QUEESZHA'S P O V " Bakit ba rito tayo sa labas nag- uusap!? Tara muna sa loob? Mainit din naman dito sa labas! " natatawang saad ko na lamang para hindi matuloy ang pag bagsak ng aking mga luha dahil sa samu't saring isipin ko. " Hindi na! Dito na lang tayo at baka dumating ang asawa mo e kung ano pa ang isipin niya. Baka mamaya niyan e ilaw ang mabaligtad na may lalakeng pinapasok sa loob ng bahay e mag- isa ka lang. " mabilis namang tanggi ni Poli " D'yan lang tayo sa may terrace hindi tayo papasok sa loob ng bahay! " saad ko naman sa kanya " Kahit na! Dito na lang tayo kung wala ka namang gagawin sa loob? Kung mayroon naman at na iistorbo kita e uuwi na ako sa unit ko. Maraming salamat sa pagsama mo sa akin na kumain ng lunch. " wika pa niya " Sige na nga rito na lang tayo! " tu

