bc

UNDERGROUND BOSS 2. FORBIDDEN RULES

book_age18+
9.9K
FOLLOW
35.7K
READ
billionaire
dark
possessive
arrogant
manipulative
mafia
drama
soldier
abuse
punishment
like
intro-logo
Blurb

UNDERGROUND BOSS 2

FORBIDDEN RULES

Geo, Gold and Gabrielle parents story.

NOONG una akala ko, napakabait niya. Habang tumatagal, maraming bawal na hindi naman dapat. Bawat paglabag sa kan'yang rules, may kaparusahan akong natatanggap. Sinasaktan niya ako. Physically and emotionally.

Paano ko palambutin ang puso ng bilyonaryong si Gabriel Lee na na puro poot at pagkamuhi ang kan'yang nararamdaman?

chap-preview
Free preview
UB 2. FORBIDDEN RULES 1
SALVE MATIAS POV "SALVE, anak?" Pinunasan ko muna ang kamay ko at dali-daling lumabas sa kusina. May maliit kaming puwesto na kainan. "Nay?" "Ikaw na muna ang magdeliver sa kampo ng mga ulam na in-order nila," aniya ni Nanay sa akin. "Ah, sige ho, Nay. Nagbibihis lang ho ako." Kahit papaano, naitawid din namin ang aming pangangailangan sa araw-araw. Hindi man kalakihan ang kita sa aming maliit karendirya, malaking tulong pa rin ito sa amin. "Magkano ho ito lahat?" tanong ko naman. "450 lahat yan. Sabihin mo sa mga sundalo, bukas magluluto ako ng paitan," saad naman ni Tatay. Napangiti naman ako. Suki na kami talaga ng mga sundalo. Malapit lang kasi dito ang kampo. "Oho. Alam niyo naman ho, na paborito nila ang papaitan niyo," natatawang saad ko kay Tatay. Agad ko na kinuha ang basket at sumakay na sa traysikel. Nagpahatid na ako sa kampo. Pagdating ko, tamang-tama lang na tanghalian na nila. "Good afternoon, Salve," nakangiting bati nila sa akin. "Good afternoon sa inyo mga, Sir. Nandito na pala ang ulam na order niyo,"nakangiting saad ko naman. "Wow. Tamang-tama ang dating mo, Ganda!" aniya naman ng isang sundalo sa akin. Ngumiti lang ako. Saglit napatigil ang pag-aagawan nila ang ulam nang may mga sundalong sumalubong sa isang napakaguwapong nilalang. Napanganga pa ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong gwapong sundalo. Napakatangkad niya sa mga pangkaraniwang sundalo dito. "Si Captain Lee, bago naming Platoon Leader." Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko rito. Hanggang nagtama na aming paningin. Agad naman ako nag-iwas ng tingin. Parang hindi ako makahinga sa sobrang kaba. "Pustahan tayo, medyo strikto si Captain Lee," aniya ng isa ng sundalo na kumakain na ito. Napangiti naman ako. Halata nga sa mukha na suplado ito. "Mga Sir, bukas daw may paitan si Tatay Baka gusto niyo," nakangiting saad ko sa kanila. "Ay, sige order kami, Ganda." "Salamat sa inyo," agad ko naman ginayak ang aking basket. At nagpaalam na sa kanila na uuwi na. Palabas na ako sa kampo at nag-aabang ng traysikel nang may nagsalita sa aking likuran. "May I'd pass ka ba dito na puwede kang lumabas-pasok sa kampo?" Napanganga naman ako. Sobrang husky na boses lalaki. Dahan-dahan akong lumingon at nagulat kung sino ang nagsasalita. "A-Ahmmm...P-Po? W-Wala po, Sir." Hindi ko akalain na Ang tinatanaw ko kanina ay nasa harapan ko na ngayon. "You can't come back here again," seryosong saad niya. Nanlalaki naman ang mga mata ko. "P-Pero, Sir. I-Ito lang po ang hanap-buhay namin," kagat-labing saad ko naman. Mariin naman niya akong tiningnan. "I need your license," aniya sa akin. License? Meron ba ganoon? Hindi naman malaking restaurant kami. "W-Wala po akong lisensya? Anong klaseng lisensya po ba?" Nakakunot naman ang kan'yang noo. Lalo lang ito lumiit ang kan'yang mga mata. "Okay. Nevermind. Bukas, bawal ka na bumalik dito," aniya at tumalikod na ito. Ano daw? Agad ko naman ito hinabol. "Sir, sandali po!" Hinawakan ko ang kan'yang napakatigas na braso. "What?!" "S-Sir, maawa po kayo. Dito lang kumikita ng malaki ang karinderya namin dahil sa order ng mga sundalo dito," mangiyak-ngiyak na saad ko rito. "Then, I need your license!" Napakamot naman ako sa aking batok. "W-Wala nga po eh. Iba na lang po ang hilingin niyo. Basta po huwag niyo lang po ipagbabawal na magtitinda ako ng ulam sa kampo." Diretsong tiningnan niya lang ako sa mga mata. "I need a cook sa bahay. I guess you can cook good naman," seryosong saad niya. Nanlaki na naman ang mga mata ko. "Ay, puwede, Sir! Magaling ako magluto!" Tumango lang ito at tumalikod na. "I'll talk to you tomorrow," aniya na hindi man lang ito lumingon. Sayang! Hindi ko tinanong kung magkano ang sahod. Pero sobrang excited na ako na magtatrabaho sa bahay ni Captain Lee. CADEN SALVACION STORY IS COMPLETED. EXCLUSIVE ONLY IN G00DN0VEL

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook