"Bakla why are you here? Namiss mo ako ano?" Bungad ni Ella sa pinto ng kanilang bahay. Naririto kasi ngayon si Girly.
Luminga-linga si Girly bago mag salita sinuguradong wala ang ina ni Ella.
Agad hinila ni Girly si Ella pa-upo sa upuan.
"Simulan mo mag kwento sa akin. Anong ganap sainyo ni Finyx noong gabing natulog ka sa mansion niya." Nakangising sabi ni Girly.
"Wala. Nagising lang naman akong walang suot na damit." Saad ni Ella.
Nanlaki ang mga mata ni Girly.
"O my god! May nangyari sainyong dalawa ni Finyx! Ano masarap ba? Masakit ba? Masarap ba ang jumbo? Buti nakatayo ka pa." Dere-deretsong sabi ni Girly.
Tinakpan ni Ella ang bibig ni Girly.
"Sssshh! Yawa ka ang bibig mo bading ka, baka marinig ka ni nanay. Walang nangyari sa'min ni Finyx okay..." Ani ni Ella.
"Wala! Ano ba yan halos nga ibinta na kita kay Finyx noong gabing iyon isama ka lang niya tapos walang nangyari." Nag mamaktol na saad ni Girly.
Malakas na binatukan ni Ella si Girly sa ulo.
"Gaga! Sinadya mo ba gawin yun. Ang sama mong kaibigan ha, paano kung ginahasa nga ako ng gagong yun." Wika ni Ella sa kaibigan.
"Bakit tatanggi ka ba? My gosh ang hottie at ang gwapo kaya ni fafa Finyx. Kahit sinong babae ay bubukaka ng kusa sa harapan ni Fafa Finyx. Ang arte mo girl." Anang ni Girly.
"Sira! Anong akala mo sa akin mababang uri ng babae. Kahit ganito lang ako gusto ko sa lalaking mahal ko isusuko ang perlas ng katarungan. E, ano kung gwapo ang Finyx na iyon. Porket gwapo isusuko ko na agad ang fresh peanut ko. Naku hindi pwede iyon." Ani ni Ella.
"Sus.... Bakit hindi mo ba type si Fafa Finyx. Hindi ba kinikiliti iyang pechay mo sa tuwing nakakatabi mo siya. E, yung puso mo kamusta, hindi ba tumitibok-t***k. Ilang araw na kayo nag kakasama hindi ka ba nakakaramdam ng kaonting pag hanga para sa kanya? Hindi ka na normal kung hindi ka man lang tinablan ng karisma niya." Turan ni Girly.
"Hindi talaga ako normal, dahil matagal na akong abnormal nakalimutan mo na ba." Malakas na tumawa si Ella bago mag seryoso.
"Pero seryoso baks. Mukhang unti-unting na akong nahuhulog kay Finyx. Paano kung tuluyan akong mahulog sa kanya." Seryosong sabi ni Ella.
"Problema ba yon edi mahalin mo." Anang ni Girly.
"Hindi ganon kadali baks may ibang mahal yung tao. Ayokong maging panakip butas niya lamang upang makalimot siya doon sa babaeng iyon." Sambit ni Ella.
"Bakit hindi mo subukan wala naman mawawala. Ang isang pagkain hanggat hindi mo natitikman hindi mo malalaman kung ito ba ay masarap o hindi. It's like a high ride if you don't try it you won't know if it's dangerous." Litaniya ni Girly.
"Wow! Bakla ha. Parang may pinang huhugutan ka." Biro ni Ella sa kaibigan.
Noong gabing iyon ay doon natulog si Girly sa bahay nila Ella. Pinauwi kasi ni Ella ang bodyguard na pinadala ng boyfriend ng kanyang ate Ecca.
Alas singko ng hapon ay nasa loob ng banyo si Ella naliligo.
"Ella, anak naririto si Finyx." Saad ng kanyang ina sa labas ng pinto ng banyo.
"Opo inay... Malapit narin naman akong matapos maligo."
Nag mamadaling lumabas si Ella sa banyo pero napasinghap siya ng makita sa kanilang kusina si Finyx umiinom ito ng tubig. Nakatukod ang isang kamay ni Finyx sa sink ng lababo.
Biglang bumaling sa kanya si Finyx bahagyang napaatras si Ella ng mag tama ang kanilang mga paningin. Kumabog ng malakas ang dibdib ni Ella na hindi niya alam kung bakit.
"Ella / Finyx". Sabay sambit ng dalawa.
Tumikhim si Ella upang alisin ang bumarang laway sa kanyang lalamunan.
"F-Finyx n-naririto ka na pala." Nag kandautal-utal si Ella sa pananalita nito.
"s**t bakit ba ako nauutal sa harapan ng lalaking ito." Wika sa kanyang isipan.
Napansin ni Ella kakaibang titig ni Finyx sa kanya.
Tinaasan ng kilay ni Ella si Finyx. "Bakit ganiyan ka makatingin? Alam kong maganda ako kaya pwede ba stop staring at."
Mabilis na tumalikod si Ella at patakbong nagtungo sa kanilang kwarto ng ina.
"Anak nagkita na ba kayo ni Finyx naroon siya sa sala." Anang ng kanyang ina.
"Inay naman sa liit ng bahay natin natural makikita ko siya."
Kumuha si Ella ng isang kulay puting dress sa kabinet niya.
"Saan ang lakad niyo ni Finyx?" Tanong ni Anghella.
"Pupunta po kami sa birthday party ng lolo nya. Baka po gabihin ako sa pag-uwi inay kaya si Girly muna ang makakasama mo mamayang gabi ayos lang po ba inay?"
"Ayos lang anak nariyan naman si Mike upang bantayan ako at si Girly."
Nang matapos mag bihis at mag ayos si Ella ng kanyang sarili ay lumabas na siya bitbit ang purse niya.
Nakikipag tawanan si Finyx kay Girly sa sala ng mapatingin ito kay Ella.
Napaawang ang ang bibig ni Finyx habang nakatingin kay Ella. Sino ba naman hindi mapapatingin kung ganito kaganda at ka-seksi ang papalapit sa iyo.
Hapit sa katawan ni Ella ang white dress na suot niya na hanggang binti ang haba.
"Wow! Naks naka white saan ang punta." Anang ni Girly.
"Buti at dumating ka na dadalo ako ng binyag mag nininang ako." Wika ni Ella at basta lang hinagis ang purse nya kay Finyx buti nalang at nasalo ito ng lalaki.
Humalakhak si Girly at hinampas si Ella sa braso. "Baliw ka talaga." Saad ni Girly.
"O siya aalis na kami ikaw na muna bahala kay nanay at pakainin mo rin si kuya Mike. Thank you baks."
"Oo na sige na umalis na kayo ni Fafa Finyx dahil ako na ang bahala kay nanay Anghella at lalo na kay kuya Mike." Nakangising wika ni Girly at kumindat pa.
"Hoy bakla umayos ka nga baka matakot sa'yo si kuya Mike." Saway ni Ella sa kaibigan.
"Kuya Mike kapag hinipuan ka ng higanteng baklang ito isumbong mo sa akin at ako na mismo ang hahatol dito." Turo ni Ella kay Girly.
"Ay grabe siya. Baklang higante talaga ang ganda ko kaya nakaka-hurt ka ng feelings." Pumapadyak-padyak ng paa si Girly.
"Alis na ho kami nanay Anghella. Don't worry i'll take care of Ella." Wika ni Finyx.
"Salamat iho mag iingat kayong dalawa. Ikaw naman Ella huwag mo masyadong inaaway iyang si Finyx."
"Oo na po inay hindi ko na siya aawayin dahil mamahalin ko na siya-" Napatakip ng bibig si Ella dahil sa kanyang sinabi.
Napatingin si Finyx kay Ella na bahagyang nakakunot ang noo.
Si Girly ay ngingisi-ngisi lang sa likuran ni Mike.
"Ah. Bye na po inay." Humalik si Ella kanyang ina at tumalikod na. Mariin siyang napapikit. "s**t ano ba itong pinag sasasabi ko. "Mahinang saad ni Ella.
"Mamahalin din kita." Boses ni Finyx mula sa likuran ni Ella.
Humarap si Ella kay Finyx at sinamaan ng tingin ang lalaki. "Iba ang ibig sabihin ko sa sinabi ko kanina."
"Bakit Ella ano ba ang ibig sabihin ng sinabi mo kanina?"
"Bakit gusto mong malaman, secret lang yon ako lang ang pwedeng makaalam." Inirapan ni Ella si Finyx.
"Iniirapan mo ba ako Ella? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag mo akong tinatarayan."
Umismid ang labi ni Ella kinokontrol ba siya ng lalaki sa kung anong pwede niyang gawin.
"Hoy Finyx pati ba naman pag irap ko ipag babawal mo pa. Mag kakasakit ako kapag hindi ako nag tataray at wala akong tinatarayan." Wika ni Ella at tinalikuran ang lalaki.
Napailing nalang si Finyx hindi n'ya talaga kaya ang babaeng ito masyadong masungit."
Tahimik lang si Ella samantalang si Finyx ay tutok lang ang atensiyon sa pag mamaneho.
Pumasok sa isang exclusive subdivision ang kotse bawat na dadaanan nilang malalaking bahay at mansion ay labis namamangah si Ella.
Hindi simpleng mga tao ang mga nakatira dito sa loob ng subdivision. Siguro ay karamihan ay mga sikat na negosyante at matataas na opisyal ng pilipinas. Ang subdivision na ito ay pag mamay-ari ng pamilya nila Finyx.
Obvious naman dahil sa pangalan ng subdivision. Montenegro Hills Subdivision.
Tumigil ang kotse sa tapat ng isang malaking kulay itim na gate. Sa gitna ng gate ay may naka ukit na letrang 'M' na kulay gold.
Awtomatikong bumukas ang malaking gate na dinaig pa ang gate ng malacañang sa laki at taas nito.
Malayo ang kinatatayuan ng mansion malayo ito sa gate. At napaka lawak ng pavilion na sa tantiya ay pwede pang tayuan ng sampung pirasong mansion dahil sa lawak nito.
Pagkapasok nila at tumampad kay Ella ang maraming tauhan pulos armado ang mga ito dahil may mga bitbit ang mga ito ng matataas na kalibre ng baril.
Agad na palingon si Ella kay Finyx. Hindi naman sa natatakot siya at isa pa na-ikwento na sa kanya ni Finyx kung anong klaseng pamilya meron si Finyx. Hindi lang talaga siya sanay makakita ng mga armado na may mga dalang mga baril.
"Makakalabas pa naman siguro ako ng buhay dito sa mansion n'yo ano?" Pag bibiro ni Ella.
"Yeah, as long as you're with me you're safe darling. Don't worry mababait ang mga kamag-anak ko lalo na ang pamilya ko. Hindi ka nila kakatayin." Biro rin ni Finyx sa dalaga.
Nang makapag garahe si Finyx ng kotse ay may lumapit ng dalawang tauhan sa labas ng kotse niya.
Pinag buksan sila ng mga ito ng pinto ng sasakyan.
Marami ang naka-park na kotse sa malawak na garahe siguro ay nasa kinse pataas. Mamahalin ang mga ito base narin sa mga desinyo at pustura ng mga kotse.
"Iba talaga ang mayayaman. Ang aarte sa kotse mag kano kaya ang halaga ng bawat isa sa mga sasakyan na ito." Wika ni Ella sa isipan.
"Magandang gabi boss Finyx." Bati ng isang lalaking may dalang baril.
"Magandang gabi Miss--" Hindi naituloy ng isang tauhan ang sasabihin dahil hindi nito kilala ang kasama ng kanilang amo.
"She's Ella White my girlfriend." Pakilala ni Finyx kay Ella sa dalawang lalaki.
"Magandang gabi miss Ella." Sabay bati ng dalawa.
"Good evening din sa'nyo." Balik bati ni Ella.
"Sige na iwan n'yo na kami." Pag tataboy ni Finyx sa dalawang tauhan.
Nang makaalis ang dalawang lalaki ay nag salita si Finyx.
"Ella, ano ang english ng Mahal kita?" Tanong ni Finyx sa dalaga.
Tumaas ang kaliwang kilay ni Ella.
"Jusme english lang ng mahal kita hindi mo pa alam. I love you." Wika ng dalaga.
"I love you too!" Agad napatingin si Ella kay Finyx dahil sa binigkas ng lalaki.
"Why don't we try each other. I like you Ella." Malamyos na saad ni Finyx.
"You know Finyx bago mo sa akin sabihin ang mga katagang iyan. Make sure na naka move on at wala ka ng pag mamahal para kay Aimee. Gusto ko kapag nag mahal ako wala akong kahati. Gusto ko ako lang ang nakikita ng mga mata mo. Ako lang ang tinitibok ng puso mo, kasi gusto ko kapag nag mahal ako yung may kasiguraduhan yung hindi ako iiwan at sasaktan." Mahabang litaniya ni Ella.
"What if I tell you that i already love you Ella." Seryosong turan ni Finyx.
Sandaling natahimik si Ella bago mag salita muli.
"Then prove it to me Finyx." Pag hahamon ni Ella sa lalaki.
Hindi na nag salita si Finyx at hinila si Ella papalapit sa kanya at siniil ng nakakalunod halik ang dalaga. Mahigpit niyang niyakap ang baywang ni Ella upang hindi ito makapalag.
"Hmmnp... F--Finyx a--ano ba." Pilit na kumakawala at tinutulak ng dalaga si Finyx ngunit malakas ito at ayaw siyang pakawalan.
Walang nagawa si Ella kundi tugunan na lamang ang nakakalunod na halik ni Finyx.
Unang humiwalay si Finyx at ngumisi.
"Damn Darling you are a good kisser. Kaya naman lalo akong naaadik sa'yo." Medyo may landi sa boses ni Finyx.
"Magaling din kasi yung nagturo." Anang ni Ella at kumindat pa sabay pisil sa pisngi ni Finyx. "Let's go Darling." Saad ni Ella at malakas na pinalo ang pang-upo ni Finyx.
"Naughty girl." Anang ni Finyx.
Sabay na pumasok si Ella at Finyx sa malaking pinto ng mansion.
"s**t hindi na ito matatawag mansion kundi isang palasyo." Saad ni Ella.
Narinig ni Finyx ang kanyang sinabi. "Pakasalan mo ako para makatira ka sa palasyong ito." Turan ni Finyx.
"Kasal ka agad? Hindi pa nga kita boyfriend, ni hindi ka nga nanliligaw. Excited lang boy?" Natatawang saad ni Ella.
"Sige liligawan kita, sagutin mo ako ngayon para maging tayo na. Tapos papasakal na ako sa iyo bukas."
"Papasakal talaga Finyx?"
"Bakit ayaw mo ba Ella? Sige ka mag hahanap na lang ako ng iba."
"Edi mag hanap ka akala mo naman hahabulin kita nek-nek mo. Sa ganda kong ito marami ang mag kakandarapa sa akin." Wika ni Ella.
"Sapalagay mo ba papayag akong may ibang mag habol sa'yo. Ako lang Ella ang pwedeng mabiliw sa'yo wala ng iba. Understand darling."
"Iho!" Masiglang tinig ng isang matanda.
Sabay silang napalingon sa matandang babaeng nasa likuran nila. Sopistikada itong tingnan kahit may edad na ay maganda parin ito.
"Iho apo ko namiss kita bakit parang dumalang yata ang pagdalaw mo sa'min ng lolo mo." May pag tatampo sa boses ng matandang ginang.
Bumaling ang matanda kay Ella.
"Who is the gorgeous lady with you?" Nakangiting wika ng matanda.
"This is Ella White lola my beautiful girlfriend." Pakilala ni Finyx kay Ella sa lola nito.
"Aww.. new girlfriend? I thought Aimee was your girlfriend." Wika ng matanda.
"We broke up lola. Ella is now my new girlfriend and I love her." Nakangiting saad ni Finyx.
"Tangina parang totoo ah." Mahinang wika ni Ella sakto lang upang marinig ni Finyx.
"Why? Totoo naman diba mahal kita." Pabalik na bulong ni Finyx.
Umirap si Ella sa kawalan at matamis na ngumiti sa matanda.
"Hi mamita kamusta po sobrang ganda nyo po in person para kang isang fresh na mani." Matamis na bati ni Ella sa matanda. Bahagyang kumunot ang noo ng matanda pero agad naman itong ngumiti kay Ella.
"Awww... Thank you iha napaka ganda mo rin nice to meet you Ella." Wika ng matanda.
"My baby boy..." Masiglang tawag ni Finna sa anak. Sinalubong ng yakap ni Finyx ang ina at pinatakan ng halik sa noo.
"Hi mom, i'm with Ella." Turo ni Finyx kay Ella kausap ng dalaga ang lola ni Finyx nakikipag tawanan si Ella sa matanda.
"Mukhang aliw na aliw ang lola mo kay Ella." Anang ni Finna.
"Yup, close na sila agad." Sambit ni Finyx.
"By the way Aimee's here. Inimbitahan siya ng lolo Oscar mo. Alam mo naman si pa'pa malapit kay Aimee."
"What!? Hindi maari kasama ko si Ella." Frustrated na sabi ni Finyx.
"Inaalala mo si Ella? Don't worry alam na ng lolo mo nahiwalay na kayo ni Aimee. I told him earlier." Saad ng kanyang ina.
"Hindi naman si Ella ang inaalala ko mommy. Kundi si Aimee baka kung anong gulo ang gawin ng babaeng iyon. Kilala mo naman si Aimee mahilig gumawa ng eksina." Bakas sa mukha ni Finyx ang pag-kainis.
"I'm here hindi niya gagawin iyon anak. Hindi naman ako papayag na siraan niya ang birthday ng lolo mo."
Tinapik ni Finna ang balikat ng anak pinapahiwatig niya na walang dapat ipag alala.
"Puntahan ko lang si Ella." Paalam ni Finna sa anak.
"Hi Ella how are you iha, buti naman at nakasama ka kay Finyx." Bati ni Finna kay Ella.
"Of course mother in-law na-sense ko kasing naririto si Aimee kaya sumama ako. Mahirap na baka maagawan ako." Nakangising sabi ni Ella.
Nabanggit kasi ni Finyx sa kanya na close nga si Aimee sa lolo ng lalaki. Kaya hindi imposible naririto ito ngayon. Dito sa Montenegro mansion ginanap ang simpleng silibrasyon ng kaarawan ni Oscar ang ama ni Finna.
"I like you talaga iha mag kaka-sundo tayong dalawa." Saad ni Finna.
"Oh yes... mag kaka-sundo talaga kayong dalawa dahil pareho kayong maldita." Sigunda ng lola ni Finyx.
"Girls let's go to the garden?" Pagyaya ni Finyx sa tatlo.
"Okay let's go iha, ma'ma." Sambit ni Finna.
Pagkarating nila sa likod ng mansion kung nasaan ang malawak na garden. Naroon ang mga kamag-anak ni Finyx pati ang lolo at lola niya na sa side ng kanyang ama ay naroon din. Mga kamag-anak at galing sa mag kabilang angkan ang naririto.
Si Don Lucio Montenegro ang lolo ni Finyx na ama ng kanyang daddy Kaven.
Karamihan sa mga pinsang lalaki ni Finyx ay napatingin kay Ella at nag bubulungan ang mga ito at nag sisikuhan pa.
"Enjoying the view huh?" Sambit ni Finyx sa mga pinsan nitong lalaki ng makalapit siya.
"Kuya Finyx naman kasalanan ba namin na ang ganda ng kasama mo kaya napapatingin kami." Wika ng isang lalaki na medyo kaedaran ni Ella.
"She's my girlfriend kaya itigil nyo ang pantasya nyo kung ayaw n'yong dukutin ko yang mga eyeballs n'yo." Pag babanta ni Finyx sa mga pinsan nito.
"Darling halika ipakikilala kita kay lolo Lucio." Tawag ni Finyx sa dalaga.
"Okay, pero hindi mo manglang ba ako ipakikilala sa mga pinsan mo?" Nakangising saad ni Ella.
"No need." Nakasimangot na turan ni Finyx at hinapit sa baywang si Ella at hinila papalayo sa mga pinsan nito.
"Tingnan mo yon ang possessive masyado. Hindi naman siya ganyan dati kay ate Aimee." Saad ng lalaki.
Lumapit sila sa isang mahabang lamesa kung nasaan ang kanyang ama kasama ang lolo at lola niya.
"Hey guys." Agaw ni Finyx sa atensyon ng mga ito.
"Naririto ka na pala apo ko." Wika ni Doña Margarita. Ang ina ng kanyang ama.
Nag lakad si Finyx patungo sa likuran ni Doña Margarita kung saan ito nakaupo. Umuklo siya at pinatakan ng halik sa pisngi ang matanda.
"She's here lola mama." Bulong n'ya sa tainga ng matanda.
Naikwento kasi ni Finyx si Ella sa kanyang lola kaya excited itong makilala si Ella. "Darling come here!" Tawag ni Finyx kay Ella.
Mabilis na lumapit si Ella kay Finyx at kiming ngumiti matanda.
"She's Doña Margarita, my lola mama." Pakilala ni Finyx sa kanyang lola.
"Hi, nice to meet you po." Bati ni Ella at nag mano sa ginang.
"Hello gorgeous lady. You're so pretty iha." Said Doña Margarita and smiled sweetly.
"Thank you po, ikaw din ang ganda parang bagong pinitas na kamyas." Saad ni Ella.
Napahagihik si Finyx sa tinuran ni Ella.
"What?" Tanong ng matanda.
"Ah, i mean po bagong pitas na kamatis ang kinis ng balat nyo at infairness baby face." Sambit ni Ella.
"You're so sweet iha thank you." Anang ni Doña Margarita.
Naupo si Finyx at Ella sa dalawang bakanteng silya.
"Taga saan ka iha? Anong trabaho ng mga magulang mo? May mga negosyo ba kayo?" Tanong ni Oscar ang isang lolo ni Finyx.
"She's still studying lolo Oscar. At hindi siya nag mula sa mayamang angkan. Nakatira ang pamilya n'ya sa squatters area sa isang mabahong lugar. She is a poor girl, a gold digger! Ang damit na suot n'ya ngayon ay mula kay Finyx. Pinipirahan niya lang si Finyx lolo Oscar." Nakangising turan ni Aimee.
Parang aaltapresyonin si Ella dahil sa mga sinabi ni Aimee.
"Aimee!" Mariing bigkas ni Finyx sa pangalan ng babae.
Mariin na naikuyom ni Ella ang kamao gusto n'ya ng sugurin si Aimee ngayon pinigilan lang nya lang kanyang sarili ayaw n'yang gumawa ng eksina dito.
"Excuse me? Are you stalking to me? lilinawin ko lang sa'yo na hindi ako gold digger. Isa akong gold na kumikinang mula sa basurahan, unlike you parang isang tanso na malapit ng kalawangin. And i admit mahirap lang ako at hindi ko iyon kinakahiya. Ang bawat kinakain namin ay nag mula sa aming sipag at sariling pawis. Ang nakakahiya ay yung kayaman na nag mula sa iligal na gawain." Saad ni Ella.
"Ahem!" Tumikhim si Don Lucio dahil sa salitang narinig. Mukhang tinamaan siya sa mga sinabi ni Ella.
"Aw, i'm sorry lolo Lucio, that's not what I meant. Sumosobra na kasi itong ex girlfriend ng apo nyo. Hindi porket mahirap lang ako ay pwede na akong insultuhin ng bruha na iyan. Hoy bruha mataas pa ang pangarap at pride ko kaysa sa bulok mong pagkatao!" Mataray na wika ni Ella.
"Aimee don't start trouble here!" May pag babanta sa boses ni Kaven ang ama ni Finyx.
"Pasensya kana iha sa mga sinabi ni Aimee hindi lang talaga niya matanggap na kaya siyang palitan ng anak ko. You know, bitter ang life!" Wika ni Finna.
"Finna!" Saway ni Oscar sa anak.
"What pa'pa? Totoo naman diba manloloko ang babaeng iyan. Why did you invite that girl here?" Sagot ni Finna sa ama.
"Mahal enough!" Mariing wika ni Kaven.
"Isa ka pa, sasapukin kita huwag mo akong aawatin Kaven!" Pinag taasan ng boses ni Finna ang asawa.
Napakamot nalang ng kanyang batok si Kaven anong laban niya sa asawang parang dragon kung magalit. Baka mamaya bumuga na ito ng apoy.
Napansin ni Ella ang tensyon sa mag kabilang angkan kaya tumayo nalamang si Ella mula sa pag kakaupo.
"Uuwi nalang ho ako, pasensya na po kayo hindi ko intensyon na masira ang pagdiriwang n'yo." Mababang boses mula kay Ella.
"No iha walang aalis at hindi ka uuwi. Kung meron man ang aalis dito ay si Aimee yon." Ma-awtoridad na sabi ni Don Lucio.
"Oscar pasensya ka na pero nais ko sanang paalisin mo si Aimee dito sa mansion ko. Hindi ko gustong may nakakapasok na isang matapobre dito sa pamamahay ko. Wala sa pamilya namin ang mang maliit ng kapwa. Hindi ibig sabihin na galing tayo sa mayamang angkan ay may karapatan tayong manliit ng mahihirap." Dagdag pa ni Don Lucio.
Bumaling si Oscar kay Aimee. "I'm sorry Aimee but you need to go." Wika ni Oscar.
Bumalatay sa mukha ni Aimee ang galit masamang tingin ang pinukol nito kay Ella.
Padabog na tumayo si Aimee at kinuha ang purse sa ibabaw ng lamesa.
Mabilis siyang nag lakad at huminto sa kinatatayuan ni Ella.
"You will pay for it b***h!" Galit na sabi ni Aimee kay Ella.
Ngumisi si Ella at nilapit ng bahagya ang mukha kay Aimee.
"Wala akong utang sa'yo kaya wala akong babayaran." Matapang na saad ni Ella.
Inis na umalis si Aimee sa harapan ni Ella. Agad na tumayo si Finyx upang sundan si Aimee.
"Where are you going Finyx? Susundan mo ang babaeng iyon at tapos ano iiwan mo dito si Ella!" Pasigaw na wika ni Finna.
"No mom, just relax okay. Kakausapin ko lang si Aimee."
Humarap si Finyx kay Ella at ngumiti. "Okay lang ba na kausapin ko siya?" Paalam ni Finyx kay Ella.
Tumango lang si Ella kay Finyx at muling naupo.
May humaplos sa balikat ni Ella isang dalagitang babae pamangkin ito ni Finyx. "Pasensya kana sa mga sinabi ni ate Aimee sa iyo ate Ella." Anang ng dalagita.
Matamis na ngumiti si Ella sa dalagita.
"Naku ayos lang sanay na ako sa pang iinsulto ng iba." Wika ni Ella.
Pasimpleng tumingin si Ella sa lolo ni Finyx na si Oscar. Blangko lang ang expression ng matanda habang nakatingin sa kanya. Hindi naman mukhang galit ang matanda. After a while he smiled at Ella.
"I'm sorry iha hindi ko alam na may ganoong ugaling tinatago si Aimee." Paumanhin ni Oscar.
"Ganoon talaga pa'pa hindi aalingasaw ang mabahong amoy ng isang goma hangga't hindi ito nasusunog." Si Finna ang nag salita.
"Aimee!" Tawag ni Finyx sa babae.
"What! Are you happy? Napahiya ako sa harapan ng pamilya mo dahil sa babaeng iyon. Ganito ba ang paraan mo para saktan at gantihan ako? Alam ko naman na nag papanggap lang kayong dalawa para pag selosin at bumalik ako sa'yo. Alam ko naman na ako parin ang mahal mo Finyx. Bakit hindi na lang tayo ulit iwan mo ang babaeng iyon at bumalik ka sa akin. Kung makikipag balikan ka sa'kin tatanggapin kita Fin." Saad ni Aimee.
"Hindi kita sinundan Aimee para makipag balikan sa iyo. Gusto lang kitang balaan na huwag mong sasaktan si Ella. Kahit dulo ng hibla ng buhok niya huwag mong hahawakan. Dahil ako ang makakalaban mo Aimee!"
"Wow! Just wow! Dati ako ang pino-protektahan mo laban sa pamilya mo. Ngayon si Ella, pino-protektahan mo mula sa akin." Humalakhak si Aimee ng malakas.
Ipinag laban kita sa pamilya ko Finyx. Kahit ayaw nila sa'yo dahil sa pamilya mong mga kriminal. Pero minahal kita pinag laban kahit masira pa ang relasyon namin ng mga magulang ko. Tapos ngayon iiwan mo ako dahil sa babaeng iyon!"
"Sino ba ang unang nang-iwan? Hindi ba't ikaw? Ilang buwan ba akong nag habol sa'yo Aimee ilang buwan ba ako nag pakabaliw sa'yo Aimee. Nag makaawa at lumuhod ako bumalik ka lang sa akin. Binaba ko ang pride ko para sa iyo. Pero anong ginawa mo pinatulan mo si Alic na kaibigan ko dahil diyan sa kakatihan mo!" Sigaw ni Finyx.
"Walanghiya ka!" Malakas na sinampal ni Aimee si Finyx.
"Yes we f****d. Pero ikaw ang mahal ko Finyx. Tangina kasi matatanda na tayo pero hindi mo maibigay ang gusto ko. Hindi na tayo mga bata Finyx nasa tamang edad na tayo parang gawin ang bagay na iyon. Pero ni minsan kahit haplosin o halikan ang balat ko hindi mo magawa." Singhal ni Aimee.
"Kaya pumatol ka kay Alic kasi naiibibigay n'ya ang gusto mo. Ano masarap ba? Putangina! Aimee kayang-kaya kong ibigay sa iyo yon, higit pa doon. Pero hindi ka nakapag hintay, hindi ba't inalok na kita ng kasal pero tinanggihan mo! Kaya huwag mo akong susumbatan at sisihin ngayon dahil lahat ginawa ko para sa'yo, pero kulang parin ako. Tapos ngayong iniwan ka ni Alic babalik ka sa akin? Oo aaminin ko hanggang ngayon mahal na mahal parin kita Aimee. At gagawin ko ang lahat makalimutan lang kita. Kahit gamitin ko pa si Ella upang makalimutan ka lang, ay gagawin ko!"
Napakip ng bibig si Ella dahil sa mga narinig mula kay Finyx.
So totoo pa lang ang iniisip niya na ginagamit lang siya ng lalaki upang makalimot ito kay Aimee. Buti nalang at hindi siya bumigay sa kalandian ni Finyx.
Umalis si Ella sa likod ng pintuan ng mansion at bumalik sa garden.
Pinipigilan ni Ella na huwag maluha pero traydor talaga ang mga mata n'ya. Tumulo ng kusa ang luha mula sa mga mata.
Bakit siya umiiyak? Nasasaktan siya?
"Bakit ako nasasaktan ng ganito? Simula't sapul alam kong mahal ni Finyx si Aimee. Bakit ba ako umiiyak? s**t! Ella para kang tanga!" Kastigo ni Ella sa kanyang sarili.
Nasa likuran siya ng malaking halaman na madilim ang bahaging parteng iyon.
"Pero s**t! Umasa ako, umasa ang puso ko na baka, may puwang na ako sa puso ni Finyx. Hindi pa malalim ang nararamdaman ko para kay Finyx pero masakit na. Paano na lang kung mahal na mahal ko na siya. Durog na siguro ako nito kapag nag kataon. Ella pigilan mo ang nararamdaman mo, masasaktan ka lang." Mahinang sabi ni Ella.
"Ella, why are you here? are you okay? Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." Boses ni Finyx.
Tumalikod si Ella ayaw niya harapin ang lalaki.
"Are you crying?" May pag aalala sa boses ni Finyx.
"Puta! Akala mo concern sasaktan din naman ako sa huli. Putangina mo Finyx! Sagad sa buto Gago ka!" Mura ni Ella sa isipan.
"Sinasabi niyang mahal niya ako, pero mahal niya pa pala si Aimee. s**t na pag mamahal yan. Scam!" Dagdag pang wika ni Ella sa isipan.