Hindi makapag concentrate si Ella sa kanyang nire-review. Kanina pa siya tulala at nakatingin lang sa kawalan na pansin naman siya ng kanyang ina.
"Ella, anak may kumakatok sa pinto ang ate mo na yata iyon." Wika ng kanyang ina.
Hindi narinig ni Ella ang tinuran ng ina at nanatiling nakatulala.
"Daniella!" Untag ni Anghella sa anak.
Napakurap-kurap si Ella na bumaling sa ina.
"Ah, ano po iyon inay?"
"Kanina pa kita tinatawag ano ba nangyayari sa iyong bata ka at tulala ka riyan. Ang lalim naman yata ng iniisip mo anak, may problema ka ba." Ani ni Anghella.
"Wala po inay iniisip ko lang yung final exam namin." Sagot ni Ella. Ang totoo niyan ay iniisip ni Ella si Finyx hindi mawala sa kanyang isipan ang lalaki. Kanina pa ginugulo ng lalaking iyon ang isipan niya kaya hindi siya masyado makapag focus sa pag re-review n'ya.
Muling may kumatok sa pinto narinig na ito ni Ella.
"Pangatlong katok na iyon labasin mo nga muna Ella at baka ang ate Ecca mo na iyon."
"Opo inay."
Mabilis na lumabas ng kanilang silid si Ella at patakbong nag tungo sa pinto at agad binuksan. Mukhang ng kanyang ate ang bumungad sa kanya.
"Sorry ate ! kanina ka pa ba kumakatok? Nag re-review kasi ako alam mo na mala-"
Hindi natapos ni Ella ang sasabihin ng makita ang lalaking nasa likuran ni Angelecca.
"Hala! Ang pogi! Akala ko wala ng mas lalamang sa kagwapuhan ni Finyx. Diyos ba itong nakikita ko na bumaba mula sa kalangitan." Sa isipan ni Ella.
Natulala na si Ella at nakalimutan na nasa harapan n'ya ang ate niya.
"Hi sister in-law." Bati ng lalaki kay Ella.
"Ano kamo? Sister in-law?"
Pinitik ni Ecca ang daliri sa harapan ng kapatid napakurap-kurap si Ella.
"Ate, pasok kayo sorry medyo lutang pa kasi ako kaya medyo natutulala. Nag re-review kasi ako e ."
Natatawang wika ni Ella at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
"Ate! shiiiit! gwapo ng kasama mo ang hotie pa, sino siya boyfriend mo?"
"Umayos ka nga Ella, siya ang boss ko. Mahinang bulong ni Ecca kay Ella at pinandilatan pa siya nito ng mata.
"Anak, nandito kana pala." Wika ng kanilang ina. Agad lumapit si Ecca sa kanilang nanay at nag mano at humalik sa pisngi.
"May kasama ka pala anak."
"Ah si s--"
Hindi pa man natatapos ni Angelecca ang sasabihin ay sumingit na ang lalaki.
"Magandang gabi po Nay! ako nga po pala si Ellieoth Del falco. Boyfriend po ni Angelecca."
Nag higis O, ang bibig ni Ella sa narinig mukhang maalaska niya ngayon ang kan'yang ate Ecca.
"May boyfriend kana pala anak, hindi mo man lang nasabi sa'kin." Wika naman ni Anghella sa anak.
"Halika iho, nag luto kami ng tinolang manok tikman mo." Paanyaya ni Anghella sa lalaki at inakay patungo sa kusina.
"Ooyy, may boyfriend kana pala ate. Infairness mas angat ang itsura niya kay kuya Dom. Mas bet ko siya bagay kayo! hehehe." Pang aasar ni Ella sa ate nito.
Ang tinutukoy ni Ella ay si Domnix Saavedra yung lalaking naghatid sa kanyang ate noong nakaraang gabi. Gwapo din iyon at mukhang mabait.
Kinabukasan maagang nagising si Ella at hinahalungkat ang kabinet kung saan kalagay lahat ng mga damit niya.
May hinahanap siya yung mga dress na binili niya pa noong mga nakaraang linggo. Balak niya itong ibigay sa kanyang ate Ecca. Pansin niya kasing walang masyadong magagandang damit ang ate niya. Masyado kasing tintipid nito ang sarili kahit damit ay hindi bumibili.
"Nandito ka lang pala." Usal ni Ella at kinuha ang isang kulay puting supot ng plastik.
Lumabas siya sa silid bitbit ang supot at nagtungo sa pinto ng silid ng kapatid.
Marahang kumatok si Ella ilang segundo ay bumukas ang pinto halatang bagong gising ang kan'yang ate.
"Hi ate Ecca good morning!" Masiglang bati ni Ella.
Ibinigay niya ang mga dress ayaw pa sana ito tanggapin ni Ecca ngunit sinabi ni Ella na mura lang ang mga ito. Dahil sa oras na malaman ng kanyang ate na mahal ang bili n'ya sa mga dress ay tiyak ng tatanggihan lang ito ng kanyang ate.
"Have a safe flight guys!" Masiglang sigaw ni Ella at kumakaway pa.
Ngayong araw kasi ay pupunta ng bicol sila Angelecca at ang boyfriend nitong si Ellieoth kaya pala pinag grocery sila kagabi kasi apat na araw mawawala ang ate Ecca niya.
Naligo narin si Ella dahil may pasok pa siya mamaya. Kagagaling lang ni Ella sa banyo nadatnan niya ang ina na nakahawak sa dibdib nito. Naalarma siya baka sumasakit ang dibdib nito. Agad niyang dinaluhan ang ina at hinaplos ang balikat.
"Nay! Ano po ang nararamdaman mo? May masakit ba? Sabihin mo at hindi ako papasok ngayong araw." Nag aalalang wika ni Ella.
"Ayos lang ako anak napagod lang siguro ako sa pag tatahi ng damit ni bebang. Ayoko naman na i-asa sainyo ng ate mo ang pangbili ng gamot ko. Ayoko kayong nakikitang nahihirapan." Sagot ng kanyang ina.
"Kulit mo kasi inay sabi ko naman sa'yo tumigil kana sa pananahi mo." Nandito naman kami ni ate Ecca hindi ka namin pababayaan. Hayaan mo at aasawahin ko nalang si Finyx at para mapanatag kana." Biro ni Ella sa ina.
Bahagyang tumawa si Anghella dahil sa biro ng anak.
"Huwag ka mag alala anak ayos lang ako. Sige na mag bihis at may pasok ka pa." Wika ng kanyang ina.
Dahil friday naman ngayon ay dress ang suot ni Ella. Isa sa mga dress na ibinili ni Finyx para sa kanya. Pinaresan niya ito ng isang stiletto na katamtaman ang taas.
Nag lagay lang siya ng liptint sa labi ay sinuklay ang buhok.
Habang pinapatuyo ni Ella ang buhok sa tapat ng electric fan ay tumunog ang cellphone niya.
Oo nga pala labis siyang naiinis kay Finyx dahil pati ang sim-card na gamit niya ay pinalitan ng lalaki ng bago. Malalagot talaga sa kanya ang lalaking iyon.
Buti nalang at naibigay niya sa kanyang ate ang bagong number niya bago ito umalis.
"Oh ano na naman ba!" Bulyaw niya. Sinadya niya talaga lakasan ang boses n'ya. Si Finyx kasi ang tumawag.
"Grabe ang sweet mo talaga." Saad ng lalaki sa kabilang linya.
"I'm here outside the door of your house." Wika ni Finyx.
"Ano?!" Napasigaw na si Ella kaya naman ang kanyang ina ay nag tataka na.
"Ano ba yan Ella at panay sigaw ka riyan." Sambit ng kanyang ina.
"Sorry inay."
Lumabas si Ella sa kwarto at mabilis nagtungo sa pinto ng kanilang bahay.
Pag bukas niya gwapong mukha ni Finyx ang tumpad sa kanya. Nakangisi pa ito na parang tanga. Fresh na fresh ang dating ng lalaki naka white polo long sleeve ito na tinupi ang manggas hanggang siko.
Kumikinang ang maliit na silver sa mag kabilang tainga nito.
Ang isang kamay ng lalaki at nakasuksok sa bulsa ng maong na pantalon nito.
"Good morning darling." Nakangising bati ng binata.
Pinatsadahan ni Finyx ang kabuuan ni Ella tumaas ang kilay ni Finyx at tumitig kay Ella.
"Masyadong sexy iyang damit mo, papasok ka ng ganiyan ang suot mo?"
Tumaas ang isang kilay ni Ella at namewang sa harapan ni Finyx.
"Bakit? May problema ka ba sa suot ko. Required naman sa school na mag suot ng kahit anong gusto mo tuwing friday. At isa pa ikaw naman ang bumili nito. Anong gusto mo gawin ko lang palamuti ito sa aparador ko hanggang sa mag kabutas-butas." Mataray na saad ni Ella at tatalikuran na sana si Finyx.
"Huwag mo akong tatalikuran Ella! Mag palit ka ng damit mo!" Mariing utos ni Finyx sa dalaga.
"Inuutusan mo ba ako? Isa sa mga rule ko, ayoko na pinangingialaman ako lalo na pagdating sa pananamit ko, Finyx!"
"Hindi nakalagay sa kontrata iyang rule mo. Besides may mga bago akong dinagdag na rules sa kontrata.
"Rule number one. Susundin mo ang lahat ng mga gusto ko.
Rule number two. Bawal mag reklamo at suwayin ako.
Rule number three. Bawal ka mag suot ng sexy na damit o kahit anong dress kapag hindi ako ang kasama mo.
Rule number four. Bawal mo akong sungitan, tarayan at sigawan. Irespeto mo parin ako dahil mas matanda parin ako sa'yo.
Rule number five. Kailangan maging sweet ka sa akin. Lalo na kapag nasa harapan natin si Aimee.
And last but not least. Ayokong makikitang kasama mo si Felix Sandoval or kahit sinong lalaki. Kahit banggitin ang pangalan ng ulupong na iyon ay hindi mo pwedeng gawin sa harapan ko. Bukod sa akin wala ng ibang lalaking pwedeng humawak sa'yo. Do you understand? Ms. White?
Now take off your clothes and change!"
Mariin na-utos ni Finyx sa dalaga.
Mukhang biglang nabanas si Ella sa lalaki dahil sa pag didikta nito sa kanya.
"Gusto mong hubarin at palitan ko ang damit ko? Okay, ikaw ang masusunod." Anang ni Ella at biglang hinubad ang dress na suot niya at hinagis sa pagmumukha ng lalaki.
"O ayan ikaw mag suot ng dress na yan, total parang mukhang bet mo." Nasalo ni Finyx ang dress.
Nanlaki ang mga mata ni Finyx dahil naka bra at panty na lang si Ella.
"Bakit natahimik ka riyan. Ano sayang-saya ka dahil lagi mong nasilayan ang gorgeous body ko. Mag laway ka hanggang sa ma-ulol ka." Maswerte ka nga e, dahil pinapakita ko sa'yo ito ng libre." Wika ni Ella at ngumisi ng todo.
Walang imik si Finyx nakatitig nalang ito at mapalunok dahil sa katawan ni Ella.
Bilad na bilad sa kanyang mga mata ang magandang hubog ng katawan ni Ella.
"Diyos ko maryusep santisima! Ella anong ginagawa mo at nakahubad ka? At talagang sa harapan pa ni Finyx! Nababaliw ka na talagang bata ka."
Parang ha-high blood-in si aleng Anghella sa nasilayan na ginawa ng anak.
"Plano ko na kayong bigyan ng apo inay." Nakangising saad ni Ella.
Napasapo nalang ng noo si aleng Anghella dahil sa kabaliwan ng anak.
Si Finyx ay tulala habang ang buong mukha at leeg nito ay namumula ganoon din ang mag kabilang tainga nito.
"Ikaw Finyx pumasok ka dito sa loob bakit nakatayo ka lang riyan sa labas ng pinto." Wika ni aleng Anghella.
"A-ah, o-opo, nanay Anghella." Tarantang pumasok si Finyx sa sala at sinirado ang pinto.
"Mag bihis kana Ella." Utos ng ina sa kanya.
Humagikhik si Ella at kumindat pa kay Finyx bago tuluyan tumalikod at pumasok sa loob ng silid.
Malalim na hininga ang pinakawalan ni Finyx palihim niyang pinunasan ang namuong butil na pawis sa noo niya gamit ang dress ni Ella.
Isang kulay puting crop top pang itaas at high waist skinny jeans na medyo kupas ang desinyo ang suot ni Ella. Hindi naman niya pinalitan ang suot niyang stiletto kanina yun parin ang sinuot niya.
Tumayo na si Finyx mula sa pag kaka-upo ng lumabas si Ella sa silid.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Finyx ng makita ang suot ni Ella.
"Nay aalis na po ako, yung gamot mo inumin mo. I love you Nay." Humalik si Ella pisngi ng kanyang ina.
"Mag iingat ka anak. Mag iingat kayo Finyx." Nakangiting saad ni Anghella.
Nang makalabas si Ella at Finyx sa pinto ng bahay ay bahagyang bumulong si Finyx mula sa likuran ni Ella.
"Look much better. You look gorgeous my darling." Malamyos na bulong ng lalaki.
Humarap si Ella at pekeng ngumiti kay Finyx. Malakas niyang sinipa ang tuhod ng lalaki.
"Awww...! Aray masakit Ella somosobra kana napaka amozona mo talaga." Angil ni Finyx.
"Bakit may reklamo ka! Ikaw na lalaki ka, saan mo itinapon ang lumang sim card ko? Alam mo bang naroon ang number ni Girly at ni Felix."
"Naka-save na sa contact ng cellphone mo ang number ni Girly. Pero yung kay Felix rest in peace na iyon. What did I tell you earlier? that you are not allowed to mention his name, right?"
"Ano naman ang parusa ko kung banggitin ko lagi ang panagalan ni F--"
Hindi pa natapos ni Ella ang sasabihin ng sakupin ng labi ni Finyx ang malambot na labi n'ya.
Nanigas ang buong katawan ni Ella. Kahit dulo ng daliri niya ay hindi niya maigalaw.
Mapusok at malalim na halik ang binigay ni Finyx kay Ella. Tila ba
nakalimutan na yata ng babae ang pangalan niya dahil sa nakakalasong halik ng lalaki. Parang isa itong gayuma pakiramdam niya ay nahuhumaling siya sa bawat masuyong halik ni Finyx. Kusang pumikit ang mga mata ni Ella at ninamnam ang matamis na labi ng binata. Para siyang inuugoy sa isang duyan.
"Ahem..!" Napadilat ng mata si Ella at mabilis na humiwalay sa lalaki.
Agad napalingon si Ella sa lalaking nasa gilid nila. Naka all black ang lalaki matangkad ito at medyo may kalakihan ang katawan.
Tinaasan ito ng kilay ni Ella. "Sino ka? Anong kailangan mo?"
Muling tumikhim ang lalaki bago mag pakilala.
"Ako nga po pala si Mike isa sa mga tauhan ni Mr Del Falco. Pinapunta niya ako dito para samahan at bantayan kayo ng nanay mo." Wika ng lalaki.
"Talaga? Wow bongga pala ni brother in-law may pa-bodyguard na nalalaman. Ahmn.. kuya Mike ikaw muna bahala sa nanay ko. Teka ipakilala muna kita sa kanya."
Pinatuloy ni Ella sa loob ng bahay si Mike tapos sila ni Finyx ay tuluyan ng umalis.
Pinag buksan ng lalaki si Ella ng pinto ng kotse.
Bago pumasok si Ella sa kotse ay bumaling muna ito kay Finyx.
"I like the punishment, ang sarap!" Saad ni Ella at sabay kagat sa ibabang labi nito. Pilyang ngumiti ang dalaga bagong pumasok sa loob ng sasakyan.
Napahimas nalang ng kanyang batok si Finyx and he shook his head.
"Pangbihirang babae." Mahinang usal niya.
"Ihahatid na kita sa room mo." Wika ni Finyx.
"Ha? Naku ayos na ako dito wag mo na ako ihatid."
"Para ano? Para mapormahan ka ng Felix na iyon, no! Nakasaad sa kontrata na bawal mo ako suwayin."
"Fine! Bahala ka nga sa buhay mo napaka possessive mo naman. Feeling mo naman tayo talaga." Wika ni Ella.
Umakbay si Finyx kay Ella at ang isang kamay ng lalaki ay bitbit ang bag ni Ella.
"Bakit darling gusto mo bang maging tayo? Ano totohanin na ba natin?" Malamyos na sabi ni Finyx.
"Ayoko nga! Gusto mo lang ako gawing rebound tapos ano sa huli ako ang talo tapos ikaw panalo. Aba hindi pwede yun. Finyx, I'm warning you if you're going to hurt me. I'm just now warning you to stop what you're doing. Love me like you do. But please... don't break my heart because I can break yours. I can destroy you Finyx!" Seryosong sabi ni Ella at na-una ng mag lakad. Si Finyx ay naiwang nakatanga sa kawalan at pinag mamasdan na lang ang papalayong pigura ni Ella.
Mabilis na hakbang ang ginawa ni Finyx upang maabutan si Ella.
Sa hallway ay marami ang estudyante ang nakatambay. May kanya-kanya ang mga itong kinalilibangan.
"Hi Ella." Bati ng isang lalaking nakasalubong niya isang tipid na ngiti ang binigay ni Ella dito.
"Ang ganda mo Ella hindi na makatarungan ang beauty mo, totoo pa ba yan." Saad ng isang babae.
"Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ang ganda ko. Kahit ako minsan ay nagtataka totoo pa ba ako. Hirap talaga kapag pinanganak na maganda no? Minsan problema ko rin bakit ang ganda ko." Sagot ni Ella sa babae na halatang pina-plastik lang siya.
"Ano ba sekreto mo Ella bakit lagi kang maganda." Muling saad ng babae.
"Mag mura ka lang araw-araw then sampal-sampalin mo ang mukha mo." Saad ni Ella at nilagpasan ang babae.
Papasok na si Ella sa pinto ng room ng marinig ang tilian ng mga babae at bulongan ng mga ito.
"s**t lumawag ang garter ng panty ko girl!" Tili ng babae.
"Yieee ang pogi pala talaga ni Finyx Montenegro! Sayang lang kasi dahil ilnag taon ang tanda niya sa atin. Kung nag kataon lang na ka-edran natin siya. Tiyak na siya ang crush ng buong campus. Kaso parang kuya ko na siya." Saad ng isa pang babae.
"Ano ka ba girl, yan ang hilig ni Ella kaya nga naging boyfriend niya si Finyx kasi mas matanda sa kanya. Kaya ayaw niya kay Felix kasi mas gusto niya maging sugar daddy si Finyx Montenegro na isang bilyonaryo at maraming pera. Lahat kasi ng gusto n'ya ay maibibigay ni Finyx. Ang mahihirap talaga mukhang pera." Saad ni Kate isa sa mga nakaaway niya noon.
"Tss! Sugar daddy talaga? Anong akala nila kay Finyx kuwarenta anyos." Inis na wika ni Ella sa isipan n'ya.
Nakakamatay na tingin ang pinukol ni Ella sa babae.
"Anong sabi mo? Kaming mahihirap mukhang pera?" Pag Uulit ni Ella sa sinabi ng babae.
"Paki ulit nga ng isanabi mo?" Dahan- dahan nag lakad si Ella patungo sa harapan ng babae.
"Ang sabi ko ang mahihirap talaga mukhang pera, katulad mo!" Matapang na sagot ni Kate.
Malakas na sampal ang pinadapo ni Ella sa pisngi ni Kate. Halos bumagting ang pandinig ng babae sa lakas ng sampal na natanggap niya.
Sasampalin din sana ni Kate si Ella pero agad pumagitna si Finyx.
"Don't try!" Malamig na wika ni Finyx.
"But she's slap me!" Sigaw ni Kate.
"I don't fvcking care! I heard what you said about her. You deserves to slap. The important is... Don't hurt my Ella!" Anang ni Finyx at inakbayan si Ella.
"All of you who are here. Whoever tries to hurt this woman will be punished by death! Even you b*tch!" Pagbabanta ni Finyx. Natakot ang mga taong naroon sa hallway. Kilala ang mga Montenegro na walang sinasanto lalo na sa gustong ipapatay ng mga ito.
"Grabe ka, kamatayan ka agad?" Mahinang sabi ni Ella.
"Ikaw pumasok kana sa room mo at mag aral ng mabuti." Pinapasok ni Finyx si Ella sa room at inabot ang bag sa babae.
"Be a good girl huh, bawal lumandi sa iba." Wika ni Finyx.
"Tsk! Daming bawal sige na umalis kana." Pag tataboy ni Ella kay Finyx.
"Bye... later darling!" Malanding saad ni Finyx.
Nag dirty finger si Ella kay Finyx at naupo sa silya.
Ngi-ngisi-ngising lumabas si Finyx sa room saktong nag kasalubong sila ni Felix Sandoval.
Nakipag tagisan ng titig si Finyx kay Felix bago niya lagpasan ang lalaki.
Kinahapunan ay sinundo nga ni Finyx si Ella sa school. Si Felix ay hindi na magawang makalapit kay Ella dahil sa kakabuntot ni Finyx sa babae. Iniiwasan narin ni Ella si Felix dahil ayaw niyang masaktan pa ito at isa pa may kasunduan sila ni Finyx.
"Finyx kailangan ko umuwi ka-agad mag isa lang si nanay sa bahay. Hindi naman pwedeng i-asa ko sa bodyguard ni kuya Ellieoth ang nanay ko. Saan ba tayo pupunta?"
Tahimik lang nag mamaneho si Finyx Hanggang sa makarating sila ni Ella sa isang mataas na lugar.
"Anong ginagawa natin dito? Plano mo ba akong i-salvage? Naku hindi pa pwede virgin pa ako." Tumatawang wika ni Ella. Si Finyx ay nakatitig lang sa kanya.
Lumabas ang dalawa sa kotse at parehong nakatanaw sa buong siyudad ng manila.
"Dito ako madalas mag punta sa tuwing may malaking problema at nalulungkot ako." Wika ng lalaki at pinagmasdan ang papalubog na araw.
"Ella, i have a question for you." Seryosong-seryoso ang awra ng mukha ni Finyx.
"Ano yun? Ang seryoso mo masyado. Bigla akong kinabahan sa question mo." Ani ni Ella.
"Kahit ba malaman mong isa akong masamang tao, mamahalin mo parin ba ako? Halimbawa lang."
Malakas na humalakhak si Ella dahil sa tanong ni Finyx.
"What kind of question of that. Nag bibiro ka lang Diba?" Tumatawang saad ni Ella.
"I'm serious Ella. Answer my question. Yes or no!"
Sumeryoso si Ella at matamang tinitigan si Finyx.
"Hmmn... Depende marami kasi ang uri ng masama. Meron pumapatay ng isang inosenteng tao. Pumapatay ng masasamang tao. For me kasi... hindi porket nakagawa ka ng isang kasalanan masamang tao ka na. Hindi yun basihan. Nobody's perfect. Kung ano man ang nakaraan mo or ginagawa mo ngayon i'm sure matatanggap ka ng buo ng babaeng mag mamahal sa'yo. Kung totoong mahal ka n'ya tatanggapin ka niya ng buong-buo kahit sino ka pa. Bakit hindi ba tanggap ni Aimee ang pagkatao mo?"
Napayuko si Finyx at nag pakawala ng malalim na hininga.
"Hindi ako tanggap ng pamilya ni Aimee. Galing si Aimee sa malinis na pamilya ang angkan nila ay walang bahid na kahit anong ilegal na gawain. Lahat ng ari-arian at negosyo nila ay sa legal ng galing. Hindi katulad ko lumaki sa pamilya ng mga kriminal, pati ako ay naging kriminal narin. Ang pamilya ko at ang pinang galingan ng angkan ko ay marumi. Ang mga negosyo namin galing sa ilegal na gawain kumikita kami sa maling pamamaraan. Masamang tao ako Ella, pumapatay ako." Mababakasan ng kalungkutan ang mga mata ni Finyx.
"Hindi yan ang nakikita ko sa'yo Finyx. Hindi isang masamang tao ang nakikita ko sa katauhan mo. Tandaan mo Finyx lahat ng tao may side ng masamang ugali. Kagaya ng isanabi ko, nobody's perfect. At saka paano mo naman nasisiguro na lahat ng negosyo nila Aimee ay sa mabuti galing? Gaano mo ba kakilala ang pamilya nila? Alam mo kapag marami kang pera kaya mong pagtakpan ang lahat kahit ang baho ng pagkatao mo. Kayang maligo ng isang tao ng isang mamahalin pabango huwag lang umaalingasaw ang mabahong amoy nila." Mahabang litaniya ni Ella.
"May common sense ka rin pala kausap akala ko puro kalokohan at pag tataray lang ang alam mong gawin." Biro ni Finyx.
"Hala grabe siya oh, tapos ka narin sa pag e-emote mo diyan halika ka na ihatid mo na ako sa amin." Anang ni Ella at tumalikod na sa lalaki.
Bubuksan na sana ni Ella ang pinto ng front seat ng pigilan ito ng isang kamay ni Finyx.
Nakakunot ang noo ni Ella na bumaling kay Finyx. "Bakit?" Nag tatakang tanong ni Ella.
"Aren't you afraid of me?" Malalim na saad ng lalaki kay Ella.
"Nope. why should I be afraid of you? Nangangain ka ba?"
"Masama akong tao Ella isang kriminal."
"So? Kung pumapatay ka? Hay... naku Finyx kung totoong masamang tao ka. Maraming pagkakataon na pwede mo akong gawan ng masama o kaya patayin, saktan. Pero hindi mo ginawa. I know there is hidden goodness in your heart. Sabi nga ni nanay kung marunong kang mag mahal ibig sabihin mabuti kang tao. So... Let's go?"
Tatalikod na sana si Ella pero agad sinakop ni Finyx ang labi ni Ella.
Nanlalaki ang mga mata ni Ella sa pagkabigla. "Bakit ba bigla-bigla na lang nanghahalik ang lalaking ito. Ano nasarapan siya sa kakalaplap ng labi ko." Wika ni Ella sa isipan.
Tumagal ng isang minuto ang halikan ng dalawa. Tumigil si Finyx sa pag halik kay Ella at pinag dikit ang mga noo nila.
"Damn Ella I really like you!" Hinihingal na usal ni Finyx habol ang kanyang hininga.
"Pero si Aimee parin ang mahal mo." Bakit parang may hinanakit sa boses ni Ella. Hindi niya rin alam kung bakit itong salita ang lumabas sa bibig niya. Nahuhulog na ba siya sa lalaki natototonan n'ya na kaya itong mahalin? Pero alam niya sa kanyang sarili na hindi pwede. May mahal na itong ibang babae. At siya bago lang siya sa buhay ni Finyx. Ipinilig ni Ella ang kanyang ulo. "Ella pigilan mo ang sarili mo. Hindi ka maaaring mahulog sa lalaking ito masasaktan ka lang sa huli at iyon ang ayaw mong mangyari diba?" Kastigo niya sa kanyang sarili.
"Ella?" Maaligasgas na bigkas ng lalaki sa pangalan ni Ella.
"Wag mong pansinin ang sinabi ko nadala lang ako sa emosyon dahil sa ka-dramahan mo kanina." Sambit ni Ella.
"Ella what if i'm starting to fall for you?" Malumanay na saad ni Finyx.
Nakaramdam ng saya si Ella sa kanyang puso pero kailangan niyang pigilan ito. Paano kung pinapa-ibig lamang siya ng lalaking ito. Tapos sa huli ay iwan din siya.
"Pigilan mo Finyx. Isipin mo si Aimee mahal mo siya itatak mo yan sa utak mo. Kaya nga natin ito ginagawa diba, para bumalik siya sa iyo."
"Paano kung, ikaw na ang gusto ko at hindi na si Aimee. Mapipigilan ko pa kaya ang sarili ko, kung ikaw na ang nilalaman ng puso ko."
"Gago ka ba? Anong silbi ng ginagawa nating ito kung ako ang mamahalin mo. Nauntog ba yang ulo mo kaya na alog. Ano bang pinagsasasabi mo. Pwede ba Finyx huwag mong guluhin ang nanahimik kong puso. Healthy itong puso ko Finyx ayokong masugatan to at magkalamat ng dahil sa iyo." Naiirita na si Ella hindi niya na kasi kayang pigilan ang sarili lalo na at napakalapit ng lalaki sa kanya.
"Paano nga kung ikaw na, anong gagawin mo? Answer my question Ella, please." Pakiusap ni Finyx.
"Edi susubukan kong saluhin ka para hindi masaktan iyang ego mo."
Anang ni Ella mabilis siyang tumalikod at mariing napapikit.
"s**t!" Mahinang mura ni Ella at kinagat ang ibabang labi niya.
Tahimik lang ang naging byahe ng dalawa walang gustong mag salita. Si Ella ay nakahilig ang ulo sa salamin ng bintana at nakatanaw sa labas ng kalsada. Pinapanood ang mga sasakyang nakakasalubong nila. Nahulog sa malalim na pag iisip si Ella. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga katagang binitawan ni Finyx kanina.
Nang makarating sila sa labas ng iskinita ay itinabk ni Finyx ang kotse sa gilid ng kalsada.
Kinalas ni Ella ang seatbelt na nakakabit sa kanya nanatili siyang nakayuko lang ayaw niyang tapunan ng tingin si Finyx. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig ng lalaki sa kanya.
"Darling say something." Pauna ni Finyx.
"Thanks for the ride Finyx. Tawagan mo nalang ako kung anong oras tayo aalis bukas. Sige bababa na ako."
Nangmakababa si Ella ay malakas na hinampas ni Finyx ang manibela ng kotse.
"Fvck! Binigla ko ba siya? s**t hindi ako sanay na tahimik siya." Turan ni Finyx. Ni-start niya ang engine ng kotse at mabilis itong pinatakbo.