SALVE
"Umalis po ba si Gabriel?" tanong ko sa guwardiya.
"Yes, Miss Salve. Kasama si Alfred."
Tumango na lang ako at pumasok na ulit sa loob ng mansion.
Halos wala ng pakialam si Gabriel sa akin. Basta nakikita lang niya ako na nandito sa mansion. Minsan nagpaalam ako rito na uuwi sa bahay ng parents ko at doon matutulog, pero nagalit ito sa akin.
Minsan lang ako dumadalaw sa mga magulang ko. Pero, kailangan ko rin bumalik agad. Inu-orasan ni Gabriel ang bawal pag-alis ko sa bahay. Kahit pagpasok ko sa university, alam niya ang bawat schedule ko.
"Babalik na dito sa mansion si Senyorita Hannah," aniya ng isang tauhan ni Gabriel.
Napatigil naman ako. Paakyat na sana ako papunta sa aking silid. Hindi naman nila ako napansin.
"Paano si Miss Salve?" tanong naman ng isa.
"Huwag na natin iyan pag-uusapan. Bumalik na lang tayo sa pagbabantay sa labas!"
Napalinga naman ako. Uuwi na dito sa mansion ang asawa ni Gabriel.
Anong karapatan ko pa dito?
Ang sakit! Pakiramdam ko, dinudurog ng pinong-pino ang puso ko.
Halos maghapon na nagmumukmok ako sa aking silid. Wala na rin akong ganang kumain.
"Miss Salve?"
Kasalukuyan nagbabasa ako ng aklat nang may tumatawag sa labas ng pinto.
"P-Po?"
"Kakain na ng hapunan."
Napabuntonghininga naman ako. "Wala po akong gana."
"Pinapatawag kayo ni Boss Gabriel."
Binaba ko namanang aklat na hawak-hawak ko at tinanggal ang reading glass ko.
Dumating na pala si Gabriel.
"Sige po, susunod na lang ako."
Mabilis na nagbihis ako at agad na bumaba sa dining.
Pagdating sa dining area. Hindi ko inaasahan na nakaharap ko na ang babaeng kaagaw ko kay Gabriel.
"Ganito ba ang gusto mo ba, Gab? Ang ibabahay mo ang mistress na kasama ako?" sumbat ng babae na masama ang tingin sa akin.
Parang gusto ko umiyak. Kung sa itsura, wala na akong panama. Napakaganda niya at sobrang classy tingnan.
"Let's eat. Ayoko pag-uusapan ito sa harap ng pagkain!" aniya ni Gabriel na nakatitig din ito sa akin. "Umupo ka na, Salve."
"Gab, akala ko ba aayusin na natin ang ating pagsasama?! Bakit nandito ang kabit mo?!" nagwawalang sigaw ng asawa ni Gabriel.
Yumuko na lang ako habang tahimik kumakain.
Hindi ko rin gusto ang ganitong set-up ni Gabriel. Ayoko rin makasama ang asawa niya.
"Hannah, please. Mamaya na natin itong pag-uusapan," aniya ni Gabriel na hinahaplos ang kamay ni Hannah.
Kinagat ko naman ang aking ibabang-labi upang pigilan ang aking paghikbi.
Nauna natapos kumain sila Gabriel at Hannah.
"Sumunod ka sa library, Salve," saad sa akin ni Gabriel.
Agad na ang mga ito umakyat sa taas. Halos hindi ko na mainguya ang pagkain nasa loob ng aking bibig.
Gusto ko sumigaw at ilabas ang hinanakit ko kay Gabriel.
Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at pumunta na sa library.
"Hindi ako papayag, Gab! Ako pa rin ang legal!"
Naabutan ko naman nagwawala si Hannah.
"Hinayaan kita noon sa lahat ng kagustuhan mo. Kung ayaw mo sa ganitong set-up, you're free to leave, Hannah."
Napatingin naman ako kay Gabriel.
"A-Ako ang aalis dito," diin na saad ko naman.
Mariin naman ako tiningnan ni Gabriel.
"No. you'll stay here!"
"B-Baliw ka na, Gabriel! Sino ang matino ang pag-iisip na magsama sa iisang bubong ang asawa at ang kabit?!" sunod-sunod na pumatak ang luha ko.
"Good thing you know that, mistress!" galit na sigaw sa akin ni Hannah.
Taas-noo ko naman ito tiningnan.
"Hindi pa naman ako mauubusan ng lalaki, Hannah," mahina na saad ko.
"Stop it! Walang aalis sa inyong dalawa!" galit na sigaw ni Gabriel.
Masama ko itong tiningnan at tumalikod na.
Hindi ako magpapatinag sa kan'ya. Sino siya para hawakan ako sa leeg!
Pagpasok ko sa aking silid, agad ko ginayak ang mga gamit ko.
Uuwi na ako sa amin!
Bigla ako napatingin sa pinto nang may nagbukas ito.
"Where are you going?!" galit na tanong ni Gabriel at lumapit ito sa akin.
Matapang na sinalubong ko ang nagbabaga niyang mga mata.
"Aalis na ako. Hayaan mo na ako, Gabriel!"
Hinaklit naman niya ang braso ko.
"Kapag sinabi ko na bawal umalis, hindi ka puwede umalis! Understand?!"
Pilit ko naman hinihila ang braso ko na hawak-hawak niya ng mahigpit.
"G-Gab. Kung may k-konting pagmamahal ka sa akin, please, huwag mo ako saktan ng ganito!" Umiiyak na saad ko naman.
"Hindi kita sasaktan, Salve. Basta sundin mo lang ang gusto ko."
"N-Nababaliw ka na ba?! Hindi lang ako ang sinasaktan mo! Kahit ang asawa mo, sobrang nasasaktan na rin!"
Agad naman niya binitawan ang braso ko at tumalikod na ito.
"Aalis pa rin ako!" galit na sigaw ko sa kan'ya.
Humarap ulit ito sa akin.
"Try it, Salve. Kung ayaw mo pati ang mga magulang mo, madadamay sa kasalanan mo!" aniya at pabagsak sinara ang pinto.
Nanginginig ang katawan ko sa sobrang galit kay Gabriel.
Hindi ko kaya mapahamak sila Nanay at Tatay.
Wala na akong magagawa kundi sakyan ang kagustuhan ng walang hiyang si Gabriel Lee!