"How are you feeling?"
Agad dumapo ang isang kamay ni Finyx sa braso ni Ella at marahang hinaplos ito.
"I need to go Finyx may photo shoot ako ngayon."
"Huh? But you look not okay." Bigkas ni Finyx.
"Yeah, at kasalanan mo ito."
"At bakit kasalanan ko?" Turo ni Finyx sa sarili.
"Dahil ginising mo lang ako kaninang madaling araw para lang humirit pa ng isa." Anang ni Ella.
"Nakaka-adik ka kasi." Bigkas ni Finyx.
"Kailangan ko maligo Finyx pero hindi ako makatayo. Nananakit ang buong katawan ko ang dalawang hita at binti ko ay para hindi ko maigalaw dahil sa sobrang sakit. Geez! Yung maria ko parang nalamog ng malala." Inda ni Ella.
"Hindi mo naman kasi kailangan pumasok sa pag aartista at pag momodelo. Kaya naman kitang buhayin Ella kaya ko ibigay ang lahat mg mga gusto mo." Turan ni Finyx.
"Finyx this is my dream. Please huwag mo sanang hadlangan ang pangarap ko." Ani ni Ella.
"Hindi ko hinahadlangan ang pangarap mo. Ang akin lang kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo. But that's your dream so I'll support you in everything you want."
"Thank you Finyx."
Bahagyang gumalaw si Ella pero napangiwi lang siya at ininda ang balakang. "s**t ang balakang ko parang hinambalos ng isang daang beses." Pakiramdam ni Ella ay lalagnatin siya.
Mabilis na bumaba ng kama si Finyx umikot papunta sa harapan ng dalaga at binuhat si Ella. Dinala niya ang babae sa banyo at nilapag ng dahan-dahan sa loob ng malaking jacuzzi. Walang laman na tubig ang jacuzzi kaya nag tatakang tiningnan ni Ella si Finyx.
"You need this darling para maibsan kahit papaano ang sakit ng katawan mo." Anito ni Finyx.
Pinindot ni Finyx ang 'ON' sa touch screen na nakadikit sa makapal na salamin. Nakakonekta ito sa jacuzzi maya-maya pa ay bumuhos ang tubig mula sa gripo. Medyo mainit ang tubig na nilabas mula roon pero hindi ito masakit sa balat katamtaman lang.
Ilang minuto ang nagtagal ay napuno ang jacuzzi ng tubig.
Na-relax naman ang katawan ni Ella kahit papaano ay nabawasan ang pananakit ng kasukasuan niya.
Pinikit ni Ella ang mga mata niya at ninamnam ang maligamgam na tubig.
Naramdaman ni Ella ang pag-apaw ng tubig mula sa jacuzzi. Alam niyang nasa tabi niya ngayon si Finyx.
"Damn! Ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko." Sambit ni Finyx na nag pamulat ng mga mata ni Ella.
Hawak ni Finyx ang isang bottle liquid body wash soap.
"Ang gwapo talaga ng mahal ko." Bigkas ni Ella at marahang hinaplos ang pisngi ng lalaki at mahinang kinurot.
Nilagyan ni Finyx ang palad niya ng liquid soap at hinaplos sa balikat ni Ella. Bahagyang ni-massage ni Finyx ang balikat at likod ni Ella. Nagustuhan ito ni Ella ang ginagawa ni Finyx kaya napa-ungol siya.
Halos si Finyx na ang nag paligo kay Ella. "Ano ba yan parang baby naman ako nito. Huwag mo akong sanayin baka hanap-hanapin ko ito." Wika ni Ella.
Nagpapatuyo siya ng buhok ngayon kailangan niya na mag madali baka masirmunan siya ng manager niya.
Sinuot ni Ella ang isang maong na skinny jeans at white v-neck t-shirt. Pinabili pa ito ni Finyx sa mga tauhan nito kanina dahil walang kahit anong damit pangbabae dito sa villa ni Finyx.
Oo ngayon niya lang naman na villa pala itong kinaroroonan nila ngayon.
Sinuot ni Ella ang paris ng black stiletto sa kanyang mga paa.
Habang nag susuklay si Ella napatingin siya sa puting kobre ng kama. Naroon pa ang bakas ng nakaraang gabi nila ni Finyx may stain pa ng dugo. Nag-init ang mag kabilang pisngi ni Ella ng maalala ang nangyari sa pagitan nila ni Finyx.
Nakapag bihis narin si Finyx white sando na medyo maluwag sa kanya ang suot nito. Kupas na maong naman ang pang ibaba pinaresan niya ito ng brown leather ankle shoes na bumagay sa suot niya.
Pasimpleng tinapunan ng tingin ni Ella si Finyx. Napakalinis tingnan ng lalaki lalo ito naging gwapo sa paningin niya. Amoy na amoy niya rin ang mamahaling pabango ng lalaki.
Pagkatapos mag ayos ni Ella ng mukha ay muli niyang binalingan si Finyx. Tinatanggal ni Finyx ang kobre kama.
"Saan mo dadalhin yan?" Tanong niya sa lalaki.
"Tatanggalan ko lang ng mantsa. Wait me here darling ok, mabilis lang ito."
Tumango nalang si Ella at ngumiti.
Pumasok si Finyx sa banyo dala ang kobre.
Ilang sandali ay lumabas na si Finyx bitbit ang isang itim na laundry basket naroon na ang kobre.
Nilapag ito ni Finyx sa gilid ng pinto ng banyo bago yayain si Ella palabas ng kwarto.
Hawak kamay nag lalakad ang dalawa sa mahabang pasilyo. Napatingin si Ella sa bandang leeg ni Finyx namumula ito. Napahinto sa paghakbang si Ella at hinaplos ang gilid ng leeg ni Finyx.
"Teka, ako ba may gawa nito?"
"Yeah, masyado ka kasing nang-gigil sa akin kaya pati likod ko ay napuno ng kalmot. But it's okay to be greedy darling. The important thing is that you enjoy it." Pilyong ngumisi si Finyx.
"Gago! E, kung iyang mukha mo kaya kalmutin ko. Landi mo umagang-umaga ang manyak mo."
Hindi na ganoon kasakit ang katawan ni Ella yun nga lang ay hindi pa masayado maayos ang paglalakad niya. Yung sa pagitan ng dalawang hita niya ay mahapdi at masakit parin hanggang ngayon. Pero sabi nga niya keri na.
"I'm sorry darling." Pinatakan ng halik ni Ella ang leeg ni Finyx kung nasaan ang sugat nito.
Nang makarating sila isang matayog na gusali ay tuloy-tuloy na pumasok si Ella at Finyx. Sa loob ng Elevator habang paakyat ng 20th Floor ay nag lalandian ang dalawa.
"Darling, ano bawag diyan!" Humahagikhik na sabi ni Ella.
Paano kasi ay kinikiliti siya ni Finyx sa tagiliran habang hinahalikan siya ng lalaki sa labi.
Nakasandal si Ella sa glass elevator wall habang ang isang kamay ni Finyx ay nakatukod sa holding bar ng elevator.
Biglang bumukas ang elevator kaya agad nag hiwalay ang labi ng dalawa.
Limang babae ang pumasok roon na pawang ang mga edad ay nasa mid 40's pataas.
Si Ella ay pinamulahan ng husto sa kanyang pisngi dahil sa kahihiyan.
"Sus maryusep! Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Kung saan-saan na lang ginagawa ang kababalaghan." Wika ng isang ginang at makahulugan na tinitigan si Ella at Finyx.
"Kaya nga. Noong mga kapanahunan natin halos hindi tayo mahawakan at mahalikan ng mga nobyo natin hangga't hindi tayo napapakasalan. Ngayon jusme kung saan-saan nalang gumagawa ng milagro." Sigunda pa ng isang babae.
"Naalala ko pa noon lahat ng babae ay maria clara kung kumilos. Mahinhin, hindi marunong lumandi. Ngayon ang mga kabataan ang wild." Sabi pa ng isa.
"Ang landi ng batang ito! Kung saan-saan nakikipag halikan." Dagdag pa ng isang ginang.
"Hala siya, nakipaghalikan lang malandi na agad? Judgemental ng lola n'yo." Ani ni Ella.
Napasuklay nalang si Finyx ng kanyang buhok gamit ang mahabang daliri nito.
Tumikwas ang kilay ni Ella at pasimleng tiningnan ang mga ginang na nag tataasan ng kilay habang nakatitig sa kanya.
"Problema ng mga ito kung makatitig sa'kin parang bitter sa mga buhay nila. Kung makapag taas ng mga kilay akala mo naman original e, peke naman halatang ginuhit lang ng eye brow pencil ang mga kilay." Marahang sambit ni Ella.
"Don't mind them darling." Bulong ni Finyx at hinapit si baywang si Ella.
"Ahem!" Tumikhim si Ella at plastic na ngumiti sa limang ginang.
"Huhulaan ko wala kayong mga asawa no?" Saad ni Ella.
Nagkatinginan ang limang ginang at muling bumaling kay Ella.
"How did you know?" Curious na tanong ng isang ginang.
Tapatakip ng bibig si Ella at humalakhak ng malakas. "So totoo nga wala kayong mga asawa?" Muling humagalpak si Ella ng tawa. Sinaway siya ni Finyx pero hindi ito nakinig.
"Nakakaawa naman pala iyang mga mani n'yo hindi nakatikim ng dilig. My gosh hindi pa kayo nakakatikim ng luto ni supremo sa sobrang sarap titirik talaga ang mga mata n'yo hangang sa makarating kayo sa ika-pitong langit " Sambit ni Ella sa mga ito.
Napa-sign of the cross ang limang ginang dahil sa tinuran ni Ella.
"Jusko! Ang bastos ng bibig ng batang ito! Patawarin ka sana ng diyos." Bulalas ng isang babae.
"Darling enough!" Mariing awat ni Finyx kay Ella.
"Alam niyo mga madam iba na ngayon, kumpara sa panahon noon. Sa panahon kasi ngayon kailangan mo ng kaunting landi para hindi ka nahuhuli sa petsa at hindi napag iiwanan. Tingnan niyo ang mga sarili niyo dahil sa pagiging maria clara n'yo noon tingnan n'yo ang kinalabasan napag-iwanan kayo ng panahon. Nanuyo ang mga pechay hindi nadiligan kaya mabilis kumulubot. Kaya ang ending bitter kayo sa buhay niyo. Look at me. Fresh from the farm kasi nadidiligan."
Napakamot nalang ng batok si Finyx dahil sa pinag sasabi ng nobya.
"Hindi masamang lumandi rin paminsan-minsan lalo na kung kinakailangan na. Sa edad niyong iyan pwede pa kayong humabol sa kuta umpisahan niyo na kayang lumandi at mag padilig mamayang gabi. Kung hindi na kaya ng mga buto niyo mag mahjong nalang kayo. Kaysa sa manghusga ng kapwa. At isa pa walang masama na nakikipag halikan ako sa boyfriend ko. Ang masama kung iba't-ibang lalaki ang tinutuka ko. Diba?"
Saktong tumunog ang elevator hudyat na naririto na sila sa 20th Floor.
"Let's go Darling." Kumapit si Ella sa bisig ni Finyx at mabilis nag kalad palabas ng elevator.
Naiwan ang limang babaeng naka- awang ang mga bibig.
Sa labas ng glass door at natanaw ni Ella si Girly na may kausap na lalaki.
Gwapo ito at matipuno ang katawan ang tangkad nito halos pareho kay Finyx.
Nang mapansin ni Girly ang paparating na si Ella ay patakbong sinalubong ang kaibigan.
"Babaita! Anong year na buti at dumating ka pa. Si mamang Rosa mainit na ang ulo kanina pa." Saad ni Girly.
"Sorry baks napagod kasi ako kagabi kaya nawala sa isip ko na may photo shoot pala ako ngayon." Paliwanag ni Ella.
"Napagod? Bakit anong ginawa mo?" Usisa ni Girly.
"Wala."
"O siya wag ka sa'kin mag paliawanag PA mo lang ako. Doon ka mag paliwanag kay mamang at sa manager mong daig pang nag miminoposal. Kanina pa mainit ang mga ulo ng dalawa iyon." Ani ni Girly.
"Hi fafa Finyx." Nag papa-cute na bati ni Girly kay Finyx ng pamansin ito.
"Sige na pumasok ka na sa loob." Malakas na pinalo ni Girly ang pang-upo ni Ella na iki-nangiwi ng dalaga.
"Aray! Masakit bakla." Daing ni Ella.
Napasin ni Girly ang kaka-ibang lakad ni Ella kaya tumakbo ito at kumapit sa braso ni Ella.
"Hoy! Babaita umamin ka nabinyagan ka ano. Bakita ka ganiyan maglakad para kang sakang na kalabaw.
Matalim na tinitigan ni Ella si Girly. "Shut your mouth Gary." Mariing wika ni Ella at pasimleng ngumiti ng tuluyag makapasok sa loob.
"Ouch! ha, Girly kasi not Gary eww!"
Sa Finyx ay nakusunod lang sa likuran ni Ella walang planong iwan ni Finyx si Ella dito. Hihintayin niya ang babae hanggang sa matapos ang pictorial nito. Mahirap na baka may ibang lalaking makapares ito sa pictorial at kung saan-saan pa hawakan si Ella.
"O dumating ka pa? Akala ko next year ka pa makakarating! Naku Ella ha, nag uumpisa pa lang ang career mo sa showbiz hindi ka pa sikat at kilala. Pero sumasakit na ang ulo ko sa'yo. Pwede maging on time ka naman pagdating sa trabaho mo." Sermon ni mamang Rosa.
Ngumuso si Ella nag lakad siya papalapit kay Rosa at niyakap mula sa likuran ang matandang babae.
"Mamang Rosa naman ang init ng ulo mo. Sige ka mabilis ka mag wrinkles niyan. Sorry na babawi ako next time. I love you mamang." Panlalambing ni Ella sa babae.
"Hmmnp! Buti nalang at maganda ka at talented kung hindi baka sinabunutan na kitang bata ka. Sige na ma-upo ka naroon. Bambie!"
Tawag ni mamang Rosa sa baklang make-up artist na mag aayos kay Ella.
"Ayusan niyo na yan si Ella at bihisan." Utos nito sa mga staff na naroon.
Pina-upo ni Girly si Finyx sa isang single couch. "Diyan ka lang fafa Finyx ha, aayusan lang namin si Ella."
"Ella first warning ito sa'yo ni mamang Rosa umayos ka!" Mataray na wika ni Raquel ang baklang manager niya.
"Hindi laging kami mag a-adjust sa'yo." Dagdag pa nito.
"Okay, pero try mo din i-adjust iyang kilay mo nasa noo mo na." Nakangising sabi ni Ella.
"Ahmnp!" Inirapan ni Raquel si Ella.
Tapos ayusan si Ella ay nag palit ito ng isang pares ng bikini swimsuit. Dahil malapit na ang summer at nag hahanap ng model na babae ang branch ng 'Bench body' ay si Ella ang kinuha nila. Maganda, sexy at bagong mukha kaya mas papatok sa masa.
"Grayson!" Tawag ni Mamang Rosa sa gwapong lalaki na ngayon inaayusan ng buhok.
"Yes mamang Rosa?"
"Mag palit ka na din dahil magkasama kayo ni Ella sa pictorial." Utos ng babae.
Nag palit nga ng swim trunks si Grayson wala itong suot pang itaas kaya naman lantad ang nag yayabang nitong 8 pack abs.
"Jesus! Ang yummy!" Mariing tili ni Girly at siniko si Ella.
"Yawa ang swerte mo bakla ang gwapo ng kasama mo sa photo shoot ang yummy pa." Kagat labing saad ni Girly.
"Hoy! Mag tigil ka nga gusto mo ipasapok ko iyang bibig mo kay Finyx. Di hamak naman na mas lamang si Finyx diyan. Masarap pa!" Usal ni Ella at bumaling kay Finyx at kininditan ang lalaking prenteng naka de quatro.
"Luh? Paano mo nasabing masarap natikman mo na ba?"
"Yup! And s**t bakla ang sarap! Nakarating ako sa ika-pitong impyerno dahil sa sobrang hot ni Finyx."
Nag hugis O, ang bibig ni Girly at mas lalong kinulit si Ella.
"Congratulations bakla hindi kana virgin. Kaya naman pala fresh from the farm ang look. Kasi nadiligan na. Buti at nakabangon ka pa? So ano malaki ba? ilang inches?" Pangungulit ni Girly.
"10 inches lagpas matris baks. perfect Average!" Litaniya ni Ella.
Nanlaki ang mga mata ni Girly at hindi napigilan tumili. "Yaaah! Bakla share mo naman ang grasya gusto ko din ng 10 / 10 average." Tili ni Girly.
"Gaga! Hindi kakayanin ng lalamunan mo baka tumagos hangang batok mo. Hindi kaya ng power mo bakla baka atakihin ka ng high blood ng wala sa oras. At isa pa ayoko ng may kasalo kay Finyx, akin lang siya. Hanap ka ng sa'yo. "
"Ay, ang damot ng lola mo."
"Madamot talaga ano lalo na pagdating kay Finyx. Sige na mamaya na tayo mag tsismisan kanina pa sumisigaw si Raquel."
"Come a little closer to him Ella." Saad ng photographer na lalaki halatang naiinis na. Kanina pa kasi sila hindi makuhanan ng maayos na anggulo.
Bahagyang dumikit si Ella kay Grayson hindi sa naiilang siya sa lalaki. Ang iniisip niya ay si Finyx baka mag selos ito lalo pa at ganito ang suot niya.
"Grayson hold her waist! s**t! Bakit ba parang takot na takot kayo dumikit sa isa't-isa." Inis na sabi ng Photographer.
"Grayson, Ella. Please ayusin niyo para mabilis tayo matapos marami pa tayong gagawin." Anang ni Mamang Rosa.
"Okay." Tanging sagot ni Ella at kumapit sa balikat ni Grayson. Si Grayson naman ay nag aalangan pa na padapuin ang kamay sa baywang ni Ella.
Paano naman kasi ang sama ng tingin ni Finyx kay Grayson na kulang nalang ay patayin niya sa titig ang lalaki.
"Damn! your boyfriend looks at me badly." Mahinang bulong ni Grayson kay Ella.
Bumaling si Ella kay Finyx nakasimangot na nga ito at masama ang tingin kay Grayson.
"Don't mind him. Sige na hawakan mo na ako sa baywang para matapos na ito." Turan ni Ella.
"Okay, nice , very good , great pose. Ngayon naman Grayson halikan mo sa labi si Ella." Wika ng photographer.
"No!" Galit na reaksiyon ni Finyx at napatayo ito.
Lahat ng tao roon ay napatingin kay Finyx at napanganga ang lahat maliban kay Ella at Girly dahil para silang nakakita ng diyos na ubod ng gwapo.
"s**t yung salawal ko nalaglag." Sambit ni Raquel ang baklang manager ni Ella.
Dahil abala ang lahat kanina ay hindi nila napansin ang presensya ni Finyx ng pumasok ito.
Tumaas ng husto ang kilay ni mamang Rosa at mabilis humakbang papalapit kay Finyx.
"At sino ka naman iho? paano ka nakapasok rito?" Mataray na tanong ng ginang.
"I am Ella's boyfriend!" Matigas na turan ni Finyx.
Ang limang babaeng nag aayos ng ibang damit ni Ella ay patakbong lumapit kay Ella kasama na si Bambie.
"Miss Ella boyfriend mo siya? Ang gwapo naman, para akong nakakita ng artista mula sa Hollywood sa ibang bansa." Parang maiihi sa kilig ang isang babae.
"Iho, artista at modelo ang girlfriend mo dapat masanay kana na may ibang lalaking nakakasama siya." Mahinahon na saad ni mamang Rosa.
"I know. But they don't need to kiss Ella on the lips. Giit ni Finyx.
"Susmaryusep ginoo ko! Napaka possessive masyado. Pasalamat ka gwapo ka kung hindi ipapakaladkad kita sa mga bodyguards palabas ng studio na ito." Tumalikod si mamang Rosa at tumingin kay Ella.
"Ella, next time bawal magdala ng jowa sa photo shoot lalo na kung possessive. Sige na break time muna tayo." Lumapit si mamang Rosa kay Ella at bumulong.
"Gwapo ng jowa mo ha, pwedeng maging model. Anong pangalan niya?"
"Finyx po mamang. Finyx Montenegro." Nang marinig ng babae ang buong pangalan ni Finyx biglang nanlambot ang tuhod nito.
"Montenegro ba kamo?" Parang nabinigi pa ang babae.
Tumango si Ella at ngumiti. Agad na tumalilis pabalik si Mamang Rosa sa harapan ni Finyx.
"Ah, iho ma-upo ka muna diyan.Do you want something? Do you want juice or coffee? Don't worry iho, hindi ko pahahalikan si Ella sa kahit kaninong lalaki kahit pa sa ka-love team niya." Parang maamong tupa na saad ng ginang.
Napa-iling nalang si Ella hindi na kailangan mag artista ng boyfriend niya dahil aplyedo palang ng lalaki kilala na ito. Sikat talaga ang mga Montenegro hindi lang sikat kinatatakutan pa.
Nilapitan ni Ella si Finyx at niyapos sa baywang ang lalaki. Hinapit din ni Finyx ang maliit na baywang ni Ella.
"I love you, bawal mainit ang ulo." Bigkas ni Ella at tumingkayad at binigyan ng isang masuyong halik sa labi si Finyx.
Sakto naman na kuhanan ng photographer ang halikan ng dalawa.
"Perfect! Bakit kaya hindi lang siya ang kunin natin kapares mo total totoong couple kayong dalawa. If it's okay with you Mr Montenegro. Isang shot lang para sa cover ng magazine na ilalabas ng Bench Body couple of the year." Wika ng photographer.
Kalaunan ay pumayag si Finyx hindi siya mahilig sa mga ganito. Pero ayos na ito kaysa naman ibang lalaki ang humalik sa labi ni Ella at humawak sa baywang ng nobya niya.
Nagpunta si Finyx sa dressing room upang mag palit ng swim trunks.
Sinundan siya ni Ella dala ang isang contour shading stick.
"Hey what are you doing here darling?" Tanong ng lalaki.
"I will put it on the scratches on your back. Hindi nila pwedeng makita ang mga kalmot sa likod mo. Baka mamaya isipin nila sadista ako." Wika ni Ella.
Nilagyan nga ni Ella ang mga kalmot sa likod ni Finyx na siya din ang may gawa.
Bago lagyan ni Ella ng contour ang sugat ay pinapatakan niya muna ito ng halik.
"Thank you darling." Sabay halik ni Finyx sa labi ni Ella tinugunan naman ito ni Ella. Talagang na aadik na siya sa labi ng lalaki parang gusto niya nalang ito halikan segu-segundo.
Biglang bumukas ang pinto ng dressing buti nalang at si Girly ang nasa pinto.
"Naku maawa kayo maraming single dito huwag kayong mag kalat dito." Nagtataray na wika ni Girly bago tumawa ng mahina.
"Malapit ng matapos si Grayson kayo na ang susunod. Kaya lumabas na kayo tama na ang lampungan niyo." Wika ni Girly at iniwan na ang dalawa.
Parehong nakaharap ang dalawa sa isa't-isa ang dalawang braso ni Ella ay naka sukbit sa batok ni Finyx. Habang ang isang kamay ni Finyx ay nakahawak sa baywang ni Ella at ang isa ay sa pang-upo ng dalaga.
"Okay, 1, 2, 3, kiss him Ella." Signal ng Photographer.
Buti at hindi nahirapan si Ella abutin ang labi ni Finyx. Hindi niya kinailangan tumingkayad dahil mataas ang high heels na suot niya.
Kilig na kilig naman ang mga nanonood sa pictorial ni Ella at Finyx. Kahit si mamang Rosa ay kinikilig na din.
"Shemay! Nakakakilig silang dalawa. Alam mo yung may sparkling star. s**t! Nakakakilig talaga." Wika ng isang dalaga.
"Hmmnp! Kinilig ka naman sa relasyon ng iba. Hanap ka kasi ng jowa para may mag pakilig din sa'yo." Litanya ni Girly.
Ang isang shot ay naging sampung beses dahil masyadong na aliw ang photographer na kumuha ng larawan kay Ella at Finyx.
"Excellent!" Bigkas ng photographer.
Nang matapos ang last pictorial ni Ella ay may dumating sa studio na limang kalalakihan. Maiingay ang mga ito kabilang doon si Felix Sandoval na hindi niya inaasahan na makikita niya ito ngayon dito.
Nabalitaan nga ni Ella na sumali si Felix sa isang sikat na boy band. Sa pag kakaalam niya ay 'The North Band' ang pangalan ng bandang ito matunog ang pangalan ng banda dahil matagal na rin itong sikat. Ang alam niya ay vocalist si Felix sa banda, dahil umalis daw ang dating vocalist ng banda kaya ito ang pumalit.
Tinapunan lang ng tingin ni Felix si Ella bago siya lagpasan nito.
"O, naririto narin pala kayo maigi naman upang sa ganun ay mabilis tayo matapos." Anang ng photographer.
"Grabe! Napuno na ng handsome at hotties guy ang loob ng studio. I need air, super init hay sarap lumandi." Ani ni Girly habang nag papaypay ng sarili gamit ang kamay.
"Mag bihis ka na Ella dahil marami ng mata ang nakatitig sayo. Pinag pi-pyestahan na ng mga ulupong ang katawan mo." Seryosong sabi ni Finyx. Halata sa mukha ni Finyx na sumama ang timpla ng mood nito.
"Let's go samahan mo ako." Hinila na ni Ella si Finyx papuntang dressing room.
Pagkatapos mag bihis ni Ella ay nagpaalam na siya kay mamang Rosa na aalis. Nakatanggap din kasi siya ng text mula sa kanyang ate. Pinapunta siya nito sa 'White Cosmetics Company' Sabi sa text ay may pag- uusapan sila na importante. Ang alam niya ay doon ito mag apply ng trabaho.
Hindi niya sana gustong mag trabaho pa ang kanyang ate Ecca dahil buntis ito. Lalo na at broken hearted pa ito sa nobyo nitong si Ellieoth. Hindi alam ni Ella kung ano ang nangyari sa relasyon ng dalawa nalaman niya nalang mula sa kanyang ate na ikakasal na si Ellieoth sa ibang babae. Oo galit siya kay Ellieoth dahil niloko nito at sinaktan ang ate niya pero naroon yung pagtataka niya kung bakit na-uwi sa paghihiwalay ang dalawa. Alam niya at nakikita niya kung paano alagaan ni Ellieoth ang ate Ecca niya. Ramdam niya ang labis na pagmamahal ng lalaki para sa kanyang ate.
Dahil personal assistant na ni Ella ang kaibigan nitong si Girly ay kasama nila ito ngayon sa kotse.
"Darling pwedeng sa White Cosmetics Company mo kami ihatid. Naroon kasi si ate Ecca." Wika ni Ella.
"Okay, susunduin ba natin siya?" Tanong ni Finyx.
"No darling, iwan mo na ako doon may pupuntahan pa kasi kami ni ate Ecca." Ang totoo ay ayaw ni Ella na makita ng kanyang ate Ecca si Finyx. Dahil ang sabi niya rito na hiwalay at wala na sila ni Finyx. Ang alam kasi ng ate niya noon ay nag papanggap lang sila ni Finyx at hindi niya boyfriend ang lalaki. Iyon ang sinabi niya ng mag-usap sila ni Ecca sa enchanted kingdom.
"Are you sure darling?"
"Yes, Darling. Don't worry kasama naman namin si Girly. Mag kita na lang tayo mamayang gabi. I'll call you later."
Inihatid nga ni Finyx sila Ella sa labas ng gusali.
Na-unang lumabas ng sasakyan si Girly.
"Thank you darling, sa pagsama sa photo shoot ko at paghatid sa'min dito."
"My pleasure my queen." Nakangiting sabi ni Finyx. Hinalikan niya sa labi sa Ella. Dumaosdos ang labi ni Finyx pababa ng leeg ni Ella at hinalikan niya din sa parteng iyon si Ella.
Napadaing si Ella ng maramdaman niya na sinipsip ni Finyx ang balat ng leeg niya.
"Aray! sira-ulo ka. Anong ginawa mo?" Nakangusong wika ni Ella.
"I put a marked on you. A sign that someone owns you and you are mine!" Nakangising wika ni Finyx.
"Baliw to, hindi ko alam na may pagka bampira ka pala. Bakit mo naman ginawa ito." Saad ni Ella at tiningnan ang leeg namumula at medyo malaki pa.
"Mahirap na baka may mga lalaking umaligid sa'yo diyan sa loob at least alam nilang may nag mamay-ari na sa'yo."
Nakagat ni Ella ang ibabang labi niya kinikilig naman siya sa lalaking ito.
Kinabig ni Ella sa batok si Finyx papalapit sa kanya at mapusok na hinalikan sa labi si Finyx. Pagkatapos ay hinalikan niya rin ang leeg ng lalaki nilagyan niya rin ito ng kissmark.
"You have nothing to worry about. My lips, my body, is all yours. I'm all yours okay darling." Bulong ni Ella sa tainga ng lalaki. Pinatakan niya pa ng halik ang tainga ng lalaki at dinalaan niya pa ito.
"Bye darling, see you later." Sabay kagat ni Ella sa lower lip niya .
Lumabas na si Ella sa kotse pero si Finyx ay nakatulala sa loob. Namumula ang buong mukha niya pati tainga niya at leeg. Iba talaga si Ella kapag gumanti na nakaka-hypnotized. Napangisi ang lalaki bago paharurutin ang kotse kailangan niya pa ihatid ito sa M-Club dahil ginagamit ito ng mga bouncers kapag may emergency or may ihahatid na mga customer na lasing na lasing na hindi na kaya umuwi o mag maneho.
"What heck! Ano yan hickey!" Ang lakas ng pagkakasabi ni Girly kaya may ibang napatingin sa dereksiyon nila karamihan ay lalaki.
"Hey lower your voice!" Pinanlakihan ni Ella ng mata ang kaibigan. Naririto parin sila sa labas ng gusali. Hinintay kasi ni Ella na makaalis si Finyx.
"Kaya naman pala ang tagal mo lumabas ng kotse kasi may ginawa pa kayong kababalaghan ng jowa mo. Ano yan tanda ng pagmamahal or tanda ng sa kanya ka lang." Girly said.
"Both." Mayabang na wika ni Ella at hinila na si Girly papasok ng building.
Sa lobby ay pinag titinginan si Ella hindi dahil sa kissmark sa leeg niya kundi isa siyang artista. Wala pa man nagagawang movie or series si Ella ay kilala na siya. Kalat na sa website or sa ibang social media flatform ang pagmumukha ni Ella lalo na yung pag audition niya noong nakaraang linggo. Maraming humanga sa ganda ng boses niya kaya naman talagang pinag agawan si Ella ng iba't-ibang network. Pero dahil may utang na loob si Ella sa kaibigan na si Girly ay pinili ni Ella ang management ni mamang Rosa. Usap-usapan kasi na mabilis sumikat ang mga talent na hawak ng management ni mamang Rosa. At totoo nga dahil hindi pa man siya sumasabak sa pag-arte sa television ay sikat na siya.
May lalaking lumapit kay Ella gwapo ito at mistiso. Ngumiti ito ng pag katamis. "Hi miss Ella pwede ba akong magpapicture sayo?" Nahihiyang wika nito.
Tatanggi sana si Ella pero siniko siya ng kaibigan. "Sige na pagbigyan mo na."
Tumango si Ella sa lalaki bago siya nag pa-picture kasama ang lalaki ay nilugay niya ang buhok niya para hindi makita ang hickey sa leeg niya.
Pagkatapos pagbigyan ni Ella ang lalaki ay nag madali na silang nagtungo sa reception area upang mag tanong.
"Good day ma'am, what can we help you with?" Magalang na tanong ng isang receptionist na babae.
"I'm Daniella White. Gusto ko la--"
Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Ella ay napahinto siya dahil ang apat na receptionist ay nag yukuan sa harapan niya.
"Ay, may ganon? anong nangyari?" Gulat na saad ni Girly.
"Ahmmn, Miss White nasa 40th floor po si Miss Angelecca." Wika ng babae at iginaya sila patungo sa harapan ng elevator.
Kahit naguguluhan si Ella ay pumasok nalang sila sa loob ng elevator.
Nang makarating sila sa pinaka last floor sa labas ng elevator may lalaking nag hihintay roon.
"This way ma'am." Sinamahan sila ng lalaki sa isang kulay itim at malaking pinto. Binuksan ito ng lalaki at pinapasok sila.
Isang malawak at malaking opisina ang sumalubong sa kanila. Napakalinis nito halos kuminang ang marmol na kinatatayuan nila ngayon.
"Ella," boses ng kanyang ate. Bumaling siya sa kaliwang bahagi naroon si Ecca may kasamang lalaking may edad na. Lumakas ang kalabog ng puso ni Ella kilala niya ang ginoong kasama ng kanyang ate.
Ito iyong lalaking nagpunta sa burol ng kanyang ina.