Agad din lumabas si Finyx sa silid at sinundan si Ella.
"Hey!"
"Hoy ka din! Huwag ka ngang sumigaw nasa hospital tayo Finyx. Saka bumalik kana nga kay Aimee siya ang buwisitin mo." Pinanlakihan ni Ella ng mata si Finyx bago ito talikuran muli at lumabas ng ICU.
"Pssst... Miss sungit huwag mo naman akong pahabulin baka lalo akong mabaliw sayo niyan. Sige ka kakagatin kita." Malanding wika ni Finyx at ngumisi.
"Bakit sinabi ko bang mag habol ka sa akin? Doon ka kay Aimee na mahal na mahal mo! Alam mo ikaw, kung talagang mahal mo pa ang Aimee na iyon siya ang kulitin mo huwag ako. Bumalik kana sa Aimee mo at mukhang hinihintay ka na rin niya!" Inis na sabi ni Ella.
Naiinis na si Finyx bakit ba puro Aimee na lang ang bukang bibig ng babae. Kanina pa siya nababanas dahil paulit-ulit binibigkas ni Ella ang pangalan ng dating nobya. At isa pang kinaiinis niya pinag tatabuyan siya ng dalaga at pinagtutulukan kay Aimee.
"Mike ikaw muna ang mag bantay kay nanay Anghella. Dahil may papaamuhin lang akong isang tigre."
"Sige sir." Tugon ni Mike.
"Ikaw, halika ritong maldita ka somosobra kana nakakasakit ka na ng damdamin. " Mahigpit na hinawakan ni Finyx ang kanang braso ni Ella at pilit na hinihila. Nag mamatigas naman si Ella at nag pupumiglas.
"Ano ba bitawan mo ako!" Pag pupumiglas ni Ella sa kamay ni Finyx.
"Talagang matigas ka." Yumukod si Finyx at walang ano-ano ay binuhat na parang isang sakong bigkas si Ella.
Pinag hahampas ni Ella ang likod ni Finyx.
"Hoy sira-ulo ka bitawan mo ako sabi eh.." Wika ni Ella.
"Ayoko mag-uusap tayo sa ayaw at gusto mo." Anang ni Finyx.
"Kapag hindi mo ako ibinaba sisigaw ako." Pananakot ni Ella.
"Go, walang pumipigil sayo."
"Waaaaaaaaaah! Tulong, tulong ginagahasa ako!"
Sigaw ni Ella umalingangaw ang matinis na boses ng dalaga sa gitna ng pasilyo ng hospital. Kaya naman lahat ng taong nakakasalubong nila sa hallway ay pinag titinginan sila. Karamihan ay mga nurse.
Pinalo ni Finyx ang maumbok na pang upo ni Ella.
"Aray! Ano ba!" Daing ni Ella.
"Shut up woman ikaw lang ang napapahiya sa ginagawa mo."
Hindi pinansin ni Ella ang sinabi ni Finyx at muling sumigaw.
"Help! Help! Plano niya akong gahasain huhuhu.. tulungan n'yo po ako!"
"Crazy woman." Anas ni Finyx.
"Kahit sumigaw ka ng sumigaw riyan hindi ka nila papansinin. Kahit pumutok pa yang ugat mo sa leeg kaka-sigaw hindi ka nila tutulungan kahit gahasain pa kita ngayon mismo sa harapan nila walang mag tatangkang tumulong sayo." Dagdag pa ni Finyx.
"At bakit naman wala? Sino ka para katakutan nila."
"Because i'm Montenegro."
"So kung Montenegro ka? Pakialam nila sa'yo." Wika ni Ella.
"Malaki ang shares ko sa ospital na ito. At isa pa matagal ng magkaibigan ang pamilya namin at mga Santimayor. Kaya kung ako sayo mananahimik nalang ako, mapapagod ka lang sa kaka-sigaw."
Napanguso nalang si Ella mahirap talaga kapag maraming pera malawak ang naabot nito.
"Saan mo ba ako dadalhin? Pwedeng ibaba mo nalang ako marunong ako mag lakad Finyx." Saad ni Ella.
"Ayo ko nga baka takasan mo ako." Sambit ni Finyx.
Lahat ng doctor na nakakasalubong nila Finyx ay bumabati at yumuko upang mag bigay respeto.
"Tang ina! Finyx hilong-hilo na ako naaalog na ang ulo ko. Pakibaba na nga Ako!" Angil ni Ella at malakas na hinampas ang matigas na likod ng lalaki.
Hindi na umimik si Finyx at pinindot ang button ng elevator.
Hanggang sa makasakay sila sa loob ng elevator ay hindi ibinaba ni Finyx si Ella.
Ting!
Tunog ng elevator bumukas ang elevator agad lumabas si Finyx at saka lang binaba si Ella nasa pinaka rooftop sila ngayon ng hospital. Maliwanag sa rooftop dahil marami ang ilaw rito. Minsan kasi ay lumalapag dito sa rooftop ang private chopper ng mga Santimayor.
Padabog na pinagpag ni Ella ang ang dalawang kamay ni Finyx na nakahawak sa baywang niya. "Ano ba huwag mo akong hawakan! Lumayo ka sa akin!" Masungit na wika ni Ella.
Sa halip na lumayo si Finyx ay mas lalo pa itong humakbang papalapit sa dalaga.
Napaurong si Ella at dinuro si Finyx bahagyang napalunok si Ella. Hindi niya gusto ang mga titig ni Finyx sa kanya lalo na ang ngisi ng lalaki. Parang may binabalak itong hindi maganda.
"Hoy! Subukan mo lang lumapit sa akin tatadyakan ko yang mukha mo. Sinasabi ko sa'yo habang buhay ka makakatulog." Pag babanta ni Ella sa lalaki.
Humalakhak ng malakas si Finyx at kinagat ang pang ibabang labi niya.
"Really huh? but you look nervous your body is shaking my darling. Are you afraid now?" Nakangising wika ni Finyx.
"No I'm not! Bakit naman ako matatakot sa'yo Finyx."
Patuloy sa pag atras si Ella hanggang sa tumama ang likod niya sa malamig na dingding.
Mariing napapikit si Ella. "s**t!" Mura ni Ella. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya hindi rin siya makatingin ng deretso sa mga mata ng lalaki naiilang siya sa mapungay at kulay asul na mga mata nito.
Tumigil ang pag pintig ng puso ni Ella ng dumapo ang dalawang kamay ni Finyx sa mag kabilang baywang niya. Ramdam ng kanyang balat ang init ng palad ng lalaki para siyang biglang napaso.
"Now Ella tell me what makes you angry and why you treat me like that."
"Look at me Ella." Maaligasgas na utos ni Finyx.
Dahan-dahang nag angat ng mukha si Ella at tumingala.
"Do you still love Aimee? Yung totoo Finyx."
"Why did you ask?" Mahinang wika ni Finyx.
"Because I want to know the truth." Anang ni Ella at umiwas ng tingin.
"Why do you want to know?" Wika muli ni Finyx at nanatiling nakatitig kay Ella.
Nairita si Ella kaya masamang tinitigan si Finyx. Pinag titripan lang ba siya ng lalaki.
"If I say I don't love her anymore, will you believe me?" Usal ni Finyx.
"Pero narinig ko ang lahat ng sinabi mo kagabi. Mahal mo pa siya at sinabi mo na ginagamit mo lang ako para makalimutan mo siya. Finyx, kung mahal mo pa si Aimee bumalik ka sa kanya. My heart is not a toy that you can play with whenever you want. I'm not a playground for you to hang out at when you're bored." Saad ni Ella.
"Yes I admit I told her that. Pero Hindi ibig sabihin na gusto kitang paglaruan Ella. I love you! Ikaw na ang mahal ko ayoko ng bumalik sa kanya. So please don't push me towards Aimee. I feel like you don't like me."
Parang gustong tumalon sa kilig ni Ella ngayon pero kailangan niyang pigilan pangit naman maging obvious baka pumalakpak ang mga tainga ni Finyx sa kagalakan.
"Let's stop our agreement." Saad ni Finyx.
"I'm afraid Finyx, I'm afraid to try."
"What are you afraid of?" Tanong ni Finyx.
"I'm afraid to love you. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko." Wika ni Ella.
"I can't promise that I won't hurt your feelings. But I can promise that I will only love you no matter what happens." Turan ni Finyx.
"Love me Ella because if you don't I will chase you wherever you go." Saad pa ni Finyx.
Bahagyang yumuko si Ella at nag isip ng ilang sigundo.
Wala naman siguro mawawala kung susubukan niya. May dinukot si Ella sa bulsa ng maong niyang pantalon.
Hinawakan niya ang isang palad ni Finyx at may nilagay na isang bagay roon.
Napakunot ng noo si Finyx at tiningnan ang palad niya may coins doon.
"What's this?" Nag tatakang tanong ni Finyx.
"Itataya ko yan kasama ng puso ko." Saad ng dalaga.
"I will bet my life for my love for you. I love you Ella." Malumanay na sabi Finyx.
Dahan-dahan tumungo si Finyx upang abutin ang labi ni Ella pero inilagay ni Ella ang index finger niya sa labi ni Finyx.
"Oppss.. ru--"
"No rules please." Putol ni Finyx sa sasabihin ni Ella.
"I want to hold you, I want to hug you, I want to kiss you on the lips. I want you to be mine Ella. There are no rules in our relationship. I only have one rule, no one else can touch you Ella. You are mine only."
Gusto ng pumilipit ni Ella sa kilig.
"s**t pati mani ko e, kinilig yawa!" Wika ni Ella sa isipan.
"Ella," tawag ni Finyx kay Ella dahil nakatunganga lang si Ella.
"What?" Halos hangin na lang lumabas sa bibig ni Ella.
"You're blushing." Saad ni Finyx.
"Ha? Ako nag ba-blush? Naku hindi ah.." Pag dedeny ni Ella.
"Ahmmn.. halika na Finyx bumaba na tayo baka magising na si nanay." Pilit na umiiwas si Ella sa mga titig ni Finyx.
Pahakbang na sana si Ella ng pigilan siya ni Finyx. Hinawakan ni Finyx ang baba ni Ella at agad na hinalikan si Ella sa labi.
Nanginig ang dalawang tuhod ni Ella para siyang tatakasan ng lakas. Bakit nag kakaganito siya? Ilang beses narin naman sila nag halikan ni Finyx pero kakaiba ito. Lalo't na nag kaamiman na silang dalawa naiilang na siya kay Finyx.
Ang simpleng halik ni Finyx ay nauwi sa malalim na halik. Hindi na napigilan ni Ella ang sarili kaya tinugunan niya ito. Total naadik narin naman siya sa labi ni Finyx sasamantalahin niya na itong pag kakataon.
Tumingkayad si Ella at pinulupot ang dalawang braso sa batok ni Finyx.
Sinandig ni Finyx ang likuran ni Ella sa dingding. Maharahang gumapang ang isang kamay ni Finyx papasok sa loob ng puting t-shirt ni Ella at banayad na hinaplos ang tiyan at baywang ni Ella. Napakislot naman si Ella ng marahang haplusin ni Finyx ang baywang niya.
Nag tindigan ang lahat ng balahibo ni Ella may kung anong kuryenteng gumapang sa buong sestema niya.
Mula sa baba ni Ella ay dumaosdos ang kamay ni Finyx patungo sa leeg at batok ni Ella. Habang ang isang kamay ni Finyx ay nagiging malikot sa loob ni Ella kung saan-saan ito dumadapo.
"Why is it like this? when Aimee and I were together I couldn't do this to her. But with Ella, I'm addicted. Her soft lips and her smooth skin that I want to caress. Damn! May kung anong nabuhay sa katawan ko." Sa isipan ni Finyx.
Nung sila pa ni Aimee ni hindi niya mahaplos ang balat ng babae. Pero si Ella iba ang nararamdaman niya. Nais niya itong angkinin.
Dumapo ang kamay ni Finyx sa isang umbok ng dibdib ni Ella at marahan itong pinisil.
"Ummmn..." Bahagyang ungol ni Ella.
"Ehem!"
Tikhim ng isang lalaki ang nag pahiwalay sa dalawa agad hinugot ni Finyx ang isang kamay niya sa loob ng t-shirt ni Ella.
Si Ella ay tulala na akala mo ay naingkanto at pilit na penoproseso sa kanyang utak ang mga haplos ni Finyx.
"s**t! Nilamamas niya? Nilamusak niya ang isang chocolate hills ko? At ako namang gaga sarap na sarap!" Anas ni Ella sa kanyang isipan.
Nakunot noo na bumaling si Finyx kay Mike anong ginagawa ng lalaki rito?
"What?" Iritang tanong ni Finyx sa lalaki.
"Gising na ho si aling Anghella." Sambit ni Mike agad itong tumalikod at umalis.
Nang wala na si Mike ay malakas na sapok ang natanggap ni Finyx mula kay Ella. Kaya ayon namumula na naman ang pisngi niya mukhang bumakat pa ang palad ng dalaga.
"What's the problem?"
"What's the problem iyang mukha mo. Bakit mo nilamas? Sinabi ko bang masahihin mo at pigain sumobra ka sa limit. Aba abusadong nilalang." Anang ni Ella.
"Why? Akala ko gusto mo umungol ka pa nga e, galing ko no? Alam mo bang first time ko makahawak ng bolang crystal. Sarap pala sa kamay ang lambot." Humalakhak ng malakas si Finyx dahil sa reaksiyon ni Ella.
"Bastos! Abusado! Manyak!" Pinag hahampas ni Ella ang braso ni Finyx.
"Teka ano ba, umungol ka akala ko gusto mo." Tumatawang wika ni Finyx.
"Oo umungol ako hindi dahil gusto ko. s**t nasarapan ako e, hindi ko matanggap." Sambit ni Ella at pinag papalo muli si Finyx.
"Anong bang kinaiinis mo? Nabitin ka ba? Halika ulitin natin yung kabila naman para pantay." Humahalak na sambit ni Finyx.
"Gago! Manyak ka talaga!" Sigaw ni Ella.
"Halika na nga bumaba na tayo baka hindi ko mapigilan sarili ko at gahasain kita riyan. Masyado mo na akong inaakit." Saad ni Finyx at nag lakad na patungo sa elevator.
"Grrr! Finyx I hate you!" Bulalas ni Ella.
"I love you too Ella! Huwag ka ng mainis riyan ulitin nalang natin sa susunod na araw para hindi ka na mabitin. Let's go Darling gising na si nanay Anghella." Nakangising wika ni Finyx.
Padabog nag martsa si Ella papalapit kay Finyx.
Ginulo ni Finyx ang buhok ni Ella ng makalapit ito sa kanya.
Nang makababa sila sa palabag kung saan ang ICU na una ng lumabas si Ella sa Elevator at tinakbo ang pasilyo patungo sa ICU. Pag kapasok ni Ella sa loob ng ICU wala ng oxygen na nakasalpak sa ina.
"Nay, kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" Bungad ni Ella sa ina.
Hawak ni Ella ang kamay ng ina. "Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain inay?" Tanong ni Ella.
"Maayos lang ako anak huwag ka ng mag alala sa akin. Gusto ko lang kumain ng lugaw." Matamlay na saad ng kanyang ina.
"Ibibili ko ho kayo nanay Anghella saglit lang po." Agad tumayo si Finyx at lumabas ng pinto.
"Nay bumalik na si ate Ecca. Iyak siya ng iyak kanina. Nay please mag palakas at mag pagaling ka para sa amin. Kailangan ka pa namin ni ate Ecca." Paiyak na si Ella pero pinipigilan niya lang na huwag tuluyan bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.
Mahigpit na hinawakan ni Anghella ang kamay ng anak.
"Ella, anak mahina na ang katawan ko. Napapagod na akong lumaban sa sakit ko nahihirapan na ako anak. Ayoko na rin maging pabigat sainyo ng ate mo."
"Nay! Kahit kailan hindi ka naging pabigat sa amin ni Ate Ecca. Alam mo naman kung gaano ka namin kamahal. Ilalaban ka namin inay, kaya please lumaban ka naman huwag mo kaming iwan." Hindi na kinaya ni Ella gumaralgal ang kanyang boses at tuluyang bumagsak ang butil na luha sa kanyang pisngi.
Tuloy-tuloy umagos ang luha sa pisngi ni Ella. Pinunasan ito ng ina at tipid na ngumiti.
"Anak, may taning na ang buhay ko alam mo iyon. Malala na ang sakit ko pagod na ako gusto ko na mag pahinga." Wika ni aling Anghella.
"Nanay naman e, kung pagod kana kami hindi. Kahit kailan hindi kami mapapagod mag alaga sa'yo kahit gaano pa katagal. Hindi ka namin susukuan inay. Mahal na mahal kita Nay, paano naman ako kapag wala ka na hindi ako sanay. Hahanapin kita, hindi ako makakatulog na wala ka sa tabi ko, na walang nag susuklay sa buhok ko. Ikaw nalang ang meron kami tapos iiwan mo pa kami Nay. Si ate Ecca alam mong masasaktan siya at malulungkot kapag nawala ka. Kilala mo naman iyon iyakin masyado." Nanginginig ang labi ni Ella naninikip ang dibdib niya.
"Ella, kailangan mo maging handa sa araw na lumisan ako. Darating at darating ang araw na aalis ako. Ayokong makitang malungkot kayong dalawa ng ate Ecca mo. Sainyo dalawa ng ate mo ikaw ang matapang anak kaya palakasin mo ang loob niya. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Panatag akong aalis kasi alam kong may mga taong mag aalaga at tunay na mag mamahal sainyo. Kapag problema kayo ng ate mo mag damayan kayong dalawa huwag niyo pababayaan ang isa't-isa."
"Nay, hindi pa po ako handa. Hindi ko pa kaya inay. Ayoko talaga pakiusap huwag mo kaming iiwan. Masakit Nay ang sakit-sakit hindi pa nangyayari pero kapag iniisip ko na iiwan mo na kami at hindi na kita makikita nalulungkot na ako ng sobra." Mahigpit na niyakap ni Ella ang ina umiiling-iling ito habang tumatangis.
"Anak huwag ka ng umiyak lahat ng buhay sa mundong ito ay may katapusan. Ang buhay natin ay hiram lang natin sa diyos kahit anong oras ay pwede niya itong bawiin at kunin. Hindi naman ibig sabihin kapag nawala ako ay hindi niyo na ako kasama. Mananatili ako diyan sa puso niyo hindi ko kayo iiwan anak. Sa tuwing malulungkot ka alalahanin mo lang yung mga araw na masaya tayong tatlo."
Umiling si Ella. "Nay masakit tanggapin na mawawala ka na sa amin. Pero pipilitin ko maging matapang dahil iyon ang gusto mo. Mahal na mahal kita inay."
"Mahal na mahal din kita anak."
Bumukas ang pinto pumasok roon si Finyx dala ang lugaw na binili nito.
Agad nag pinunasan ni Ella ang luha sa kanyang pisngi.
"Nanay Anghella ito na po ang lugaw mo." Saad ni Finyx, nilapag ng binata sa hospital bedside table ang arroz caldo na binili niya.
Pasimpleng tinapunan ng tingin ni Finyx si Ella napansin nito ang namumugtong mata ni Ella.
"Ella iwan mo muna kami ni Finyx gusto ko siyang maka-usap." Wika ni Anghella sa anak.
Tumaas ang isang kilay ni Ella. " At bakit naman inay. Mag hahabilin ka rin ba sa kanya hindi mo naman yan anak." Mataray na sabi ni Ella.
"Pakiusap anak." Lumabas nalang si Ella sa ICU.
Bente minutos ang lumipas ay lumabas na si Finyx sa ICU malungkot ang mukha ng lalaki.
"Grabe naman yung painag-usapan nyo inabot din ng ilang minuto." Wika ni Ella at sumilip sa loob.
Nakita niyang tulog na muli ang kanyang ina.
"Sinubuan ko siya ng lugaw habang nag-uusap kami tapos ayon bigla siyang nakaramdam ng antok kaya natulog ulit." Anang ni Finyx.
"Ano naman yung pinag-usapan nyo ni nanay?" Tanong ni Ella sabay humalukipkip sa harapan ni Finyx.
"Wala naman. Ang sabi niya lang pakasalan daw kita at anakan ng marami." Sagot ni Finyx.
Pinaningkitan ni Ella si Finyx. " Gusto mo sikmuraan kita."
"Bakit totoo naman. Gusto niya raw ng maraming apo kaya tutuparin ko lang ang gusto ni nanay Anghella." Saad ni Finyx. Binibiro lang niya ang dalaga dahil gusto niya kahit papaano mapangiti niya ito.
"Gusto mo pigain ko iyang rambutan mo hanggang sa lumabas ang mga similya mo! Hindi ako nakikipag biruan sa'yo Finyx."
"Bakit mukha ba akong nag bibiro? I'm serious Ella pakakasalan kita."
Hindi na umimik si Ella at inirapan lang si Finyx.
"Alam mo pagod ka na mag pahinga ka na at matulog halika sasamahan kita sa loob." Inakbayan ni Finyx si Ella papasok sa loob. Hindi narin nag reklamo pa si Ella.
Pumasok silang dalawa sa kwarto kung saan natulog si Ella kanina.
Pinahiga ni Finyx si Ella sa kama tinabigan niya ang dalaga. Ang ulo ni Ella ay inihilig ni Finyx sa kanyang braso.
Gamit ang daliri ni Finyx ay marahan niyang sinusuklay ang buhok ng dalaga.
Si Ella ay biglang hinila ng antok hindi niya namalayan nakatulog na siya.
Kinabukasan ng magising si Ella ay wala na sa kanyang tabi si Finyx.
Bumangon siya sa kama at lumabas ng kuwarto.
Nag taka siya dahil wala na sa hospital bed ang kanyang ina biglang kinabahan si Ella.
Agad siyang lumabas ng ICU sakto naman naroon si Finyx kausap ang isang doktor na lalaki.
Napatingin si Finyx kay Ella at nginitian ang babae.
"Good morning darling." Malambing na bigkas ni Finyx.
"G-good morning din, si nanay?"
"Inilipat na siya ng silid kanina lamang halika puntahan natin siya." Hinapit ni Finyx sa baywang si Ella at ginaya papunta sa bagong kwarto na pinag lipatan kay nanay Anghella.
"Nagising siya kanina pero nang matapos ko siya pakainin ng almusal nakatulog ulit siya." Saad ni Finyx.
Tumingin si Ella kay Finyx at ngumiti.
"Salamat Finyx."
"My pleasure. Ang mahalag sa'yo ay mahalaga na rin sa akin." Wika ni Finyx.
"I bought you breakfast. Buger, sandwich and coffee." Saad ni Finyx.
Pumasok sila sa loob ng bagong silid ni nanay Anghella.
Kinuha ni Finyx ang brown paper na nakapatong sa isang mahabang couch at inabot kay Ella.
"You need to eat breakfast Ella."
Tinanggap ni Ella ang paper bag at binuksan.
Sinilip niya ang loob may limang pirasong burger doon at limang piraso na sandwich mukhang masarap bigla tuloy siyang nagutom at natakam sa pagkain. Nalanghap niya rin ang mabangong aroma ng kape na nasa reusable cup.
Naupo si Ella sa couch at nilapag sa wooden table ang paper bag.
Dalawa ang reusable cup na naroon sa loob siguro ay hindi pa nag almusal si Finyx at hinintay siya nito.
"Can you join me?" Bigkas ni Ella.
Matamis na ngumiti si Finyx. "Sure my darling."
Nilabas ni Ella ang mga pagkain roon at nilabag isa-isa sa wooden table.
Naupo naman si Finyx sa tabi ni Ella na nakangiti.
Nang matapos sila kumaing dalawa ay bumaling si Ella kay Finyx.
"Kailangan mo na umuwi Finy." saad ni Ella sa binata.
"No, hindi kita iiwan dito." Alma ni Finyx.
"You need to rest Finyx I know hindi ka nakatulog ng maayos kagabi."
"Not now okay. Wala pa si Mike hindi pa siya nakakabalik. Wala kang kasama rito." Turan ni Finyx
"Bakit nasaan ba siya?"
"Pina-uwi ko muna siya kanina halatang antok na antok yung tao."
Nag uusap ang dalawa ng biglang tumunog ang cellphone ni Finyx.
Sinagot ito ng binata lumabas siya ng silid sumunod naman si Ella sa kanya.
"Hello dad?"
"Finyx where are you?" Tanong ng kanyang ama na si Kaven mula sa kabilang linya.
"I'm here at the Santimayor hospital, why dad? is there a problem?"
"What are you doing at the Santimayor hospital? did something happen to you?" May pag aalala sa boses ng ama.
"No I'm fine dad. I only accompanied Ella here because her mother was confined here." Saad ni Finyx sa ama.
"Aww.. why don't you transfer her mother to our hospital so they don't have to pay anything." Wika ni Kaven.
Sandaling tumingin si Finyx kay Ella at nag salita muli.
"Ok i will tell her. By the way, why were you called?"
"There was a little problem with our business in the laguna. I would like you to visit our plant there. I heard that some of our personnel there were smuggling drugs and selling them to young people. They don't follow the rules. I want you to teach them a lesson! Ayoko ng makaabot pa ito sa lolo Lucio mo." Turan ng kanyang ama.
"Yes dad." Pinutol na ni Finyx ang tawag tumingin si Finyx kay Ella.
Nakasimangot ang lalaki ng mag salita.
"Ella, bakit kaya hindi nalang natin ilipat si nanay Anghella sa hospital ng mga magulang ko. Doon wala na kayong babayaran." Wika ni Finyx.
"Hindi na pwede Finyx bayad na ang hospital bills ni nanay nag advance payment si kuya Ellieoth kahapon."
"Ok, I need to go kailangan ko mag punta ngayon sa laguna. Nagkaroon ng problema sa planta babalik ako mamayang gabi." Paalam ni Finyx.
"Sige, but make sure na nakapag pahinga ka bago ka bumyahe papunta sa laguna." May halong concern sa boses ni Ella.
Napangiti si Finyx sabay kagat sa ibabang labi nito.
"Oy... Concern ka no? Aminin mo mahal mo na ba ako?" May ngisi sa labing wika ni Finyx.
"Anong mahal, mag tigil ka. Mahal ang bigas kaya huwag kang malandi." Sambit ni Ella.
"Sus itatanggi mo pa ramdam ko naman na mahal mo ako Ella."
"Feelingero ka rin pala. Sige na umalis kana." Pagtataboy ni Ella kay Finyx.
"Be a good girl darling. Huwag kang makikipag usap sa kahit kaninong lalaki specially sa Sandoval na iyon."
Ang tinutukoy ni Finyx ay si Felix.
"Sus napaka possessive mo naman. Ikaw nga pinili ko kaysa sa kanya nag seselos ka pa diyan. Kaibigan ko lang si Felix."
Lumapad ang pagkakangiti ni Finyx dahil sa binigkas ni Ella.
"What do you mean you chose me?"
Umiwas ng tingin si Ella dahil sa tanong ni Finyx.
"Hey.."
Tawag ni Finyx kay Ella hinawakan ni Finyx ang siko ng dalaga.
"Yes i choose you over than him. Kaya umayos ka Finyx! Huwag mo akong lolokohin dahil masama akong kaaway!" May pag babanta sa boses ni Ella.
"Bakit anong gagawin mo kapag halimbawa niloko kita."
"Mag papakasal ako kay Felix o kaya naman mag hahanap ako ng mas gwapo at mas hot kaysa sa'yo." Wika ni Ella.
"Iyan ang huwag mong gagawin Ella." Seryosong saad ni Finyx.
"At bakit hindi?"
"Dahil kaya kong pumatay ng tao para sa iyo."
Napakurap-kurap si Ella sa sinabi ni Finyx mukhang seneryoso ng lalaki ang sinabi niya.
"Ito naman biro lang masyado ka namang seryoso, ano hindi ma joke?"
"I'm serious Ella." Anang ni Finyx.
"Ella," tawag ng isang boses.
Mag sasalita pa sana si Ella ng marinig niya boses ng kanyang ate.
Agad siyang bumaling sa kapatid.
"Ate Ecca! Good morning nandito ka na pala." Medyo kabadong bati ni Ella sa kanyang ate.
"Sino siya Ella?" Malumanay na tanong sa kanya ni Angelecca.
"Ah siya si-"
"I'm her boyfriend." Seryosong pakilala ni Finyx.
"Ate sorry galit ka ba?" Tanong ni Ella sa nakakatandang kapatid.
Matamis na ngumiti si Angelecca kay Ella "Hindi Ella natural lang mag ka nobyo ka dalaga kana. Sige pasok muna ako sa loob, maiwan ko muna kayo." Wika ni Angelecca at pumasok na sa loob ng kwarto.
"Talaga palang maganda ang ate mo, katulad mo." Bulong ni Finyx kay Ella. Bahagyang napaatras si Ella dahil sa mainit na hiningang tumama sa kanyang leeg.
"Ano ba umalis ka na nga nandito narin naman si ate Ecca may kasama na ako." Bahagyang tinulak ni Ella sa dibdib si Finyx. Hindi niya talaga kaya ang presensya ni Finyx nanginginig ang mga tuhod niya kapag nag didikit ang kanilang mga balat sa isa't-isa.
"Pasin ko lang sa tuwing nag didikit ang mga balat natin bigla kang lumalayo." Saad ni Finyx.
"Maybe you are attracted to me. Don't worry darling we have the same feelings." Agad kinabig ni Finyx ang baywang ni Ella at hinila patungo sa kanya upang mag dikit muli sila.
Nanlalaki ang mga mata ni Ella kumabog ng husto ang mga puso niya.
"Finyx ano ba bitawan mo ako!" Mariing saad ni Ella dahil pinag titinginan sila ng mga nurse na napadaan sa kinatatayuan nilang dalawa.
"Why are you shaking huh? Lakas ba ng epekto ko sayo hmmn..?" May panunukso sa boses ni Finyx.
"Bitawan mo ako Finyx kung ayaw mong tuhurin kita!"
"Kiss me first Ella and I'll leave."
"Ayoko!"
"Okay hanggang ganito lang tayo." Wika ni Finyx.
"Finyx! Isa bitawan mo ako at umalis ka na kung ayaw mong mapisat ang alaga mo!"
"Kiss me first." Ngumuso si Finyx sa harapan ni Ella.
"Just one kiss and I'll leave." Muling turan ni Finyx.
"Fine." Tumingkayad si Ella at inabot ang labi ng lalaki sa sobrang tangkad ni Finyx ay kulang nalang talunin ni Ella ang labi ni Finyx maabot niya lang ito. Buti nalang at bahagyang yumuko si Finyx.
Iniwan ni Finyx si Ella na tulala sa kawalan habang hawak ng dalaga ang labi nito.
"Hayop! Hindi naman halik yung ginawa niya nilaplap niya yung labi ko!" Ani ni Ella pakiramdam niya ay nangapal ang labi niya mukhang mamaga pa yata.
Masamang tinitigan ni Ella ang likuran ni Finyx.
"Grrr! I hate you Finyx Montenegro!"
Sigaw ni Ella umalingangaw ang matinis na boses ng dalaga sa pasilyo ng hospital.
Narinig naman ito ni Finyx kaya pumuhit ito sa dereksiyon ni Ella at ngumisi.
"I love you too! See you later darling." Pas na tugon ni Finyx at nag flying kiss pa sabay wave ng kamay bago tuluyan tumalikod.
"Haist that man! Lagi akong naiisahan." Anang ni Ella.
"Ano ba yan parang taga mundok lang kailangan talaga sumigaw." Maarteng wika ng isang nurse.
"Maganda naman, unlike you mukhang kabababa lang sa bundok." Mataray na sabi ni Ella at tinalikuran ito.