QUEESZHA's P O V " Naku! Matagal ng hindi umuupa rito si Shiloh! Sino ho ba sila? " wika sa amin ng Landlady ng dati kong asawa sa apartment niya, naisama na kasi niya kami rito ni Queensay noon. " Ho!? Mga ilang araw o linggo na ho kayang hindi na siya umuupa rito? " hindi naman makapaniwalang tanong ko, mababakas din sa mukha ng mga kaibigan ko ang kalituhan. " Anong linggo!? Tatlong buwan na! Nagamit lang niya iyong ni- deposit niya at umalis na dito. Ang sabi pa e mas malapit daw sa trabaho niya iyong lilipatan niyang apartment. " natatawa pang saad ng Landlady ni Shiloh hanggang sa mag kwento pa siya ng ibang detalye Bigla naman akong kinabahan at tila matutumba, mabuti na lamang at naka alalay sa likod ko sila Virgo at Xiomara. " Sige, marami pa akong gagawin e! " paalam na s

