Chapter 6

4367 Words
Bumalik si Ella sa sala bitbit ang juice na itinimpla n'ya nilapag niya ito sa lamesita harapan ng lalaki. Wala ang kanyang ina siguro ay bumalik na ito sa kanilang silid. "O ayan inumin mo na at lumayas kana dahil maliligo at papasok pa ako school." "Ang sweet mo talaga darling." Nakangising saad ni Finyx. "Pwede ba pag katapos mong ubusin iyan ay umalis kana bago pa bumalik si nanay dito." Pag tataboy ni Ella kay Finyx. "Bakit mo ba ako pinag tatabuyan, bisita mo ako diba? So treat me well, i'm your boyfriend." "Luh? Kailan naman kita naging boyfriend? Hoy Finyx kahit sa panaginip ko hindi ko pinangarap na maging boyfriend ka." "Malay mo maging tayo. And besides ipinagkatiwala ka na sa akin ni nanay Anghella. At nakapagbitaw na ako ng pangako sa kanya." Nabigla si Ella sa tinuran ng lalaki. Tama ba ang narinig n'ya? Ipinagkatiwala na siya ng kanyang ina sa lalaking ito. At talagang naniniwala ang kanyang ina na nobyo n'ya ang Finyx na ito. "Ipinagkatiwala? At ano naman ang ipinangako mo?" Bakit nga ba tinanong niya pa sa lalaki kung ano sinabi nito sa kanyang ina. Hindi naman mahalaga kung ano ang sinabi ni Finyx. Pakialam niya ba. Pero may kung ano sa loob n'ya na gusto niyang malaman kung ano ang ipinangako ni Finyx. "I promised her that i will love you, take care of you and protect you." Napatanga si Ella sa sinabi ni Finyx ilang sigundo ay napasampal si Ella sa sariling noo. "Bakit ka nangako sa nanay ko ng ganiyan Finyx? dapat hindi ka nag bitaw ng kahit anong salita sa nanay ko. May taning na ang buhay ni nanay. Kahit anong oras at araw ay pwede siyang mawala sa'min. Baka, baka ito na ang paraan niya para mag paalam sa akin. s**t! Hindi pa ako handa sa bagay na ito." Bumalatay sa mga mata ni Ella ang takot at lungkot kitang-kita ito ni Finyx sa mga mata ni Ella. Hinawakan ni Finyx ang isang kamay ni Ella na labis na ikinabigla ng dalaga. "Ella once i make a promise to someone, I keep it. I have one word." Seryosong pagkakasabi ni Finyx. "Ano? Gago ka ba? Sira-ulo ka." Naguguluhan si Ella sa mga binitawang salita ni Finyx. Siguro ay nadala lang ito sa kung ano ang mga sinabi ng kanyang ina rito. Mag sasalita pa sana si Finyx ng tumunog ang cellphone ni Ella na nakapatong sa ibabaw ng lamesita. Lumitaw sa screen ng cellphone ang pangalan ng tumatawag. Walang iba kundi si Felix napatingin si Finyx sa cellphone ni Ella. Napakunot ang noo ng lalaki nang makita kung sino ang tumatawag. Kinuha ni Ella ang cellphone at sinagot. "Felix?" "Where are you? Bakit hindi ka pumasok? Malapit na ang final exam natin Ella. Nakapag review kana ba?" Bungad ni Felix sa kabilang linya. "s**t oo nga pala!" Biglang sambit ni Ella nawala sa kanyang isipan. "Papasok ako ngayon Felix hahabol ako sa ibang subject. Sige bye." Nilapag ni Ella ang cellphone sa lamesita at mabilis nagtungo sa kwarto at kinuha ang tuwalya at patakbong tinungo ang banyo. Pag kapasok ni Ella sa loob ng banyo kinuha ni Finyx ang cellphone ni Ella. May kung anong kinalikot si Finyx sa phone ni Ella pagkatapos ay muli n'ya itong nilapag doon. Umiinom si Finyx ng juice ng biglang lumabas si Ella sa banyo. Kumikinang ang balat ng dalaga ng lumabas sa banyo dulot ng tubig sa katawan nito. Basang-basa ang buhok ni Ella tumutulo pa ito. Nasamid si Finyx ng lunukin niya ang juice ng dumaan si Ella. Nasamyo niya pa ang natural na bango ng shampoo na ginamit ng babae. Sinundan niya nalang ito ng tingin hangang sa makapasok ng kwarto. Biglang may namuong butil na pawis sa noo ni Finyx. "Bakit ganoon ang tuwalya niya ang iksi masyado. Fvck!" Napamura nalang si Finyx at inubos ang natitirang juice sa baso pakiramdam niya na nanuyo ang lalamunan niya. Halos kasi makita na ang pisngi ng pang-upo ni Ella. "Nay aalis na po ako. Kumain ka ng tanghalian at huwag mong kakalimutan na inomin ang gamot mo." Paalala ni Ella sa ina. Lumabas ang mag ina sa kwarto si Finyx naman ay inaayos ang suot na coat. "Iho ihahatid mo ba si Ella?" "Opo nanay Anghella." Sagot ni Finyx. "Salamat iho ikaw na ang bahala sa anak ko." "Huwag po kayo mag-alala nanay Anghella ako na po ang bahala kay Ella." Saad ni Finyx. Hindi binigyan pansin ni Ella ang tinuran ng binata. Ayaw niya itong bigyan ng kahulugan. "Aalis na ho kami nanay Anghella." Paalam ni Finyx at kumaway sa ginang bago lumabas ng pinto ng bahay. "Alam mo plastik ka rin ano, galing mo. Pwede kana mag artista." Wika ni Ella palabas na sila ni Finyx sa iskinita. "Totoo lahat ng sinabi ko kay nanay Anghella, wala kaplastikan doon sa mga sinabi ko." Seryosong sabi ni Finyx. Tumigil si Ella sa paghakbang kaya huminto rin si Finyx at pinag katitigan si Ella. "Why?" Tanong ng lalaki. May kinuha si Ella sa kanyang bag na isang brown envelope at inabot kay Finyx. "What's this?" Nag tatakang tanong ni Finyx. "Kontrata. Nakalagay riyan ang lahat ng rule na hindi mo pwedeng gawin sa'kin. Tingnan mo at kapag okay sa iyo pirmahan mo. Wag kang mag alala pwede ka mag dagdag ng mga rule na gusto mo. Pwede mo rin ilagay riyan ang mga gusto mo at ayaw mo." Anang ni Ella. "Oo nga pala. Sa oras na may malabag tayong rule na naka saad mula sa kontrata ay makakatanggap na isang kaparusan." Dagdag pa ni Ella. "Tsk! Arte mo naman may ganito pang nalalaman. Doon ko nalang ito pag-aaralan sa opisina mamaya. At kung may gusto akong idagdag o baguhin sa kontrata ay tatawagan nalang kita." Wika ng binata. "Okay." Tanging saad ni Ella. "Hintayin niyo ako babalik ka-agad ako." Saad ni Finyx sa driver at tatlong tauhan na kasama niya. "Wait! Hindi na kailangan na ihatid mo pa ako sa room. Kaya ko pumunta mag isa doon." Medyo may inis sa boses ni Ella. "Isa ito sa mga idadagdag ko sa rule. Hayaan mo akong ihatid ka Ella." Huminga ng malalim si Ella. "Fine bahala ka sa buhay mo." Lumabas si Ella sa sasakyan nasa parking lot sila ngayon ng University. May iilang estudyante ang naroon karamihan mga babae. Tumingin si Ella sa wrist watch n'ya sa kaliwang kamay. Malapit na mag alas dose ng tanghali kaya pala may iilang mga estudyante na ang nasa parking lot. Pinag mamasdan ni Finyx si Ella mula sa likuran nito. Naalibadbaran bigla si Finyx sa paldang suot ni Ella." "What kind of school uniform. Tsk!" Mahinang usal ni Finyx. "Wala na bang ihahaba yang paldang suot mo? Masyadong maiksi Ella baka masilipan ka." Iritang sabi ni Finyx. "Kasalanan ko ba na ganito ang design ng school uniform nila dito. Don't worry naka sickling shorts ako." Wika naman ni Ella. "Hindi ko narin naman naabutan ang second subject ko, kaya sa cafeteria nalang ako tutuloy. Mag lunch break na rin naman kaya kakain muna Ako." Ani ni Ella. "Okay sasamahan kita nagugutom narin naman ako." Sambit ni Finyx. Napakunot ang noo ni Ella at bumaling kay Finyx. "Finyx umamin ka nga binabantayan mo ba ako? Hindi mo kailangan gawin dahil kaya ko ang sarili ko, sige na umalis kana nakaka-abala pa ako sa iyo." Hindi sumagot si Finyx at nilagpasan si Ella. "Tsk ang tigas din pala ng ulo nito." Usal ni Ella. Sa hallway patungo sa cafeteria ay marami na ang mga estudyante. Lunch time narin kasi ng mga highschool at senior. Malaki ang Anderson University pinag-sama kasi dito ang highschool kaya marami ang mga estudyante. Nauunang mag lakad si Finyx, si Ella naman ay nasa likuran ni Finyx. Malayang napag mamasdan ni Ella ang malapad na likod ng lalaki. "Ang ganda ng tindig ng lalaking to, ang hunk ng dating." Marahang sambit ni Ella. Habang nag lalakad si Finyx sa dulo ng hallway natanaw niya ang isang pamilyar na lalaki. Ito si Felix Sandoval parang may tintawagan ang lalaki sa cellphone halatang badtrip ang lalaki. Napangisi si Finyx siguro ang tinatawagan nito si Ella. Tumigil sa paghakbang si Finyx kaya si Ella ay nauntog sa malapad na likod ng lalaki. Hindi napansin ni Ella na huminto si Finyx dahil abala siya sa pag papantasya sa maskuladong likod ng lalaki. "Ano ba Finyx! Bigla-bigla ka nalang humihinto riyan." Reklamo ni Ella. Nabigla si Ella ng hawakan ni Finyx ang kamay n'ya pinag salikop ng lalaki ang kanilang mga daliri. "Oy anong arte yan nandito ba ang ex mo?" Pilit na kinakalas ni Ella ang pag kakasalikop ng kanilang mga daliri. Pero bigo si Ella dahil hindi siya nag tagumpay na pag hiwalayin ang kanilang mga kamay. "Huwag kang malikot Ella dahil kahit anong gawin mo hindi ka na makakawala sa akin." Finyx said with seriously voice. Napatitig si Ella sa mukha ni Finyx dahil sa narinig n'ya mula sa binata. "Let's go Darling." Wika ni Finyx at hinila na si Ella. Ito na naman yung abnormal na t***k ng puso niya. Napahawak si Ella sa tapat ng puso n'ya, kahit si Finyx ay napahawak din sa dibdib n'ya dahil sa kaka-ibang t***k ng puso n'ya. "Why am I feeling this way? every time i'm with Ella my heart beats faster like it's not normal anymore. I feel like, i'm going to have a heart attack." Wika ni Finyx sa kanyang isipan. Pinag titinginan si Ella at Finyx. Ang mga babaeng estudyante ay kay Finyx nakatingin. Pero karamihan sa mga kalalakihan ay nag bubulungan habang nakatingin kay Ella. "Boyfriend ba yan ni Ella? Sayang naman type ko pa naman si Ella." Nanglulumong wika ng isang lalaki. Narinig ito ni Finyx kaya tiningnan n'ya ito at sinamaan ng tingin. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Finyx ang mga estudyanteng lalaki kahit mga senior high ay nakatingin kay Ella. Bakas sa mga mata ng mga ito ang labis na pag hanga para sa babae. "So marami pala talaga ang nag kaka-gusto sa babaeng ito dito. I can't blame them, Ella is beautiful and she have a sexy body and attractive." Sa isip-isip ni Finyx. "Ella!" Tawag ni Felix at patakbong lumapit sa dereksiyon ni Ella at Finyx. Agad dumapo ang mga mata ni Felix sa mag kahawak kamay ng dalawa. "Felix may kailangan ka ba?" Tanong ni Ella. "Kanina pa ako tumatawag sa iyo pero hindi kita ma-contact." Ani ni Felix. Lihim napangisi si Finyx ni-block niya kasi ang numero ni Felix kaya hindi na nito matawagan si Ella. "Ha bakit kaya?" Kinuha ni Ella ang cellphone n'ya. Nang pipindutin na ni Ella ang call sitting ay agad na inangat ni Finyx ang kamay niya at tinapik ang cellphone ni Ella. Nabitawan ng dalaga ang cellphone at bumagsak sa sahig. "Holy cow! Ang cellphone ko!" Bulalas ni Ella at pupulutin sana ng apakan ni Finyx ang cellphone ni Ella basag ang buong screen ng cellphone kaya hindi na ito mapapakinabangan pa. "Finyx! Ano bang problema mo!" Angil ni Ella. Nakakunot ang noo ni Felix habang nakatitig kay Finyx. Isang nang-aasar na ngisi naman ang binigay ni Finyx kay Felix. "Sorry Darling, pansin ko kasi luma na ang cellphone na gamit mo. Don't worry, I'll buy you a new cellphone later." Turan ni Finyx at siya na ang pumulot ng basag na cellphone ni Ella. Binulsa n'ya ito at hinila na si Ella. "Let's go Darling i'm hungry. Gusto ko ng kumain." Lumingon si Ella kay Felix. "Kumain kana ba Felix sabay ka na sa'min kumain." Paanyaya ni Ella. "Sige." Maiksing sagot ni Felix at sumunod sa kanila. Nang makapasok sila sa malahawak na cafeteria ay napuno ng bulong-bulungan sa lugar na iyon. Sa kaliwang bahagi ng lamesa may grupo ng mga babae at lalaking kumakain. "OMG! It's that Finyx Montenegro?" Wika ng isang babae at titig na titig kay Finyx. "Yes that's him... what is he doing here? And why are they together with Ella." Sabi din ng isang babae. "Mukhang kilala ka rito." Bulong ni Ella kay Finyx. "Ganun talaga kapag gwapo." Mayabang na sambit ni Finyx. "Kuya Finyx?" Boses ng isang binatilyo. Sabay silang bumaling sa lalaking nasa likuran nila. "What are you doing here kuya? And.. aww.. bakit mag kasama kayo ni Ella?" Usisa ng nakababatang kapatid ni Finyx na si Khaki. Si Khaki ay kapatid ni Finyx sa ama. Anak ito ng kanyang ama sa ibang babae. Pero kahit ganoon ay kapatid na buo ang turing niya rito. "I'm her boyfriend that's why i'm here." Nilakasan ni Finyx ang boses niya ng sabihin na boyfriend siya ni Ella. Nanglulumo naman ng ibang kalalakihang may crush kay Ella. Si Felix ay natiling tahimik lang. "Pwede ba ako sumabay sainyo kumain?" Tanong ni Khaki. "Sure ako na mag o-order ng kakainin natin. Nariyan naman ang kuya mo maraming pera yan siya mag babayad lahat." Ani ni Ella at umalis na. Na-upo si Finyx sa isang silya katapat kung saan naka-upo si Felix. "Awkward..." Humahalakhak na sambit ni Khaki at naupo sa tabi ni Felix. "Kuya girlfriend mo ba talaga si Ella?" Parang hindi makapaniwala si Khaki alam kasi nito kung gaano kahirap ligawan si Ella. "Bakit hindi ka ba naniniwala?" "Hindi naman sa ganun, kasi mahirap ligawan iyon si Ella ubod kasi ng maldita at sungit. Ito nga lang si Felix ang nag lakas loob na nangligaw kay Ella." Anang ng kapatid. Si Khaki ay second year highschool pa lang kaya malaki ang agwat ng edad nito kay Finyx. "Ganun ba? So ibig sabihin napaka swerte ko dahil sinagot ako ni Ella." Nakangising sabi ni Finyx. Nag tiim ang bagang ni Felix sa narinig simula ng makilala niya si Ella ay niligawan n'ya na ito kahit napaka sungit ng dalaga. "How about ate Aimee? Wala na ba talaga kayong pag-asa. Diba mahal na mahal mo siya." Saad muli ni Khaki. Bahagyang kumunot ang noo ni Finyx ng marinig ang pangalan ni Aimee. Oo nga paano si Aimee? Alam niya sa kanyang sarili mahal niya pa ang babae. Kaya nga nag papanggap sila ni Ella upang mabawi n'ya si Aimee mula sa bagong boyfriend nito. Pero ano ito? Bakit bigla nalang natuon kay Ella ang atensiyon niya. Sa tuwing katabi at nagkakadikit ang mga balat nila ni Ella ay bumibilis ang t***k ng puso niya. Hindi n'ya ito naramdaman kay Aimee noon. "Baka naman po gusto niyong kunin ang tatlong tray na nasa counter. Hindi ko kasi kayang dalhin yun sabay-sabay." Masungit na sabi ni Ella at nilapag ang tray sa table. "Ako nalang ang kukuha ng sa iyo kuya." Wika ni Khaki at tumayo na. Si Felix naman ay tumayo narin. Si Khaki nalang ang mag isang bumalik sa pwesto nila si Felix ay hindi niya na kasama. "Si Felix?" Tanong ni Ella sa binatilyo. "Doon na raw siya kakain sa table ng mga kaibigan n'ya." Usal ni Khaki at na-upo. Lumingon si Ella sa grupo ng kalalakihan na kaibigan ni Felix naroon nga ang lalaki. Nakatingin ito sa dereksiyon niya nginitian n'ya ito ngunit agad nag iwas ng tingin si Felix. "Nag seselos ba siya?" Tanong ni Ella sa isipan. Pakiramdam niya tuloy ay nagkasala siya kay Felix kahit wala naman silang relasyong dalawa. Ito naman kasing lalaking ito kung bakit ba naman sinabing boyfriend siya ni Ella. "Bakit ganiyan ka makatitig? Parang lulunukin mo ako ng buo." Nakataas na kilay na tanong ni Finyx. "Bakit kasi sinabi mo na boyfriend kita at girlfriend mo ako." "Bakit totoo naman diba." Anang ni Finyx. "Ano? Are you out of your mind! Alam nating pareho na nag papanggap lang tayo. Hindi ko alam kung anong arte mo sa buhay pero, kaibigan at manliligaw ko si Felix! Baka isipin nun na totoong boyfriend nga kita." Malakas na binagsak ni Finyx ang tinidor at kubyertos sa plato. Lumikha ito ng malakas na ingay at naagaw ang atensiyon ng mga estudyanteng kumain roon. So tama ang iniisip niya na inaalala ng dalaga ang nararamdaman ng Felix na iyon. Maski si Ella ay nabigla sa ginawang pagbagsak ni Finyx ng kubyertos at tinidor. "Iniisip mo ang nararamdaman ng lalaking iyon. Edi puntahan mo siya at sagutin mo na!" Mariing wika ni Finyx at agad umalis. Si Khaki ay nanatiling kumakain parang walang pakialam sa paligid. "Puta anong drama nun, may pa-walkout pang nalalaman." Hindi makapaniwalang wika ni Ella. "Patay tiyak nag selos iyon." Sambit ni Khaki. Bumaling si Ella kay Khaki. "Ano? Bakit naman mag seselos ang kuya mo. Hindi naman kami at mahal nun si Aimee ano bang pinag sasabi mong bata ka." "Maybe he was jealous that's why." Kibitbalikat na sabi ni Khaki at nag patuloy sa pagkain. Napasintido si Ella biglang nai-stress ang beauty niya. "Sino kaya ang unang kakausapin ko? Siguro ay si Felix dahil siguradong nasaktan ko ang damdamin niya. Saka nalang si Finyx lagi naman kaming nag kikita nun." Usal ni Ella. Dahil sa pangyayari ay hindi nakakain ng maayos si Ella ng lunch. Hindi rin siya nakapag concentrate sa buong klase niya. Kakatapos lang ng huling subject ni Ella palabas na siya ng room ng salubungin siya ni Rhian isa sa mga nakaaway niya dati. Kasama ni Rhian ang mga alepores nito. "Hi Ella." Pangunang bati ng babae kay Ella. "Anong kailangan mo?" Walang ganang tanong ni Ella. "Totoo bang boyfriend mo si Finyx Montenegro at si Felix Sandoval? My god pinag sasabay mo ba sila. Hindi ka ba naawa kay Felix nag selos siya kanina." Maarteng sabi bi Rhian. Pinaningkitan ni Ella si Rhian at nilapit ng husto ni Ella ang kanyang mukha kay Rhian. "Hindi ko boyfriend si Felix at mas lalong hindi ko rin boyfriend si Finyx. Sinong tsismosa ang nag sabi niyan sa'yo at pag bubuhulin ko ang mga dila niyo. Wala akong panahon makipag plastikan sa iyo kaya lumayas ka sa harapan ko at baka masampal kita!" Napaatras naman si Rhian batid niyang sasampalin siya ni Ella kapag hindi siya lumayo. Muling nag lakad si Ella ng malapit na siya sa Cr ng mga babae ng biglang may humila kay Ella mula sa braso. Dinala siya nito sa likod ng Cr mga babae. "Teka ano ba!" Pag pupumiglas ni Ella. Sinandig ni Felix si Ella sa pader tinukod ni Felix ang dalawang kamay niya sa mag kabilang gilid ni Ella. "Felix..." Marahang usal ni Ella sa panagalan ng lalaki. Puno ng lungkot ang mga mata ni Felix. "Ella! tell me the truth, Finyx Montenegro is really your boyfriend? Wala na ba akong pag-asa sa iyo?" Mababakasan ng kalungkutan sa boses ni Felix. "No, he's not my boyfriend ok." Malumanay na sagot ni Ella. Matamis na ngumiti si Felix at hinawakan ang mag kabilang pisngi ni Ella. "Kung hindi mo talaga siya totoong boyfriend. Sagutin mo na ako. please Ella halos mabaliw ako kanina kaka-isip kung totoong boyfriend mo ba talaga siya. Can you be my girlfriend Ella?" Natulala si Ella anong isasagot niya? Naguguluhan na siya. Aaminin niya may puwang na sa puso n'ya si Felix. Mabait ito at ubod ng gwapo karamihan sa mga babaeng nag aaral sa Anderson University ay nag kaka-gusto kay Felix. "Felix wag mo naman akong e-pressure." Anang ni Ella. "Okay. Bibigyan kita ng isang gabi para makapag isip Ella. But please allow me to kissed you!" Usal ng lalaki at tumungo. Dahan-dahan inilapit ni Felix ang mukha niya sa dalaga. Napapikit si Ella ng maramdang dumampi ang labi ni Felix sa kanya. "Bakit ganito? Wala akong maramdaman na kahit ano sa halik ni Felix. Pero noong si Finyx ang humalik sa akin ay parang may kung anong nag didiwang sa dibdib ko." Wika ni Ella sa isipan. "So kayo na!" Malalim na boses ng isang lalaki. Agad naitulak ni Ella si Felix papalayo sa kanya. "F-Finyx.." Malakas na sinuntok ni Finyx ang dingding ng Cr at umalis. "Finyx sandali!" Habol ni Ella. Agad hinawakan ni Felix ang braso ni Ella. "Don't follow him, choose me over him. Ella." Saad ni Felix. "I'm sorry Felix pero kailangan ko siyang kausapin." Iniwan ni Ella si Felix sa likod ng Cr. Pinag sisipa naman ni Felix ang iilang coke in-can na nakakalat roon. Dahil sa inis niya ay sinuntok niya ang pader. "Finyx sandali lang ano ba!" Humahangos na sigaw ni Ella. Buti nalang ay iilan na lang ang mga estudyanteng naririto sa parking lot. Alas sais na ng hapon kaya mag ta-takipsilim narin. "Finyx ano ba!" Sigaw ni Ella. Humarap ang lalaking nakasimangot. "Ano!" Ursa din nito. "Ano ba nangyayari sa iyo? Naguguluhan ako sa inaakto mo. Bakit ka nag kakaganyan anong problema mo!" Mabilis na nag lakad si Finyx papalapit kay Ella mahigpit niyang hinawakan ang mag kabilang braso ni Ella. "Problema ko? Hindi ko rin alam Ella! What did you do to me? why am i like this i'm confused Ella. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit pakiramdam ko nag seselos ako! s**t this f*****g feelings!" Tamimi lang si Ella walang salitang gustong lumabas mula sa kanya. Dinukot ni Finyx ang panyo niya sa bulsa ng pants niya at pinunasan ang labi ni Ella. "Bakit hinayaan mong halikan ka ng lalaking yun. Baka mamaya may rabist pa iyon." Anang ni Finyx. Hinawakan ni Finyx ang isang kamay ni Ella at tinapat sa puso niya. "Did you feel it? Ikaw lang ang may kakayahang patibokin ng mabilis ang puso ko. I think I like you!" Deretsong sabi ni Finyx. Ilang beses napalunok si Ella at unti- unting ni-proseso ang mga katagang sinabi ni Finyx. "No! Hindi pwede! Pigilan mo ang nararamdaman mo." "I can't." Wika ni Finyx. "Try hard Finyx! Wala kang aasahan sa akin." Sambit ni Ella at tumalikod na. "What if I don't want to? Anong mangyayari?" Saad ni Finyx. "Masasaktan ka lang Finyx kaya kung ako sa'yo. Pigilan mo ang nararamdaman mo habang maaga pa." "Ayos lang masaktan ako. Huwag lang maging kayo ni Felix." Agad hinila ni Finyx si Ella at siniil ng halik sa labi. "O my gosh! Confirm sila nga. Nakakakilig naman!" Nagtitili ang tatlong estudyanteng babaeng napadaan malapit sa kanila. Si Ella ay parang tuod na nakatayo habang hinahalikan ni Finyx. Parang mabibingi si Ella dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Huminto si Finyx sa pag halik kay Ella. Matamang tinitigan ni Finyx sa mga mata si Ella. "Ayos lang na hindi ka maging akin Ella. Pero sisiguraduhin ko na hindi ka mapupunta kay Felix Sandoval. Ayokong maging masaya ang gagong iyon. Tapos ako misarable aba hindi pwede. Damay-damay na to." Parang gustong matawa ni Ella sa sinabi ni Finyx. "Alam mo makasarili ka din ano?" Anas ni Ella. "Ihatid mo na nga ako Mr Montenegro mag sasaing pa ako at mag re-review. Malapit na ang final exam namin, kaya kung maaari lang ay huwag mong guguluhin ang pag-iisip ko." Sumakay na si Ella sa front seat sumunod narin si Finyx. "Ella." Tawag ni Finyx kay Ella. "Hmm?" Tanging tugon ni Ella. "Hindi pa naman kayo diba? Hindi mo pa sinasagot si Felix." "Hindi." Tipid na sagot ni Ella. "Bakit hinayaan mong halikan ka niya. Samantalang ako nung hinalikan kita sipa at sampal ang inabot ko mula sa iyo." "Paano ko sasampalin yun kung sinundan kita. Importante ba yun kaysa sa nararamdaman mo. Malay ko ba kung anong iniisip mo noong mga oras na mag walkout ka." "Bakit mo nga ba ako sinundan Ella?" Nakangising tanong ni Finyx. "Aba malay ko. Hindi ko nga din alam kung bakit kita sinundan. Sana pala nanatili nalang ako doon at nakipag halikan kay Felix. Infairness masarap siyang humalik." Sumimangot ng husto si Finyx at masamang tinitigan si Ella. "What?" Natatawang tanong ni Ella sa lalaki. "Mas masarap humalik kaysa sa akin?" "Hmmm... Lamang ka lang ng tatlong puntos sa kanya." Sagot ni Ella at pinipigalan na huwag mapangiti. "Ibig sabihin lamang parin ako." Usal ni Finyx. Ni-start ni Finyx ang engine ng kotse at nag umpisang mag maneho. "May gusto ka na rin ba sa kanya Ella?" Biglang sumeryoso si Finyx. "May puwang siya sa puso ko. Pero mag kagusto sa kanya? Malabo. Wala akong gusto kay Felix." Sagot ni Ella. "May puwang din ba ako sa puso mo Ella?" Seryosong tanong ni Finyx. Napatitig si Ella sa binata sasabihin niya ba na may crush siya dito. Oo aaminin ni Ella sa kanyang sarili na may crush siya kay Finyx. Walang dahilan para hindi siya magka-crush sa binata. Gwapo ang lalaki hindi iyon maitatanggi ni Ella kahit sino naman siguro. Tao rin siya at tinatablan parin naman siya ng landi sa katawan. At talagang nakakadarama siya ng atraksyon para sa lalaki. "Bakit hindi ka makasagot Ella." "Sa ngayon ay hindi ko masasagot ang tanong mo Finyx. Bago lang tayo nag kakilala." "So it means gusto mo pa akong kilalanin ng lubos?" Nag lalaro ang ngisi nito sa labi. Inirapan nalang ni Ella si Finyx at hindi sinagot. "Hindi ko maaaring sabihin sa lalaking to na may crush ako sakanya. Baka mamaya lumaki pa ang dalawang bayag nito kapag nalaman niyang crush ko siya mayabang pa naman." Wika ni Ella sa kanyang isipan. Biglang humalakhak si Finyx. Nag tatakang tumingin si Ella kay Finyx. "Bakit ka tumatawa para kang tanga diyan." Usal ni Ella. "Alam ko darating din ang oras na sa akin din ang bagsak mo Ella." Litaniya ni Finyx. "Paano ka naman nakakasiguro?" "Dahil sisiguraduhin ko na sa akin ang bagsak mo!" Sabi ni Finyx at kumindat pa. "Tsss.. tingnan natin." Usal ni Ella. Nang makarating sila sa labasan ng iskinita ay bababa na sana si Ella ng pigilan siya ni Finyx. "Here." Sabay abot ni Finyx sa isang kulay itim na box. Alam ni Ella kung ano ang laman nito. "Mukhang mamahalin ito Finyx dapat yung murang cellphone lang ang binili mo ayos na sa akin yung ganun." Ani ni Ella. "Para sa akin mura lang yan Ella. Tanggapin mo na. Please ayokong tinatanggihan ako." Wika ni Finyx. "Thanks Finyx. And thanks for the ride." Bumaba si Ella sa kotse at kumaway sa lalaki bago tuluyang pumasok sa gate ng iskinita. Kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Finyx. "s**t! Mukhang kakainin ko rin yata ang mga sainabi ko noon kay Race. Siguradong pagtatawanan ako ng gagong iyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD