SHEREE KAHIT anong gawin ko, nawalan na ako ng gana mag-aral. I told my mom, next year na ulit ako babalik sa pag-aaral. Lagi na rin ako nagkakasakit. Hindi na rin ako masyadong kumakain. I prefer to sleep whole day. Nagagalit na rin SI Yaya kasi pinapabayaan ko na ang aking sarili. "Uuwi ang mommy mo. Tinawagan ko kagabi at hindi ka na kumakain." "Sana huwag na po," mahinang saad ko naman. "Galit ka ba sa mommy mo?" Yumuko naman ako. "Sheree?" "Hindi po ako galit, Yaya. Nagtatampo lang po," mahinang saad ko naman. Napabuntonghininga naman ito. "Kumain ka na. Ang laki na ng pinayat mo," aniya ni Yaya. "S-Sige po." Noong nakaraang linggo pa na ganito ang nararamdaman ko. Lagi na lang masama ang pakiramdam ko at laging antukin. Maghapon na lang na nagmumukmok ako sa aking silid

