Gusto ko imulat ang mga mata ko, pero hinihila pa rin ako ng antok. "Hmmm." Gusto ko rin ibuka ang bibig ko at hihingi ng tubig. Ramdam ko ang panunuyot ng aking lalamunan. "T-Tu-...tu-big……" Napaigik naman ako dahil sobrang sakit ng aking katawan. Naramdaman ko na lang na may malambot na bagay na dumampi sa aking bibig. Agad ko naman dinilaan ang aking bibig na nabasa na ng kunti galing sa malambot na bagay. Agad ko naman iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang napakaguwapong lalaki. Ngumiti ito sa akin. "You want more?" aniya na patuloy na pinapatakan ng tubig ng pakonti-konti ang aking bibig. Litong-lito ako. "S-Sino ka?" tanong ko rito. "I'm your personal Doctor," sagot niya at inayos ang aparato na nakakabit sa aking kamay. "A-Anong nangyari sa a-akin? S-Sino a

