"Ella? Are you okay ? Are you crying? Umiiyak ka ba dahil sa mga sinabi ni Aimee tungkol sa iyo?" Finyx asked Ella with concern in his voice.
Pinahid ni Ella ang luhang nanuyo sa kanyang pisngi gamit ang kanyang dalawang palad bago humarap kay Finyx. Matapang na mukha ang ipinakita nya sa lalaki at hindi mababakasan ng pag iyak.
"No i'm not! Tsk! Ako? umiiyak ng dahil kay Aimee? Sino ba si Aimee para iyakan ko? Sino ka para iyakan ko! Hindi ako mababaw na tao Finyx para iyakan ang walang kwentang sinabi ni Aimee. Yung mga sinabi ni Aimee sisiw lang sa'kin yon. Walang pwedeng manakit sa puso ko na kahit sino, kahit ikaw pa!" Matapang na wika ni Ella.
Puno ng pagtataka si Finyx naguguluhan siya sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Ella.
"What? Naguguluhan ako Ella. May nagawa ba akong mali o naikasakit ng damdamin mo?" Tanong ni Finyx.
"Wala kang ginawa, pero sinabi meron." Mahinang bulong ni Ella.
"What? Oh.. come on Ella.. Pwede ba kung may problema ka o may sama kau ng loob sa akin sabihin mo. Hindi yung para akong tanga na nag iisip dito!" Mariing wika ni Finyx.
"Wala kang ginawa! Pwede ba iuwi mo nalang ako Finyx!"
"Alam mo ang hirap mong intindihin minsan. Bigla bigla ka nalang tinotopak at tinotoyo." Saad ni Finyx sa babae.
"Hindi mo talaga ako maintindihan, kaya wag mo nalang alamin ang problema ko!" Medyo pasigaw na sabi ni Ella.
"Are you shouting at me Ella?!"
Inirapan ni Ella si Finyx at tinalikuran ito. Paalis na sana si Ella ng hawakan ni Finyx ang braso ni Ella at hinila papalapit sa kanya at siniil ng halik ang babae sa labi. Mahigpit na niyakap ni Finyx ang baywang ni Ella upang hindi ito makapalag. Pilit na tinutulak ni Ella sa dibdib ang lalaki gamit ng kanyang dalawang palad ngunit masyado itong malakas.
"Hmmnnp!" Pilit ni lalayo ni Ella ang labi nya kay Finyx.
Tumigil sa paghalik si Finyx kay Ella at pinag katitigan ang dalaga. Si Ella naman ay tigalgal lang sa kawalan habang penoproseso ang ginawa ni Finyx.
"Please tell me did i do something wrong? Sabihin mo dahil hindi ako matatahimik hanga't hindi mo sinasabi sa'kin." Malumanay na sabi ni Finyx.
"Huwag mo akong alalahanin Finyx. Ang isipin mo si Aimee kung paano magiging kayo muli. Diba kaya nga natin ito ginagawa kasi para bumalik siya sa'yo. Sa nakikita ko mukhang epektibo ang ginagawa natin malapit na siyang bumalik sa'yo. Gusto ko ng matapos itong kalokohan na ginagawa natin Finyx. May mga bagay rin akong dapat gawin Finyx, may mga responsebelidad din ako Finyx. Katulad na lamang ngayon na dapat ako ang kasama ni nanay upang bantayan siya. Masama ang pakiramdam ko Finyx gusto ko ng umuwi."
Lalagpasan na sana ni Ella si Finyx ngunit tumigil ang dalaga sa paghakbang. Bumalik siya sa harapan ni Finyx at malakas na sinampal ang binata.
Gulat na gulat naman si Finyx. "And what is that for?" Wika na tanong ni Finyx.
"For your stealing a kiss from me without my permission." Anang ng dalaga.
"Gusto ko ng umuwi Finyx kung hindi mo ako ihahatid mag ta-taxi nalang ako." Wika pa ni Ella at nagtungo sa garden upang mag paalam sa mga magulang ni Finyx at sa iba pang kamag-anak ng lalaki.
"Ihahatid na kita sa looban Ella." Alok ni Finyx.
"Huwag na! Huwag mo na akong ihatid sa loob. Kaya ko mag lakad mag-isa, kaya ko ng wala ka." Wika ni Ella at bumaba sa kotse ni Finyx.
Nakakunot ang noo ng lalaki habang pinag mamasdan ang likuran ni Ella habang papasok ito sa makipot na gate ng iskinita.
Nang mawala sa paningin n'ya ang babae ay umalis na si Finyx.
Habang nag mamaneho si Finyx ay napa-isip siya. Isa-isa n'yang binalikan mga katagang binitawan ni Ella.
"Ano bang problema ng babaeng iyon. Okay naman siya kanina." Marahang wika ni Finyx.
"Ganoon ba talaga ang babaeng iyon bigla-bigla nalang nag babago ang mood." Kinuha ni Finyx sa bulsa ng maong na pants n'ya ang isang red velvet box nag lalaman ito ng necklace. Plano niya sana ibigay ito kay Ella kanina.
"Debale bukas nalang kita pibibigay sa kanya mainit pa ang ulo baka masapok ulit ako ng babaeng iyon." Kausap ni Finyx sa necklace.
Tatlong beses kumatok si Ella sa pinto bago may nag bukas nito.
Magulo ang buhok ni Girly na halatang kakagaling sa pag tulog. Nakasimangot na pumasok si Ella sa loob ng bahay hindi man lang nito pinansin ang kaibigan.
"Ahmmn.. bakit parang naging byernes santo iyang mukha mo? Anong nangyari nag warla na naman ba kayo ni Fafa Finyx." Umpisa ni Girly.
"Bwisit kasing lalaking iyon ilang beses niyang sinabi sa akin na mahal nya raw ako. Tapos maririnig ko mula sa kanya, mahal niya pa pala si Aimee. Gago lang ang putanginang iyon!" Inis na sabi ni Ella at malakas na binalibag ang purse na hawak niya sa sahig.
"Ikaw talaga kaganda mong babae napakamakasalanan ng bibig mo." Saway ni Girly kay Ella.
"Ano nga ba aasahan mo babaita. Si Aimee, siya ang nauna sa buhay ni Finyx at higit sa lahat ex siya at minahal ni Finyx. Pero girl, hindi porket narinig mo mula kay Finyx ang salitang iyon ay paniniwalaan mo na agad. Iba ang salita at sinasabi lang. Sa pagmamahal kasi hindi sapat ang pagbigkas mo ng salitang 'Mahal kita' para maipahiwatig ang pagmamahal mo sa isang tao. Kundi ipinaparamdam din ito. Bakit Ella hindi mo ba ramdam ang mainit na pag mamahal sa iyo ni Fafa Finyx? Kasi ako nakikita ko kung gaano ka niya kagusto. Kung paano ka niya titigan na parang isang ginto. s**t! Lagi ko kayang nahuhuling nakatitig sa'yo si Finyx lalo na kung hindi ka makatingin sa kanya. Yung mga titig niyang nakakatunaw na parang pati espiritu mo mahihiya dahil sa nakaka-tunaw niyang tingin. Ang magagandang uri ng mata niya na sa'yo lang nakatuon. Hay... Sana ako nalang yung nakikita ng mga mata niya."
Mahabang litaniya ni Girly at nangangarap na ito ng gising habang pinapantasya ang gwapong mukha ni Finyx sa isipan nya.
"Totoo? Nahuhuli mo siyang nakatitig sa akin?" Tanong ni Ella sa kaibigan.
"Oo alam mo naman ang mga mata ko may pagka-CCTV. Kaya huling-huli ko ang mga nakaw na tingin ni Finyx sa iyo. Bakit kaya hindi mo subukan para malaman mo. Sumugal ka tumaya ka kahit piso lang at least sinubukan mo diba. Matalo ka man sa huli hindi ganoon kasakit bakit? Kasi mababanh halaga lang ang tinaya mo. Pero itataya ko ang gorgeous name ko, pupusta ako mag kahiwalay man kayo ni Finyx sa kanya parin ang bagsak mo." Sabay halakhak ni Girly ng mahina.
"Hiwalay agad? Hindi pa nga nagiging kami. Atat ka talagang makitang umiyak at masaktan ako ano." Saad ni Ella kay Girly.
"Well yes of course gusto ko kasi makita kung gaano ka kapangit umiyak. Pero unfair talaga ang inang nature kahit siguro ngumawa ka at mag mukhang dugyot maganda ka parin." Sambit ni Girly.
"Syempre ipinanganak akong maganda at isa pa ang ganda kaya ng nanay ko. Saan pa ba ako mag mamana." Kumpyansa na wika ni Ella.
"Oo na ikaw na ang maganda. Sayang lang hindi ko pa nakikilala ang ate Angelecca mo siguro ubod din ng ganda ng ate mo." Turan ni Girly.
"Talagang maganda si ate Ecca. Gusto mong makita may mga picture siya sa kwarto ko. Tara baka maistorbo natin ang mahimbing na tulog ni kuya Mike, panay pa naman ang tawa mo baliw ka." Nginuso ni Ella ang isang lalaking mahimbing na natutulog sa nakalatag na foam sa sahig ng kanilang sala.
Humagikhik si Girly. " Oo nga pala naririto si kuya Mike nakalimutan ko." Anang ni Girly at muling tumawa ng mahina.
"Gosh! Isang dyosa yata itong ate mo. Ang ganda..." Manghang saad ni Girly habang pinag mamasdan ang mga larawan ni Angelecca.
"Mas maganda siya kapag nakita mo sa personal." Proud na wika ni Ella.
"Pero bakit ganoon, ang puti ng ate mo tapos ikaw.."
"May gusto kang bang sabihin bakla. Namana kasi ni ate ang kulay ng balat ni nanay. Ako naman ay namana ko ang kayumanggi na balat ng tatay ko, iyon ang sinabi ni nanay." Lumungkot ang boses ni Ella dahil sa huling sinabi.
Simula ng mag kaiisip si Ella hindi n'ya pa nakikilala ang ama. Maski sa larawan ay hindi niya ito nasilayan. Napa-isip nga siya kung ano ba ang hitsura nito.
"Ella? Naririto ka na pala. Akala ko ba aabutin ka ng madaling araw." Saad ng kanyang ina na halatang nagising dahil sa ingay ng dalawa.
Bumaling si Ella sa ina at simpleng nginitian ang ginang.
"Maaga po kasi natapos ang pagdiriwang kaya maaga akong umuwi. At isa pa po gusto na kitang makatabi matulog namiss ko na kasi yung pag suklay mo sa aking buhok sa tuwing matutulog ako." Saad ni Ella.
"Gusto mo bang suklayan ko ang buhok mo anak?" Tanong ng ginang.
"Pwede po ba inay?"
"Oo naman, halika rito sa tabi ko susuklyan ko ang buhok mo hangang sa makatulog ka."
"O bakla ikaw na mag ligpit ng mga larawan ni ate Ecca dahil matutulog na ako. Masyadong nai-stress ang beauty ko ngayong gabi kaya need ng pahinga." Wika ni Ella sa kaibigan.
"Ganon ikaw nag kalat ako mag liligpit? Good girl ka talaga." Wika ni Girly.
Niligpit na rin ni Girly ang mga larawan at ibinalik sa loob ng kulay pink na box. Bumalik si Girly sa dating pwesto nya kanina kung saan siya natulog.
Niyakap ni Ella ang ina at isiniksik ang mukha sa kili-kili ng ina.
"Nay, mahal na mahal po kita. Huwag mo kaming iiwan ni ate Ecca ha, please dito ka lang sa tabi namin." Sambit ni Ella at mahigpit na yumakap sa baywang ng ina.
Hindi kumibo ang kanyang ina at nanatiling sinusuklay ang buhok nya.
"Nay? Sumagot ka naman." Muling saad ni Ella.
"Oo anak hindi ko kayo iiwan ng ate Ecca mo. Dito lang ako sa tabi n'yo." Mababakasan ng kalungkutan sa tinig ng ginang.
Kinaumagahan maagang nag paalam si Girly kay Ella at aling Anghella. May trabaho pa kasi ito kaya kailangan niyang pumasok ng maaga. Madaling araw pa lang ay tinawagan na si Girly ng kanyang masungit na amo.
Nakaupo si aling Anghella sa isang silya ganoon din si Mike.
Habang si Ella ay nag hahanda ng kanilang almusal. Napansin ni Ella ang pagiging matamlay ng ina namumutla ang labi at nanunuyo ito.
Ipinag timpla ni Ella ang ina ng gatas pag kalapag ni Ella ng gatas ay hinaplos nya ang buhok ng kanyang nanay.
"Nay, ayos lang po ba ang pakiramdam mo? Kasi parang matamlay ka uminom ka ba ng gamot mo kagabi?"
"Oo anak ayos lang ako siguro kailangan ko lang mag paaraw sa labas. Hindi na kasi ako naaarawan kaya medyo nanamlay ako." Sagot ni Anghella.
Napansin rin ni Ella ang maiksing paghinga ng kanyang ina kaya naman ginapang siya ng kaba.
"Nay, pakiusap ko lang sa iyo kung may masama kang nararamdaman sa katawan mo sabihin mo sa akin please... Nag aalala po kasi ako sa'yo Nay." Parang maiiyak si Ella habang nag sasalita.
"Ano ka bang bata ka, huwag ka riyan umiyak nakakahiya kay Mike. Ayos lang ako huwag mo akong isipin." Hinaplos ni aling Anghella ang braso ng anak upang kumalma ito.
Nang matapos sila mag almusal ay nilabas ni Ella sa labas ng kanilang bahay ang isang silya na gawa sa plastic. Pinaupo nya roon ang kanyang ina upang maarawan ito.
"Ayos ka lang po ba dito inay?" Tanong ni Ella sa ina.
"Oo anak ayos lang ako rito nandito naman si Mike."
"Mag huhugas lang po ako sa loob ng pinagkainan natin." Paalam ni Ella sa ina.
Pag patak ng alas dyes ay nag paalam si Ella sa ina na aalis muna siya saglit. Dumating na kasi yung mga bagong ni-order n'ya kay Girly na mga perfume. Naroon ito ngayon sa bahay ng kaibigan at kailangan n'ya itong kunin dahil hindi rin ito maibibigay sa kanya ni Girly dahil abala na ito sa trabaho sa mga susunod na araw.
Alas onse papauwi na si Ella lulan siya ng tricycle hindi n'ya alam kung bakit ganito ang nararamdaman nya kinakabah siya ng husto. Ang dibdib ni Ella ay parang tinatambol sa kaba napahaplos siya sa kanyang dibdib.
"Bakit ako kinakabahan ng ganito?" Mahinang usal niya.
"Manong pwedeng pakibilisan po ng kaunti nag mamadali kasi ako." Wika ni Ella sa driver ng tricycle.
Nang makarating sila sa tapat ng gate ng iskinita ay agad siyang bumaba pagkatapos niyang mag bayad ng pamasahe sa driver.
Sinukbit ni Ella ang malaking eco bag sa balikat at mabilis na humakbang.
"Ella!"
Tawag ng isang baritonong boses ng lalaki kay Ella.
Bumaling si Ella sa lalaking ilang araw n'ya ng iniiwasan sa campus.
"F-Felix? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng dalaga.
"I want to talk to you." Sambit ni Felix na bahagyang naka kunot ang noo.
"Sige, pero doon nalang sa bahay nag mamadali kasi ako." Saad ni Ella at nag simula ng mag lakad. Sumunod naman sa kan'ya si Felix.
Mabilis na hakbang ang ginawa ni Ella kulang nalang ay takbuhin n'ya ang daan.
Labis naman nagtataka si Felix sa inaakto ng babae kaya nag madali rin siya sa paglalakad.
"Hi Ella baby." Bati ni Jackson kay Ella. Nakatambay na naman ito sa tindahan ni aling bebang. Hindi pinansin ni Ella si Jackson tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad.
Pagkarating ni Ella sa tapat ng pinto ng kanilang bahay ay agad binuksan ni Ella ang pinto.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang inang naka handusay sa sahig wala na itong malay.
"Nay...!" Halos sumigaw si Ella at patakbong pumasok binitawan ni Ella ang eco bag na dala niya.
"Kuya Mike!" Sigaw ni Ella.
Nag mamadaling lumabas ng banyo si Mike na halatang bagong ligo dahil basang-basa ang buhok ng lalaki.
"Ma'am Ella an--" Hindi na naituloy ni Mike ang sasabihin agad na siyang lumapit sa walang malay na si aling Anghella at binuhat ito.
Si Felix naman ay agad dinaluhan ang umiiyak na dalaga.
"Let's go dalhin na natin siya sa hospital." Wika ni Felix.
Nag madaling lumabas ang tatlo nang nasa harapan na sila ng tindahan ni aling bebang lahat ng tambay roon ay napatayo ng makitang buhat ni Mike si Anghella.
"Ella anong nangyari kay nanay Anghella?" Nag aalalang tanong ni Jayson.
"Hindi ko alam kuya Jayson pagdating ko wala ng malay si nanay." Umiiyak na ani ni Ella.
"Sasamahan ko na kayo sa hospital." Saad ni Jayson.
"Ako nalang mag-aasikaso ng mga damit na kakailangan ni aling Anghella hospital Ella." Saad ni Cari ang anak ni aleng bebang.
"Salamat Cari." Usal ni Ella at tuluyan na silang umalis.
Nang makarating sila sa hospital ay agad namang may sumalubong sa kanilang mga nurse na may dalang stretcher.
Sa ER tinuloy si Anghella dahil halos tumigil ang paghinga nito.
Kinabitan ng oxygen si Anghella. Si Ella ay panay iyak sa dibdib ni Felix.
"Sssshh... She will be okay, please don't cry." Pag-aalo ni Felix kay Ella.
"Hindi ko mapigilan huwag maiyak at malungkot Felix. Paano kung, kung mawala na siya ng tuluyan sa amin hindi ko kaya. Nasanay akong kasama ang nanay ko. Tuwing gabing matutulog kami lagi niyang sinusuklay ang buhok ko, kasi iyon ang pangpatulog niya sa akin. Nasanay akong nasa tabi ko siya palagi. Iniisip ko palang na maaaring mawala na siya sa'min hindi ko na kaya. Mahal na mahal ko si nanay, Felix."
Basang-basang ng luha ang pisngi ni Ella walang humpay ang kanyang pag-iyak.
Nanatili sa loob ng ER si Anghella wala pa itong malay.
Naka-upo sa hospital stainless bench sa labas ng ER si Ella katabi si Felix na hanggang ngayon ay inaalo ang kawawang dalaga.
Si Mike ay may kausap sa cellphone nito.
"Pakisabi kay boss Ellieoth na sinugod namin si aling Anghella sa hospital. Kanina ko pa siyang sinusubukan tawagan pero hindi ko siya ma-contact." Wika ni Mike sa kausap nitong si Edward na nasa kabilang linya.
"Sige ipapaalam ko ka-agad sa kanya." Sagot ni Edward.
Nang humupa sa pag-iyak si Ella ay kinuha n'ya ang cellphone sa loob ng sling bag niya.
Nanginginig ang kamay niya habang tinitipa ang numero ng kanyang ate Ecca. Siguradong mag aalala nang husto ang ate niya kapag sinabi niyang walang malay ang kanilang ina. Masyado pa naman maaalalahin ang ate Ecca nya sa kanilang ina.
Ilang beses tinawagan ni Ella si Angelecca pero hindi ito sumasagot. Naisip niya na baka busy ito sa trabaho.
Sinubukan muli ni Ella na tawagan ang ate niya sa wakas ay sumagot na ito.
"Hello Ella?" Halata sa tinig ng kanyang ate mukhang kakagaling lang nito sa malalim na pagtulog.
Suminghot si Ella hindi niya alam kung paano uumpisahan.
"Ella!" Boses muli ng ate niya.
"A-ate s-si nanay. Sinugod namin siya ngayon sa hospital, ate nahihirapan na siya huminga. Ate please! Umuwi kana dito kailangan ka ni nanay. Kailangan kita, hindi ko kaya mag isa ito. Kailangan ka namin ate pakiusap umuwi kana!" Muling humagulgol ng iyak si Ella. Maagap naman na inaalo at dinadamayan ni Felix si Ella.
Inilipat ng ICU si Anghella dahil hanggang ngayon ay wala parin itong malay.
Dalawang oras lang yata ang lumipas ay dumating na si Angelecca ang nakakatandang kapatid ni Ella.
Nakayuko si Ella at Felix nang mag angat siya ng ulo ay nakita niya ang papalapit na si Angelecca.
"Ate!"
Mahigpit na yumakap si Ella kay Angelecca.
Nakita ni Ella sa maga mata nito ang labis na pag aalala ng kanyang ate.
"Ate si nanay paano kung,, kung mawala na siya sa atin!" Umiiyak na saad ni Ella.
"Wag kang mag salita ng ganiyan Ella, gagaling pa si nanay at makakasama pa natin siya ng mas matagal." Saad ng ate niya. Alam niyang pinapalakas lang ng kanyang ate Angelecca ang loob niya upang wag siya masyadong mabahala.
"Sino siya?" Usisa ni Angelecca ang mga mata nito at nakatuon kay Felix.
"Ah, si Felix Sandoval ate ka-kaibigan ko." Nag aalangan pa si Ella sa kanyang isasagot.
Tumango lang ang kanyang ate at pumasok na sa loob ng ICU.
Bumaba ng canteen si Ecca at ang nobyo nito upang kumain.
"Ella." Tawag ni Felix sa dalaga.
"Felix, uuwi ka na ba? Pwede kanang umuwi naririto narin naman si ate Ecca." Anang ni Ella.
"Alam kong hindi ito ang tamang oras para itanong sa iyo ito. Pero gusto ko lang malaman na, do i still have a chance with you?"
Napayuko si Ella sa tanong ni Felix sa kanya. May puwang sa kanyang puso si Felix pero hindi bilang isang karelasyon. Isang matalik na kaibigan lamang ang tingin niya rito. Alam niya sa sarili kung sino ang taong gusto niya at walang iba kundi si Finyx Montenegro.
Deretsong tumingin si Ella kay Felix.
"I'm sorry Felix, hindi kita gustong paasahin. Pe--pero kasi--" Hindi natapos ni Ella ang sasabihin ng mag salita si Felix.
"Si Finyx Montenegro ba? Siya ba ang maswerteng nag patibok diyan sa puso mo? Siya ba?" Malungkot wika ni Felix.
Nakagat ni Ella ang ibabang labi bago dahan-dahan tumango.
Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ni Felix.
"Sorry Felix!"
"No Ella don't say sorry, wala kang kasalanan. Ako ang dapat sisihin dahil umasa ako sa iyo. Una palang alam kong hindi mo ako gusto pero pinag patuloy ko parin ang pangungulit sayo. Pilit kong pinagsiksikan ang sarili ko sa'yo kahit wala naman talaga akong pag-asa."
"I'm so, sorry Felix hindi ko intensyon na saktan ka."
Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ni Ella ngayon dahil sa nakikitang kalungkutan sa mga mata ni Felix.
"Huwag mong isipin na sinaktan mo ako Ella. Wag na wag mong sisihin ang sarili mo. Makakapag move on din ako at makakalimutan itong nararamdaman ko para sayo. Don't worry hindi ako mag bibigti dahil lang binasted mo ulit ako." Biro ni Felix.
Bahagyang natawa si Ella dahil sa sinabi ni Felix.
"Let's still be friends Ella and that won't change. Even if my feelings for you change. Our friendship will not change. If you need anything, don't hesitate to tell me okay? I'm your still friend." Wika ni Felix.
"Thank you Felix.." Niyakap ni Ella si Felix ng mahigpit.
"I need to go Ella." Paalam ni Finyx.
Bumitaw si Ella sa pag yapos kay Felix at matamis na ngumiti.
"Mag iingat ka at salamat sa pagsama mo sa akin dito."
"You're welcome. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." Tumayo na si Felix ganoon din si Ella. Bago tuluyang umalis si Felix sa harapan ni Ella ay pinatakan muna niya ng halik sa noo si Ella.
Agad tumalikod si Felix at nag umpisang humakbang paalis. Habang nag lalakad ang lalaki papalayo kay Ella ay biglang umagos ang luha nito mula sa mga mata niya. Pinahid ng lalaki ang basang pisngi gamit ang likod ng palad niya.
Masakit para kay Felix na malaman na hindi siya ang lalaking gusto ni Ella.
Unang araw palang ng makita niya si Ella ay nagustuhan niya na kaagad ang dalaga. Oo masungit at maldita ito pero kahit ganito ang ugaling pinapakita ni Ella alam niyang may mabuting puso ang dalaga.
Sa ilang taon na pangungulit ni Felix kay Ella ay nahulog ang loob niya rito kahit tinataboy siya ng babae.
"Doc, kamusta po ang lagay ng nanay namin?" Tanong ni Ella sa doktor na kalalabas lang ng ICU kung nasaan ang kanilang ina.
"I'm sorry iha pero wala ng pag-asa pang gumaling ang nanay niyo. Nasa stage-4 lungs cancer na ang sakit niya. Araw nalang ang bibilangin natin."
Mahigpit na naikuyom ni Ella ang dalawang kamo niya dahil sa tinuran ng doctor. Gusto niyang umiyak pero ayaw niyang makita siya ng kanyang ate na umiiyak. Ayaw niya maging mahina sa harapan ng ate niya. Kailangan niyang maging malakas, oo nasasaktan at nalulungkot siya pero alam niya sa kanyang sarili na mas doble pa ang sakit na nararamdaman ng ngayon ng kanyang ate.
Biglang dumating si Angelecca at ito ang nakipag-usap sa lalaking doktor.
Mukhang aawayin pa ni Angelecca ang doktor dahil sa tinuran kaya pinigilan niya ito.
"Ate Ecca."
Tawag niya sa nakakatandang kapatid. Tumangis muli si Angelecca kaya tumalikod na lang si Ella. Nariyan naman ang boyfriend ng kanyang ate na handang umalalay at mag punas ng luha ni Angelecca.
Kinagabigan nag tatalo si Angelecca at Ellieoth. Pinapauwi na kasi ni Angelecca ang nobyo nito pero ayaw ng lalaki.
Dahil nababanas na si Ella sa ka-sweetan ng dalawa kaya sumabat na siya.
"Kuya Ellie ate Ecca! Huwag na kayo mag talo riyan. Pareho lang kayong pagod kaya pareho kayong uuwi at mag pahinga." Anang ni Ella.
Una ay hindi pa sumang-ayon sa kanya ang kanyang ate Angelecca pero sa huli ay napa-uwi niya ang dalawang lovers.
"Ma'am Ella may isa pang kwarto sa loob ng ICU pwede kang matulog doon. Ako muna mag babantay kay aling Anghella." Wika ni Mike.
Dahil nakakaramdam ng pagod si Ella ay nagtungo nalang siya sa kwartong tinutukoy ni Mike.
Namangha siya dahil may malaking kama nga roon at may isang mahabang couch.
Nahiga si Ella roon at umidlip dahil sa antok at pagod ay naging mahimbing ang tulog ni Ella.
Pasado alas dose ng gabi ay nagtungo si Finyx sa bahay nila Ella. Naisipan niyang kausapin ang s Ella. Noong nakaraang gabi pa si Finyx hindi matahimik kung ano ba ang problema ng dalaga at bakit nagalit ito sa kanya.
Wala ng katao-tao sa paligid kahit tambay sa tindahan ay wala na.
Ilang beses kumatok si Finyx sa pinto pero walang tugon mula sa loob. Kanina ay ilang beses niya rin tinawagan si Ella pero hindi niya ito ma-contact.
Muli siyang kumatok sa pinto at sa wakas ay bumukas ito. Pero laking gulat niya ay lalaki ang bumungad sa kanya at hindi lang simpleng lalaki ang nasaharapan niya. Gwapo ito at kilala niya kung sino ang lalaking masaharapan niya. Kabilang ito sa pinaka sikat na business man dito sa pilipinas.
"Ellieoth Del Falco." Mahinang wika ni Finyx.
Masamang tinitigan ni Finyx ang lalaking nasa harapan magulo pa ang buhok nito na halatang bagong gising.
Ganoon din ang ginawa ni Ellieoth masamang tinitigan si Finyx na parang titirisin niya ito.
"Who the f**cking are you? Gabing-gabi na nangbubulabog ka pa." Banas na saad ni Ellieoth.
"Pakialam mo ba, ikaw ano ka niya!?" Mariing tanong ni Finyx at masamang tiningnan si Ellieoth.
"Why do you want to know?" Naguguluhang saad ni Finyx.
Oo nga naman bakit gusto niyang malaman kung ano ito ni Ella. Pero sa tuwing sumasagi sa isipan niya na baka manliligaw ito ni Ella ay labis siyang naiinis lalo na ngayong dito pa ito natulog.
"Sino ang sadya mo dito?" Tanong ni Ellieoth.
"Si Ella. Where's Ella gusto ko siyang maka-usap." Saad ni Finyx.
"She's not here she's in the hospital." Sagot ni Ellieoth.
"Why, what happened to her?" Nag aalalang tanong ni Finyx.
"She's fine don't overreact. But nanay Anghella is not doing well." Anang ni Ellieoth.
"What! Which hospital are they in?"
"They were at the Santimayor hospital." Sagot ni Ellieoth.
Mabilis nag maneho si Finyx patungo sa nasabing hospital.
Sa nurse station tumuloy si Finyx at nag tanong kung nasaan ang room ni Anghella.
"Mrs Angela White she's in ICU." Sagot ng nurse.
"Thank you." Patakbong nagtungo si Finyx sa ICU. Sa labas ng ICU ay naroon si Mike naka-upo sa hospital bench.
"Sir." Sambit ni Mike at tumayo.
"Where is she?" Tanong niya rito.
"Nasa loob siya sir natutulog." Sagot ni Mike.
Papasok na sana si Finyx ng pinto ng tawagin siya ni Mike.
"Sir kanina may lalaking nag punta sa bahay nila ma'am Ella. Kasama nga namin siya dito sa hospital." Saad ni Mike.
Nagsalubong ang mga kilay ni Finyx ng bumaling kay Mike.
"And who is that man?"
"Hindi ko siya kilala sir, pero narinig ko Felix ang pangalan niya."
"Tsk! That bastard!" Umismid ang labi ni Finyx bago pumasok ng ICU.
Bago pumasok si Finyx sa isa pang pinto ay nilapitan niya muna si Aling Anghella at pinatakan ng halik sa noo.
Napamahal na sa kanya ang ginang mabait ito at bukod doon ina ito ni Ella ang babaeng liligawan niya.
Tumuloy si Finyx sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog si Ella.
Matagal niyang pinag masdan ang mukha ng babae. Mababakasan sa mukha nito ang sakit at kalungkutan.
Nilapitan niya si Ella naupo siya sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang buhok ng dalaga.
"Ano ang maaari kong gawin upang maibsan ang kalungkutan na nararamdaman mo." Mahinang turan ni Finyx.
Nagising si Ella sa haplos ni Finyx kaya naman bigla itong napa-upo sa kama.
Gulat na gulat si Ella ng makita si Finyx sa kanyang tabi.
"Finyx anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman na narito kami?"
Tanong ni Ella sa lalaki. Si Finyx naman ay nakatitig lang sa magandang mukha ng dalaga.
"Galing ako sa bahay niyo kanina doon ko nalaman na sinugod sa hospital si nanay Anghella." Wika ni Finyx.
"Bakit hindi mo ako tinawagan Ella. Bakit si Felix ang kasama mo rito dapat ako diba at hindi ang lalaking iyon." Saad ni Finyx na may pag tatampo sa boses nito.
Tumaas ang isang kilay ni Ella at marahang hinampas si Finyx sa dibdib nito.
"Anong arte yan Finyx kung umasta ka parang boyfriend kita. E' ano naman kung si Felix ang kasama ko dito kaibigan ko naman siya. At isa pa hindi kita boyfriend kaya huwag kang umarte ng ganiyan. Lumayas ka nga!" Mataray na sambit ni Ella.
"Alam mo napaka taray mo talaga. Nagpunta ako dito para kausapin ka at dahil din nag aalala ako para sa kalagayan ni nanay Anghella. Tapos ito lang mapapala ko susungitan at itataboy mo. Bakit ganiyan mo ako pakitunguhan kayo na ba ni Felix!" Inis na tumayo si Finyx at bahagyang sinipa ang paanan ng kama.
"Hoy! Huwag mo nga sipain ang kama baka masira napaka bayolente mo talaga." Saway ni Ella kay Finyx.
"Nag seselos ako Ella!" Mariing wika ni Finyx.
"Nag seselos ka? Bakit ako hindi? Hindi lang ako nag seselos nasasaktan ako ng husto Finyx." May panunumbat sa boses ni Ella.
"Ano? Nag seselos ka? Kanino kay Aimee? Bakit ka mag seselos sa babaeng iyon di hamak na mas maganda ka doon." Wika ni Finyx.
"Pero mas mahal mo siya diba!" May hinanakit sa boses ni Ella.
"What?" Naguguluhang tanong ni Finyx.
"Wag mo ng sagutin masasaktan lang ako." Anang ni Ella at lumabas ng silid.
"Teka, ano daw nag seselos siya? Wait Ella nag seselos ka?" Ngayon lang nag proseso sa isip ni Finyx ang mga tinura ni Ella kanina.
"Wait nag seselos si Finyx!" Tanong din ni Ella sa kanyang sarili ng makalabas na siya ng ICU.
"Tsk! Imposible." Anang ni Ella.