas dyes na ng umaga kaya naman pati mga tsismosa ay nag titipon-tipon na sa daan.
Nang papalapit na sila ay lahat ng mga taong naroon ay nakatingin sa kanila, o mas magandang sabihin na lahat nakatingin kay Finyx.
"Ay shiiiit! Ang gwapo!" Tili ng mga kababaihan ng makita si Finyx. Ang iba ay nag papa-cute. Si Sherilyn na anak ng kapit bahay nila ay halos ipakita na ang malaking boobs nito. Naka spaghetti strap lang ito kaya panay pa-cute nito. Tiningnan ni Ella si Finyx na para walang pakialam sa mga taong nakatitig sa kanya deretso lang ang tingin nito sa daana.
Saktong napadaan sila sa harapan ng tindahan ni aling bebang. Agad tumayo si Jackson at humarang sa dadaanan ni Finyx.
"Sino ka?! Alam mo bang bawal pumasok dito ang mga outsider." Mayabang na sabi ni Jackson.
"E, ikaw sino ka?!" Seryosong saad ni Finyx.
"Ako? Ako lang naman ang baby ni Ella." Maangas na sagot ni Jackson.
Napangisi si Finyx. "Pumatol si Ella sa'yo? Hindi ko alam na tambay pala ang type ni Ella." May pang iinsulto sa boses ni Finyx.
"Aba't yabang mo ah! Baka gusto mong hindi kana makalabas ng lugar na ito!" Sigaw ni Jackson.
Naitirik ni Ella ang kanyang mga mata at mabilis lumapit kay Finyx.
"Hoy Jackson! Ikaw ang tumabi kung gusto mo pang mabuhay. At isa pa bisita ko siya huwag mo siyang babastusin sa harapan ko." Asik ni Ella kay Jackson.
"Kuya Jayson si Finyx nga pala kaibigan ko." Pakilala ni Ella kay Finyx.
Tumango si Jayson kay Finyx at tipid na ngumiti. "Welcome ka dito sa lugar namin sir." Anang ni Jayson.
Tinanguan lang ni Finyx si Jayson bago bumaling kay Ella.
"Where is your house here?" Iritableng tanong ni Finyx kay Ella.
Tinuro ni Ella ang kulay brown na pinto ng bahay.
"Pumasok na tayo, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapilipit ko ang leeg ng lalaking ito." Mahinang sambit Finyx.
Lalagpasan na sana ni Finyx si Jackson ng hawakan ni Jackson ang braso ni Finyx. "Sandali lang pare. Totoo bang kaibigan ka lang ni Ella." Saad ni Jackson.
"Kapag sinabi ko bang boyfriend n'ya ako matatahimik ka na!" Gigil na wika ni Finyx.
Sumimangot ng husto si Jackson at tumingin kay Ella.
"Jackson tama na yan, irespeto mo ang bisita ni Ella." Saway ni Jayson kay Jackson.
"Nay!"
Tawag ni Ella sa ina ng makapasok sila sa loob ng bahay.
"Ma-upo ka muna pag pasensyahan mo na ang upuan namin gawa lang sa kawayan. Sisilipin ko lang si nanay sa kwarto."
Umalis si Ella sa maliit na sala at nag tungo sa kwarto. Si Finyx ay pinag masdan ang buong paligid ng munting sala. Maliit lang ang espasyo pero malinis ang sala. Ang sahig na kumikintab dahil sa floor wax na inilagay.
Maya-maya pa ay natanaw niya ang pag bukas ng isang pinto kung saan pumasok si Ella kanina.
Lumabas doon si Ella kasama nito si Anghella ang kanyang ina. Nakapag palit narin ng damit si Ella. Isang white over size na damit ang suot ni Ella at pinaresan ng itim na dolphin short.
"Kaya naman pala ubod ng ganda ni Ella, dahil may pinag manahan ito." Mahinang usal ni Finyx.
Papalapit palang sa sala ang mag ina, pero ang atensiyon ni Anghella ay kay Finyx nakatuon.
Agad tumayo si Finyx at mabilis na lumapit kay Anghella at nag mano sa ginang.
"Maganda araw po." Magalang na bati ni Finyx kay Anghella. "Ako nga po pala si Finyx." Pakilala rin ni Finyx.
Hindi mapigilan mapataas ng kilay si Ella dahil sa inaasal ni Finyx.
"Magalang din pala ang kumag na ito, hindi halata." Sambit ni Ella sa kanyang isipan. Bigla tuloy naalala ni Ella kung paano niya sagot-sagotin ang mama ni Finyx kaninang umaga.
"Kung nalaman siguro ng lalaking to kung paano ko sinagot-sagot ang mama niya. Tiyak na baka sinipa na ako nito palabas ng mansion n'ya. Bigla tuloy ako na-guilty sa pakikitungo ko sa mama ni Finyx kanina." Sa isip-isip ni Ella.
"Magandang araw naman sa iyo iho. Mabuti at napasyal ka dito sa lugar namin. Hindi ko alam na may ibang kaibigan pa pala ang anak ko bukod kay Girly. Tawagin mo nalang akong nanay Anghella." Malumanay na saad ng ginang.
"Boyfriend n'ya po ako." Biglang sabi ni Finyx.
Napalingon si Ella kay Finyx at pinanlikah ng mata ang lalaki. "Anong pinag sasabi nito." Mariing wika niya sa isipan.
Hindi naman nabigla si Anghella sa tinuran ni Finyx pinaupo pa nito si Finyx.
"Talaga iho? Malihim kasi sa akin itong si Ella. Hindi ko alam na may nobyo na pala." Anang ng ginang.
"Naku inay huwag po kayong maniwala sa baliw na iyan." Turo ni Ella kay Finyx.
"Anak pati ba naman sa nobyo mo ay gan'yan ka makitungo at makipag usap?"
"Eh, hindi naman po kasi totoong boyfriend ko ang ulupong na iyan." Maktol ni Ella para itong bata.
"Darling naman tanggap ko na lagi mo akong sinasampal at sinisipa, pero huwag mo naman akong itatanggi sa harapan ni nanay Anghella." Nag papaawang sabi ni Finyx.
"Tangina nakiki-nanay pa, kapal ng mukha!" Mariing bulong ni Ella.
"Ella totoo bang sinasaktan mo si Finyx?" Tanong ng kanyang ina.
"Ah, e, kasi inay hinalikan niya ako kaya nasampal ko." Katuwiran ni Ella.
"Natural lang na halikan ka niya dahil nobya ka niya Ella." Wika ni Anghella.
"Oo nga ho inay, tama po kayo riyan." Sigunda naman ni Finyx na parang nag hahanap ng kakampi.
"Anak hindi mo dapat sinasaktan si Finyx.";
Inismiran ni Ella si Finyx at tumayo.
"Saan ka pupunta anak?" Tanong ni Anghella sa anak.
"Sa kusina ho inay naisipan ko kasing ipagtimpla ng juice ang boyfriend ko. Baka kasi nauuhaw mahirap na baka manuyo ang lalamunan at mamatay!"
Umalis si Ella sa sala at nagtungo nga ito sa kusina.
"Grrrr!! Kairita! Ano ba ang trip ng lalaking iyon, humanda talaga siya sa'kin."
Ipinagtimpla naman ni Ella si Finyx ng Juice. "Lagyan ko kaya ng lason ito para on the spot patay ang hambog na sinungaling na iyon." Inis na sabi ni Ella.