THIRD PERSON's P O V Tulog na ang mag- inang Queeszha at Queensay nang bumalik si Shiloh sa kanilang bahay. Subalit ito ay lasing na lasing at hindi makagulapay sa kalasingan. " Q- Quee . . s- szha! B- Buksan mo . . a- ang g- gate! " tawag nito sabay kalampag sa kanilang bakal na pinto sa gilid ng kalsada " Huh!? Sino 'yon? " takang bulong naman ni Queeszha na napipikit pa, nagising lamang kasi siya dahil kailangan niyang gumamit ng banyo Pumasok muna nga siya roon para mag bawas ng tubig sa katawan. Pabalik na siya sa kanilang silid nang marinig ulit ang sigaw mula sa labas ng kanilang gate. At nawala naman ang antok niya nang mabosesan kung sino iyong tumatawag mula sa labas. Kaya naman dali- dali siyang lumabas para pag buksa ang asawa na kanina pa sigaw nang sigaw at kalampag s

