TAHIMIK. Iyon agad napansin ko dito sa probinsya. Masay at sobrang mapayapa ang pamumuhay ng mga tao rito. "May bayan din ba dito?" tanong ko kay Jarred. "Medyo malayo. Sa isang araw pupunta tayo sa bayan kaya bilhin muna ang lahat na gusto mo." "Okay," nakangiting sagot ko naman. Pumunta muna ako sa likod ng kubo para tingnan ang mga biik. "Bakit ang cute niyo," nakangiting saad ko naman. Kinuha ko ang maliit na palanggana kung saan doon nilalagay ni Jarred ang pagkain nila. "Gusto niyo ulit kumain?" "Mauubos ang feeds sa ginagawa mo, Sheree!" Galit na sigaw naman ni Jarred sa akin at hinila Ang palanggana na hawak-hawak ko. "Eh..like nila kumain eh," sagot ko naman. "Hindi oras-oras pinapakain ang mga iyan!" aniya at galit na tumalikod ito Ngumuso na lang ako. "Liguan ko na

