QUEESZHA's P O V Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako tumangis, hinayaan kong hindi labasin ang anak ko dahil sa sama ng aking loob. Bahala siya kung liligpitin biya o hindi ang aming pinag kainan. Hindi rin naman ito pumasok sa aming k'warto. Pero nang maalala ko ang assignment na sasagutan namin dapat kanina ni Queensay ay dali- dali akong lumabas ng aming silid. " A- Anak, sorry, nag tampo lang si Mommy. " bulong ko sa kanya sabay hagod sa buhok niyang tumabing na sa mukha. Nakatulog kasi siya sa sofa kaya inayos ko na lamang ang kanyang pagkaka higa at nang tingnan ko ang kanyang notebook ay may sagot na ito. Nakaramdam na naman ako ng pag babara sa aking lalamunan. Dahil naawa ako sa anak ko dahil nadadamay na siya sa away naming mag- asawa. Pagkatapos ko siyang ayusin ay

