QUEESZHA's P O V " Queeszha! Ang aga pa, ano ang ginagawa mo rito!? " bulalas na tanong ni Virgo nang lapitan niya ako sa harap ng cabinet namin na nakabukas habang yakap- yakap ko ang mga damit at laruan ng anak kong si Queensay. Madilim pa nga sa paligid at hindi ko alam kung anong oras na. Basta nang magising ako ay bigla kong na- miss ang anak ko kaya lumapit ako rito para damhin ang mga gamit niya at amuyin ang cologne na lagi kong ini- spray sa kanya kapag pumapasok siya sa paaralan. " V- Virgo, miss ko na ang anak ko! Bawiin na natin si Queensay! " umiiyak na sambit ko sa kanya, naramdaman ko namang tumabi siya nang upo sa aking tsaka ako niyakap patagilid kaya himas- himas niya ako sa braso at isinandig ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. " Oo! Lalapit tayo sa ibang Abogado o J

