QUEESZHA's P O V " Sandali! Saan mo dadalhin ang anak ko!? " sigaw ko kay Shiloh nang makita kong pilit niyang isinasakay sa sasakyan ni Ris si Queensay Oras na kasi nang uwian mula sa paaralan nang matanaw ko ngang isinasakay na ng aking asawa ang aming anak. " Mommy! " dinig kong tawag niya mula sa loob ng sasakyan bago isara ni Shiloh ang pinto " Saan ba kayo pupunta!? Pumapayag naman akong isama n'yo siya pero bakit ganito, Shiloh!? Bakit tila itatakas mo ang anak ko!? Tsaka umuwi ka pala hindi ka man lang dumaan sa bahay! " sunud- sunod kong turan sa kanya ngunit hindi siya sumasagot, binuksan lamang niya ang pinto sa passenger's seat tsaka siya sumakay roon. Pinigilan ko namang maisarado iyon subalit gaano na lamang ba ang lakas ko sa malaking braso ng asawa ko? Kaya naisar

